You are on page 1of 56

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Aralin 26-30
Noli Me Tangere

Inihanda ni:

NEW YEAR D. TACATA


Guro II
Bagbag Solsona National High School

MYKA CERYLLE S. VERGARA


Guro I
Caraitan Integrated School
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Aralin 26-30 Noli Me Tangere
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: New Year D. Tacata
Myka Cerylle S. Vergara
Editor: Oscar Gamiao, Jr.
Rushelle Anne B. Calajate
Tagasuri: Editha R. Mabanag
Jon Jon D. Garcia
Tagalapat: Marvin M. Marugay
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Aralin 26-30
Noli Me Tangere
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Maligayang pagbabalik! Naritong muli ang isang kabanatang magpapamulat sa iyo


ng mga talinghaga ng buhay. Dito mababatid ang tunay na kalagayan ng lipunan
batay sa mga katagang inilahad ng mga tauhan.
Sa modyul na ito, Inaasahan kong mababatid mo ang mga sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto
1. Naibabahagi ang sariling damdamin batay sa pangyayaring naganap sa buhay
ng mga tauhan.
2. Nasusuri ang akda batay sa teorya ng Naturalismo.
3. Naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa tunay na kalagayan ng lipunan noon
at sa kasalukuyan.
Nasusuri ang katangian ng mga tauhan batay sa paraan ng kanilang pagsasalita.
Naisusulat ang pagbabagong naganap sa sarili matapos Mabasa ang akda.

1
Subukin

Paunang Pagtataya
A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang hinihingi ng bawat pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang kwartel?
A. Maykapangyarihan C. himpilan ng mga sundalo
B. isang dula D. tagapagbalita
2. Sino ang namahala sa pagdiriwang noong ikasampung gabi ng pista?
A. Crisostomo Ibarra B. Don Filipo C. Lucas D. Elias
3. Sino ang Padreng nagmamadaling lumabas nang walang sombrero at baston
na tumungo sa plasa?
A. Parde Damaso B. Padre Simon C. Padre Salvi D. Padre Sybila
4. Ano ang tawag sa inihanda nilang instrumento sa harap ng tanghalan?
A. Orchestra B. Banda C. Musiko D. Piano
5. Bakit hindi pinakinggan ni Don Filipo ang hiling ng mga prayle na paalisin sin
Ibarra?
A. Dahil matalik niya itong kaibigan
B. Dahil sa malaking abuloy nito sa pagdiriwang
C. Dahil may gagawin siya sa pagdiriwang
D. Dahil hiniling ito ni Maria Clara
6. Sino ang dumating na doctor ni Maria Clara habang siya ay may sakit?
A. Don Alperes B. Don Tiburcio C. Don Filipo D. Don Santiago
7. Bakit mapanglaw sa bahay ni Kapitan Tiago?
A. Dahil may paparating silang hindi inaasahang bisita.
B. Dahil may malubhang sakit si Maria Clara.
C. Dahil nagkasakit si Tiya Isabel.
D. Dahil naghihirap na si Kapitan Tiyago.
8. Sa iyong palagay, pag-ibig ba ang nagbunsod sa pag-iisang dibdib ng dalawang
mag-asawang De Espadaña?
A. Oo, dahil sa unang tingin pa lamang ay nagka-ibigan na sila.
B. Hindi, dahil may ibang mahal si Don Tiburcio noon ngunit napilitan lang
ito.
C. Oo, dahil hinangad ni Victorina ang makapunta ng Espanya.
D. Hindi, dahil sa una pa lamang, may kanya-kanya na silang hinihiling
tungkol sa paghahanap ng makakasama sa buhay.
9. Sino ang bumisita kay Padre Salvi?
A. Florante B. Santiago C. Lucas D. Elias

