You are on page 1of 4

CATIGBIAN NATIONAL HIG SCHOOL

PANGHULING MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon Sa Pagpapakatao 10

PANGALAN: __________________________________ Taon at Pangkat : _________________ Petsa:________________

___________________________________________ ______________ ______________


PANGALAN AT LAGDA NG MAGULANG ISKOR MARKA

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at bilugan ang tamang
sagot.
1. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag at pag-alis ng isang fetus o sanggol na hindi
maaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. borsiyon b. alkoholismo c. euthanasia d. pagpapatiwakal
2. Isang mahalagang katanungan n kinapapalooban ng dalawa o higit pang panig o posisyon na magkakasalungat
at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. Balita b. isyu c. kontrobersiya d. opinion
Basahin at unawain ang sumusunod na talata para sa bilang 3 at 4.
The Lifeboat Exercise
-William Kirkpatrick
Sa isang klase, nagbigay ng sitwasyong ang guro upang mapag-isipan ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya, isang barko
ang nasiraan sa gitna ng karagatan at nanganganib ng lumubog. Dahil dito inihanda ng mga tauhan ng barko ang lifeboat
upang mailigtas an mga pasahero. Ngunit limitado lamang ang bilang nito at hindi lahat ng pasahero ay
makakagamit nang sabay-sabay. Nangangahulan ito na may maiiwan at di-tiyak ang kanilang kaligtasan .
Nagbigay ang guro ng maikling paglalarawan ng mga nasa loob ng barko. Kabilang dito ang mag-asawa at kanilang mga
anak, accountant, manlalaro ng basketball, guro, doctor, inhinyero, artista, mang-aawit, pulis, sundalo, isang batang
Mongoloid, matandang babae at marami pang iba. Mula sa mga nabanggit, dapat pumili ang mga mag-aaral kung sino-
sino ang mga sasakay sa lifeboat at kung sino-sino ang maiiwan sa barko.

3. Sa pahayag na “limitado lamang ang bilang nito at hindi lahat ng pasahero ay makakagamit nang sabay-sabay. Nangangahulan ito
na may maiiwan at di-tiyak ang kanilang kaligtasan,” ano ang dapat na maging kaisipan ng taong may hawak na lifeboat?
a. Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib
b. Mahalaga ang kontribusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng sasagipin
c. Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalagayan ng tao sa lipunan
d. Mahalaga ang edad sa pagsasa-alang alang sa pagpili ng sasakay sa lifeboat
4. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa kasagraduhan ng buhay? A. dahil susi ito
tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay
B. dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhann ng buhay
c. dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay
D. dahil dahilan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay
5. Dail sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makakabuo ng Mabuti at matalinong posisyon sa kanila ng iba’t ibang isyung
moral na umiiral sa ating lipunan. Ang pangungsap na ito ay;
a. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan
b. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili at magmahal
c. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kanyang paghusga, gawi, at kilos
d. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain at ipaliwanag ang katotohanan sa kanayang paligid
6. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inum ng alak maliban sa;
a. Nagpapabagal ng isip c. nagiging sanhi ng iba’t ibang sakait
b. Nagpapahina sa enrhiya d. nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa
7. Si John Mathew ay mahilig sumama sa kanyang mga kaibigan sa labas ng paaralan. Dahil dito, naimpluwensyihan at nagumon siya
sa paggamit ng ipinagbabawal na gamut. Hindi nagtagal, nakagagawa na siya ng mga bagay na hindiinaasahan tulad ng
pagnanakaw. Marami ang nalungkot sa kalagayan niya sapagkat lumaki naman siyang mabuting bata. Ipaliwanag ang kaugnayan ng
paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip at kilos-loob ni John Mathew at sa kanyang maling pagpapasiya.
a. Ang isip ay nagiging ‘’blank spot,’’ kaya nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito-sanhi ng
maling kilos at pagpapasya
b. Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sap ag-abuso rito at di pag-ayon ng kilos-loob sa pagpapasya
c. Ang isip at kilos ay di nagtugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at matalinong pag-iisip
d. Ang isip at kilos-loob ay humina dahil sa maraming bagay na humahdlang sa paggawa nito ng kabutihan
8. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit ang kaganapan bilang tao
b. Taglay niya ang kakayahang piliin ang Mabuti para sa sarili at sa ibang nilikhan ayon sa Likas na Batas Moral
c. May kakayanang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag at mga katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa kaniyang
paligid
d. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at iba
pang nilikha
9. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na kalianman ay
hindi na gagaling pa?
a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia d. Lethal injection
10. May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa kabilang banda, hindi nararapat
ang mga taong nagpatiwakal. Maaring sila ay may pinagdaraanang mabigat na suliranin at wala sa tamang pag-iisip (halimbawa,
depresyon) sa oras na ginawa nila iyon. Ano ang mahalagang diawa ng isinasaad na pahayag?
a. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang buhay
b. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay
c. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasyang magpatiwakal
d. Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdaraanan

