You are on page 1of 5

Esp Reviewer

Aralin 1

Pananampalataya

-personal na ugnayan ng tao sa Diyos. - malayang pasya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa
pagkatao niya.

Hebreo 11:1 - ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam

*Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa diyos

2 pinaka mahalagang utos

1.ibigin ang diyos nang buong isip, buong puso at buong kaluluwa

2.ibigin mo ang iyong kapwa tulad nang iyong sarili

Pinaka mahalagang utos

{mag mahal}

-kung ano man ang ginagawa natin sa kapwa ay yon ang ginagawa sa diyos

Mother Teresa

-nakita sakanya ang malalim na ugnayan sa diyos sa pamamagitan nang pag lilingkod

-ang tunay na pagmamahal ay ang pag mamahal na walang kapalit

4 na uri ng pag mamahal

Affection - pag mamahal bilang mag kapatid

Philia -pag mamahal ng pagkakaibigan

Eros - pagmamahal batay sa pag nanais nang tao

Agape-pinakamataas na uri nang pagmamahal/Wala itong kapalit

Mapangalagaan Ang ugnayan sa diyos

Panalangin-
Panahon nang pananahimik o pagninilay
Pagsisimba
Pag aaral nang salita nang diyos
Pag mamahal sa kapwa
Pag babasa nang mga aklat tungkol sa espiritwalidad

Espiritwalidad

-pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at pag tugon sa tawag nang diyos

Tunay na diwa

-pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa diyos para sa kapayapaan at kapanatagan ng kalooban

ARALIN 2

moral na isyu sa buhay


ISIP - na may kakayahang hanapin, alamin at ipaliwanag ang katotohanan

KILOS LOOB- kakayahang gumawa, kumilos, pumili at magmahal.

ISYU- mahalagang katanungan na kinakapolooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkasalungat at nangangailangan nang mapanuring
pag-aaral upang malutas.

ISYUNG MORAL- isyu o gawi na itinuturing na masama na unti-unting nagpapabago ng pananaw natin tungkol sa moralidad.

MGA ISYUNG MORAL

-PAG GAMIT NANG IPINAGBABAWAL NA GAMOT

“ Isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa
tuloy-tuloy na pagkakataon” (Agapay, 2007)

Ang pagkagumon sa droga/ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng masamang epekto sa isip at katawan

Nagdudulot ito ng blank spot

Nahihirapan sa pag proseso ang isip nagdudulot ng maling pagpapasiya at pagkilos

ALKOHOLISMO

Nagpapahina ng enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip at sumisira sa kapasidad ng pagiging malikhain

Dahil sa pag-iiba ng ugali, at kawalan ng pokus, nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng makabuluhang pakikipag-kapwa

Nauuwi sa krimen

Ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung paiiralin ang pagtitimpi at disiplina.

ABORSIYON

pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.

Sa ilang bansa, itinuturing na lehitimong paraan sa pagkontrol ng paglaki ng pamilya.

Sa Pilipinas, itinuturing itong isang krimen.

Dalawang uri nang aborsiyon

1. Kusa (miscarriage) - pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari, at hindi
ginamitan ng medikal o artipisyal na paraan.

2. Sapilitan (Induced) - pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot.

Dalawang magkasalungat na posisyon ng publiko ukol sa aborsyon

1. Pro-Life

2. Pro-Choice

Pro-Life (llegal Ang aborsyon)

Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi.

Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina, dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito.

Kung magiging katanggap tanggap ang aborsiyon, maaaring gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan para hindi ituloy ang pagbubuntis.

Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensyal.


Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng Diyos ay masama.

Pro-Choice ( LEGAL ANG ABORSYON)

Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan.

Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay bata ng ina.

Sa kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring maging tagapagpaalala sa babae ng trauma na kaniyang naranasan.

Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis, magpapasiya ang ina na dalhin sa ampunan ang sanggol.

Ang aborsyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan

PRINSIPYO NANG DOUBLE EFFECT

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may mga oras kung kailan ang isang kilos na nararapat gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto.

Pagpapatiwakal

Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.

May mga taong tuwirang inilalagay ang sarili nila sa panganib ngunit hindi maituturing na pagpapatiwakal. (sundalo, pulis at iba pa)

Mga rason nang pagpapatiwakal

Despair (kawalan ng pag-asa)

-Pagkawala ng tiwala sa sarili at kapuwa, gayundin ang pagkawala ng paniniwala na may mas magandang bukas pang darating. Marami sa mga
nakararanas nito ay itinuturing ang kanilang sarili na wala nang halaga.

EDWARD A MORATO - dapat positibo ka sa buhay

Eduardo A. Morato Self-Mastery ( 2012)

Upang mapigilan ang kawalan ng pag-asa, kinakailangang mag-isip ang isang tao ng malaking posibilidad at natatanging mga paraan upang harapin ang
kaniyang kinabukasan.

Maging positibo sa buhay upang mabawasan ang mabigat na dinadala ng isang tao.

Euthanasia (Mercy Killing)

Isang gawain kung saan napapadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala ng lunas na karamdaman

Tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. Tinatawag ding assisted suicide

Ang pagpapatigil sa paggamit ng life support ay hindi itinuturing na masamang gawain. Ito ay maliwanag na pagsunod lamang sa natural na proseso.

Ang ipinagbabawal ay ang mga gawain na tuwirang naglalayon na mapadali ang buhay tulad ng pagbibigay lason o labis na dosis ng gamot.

Ang buhay ng tao ay sagrado.

-nilikha ayon sa wangis ng diyos

-nilikha nang may ispiritu

-nilikha nang may kakayahan mag isip at pumili

ARALIN 3
Pagmamahal sa bayan

Pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito.

Tinatawag din itong patriyotismo Mula sa salitang pater – ama o salitang inuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.

Pagmamahal sa bayang sinilangan (Native Land) .

ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o
kabutihang panlahat.

NASYONALISMO

Tumutukoy ito sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura at mga
kaugalian o tradisyon. Isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao.

MGA ANGKOP NA KILOS NA NAIPAPAMALAS NG PAGMAMAHAL SA BAYAN

1.Mag-aral nang mabuti

2.Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga

3.Pumila nang maayos

4.Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad

5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya

6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng basura kahit saan

7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong

8. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled

9. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito ng tama

10. Alagaan at igalang ang nakatatanda

11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan.

ARALIN 4

Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan

1. Maling pagtatapon ng basura.

2. Iligal na pagpuputol ng puno.

3. Polusyon sa hangin, tubig at lupa.

4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan.

5. Malabis at mapanirang pangingisda.

6. Pagcoconvert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina at quarrying.

7. Global warming at climate change

8. Komersyalismo at urbanisasyon
Karagdagang hakbang sa pangangalaga sa kalikasan

•Itapon ang basura sa tamang lagayan

•sabuhay ang 4R (Reduce, Reuse, Recycle, Replace)

• Pagtatanim ng puno

• Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagpatupad nito.

•Mabuhay nang simple

•Magtipid sa paggamit ng tubig

•Iayos ang paggamit at pagkonsumo ng kuryente at enerhiya.

• Sumali sa mga programa na nangangalaga sa kalikasan

Climate change-malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang
sistema ng klima.

Global warming-patuloy na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa atmospera .

Pope Benedict XVI-

“ The planet you do not save is the earth you will not live upon" -

You might also like