2
10. Sino ang tinatawag ni Maria Clara sa oras ng kanyang kahibangan?
A. ang kanyang ama C. Ang Birheng Milagrosa
B. Ang kura ng bayan D. Ang kanyang inang hindi kinagisnan
11. Sino ang ipinakilalang binata kay Maria Clara?
A. Linares B. Juan C. Lucas D. Crisostomo
12. Sino ang asawa ng doctor na tumitingin sa karamdaman ni Maria Clara?
A. Donya Aurora B. Donya Belen C. Donya Victorina D. Donya Consolacion
13. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang balingkinitan?
A. mataba B. sakitin C. payat D. malusog
14. Ano ang tunay na pangalan ni Donya Victorina?
A. Victorina de los Reyes C. Victorina delos Reyes de Espadaña
B. Victorina de Espadaña D. Victorina Espadaña Reyes
15. Sino ang pamangkin ni Don Tiburcio?
A. Lucas B. Linares C. Crispin D. Crisostomo
16. Sino ang nakita ni Crisostomo Ibarra na kasama ni Maria Clara sa balkon noong
dinalaw niya ito?
A. Linares B. Pedro C. Padre Damaso D. Padre Salvi
17. Ano ang naging damdamin ni Crisostomo Ibarra noong umalis siya sa tahanan
nila Maria Clara?
A. masaya B. matamlay C. masigla D.malungkot
18. Sino ang nakita ni Crisostomo Ibarra sa mga manggagawa na patuloy na
nagtatrabaho sa paaralang kaniyang pinapagawa?
A. Pedro B. Basilio C. Crispin D. Elias
19. Anong sasakayan nina Crisostomo Ibarra at Elias sa kanilang pag-uusap?
A. kotse B.bus C. bangka D. eroplano
20. Sino ang pinuno ng mga tulisan?
A. Kapitan Pablo B. Kapitan Basilio C. Kapitan Tiyago D. Kapitan Lucas

3
Aralin
Karapatan at Kapangyarihan
26 at Dalawang Panauhin

Balikan

Ang Gobernador-Heneral ay inanyayahan ng kapitan ng bayan na manood ng


prusisyon.
Nang mapatapat ang Birhen sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago, umawit si
Maria Clara sa tining na nakapagpapaluha. Nakaramdam din ng kalungkutan si
Ibarra.
Si Donya Consolacion ay hindi pinayagan ng alperes na lumabas dahil
nagmumukhang katawa-tawa lang ito sa mga tao.
Pinaakyat ng Donya si Sisa upang paawitin at pasayawin. Nadatnan ng
Alperes na sinasaktan ng asawa ang pobre. Sinawata niya ito. Inutusan niya ang
isang katulong na bihisan at pakainin si Sisa dahil dadalhin ito kay Ibarra
kinabukasan.
Maraming trahedya ang nararanasan ng tao. Anong pangyayari sa buhay mo
ang maituturing na trahedya?

Trahedyang Mga ginawang hakbang Positibo/Negatibong


naranasan upang makayanan pagbabago sa sarili
sa buhay

4
Tuklasin

Anong bagay ang gusting-gusto mo ngunit parang imposibleng makuha mo kaagad


pero kapag iyong pinilitay makukuha mor in? isulat o iguhit ito sa loob ng puso at
sa nakalaang patlang ay isulat mo kung bakit mo ito nais at ano ang gagawin mo
upang mapasaiyo ito.
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
_
Bilang bahagi ng paghahanda sa pag-aaral ng aralin, ito ay mahalagang
basahin mo muna ang buod ng kabanatang ating tatalakayin, ang Kabanata XLI
(Karapatan at Kapangyarihan) at XLII (Dalawang Panauhin) upang magkaroon ka ng
paunang kaalaman sa mahahalagang pangyayari hinggil sa mga ito.

Buod ng Aralin
Huling gabi ng pista, napuno ng tao ang plasa upang manood ng dula. Si Don Filipo
ang namahala sa pagdiriwang. Halos magtatapos na ang dula nang dumating si
Ibarra. Hindi nagustuhan ng mga prayle ang kanyang pagdating kaya’t hiniling ng
mga itong paalisin si Ibarra. Ngunit nanindigan si Don Filipo na hindi niya maaaring
paalisin ang binate dahil sa malaking abuloy nito sa pagdiriwang at dahil na rin sa
utos ng gobernadora-heneral. Nagkaroon ng iba pang hindi pagkakaunawaan nang
gabing iyon na nauwi sa malaking kaguluhan.