CATIGBIAN NATIONAL HIG SCHOOL


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10

PANGALAN: __________________________________ Taon at Pangkat : _________________ Petsa:________________

___________________________________________ ______________ ______________


PANGALAN AT LAGDA NG MAGULANG ISKOR MARKA

I. TAMA O MALI : Panuto. Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang
“TAMA” kung ang pangungusap ay wasto at “MALI” kung ito naman ay hindi wasto. (Isulat ang sagot sa
patlang na nasa hulihan).
1. Ang Diyos ay kumikilos sa mahiwagang paraan sa buhay ng bawat tao. ________________
2. Ang pagmamahal sa Diyos ay maituturing na sentro ng pananampalataya ng bawat tao. _____________
3. Magkaiba at magkabukod ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa. ______________
4. Ang pagmamahal sa Diyos ay may kaugnayan sa pagpapasyang moral ng tao at pagsasabuhay ng mga
birtyu (birtud). ________________
5. Ang mga pagsubok at dagok sa buhay ay mga pagkakataong pinababayaan ng Diyos ang tao upang
masubok ang kanyang lakas at talion. ________________
6. Ang pagninilay sa kahalagahan ng buhay ay nagbibigay-daan sa katotohanang kaya ng ta na bigyang-
kasiyahan at katuparan ang mga pansariling pangangailangan. _____________
7. Hindi lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay kayang ipaliwanag ng isip o rason na kaloob ng Diyos. ____________
8. Ang pagpapatibay sa pagmamahal sa Diyos ay likas na madali para sa bawat tao. ____________
9. Likas sa bawat tao ang paghahanap sa Diyos dahilan sa kanyang karapatang magpasiya ng masama o
Mabuti. ______________
10. Sapat na ang pansariling kagustuhan ng tao at pagsisikap upang maisakatuparan ang kaniyang naisin
dahil sa talinong kaloob sa kanya ng Diyos. _____________
11. Ang pagkaubos ng posibleng rason at kadahilanan sa mga pangyayari sa buhay ng tao tulad ng kalamidad, sakuna
at karamdaman ay hindi sapat na dahilan upang mawala ang pagmamahal sa Diyos. _____________
12. Ang personal na pagsamba at panalangin ay sapat na upang pag-ibayuhin pa ng tao ang pagmamahal sa
Diyos sa kaya hindi na kailangang makilahok pa sa mga gawaing pansimmbahan. ________________
13. Nagkakaroon ng kaliwanagan ang buhay sa kabila g kawalan ng kasiguruhan kapag ang tao ay may
pagmamahal sa Diyos. ______________
14. Hindi kailangan ng tao na magkaroon ng mga adhikain at balakin sa buhay sapagkat ang lahat ay
nakasalalay sa awa at pagmamahal ng Diyos. _______________
15. Ang pagbabalik-loob ng tao sa Diyos ay isang biyaya at gabay na dulot ng pagmamahal ng Diyos. ____________
16. Ang tagumpay ng isang Pilipino ay tagumpay niya lamang. _____________
17. Pasibong kasapi ng lipunan ang taong may pagmamahal sa bansa. _____________
18. Ang taong may pagmamahal sa bayan ay may malasakit para sa kapakanan nito. ______________
19. Ang konsepto ng patriyotismo ay nagpapahiwatig ng mentalidad na ang mga Pilipino ay iisa bilang
mamamayan ng iisang bansa. ______________
20. Ang nakaraan ng bansa ay kasaysayan at ang hinaharap nito ay pananagutan. ______________

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong at bilugan ang titik o letra ng tamang sagot.
21. Ano ang kahulugan ng patriyotismo?
a. Pagmamahal sa lupa c. pagmamahal sa bayan
b. Pagmamahal sa ama/ina d. pagmamahal sa lider ng bayan
22. Ano ang pinakalayunin ng pagmamalasakit ng tao sa bansa?
a. Para maging mayaman na bansa c. maitaguyod ang kabutihan at kapakanan nito
b. Obligasyon na hindi matatakasan d. maipakita sa buong mundo ang pagkakaisa
23. Sino ang un t dapat magtulungan para mapa-unlad ang bansa?
a. May katungkulan b. maimpluwensiya c. ordinaryong mamamayan d. lahat ng nabanggit
24. Alin ang hindi mahalagang malaman ng isang taong may pagmamahal sa bayan?
a. Nakaraan at kasalukuyan ng bansa c. mithiin at kalakasan ng bansa
b. Pagpapahalaga at kalinangan ng bansa d. kabuoang pera ng bansa