Samantala nang makauwi sa bahay si Ibarra ay halos hindi siya dalawin ng


antok. Iniisip niya ang kaguluhang naganap kaya’t minabuti niyang gumawa na
lamang sa kanyang aklatan. Una siyang dinalwa ni Elias at sinabi nitong may sakit
si Maria Clara at kung may ipagbibilin ba si Ibarra dahil pupunta siya sa Batangas.
Sumunod na dumalaw sa kanya si Lucas na nangungulit sa kanya tungkol sa perang
makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinabi
nitong maaari lamang silang magkaibigan ni Ibarra kung malaki ang perang
ibabayad ni Ibarra para sa kanyang namatay na kapatid.

5
Suriin

Bago simulan ang pagbasa ay pagtuonan muna ng pansin ang mga salita at
kahulugan ng bawat isa sa kahon. Ang mga salitang ito ay ginamit sa kabanata o
mga kabanatang iyong babasahin kaya’t makatutulong na alam mo na ang mga
kasingkahulugan ng bawat isa para sa mas malalim o mabisang pag-unawa.
Kabanata XLI  Kwartel – himpilan ng mga sundalo
 Awtoridad – makapangyarihan  Moro – tawag sa mga mandirigmang
 Iskandaluhin – guluhin; ipahiya Muslim
 Ginaratiyahan – sinisigurado;  Nagtihaya – pahiga na likod ang
pinananagutang tama nakasayad sa lapag
 Komedya – isang dulang  Sinita – pinansin
pantanghalang layuning magpatawa
 Korespondent – tagapagbalita Kabanata XLII
 Kuwitis – isang uri ng pailaw na  Eksperimento – pagtuklas
pumapaitaas sa kalawakan at  Kemikal – sangkap na ginagamit sa
pumuputok paglikha ng isang komposisyon
 Selyado – sarado
 Umuukilkil – gumigiit; pumapasok;
sumisingit

Batid kong mauunawaan mo na ang akda. Tunghayan kung ano ang mga
kaganapan sa pagdiriwang ng pista at kung ano ang kabuluhan ng dalawang
panauhin ni Ibarra sa kanyang buhay. Maari mo ng basahin ang akda sa ibaba.

Karapatan at Kapangyarihan
Kabanata XLI
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang
huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de
Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang
bayan.
Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay
ang Tinienti Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap
ng Tiniente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw
na ang Don sa kanyang tungkulin. Danga’t nalamang hindi tinanggap ng alkalde
ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria
Clara kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang kastila.
Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tiniente.
Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina
Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Ang pansin ng lahat ay nasa
entablado maliban kay Pari Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara.

6
Taposna na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang
bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan
at ang mga kasama nito. Tumindig si Pari Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo
na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang Don at sinabing hindi niya
magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don
hindi siya natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kau-kausap ng
Kapitan Heneralat ng Alkalde ng lalawigan si Ibarra. Kaya, wala itong dapat
ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito. May ilang tao na
lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng kura, sapagkat ang
mga ito ang nagsasabing si Ibarra ay eskumulgaldo. Dahil dito, naitanong ni Ibarra
na sila ay nasa panahon pa ng edad Media.
Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang
mawawala sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni Sinang subalit
nangako si Ibarra na babakik na lamang siya. Papalabas na si Yeyeng upang
sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo at ipinatitigil ang palabas
dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya Consolacion. Pero, hindi
pinagbigyan ang kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang
nagkagulo.
May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas
pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo
namang nakabalik na si Ibarra. Kaagad na hinanap niya si Maria. Kumapit na sa
bisig ni Ibarra ang mga nasindakna dalaga. Walang tigil naman sa kauusal ng letania
sa latin si Tiya Isabel. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal
ay pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak
ng masama sa mga sibil. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain
pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siys nakiusap.
Sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na
puntahan ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng
piloto ang mga lalaki na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng
nagsialisan ang mga tao.
Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari
sa liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa
nangyaring kaguluhan.
Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay
walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos
nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala
ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na
tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan
nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala
sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik
na sa kumbento si Pari Salvi.

7
Dalawang Panauhin
XLII

Dahil sa nangyari hindi dalawin mg antok si Ibarra, kaya naisipan nitong


gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at
sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man
lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias.
Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam
na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata
kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating
paglalakbay ni Elias.
Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari
sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa
panggugulo. Ang mga ito ay mga sibil. Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo
ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob ang
magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si
Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias.
Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng
kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya
ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas
at kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan.
Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang
ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si
Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Ska na nila pinag-usapan ang tungkol
sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya kaagad
si Lucas.
Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling si
Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa ang dugong
nananalaytay sa kanilang mga ugat… subalit kapag ito (Ibarra) ay mahusay
magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.

8
Pagyamanin

Kumusta ang iyong pagbasa ng akda? Naramdaman mo ba ang mga naramdaman ng


mga tauhan sa dalawang kabanata? Narito ang mga katanungan upang sukatin ang
iyong naunawaan.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong
papel.
1. Bakit maraming tao sa plasa nang gabing iyon? Sino-sinong kilalang tauhan
ang naroon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano-anong pangyayari ang naganap nang gabing iyon? Isalaysay ang mga ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ano ang naging bahagi ni Elias sa kaguluhan nang gabing iyon?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Bakit hindi dalawin ng antok si Ibarra nang gabing iyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Ano ang pakay ng ikalawang panauhin na dumalaw kay Ibarra?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Magaling! Alam kong nakatulong ang mga katanungan upang maikintal sa


iyong isipan ang mga pangyayari sa kabanata.

9
Isaisip

Ang pananakot, pamimilit, o paggamit ng dahas makuha lamang ang nais o


layunin sa buhay ito man ay ng isang indibidwal na tao o ng isang pangkat ay ating
makikitang nagaganap sa ating paligid sa kasalukuyan. Ang mga labanan o giyerang
naganap noon pa man hanggang sa ngayon ay isang pagpapatunay nito. Lahat ng
mga nangyayari ay may sanhi at bunga.
Balikan natin ang ilan sa mga liny amula sa kabanata. Piliin ang posibleng
bunga ng mga nakalahad na sanhi sa bawat bilang batay sa binasang kabanata.
Itiman ang napiling sagot at saka ipaliwanag sa patlang kung bakit ito ang iyong
sagot. May bilang na higit sa isa ang sagot.
1. May mga paputok na nakapaloob sa mga lobong papel na nakadaragdag liwanag
sa pagdiriwang.
 Kikita ng malaki ang mga Intsik na nagbenta ng paputok.
 Maaari itong magdulot ng sunog at panganib sa tao at mga kabahayan sa
lugar.
 Mas magiging masaya ang pagtatanghal dahil maraing tao at bata ang
matutuwa sa mga ito.
Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ang kapangyarihan ng kura ay inihahalintulad na sa kapangyarihan ng Diyos.
 Hindi sila nangingiming sabihin at ipatupad ang anumang kanilang
magustuhan.
 Mas magiging makapangyarihan pa sila kahit sa pinakamataas na pinuno.
 Ang mga tao ay lalapit sa kanila upang humingi ng tulong.
Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Inutusan ni Donya Consolacion at ng kanyang asawa ang mga guarida civil
upang pahintuin ang pagtatanghal ng dula sa plasa.
 Magagalit ang mga tao at magkakaroon ng kaguluhan.
 Malulugi ang namahala sa pagtatanghal ng dula dahil mag-uuwian na ang
mga tao.
 Matatakot ang mga pinuno at mahihinto ng wala sa oras ang dula.
Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Tutungo na sa Batangas si Elias at lilisanin ang Bayan ng San Diego.
 Wala ng manggugulo sa bayan ng San Diego.
 Matatahimik na ng husto ang mga guardia civil na tumutugis sa binata.
 Mababawasan ang taga-suporta at tagapagtanggol ni Ibarra.