25. Alin sa mga halimbawa ang mas nagpapakita ng pagmamalaki sa bansa?


a. Pag-asam na maging mamamayan ng bansa c. pagsuot ng mga kagamitang gawa sa ibang bansa
b. Paggamit ng makahulugang simbolo ng bansa d. pagtanggi sa mga kalakasan at tagumpay ng bansa
26. Alin sa mga pangungusap ang isa sa mga dahilan ng pagmamahal sa bansa?
a. Dito tayo nakatira c. maraming mga Pilipino ang mga mahuhusay at talentado
b. Maraming magagandang lugar sa bansa d. ang bansa ang pinag-uugatan ng ating pagkakakkilanlan
27. Sino sa sumusunod ang mas nakatutulong sa ikabubuti ng bansa?
a. Si “W” ay bumili ng mga produktong imported.
b. Si “M” ay nag-iipon ng pera para sa tuition ng kaniyang anak.
c. Si “P” ay nakikilahok sa paghahanap ng trabaho para sa mga nawalan.
d. Si “R” ay pumapasok sa trabaho araw-araw para sa kaniyang pamilya.
28. Alin sa mga pangungusap ang tumutukoy sa dahilan ng pagmamahal sa bayan kung saan binibigyang-halaga ang
ginawa ng mga bayani?
a. Daan sa pagpapabuti nito c. pinag-uugatan ng ating pagkakakilanlan
b. Nagbubuklod sa mga mamamayan d. naipagpapatuloy ang ipinamana ng ating mga ninuno
29. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawang paglabag sa konsepto ng patriyotismo?
a. Pagbabayad ng tamang buwis c. pagbibigay ng tamang sahod sa mga manggagawa
b. Pagtalaga ng tamang presyo ng bilihin d. paghila pababa sa kapuwang gumaganda ang buhay
30. Para kanino dapat ang ginagawang kabutihan ng tao?
i. Sarili iii. Komunidad
ii. Pamilya iv. Bansa
a. ii b. iv c. i at iii d. i, ii, iii, at iv
31. Anong larangan ng pag-aaral ang tumatalakay sa mg isyung may kinilaman sa buhay?
a. Bioethics b. business ethics c. professional ethics d. social ethics
32. Alin ang batayan sa pag-aaral ni Williams ang kumakatawan sa pansariling paghubog ng tamang katwiran at
mapanuring kaisipan?
a. Personal b. intstitusyon c. propesyonal d. unibersal/natural
33. Aling batayan ang nasasalig sa kalikasan at tunguhin ng tao at buhay?
a. Personal b. intstitusyon c. propesyonal d. unibersal/natural
34. Alin sa mga pangungusap tungkol sa sanggol mula sa sinapupunan ang hindi totoo hango sa argumento nina
Williams at Moira?
a. May Karapatan bilang isang nilalangng Diyos
b. May karapatang mabuhay at matupad ang kanyang kaganapan
c. May Karapatan na makaranas sa hinaharap ng magandang kinabukasan
d. Isang bagay na walang kaluluwa hangga’t hindi pa nailuluwal ng nanay mula sa kanyang sinapupunan
35. Alin sa mga pagpipilian ang pinakamabbigat na dahilan kung bakit isang paglabag sa paggalang sa buhay ng tao
ang euthanasia?
a. Taliwas ito sa kahulugan at layunin ng buhay ng tao na pangalagaan.
b. Kalimitan, hindi ang taong may sakit ang nagdedesisyon para dito.
c. Maraming pagamutan at health care ang pweding ibigay ang pwedend ibagay sa taong may malubhang sakit.
d. Sa pagtitipid, nagbibigay ng maling mensahe na mas mahalaga ang pera kaysa sa buhay.

III. Ipakita ang iyong pagkakaunawa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod;


(gumamit ng sagutang papel sa pagsagot dito) 5 pts. Each.
1. Paano maipapakita ng tao ang paggalang sa buhay bilang kaloob ng Diyos?
2. Ano-ano ang mga hakbang na kailangang gawin tungo sa paghubog ng moral na pagpapasiya? Paano
isasagawa ang bawat hakbang na ito?
3. Ano-ano ang mga batayan ng isang moral na paninindigan at pagpapasiya sa mga isyung may
kabanalan sa buhay?

Inihanda ni: Sinuri ni: Noted:

JOEL L. BALANQUIT MA. KRISTINE J. GALING MICHAEL J. FROILAN, Ph. D.


SST- II Makabayan Dept. Head School Head/HT-I

You might also like