10
Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isagawa

Bawat isa ay may mga bagay na nais makamit o makuha sa ating buhay.
Ngunit nakakalungkot nga lamang na minsan ay nakakagawa tayo ng marahas o di-
mabubuting bagay makuha lamang ang mga ito.
Sa kabanatang binasa ay makikita ang ganitong pangyayari sa buhay ng mga
sumusunod na mga tauhan.
 Prayle: Nanakot at nagbanta kay Don Filipo na mananagot sa Diyos ay
maykapangyarihan mapaalis lang ang kinaiinisang si Ibarra.
 Donya Consolacion, Alperes/Guardia Civil: Nanakot at nagsimula ng gulo sa
pagtatanghal upang mapahinto ito dahil sa makasariling dahilan lamang.
 Lucas: Nangulit, nangutya, at tila nagbanta kay Ibarra nang hindi agad
mabayaran ng salapi ang pagkamatay ng kanyang kapatid.
Punan ang diagram sa ibaba upang maipakita ang di-mabubuting eoektong
dulot ng pananakot o maaaring paggamit ng karahasan upang makuha lamang ang
mga bagay na nais. Gayundin ay magbigay ng mga paraan kung paano makukuha
ang mga ninais na bagay sa tamang paraan.

Di- mabuting Epekto ng Pananakot o Paggamit ng Dahas


sa Sarili o Kapwa Makuha Lamang ang Nais

Paraang Maaaring Gawin upang Makuha ang Nais sa Paraang


Hindi Namimilit, Nananakot, o Marahas

11
Mahusay! Tunay na ika’y mulat sa nagaganap sa iyong paligid. Narito na muli
ang huling pagsubok upang malaman ang iyong natutunan sa aralin.

Tayahin

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang hinihingi ng bawat pangungusap. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang kwartel?
A. Maykapangyarihan C. himpilan ng mga sundalo
B. isang dula D. tagapagbalita
2. Sino ang namahala sa pagdiriwang noong ikasampung gabi ng pista?
A. Crisostomo Ibarra B. Don Filipo C. Lucas D. Elias
3. Sino ang Padreng nagmamadaling lumabas nang walang sombrero at baston na
tumungo sa plasa?
A. Parde Damaso B. Padre Simon C. Padre Salvi D. Padre Sybila
4. Ano ang tawag sa inihanda nilang instrumento sa harap ng tanghalan?
A. Orchestra B. Banda C. Musiko D. Piano
5. Bakit hindi pinakinggan ni Don Filipo ang hiling ng mga prayle na paalisin sin
Ibarra?
A. Dahil matalik niya itong kaibigan
B. Dahil sa malaking abuloy nito sa pagdiriwang
C. Dahil may gagawin siya sa pagdiriwang
D. Dahil hiniling ito ni Maria Clara
6. Sino ang naghahanap kay Ibarra ayon sa utusan?
A. Don Filipo B. Lucas C. Elias D. Maria Clara
7. Saan nanaog si Ibarra matapos ang pag-uusap nila ni Elias?
A. Sa plasa C. Sa Batangas
B. Sa bahay ni Kapitan Tiago D. Sa simbahan
8. Dahil hindi siya makatulog, pumunta si Ibarra sa _________ upang malibang ang
loob.
A. Sa kwartel B. Sa plasa C. Sa simbahan D. Sa gabinete
9. Saan lalawigan papunta si Elias?
A. Batangas B. Batanes C. Baguio D. Bulacan
10. Kaanu-ano ng lalaking madilaw ang nakasalubong ni Ibarra sa daan?
A. Kapatid B. Pinsan C. Kaibigan D. Kasintahan

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang bukas na liham sa mga kapatid nating may gusting ipaabot
na mensahe kahilingang pagbabago sa gobyerno upang hindi sila gumamit ng
marahas na paraan. Banggitin sa iyong liham ang epekto ng marahas na hakbang
lalo na sa kabataang tulad mo.

Aralin Ang mag-asawang De


Espadaña, Mga Balak, at
27 Ang Pangungumpisal

Alamin

Maligayang pagbabalik! Naritong muli ang isang kabanatang magpapamulat


sa iyo ng mga talinghaga ng buhay. Dito mababatid ang tunay na kalagayan ng
lipunan batay sa mga katagang inilahad ng mga tauhan.
Sa modyul na ito, inaasahan kong mababatid mo ang mga sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto


1. Naibabahagi ang sariling damdamin batay sa pangyayaring naganap sa buhay
ng mga tauhan.
2. Nasusuri ang akda batay sa teorya ng Naturalismo.
3. Naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa tunay na kalagayan ng lipunan noon
at sa kasalukuyan.
4. Nasusuri ang katangian ng mga tauhan batay sa paraan ng kanilang pagsasalita.
5. Naisusulat ang pagbabagong naganap sa sarili matapos Mabasa ang akda.

13
Balikan

Sa nakaraang kabanata, naipamalas ang iba-t ibang gawain at emosyon ng


mga tauhan. Nasasalamin ang mga maaaring mangyari kung ang isang tao ay
makapangyarihan. Minsan, natatapakan ang Karapatan ng isang tao ng dahil
lamang sa kapangyarihang hawak ng ibang tao. Balikan natin ang mga damdaming
nangibabaw sa mga kabanata.
Panuto: Suriin kung anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag ng mga
tauhan sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. “Ano ang magagawa ko? Hindi niya tinanggap ang aking pagbibitiw,” ang tanong
at kwento ni Don Filipo kay Pilosopo Tasyo.
A. Pagkalungkot B. pagkabigla C. pagtataka D. pagkatakot
2. “Handa po akong panagutan ang aking desisyon Padre,” tugon ni Don Filipo sa
kahilingan ng Pari.
A. Pananakot B. paninindigan C. panunuya D. pagkabigla
3. “Panig kami sa inyo. Huwag ninyo silang pansinin,” sambit ng isang lumapit kay
Ibarra nang lumisan ang mga pari sa panonood ng pagtatanghal.
A. pagkampi B. pagsang-ayon C. pagtutol D. pagpapaawa
4. “Ayoko kayong abalahin. Naparito ako para itanong kung may ipagbibilin kayo
sa Batangas – papunta ako roon ngayon,” pagpapaliwanag ni Elias nang
pumunta kay Ibarra.
A. pagmamalasakit C . pagpupunyagi
B. pagpapaawa D.pagmamataas
5. “Ngunit kung mabuti kang magbayad . . . ay magiging magkaibigan tayo!”
pahabol na wika ni Lucas kay Ibarra.
A. pagbibigay C. pag-uuyam
B. pakikipagkaibigan D. pagkatakot

14
Tuklasin

Marami raw sa mga nakasanayan nating gawi ay namana natin sa mga


Espanyol. Alin-alin sa mga nakatalang kaugalian ang ginagawa ninyo hanggang sa
kasalukuyan? Lagyan ng tsek ang mga ito. Isulat sa espasyong nakalaan kung may
nais ka pang idagdag sa listahan.

_______ paghahanda tuwing piyesta


_______ pagpuprusisyon
_______ pagpapadasl
_______ mahusay na pag-eestima ng mga bisita
_______________________________________________
_______________________________________________

Ang sabi nila mahirap na raw matanggal sa ating Sistema ang mga bagay na
ating nakasanayan. Halimabwa ay ang magarbong paghahanda sa piyesta kahit ang
kapalit nito ay maubusan tayo ng pera sa pang araw -araw na gastusin. Sa araling
ito ay makikita mo ang ilan sa mga ugaling nakasanayan ng mga Pilipino na
hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ng ilan.

Buod ng Aralin
Madarama mo ang lungkot ng mga tao s bahay ni Kapitan Tiyago habang
hinihintay nila ang doktor na titingin kay Maria Clara, si Don Tiburcio de Espadaña,
ang asawa ni Donya Victorina. May kakaiba at kakatuwang kwento ang buhay ng
mag-asawa bago pa nila napagkasunduang magpakasal, at sa pagsasalaysay ng
kanilang kuwento nasasalamin mo na hindi sila masaya sa kanilang pag-iisang
dibdib. Ang dahilan ng kanilang pagpapakasal ay upang matugunan ang kanilang
magkaibang pangangailangan. Sa pagdating ni Don Tiburcio kasama ang kaniyang
may bahay ay binigyan nila ng pag-asa ang pamilya ni Maria Clara upang maibsan
ang kanilang pagkalungkot. Maging si Padre Damaso ay labis ang pagkabalisa sa
pagkakasakit ni Maria Clara. Naibsan panandalian ang kaniyang pagkabalisa nang
ipakilala sa kanya ni Donya Victorina sa Alfonso Linares, ang inaanak ng bayaw ni
Padre Damaso. May liham na dala si Linares para kay Padre Damaso. Habang sila
ay nag-uusap ay siya naming pagdating ni Lucas na pagkaraang masabi ang sadya
ay sinigawan at pinagtabuyan ni Padre Salvi.
Pagkatapos mangumpisal ay nabinat si Maria Clara. Nag-usap usap sila
upang lubusang gumaling ang dalaga. Magkaiba ang opinion ni Padre Slavi at Donya
Victorina, ngunit sa huli ang hatol ng kura ang nanaig – mangongomunyon ang
dalaga.

15
Suriin

Bago simulan ang pagbasa ay pagtuonan muna ng pansin ang mga salita at
kahulugan ng bawat isa sa kahon. Ang mga salitang ito ay ginamit sa kabanata o
mga kabanatang iyong babasahin kaya’t makatutulong na alam mo na ang mga
kasingkahulugan ng bawat isa para sa mas malalim o mabisang pag-unawa.
Kabanata XLIII Kabanata XLIV
 Balingkinitan –  Ibinulalas – inilabas
payat  Impit – mahina at pigil na tunog
 Dinaskol-daskol –  Mahinay – malumanay
Minadali  Matiwasay – payapa
 Ginugugol – ginagasta  Nauuntol – nauutal
 Kabuwayan – kahinaan  Namangha – nagulat
 Kalubhaan – pagkagrabe  Teresa – balkon; beranda
 Karamdaman – sakit
 Kauudyok – kasusulsol Kabanata XLV
 Mababakas – makikita  Humihiging – tumutunog;
 Mapanglaw – malungkot humuhuni
 Nagpahintulot – pumayag  Kahali-halina – kaakit-akit
 Nanaog – bumaba  Mabisa – epektibo
 Paanas – mas mahina sa bulong  Magkapatlang – magka-awang
 Patiyad – nakataas ang sakong  Nakababagot – nakaiinip
 Prestihiyo – kabantugan  Nakababalisa – nakakagulo
 Yumukod - yumuko  Pagmumuni- muni – pag-iisip
ng taimtim
 Sabad – singit sa usapan
 Satsatan - usapan

Batid kong mauunawaan mo na ang akda. Tunghayan kung ano ang mga
kaganapan sa bahay ni Kapitan Tiyago at sa buhay ni Maria Clara. Maari mo ng
basahin ang akda sa ibaba.
Ang Mag-asawang De Espadaña
Kabanata XLI

Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-


uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting
bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na
nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin sa dalawang ito ang higit na
mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito
upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng
magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr.

16
Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso (Linares) at
tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya.
Inaasahan ni Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na
maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kani-kanilang silid.
Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay
isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang
lamang. Nuong bata at dalaga pa siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya,
hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang
mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa
mataas na antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang
nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng
dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na taga-Espanya
na itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang
kastilang ito ay Tiburcio de Espanada na may 35 taong gulang, ngunit mukha pang
matanda kay Donya Victorina.
Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas
siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang
magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15
araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga
kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga
kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at
magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging
kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihya siya, pero dahil sa gipit na gipit
na siya, wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo.
Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga
ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala
talagang kaalam-alam sa panggagamot. Sa una mabana ang singil. Lumalaon
pataas ng pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil
dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong
ang mga tunay na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng
doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa
mga kakilala’t kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.
Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-
gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at
matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-
asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-
galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang
Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang
buwan ang lumipas, ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya
manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging
rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag
sa mga tarheta nito ang Victorina de los Reyes de Espanada.
Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay
naunsyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa lupaing ito ng mga

17
salvaje. Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala
ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.
Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak,
naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang
Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag
nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan nama’y
hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.
Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong
medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin
niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa
Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de Saya. Nagpaukit sa marmol ang
Donya ng karatulang may nakasulat na: DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA
EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito ay ikinabit sa kanyang bahay.
Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang Kastila sa kanyang mga
ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon
naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa
gastos ng Donya.
Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng kakilala
ng mag-asawa ang Pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad
sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at
pinangalandakan na kaututang dila nila ang Alkalde at ng iba pang nasa mataas na
poder sa estado.
Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng
Kapitan–Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang
Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na
nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Maria disin sanay’y nakadaupang
palad nila ang Heneral.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay
nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni
Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa
tabi ang dalawang kaibigang babae at si Andeng na may hawak ng punpon
ng Azucena.
Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso,
sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito
kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares.
Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito,
ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: sa Umaga ay liquen at gatas,
Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at
ipinakilala si Linares na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip
kay Maria na lubhang nagagandahan.
Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa magandang
mukha ni Maria nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari Damaso. Ang

18
pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad,
payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

Mga Balak
XLII

Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang


sinabi na Anak ko, hindi ka mamamatay. Nagtaka si Maria sa nakitang
anyo ng Pari. Ang mga nakakakilala sa Prayle ay halos hindi rin makapaniwala na
ang Paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong
kalambot na damdamin ng Pari. Tumindig si Pari Damaso at nagpunta sa
silong ng balag sa ilalim ng balkonahe at umiyak na parang batang ibunulalas ang
lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na
mahal ng Pari ang inaanak na si Maria.
Nang kumalma na ang damdamin ng Pari, ipinakilala ni Donya Victorina
si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si
Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na
si Linares ay nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso
madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na
abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso
na kakauapin nila si Tiyago.
Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang
siya nang batiin ni Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa
pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagdrama ng husto si Lucas, pilit na nagpapatulo
siya ng luha nang isalaysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan
lamang ng P500.00 para sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagalit ang Pari sa
kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya’t hindi siya
ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-bulong si Lucas.

Ang Pangungumpisal
XLIII
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang
pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang
inang hindi man lamang nakikilala. Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang
mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na
magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba
ang lagnat ni Maria.
Takang-taka na man si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta
niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang
pustiso ng asawa.
Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang paglipat ng parokya
ni Pari Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na ang ganitong
pagkakalayo ng Pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin niya

19
itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga
pangyayari noong pista. Sinabi naman ng Kura na mabuti nga ang di pag
papahintulot ng Kapitan na mag kausap ang anak at si Ibarra. Pero,
tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang
kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria.
Hindi pinansin ni Pari Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw
ang nagawa ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat
namga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito,
nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay Pari Salvi na gamutin ng kanyang
kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng alperes.
Hindi umimik ang Pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na
ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at
bibigyan niya ng Viatico kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling.
Samantala, pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa
bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kaag nakakaramdam
siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Silang kung hindi sumulat si
Ibarra. Sumagot si sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na
mapatawad ng Arsobispo ang kanyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang
kanilang pag-uusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si
Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapagtanong
si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga
kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay
nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng mahal na Birhen.
Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip
na makinig ang pari sa sinasabin ni Maria, tila ba binabasa
ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Pari Salvi, ito ay namumutla at
nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan na
di nagtamo ng patawad.

Pagyamanin

Kumusta ang iyong pagbasa ng akda? Nagustuhan mob a ang kuwento ng


mag-asawang De Espadaña? Naawa ka rin bas a malubhang kalagayan ni Maria
Clara? Narito ang mga katanungan upang sukatin ang iyong naunawaan.
Gawain 1: Sagutin Natin!
A. Panuto: Iayos ang mga salita sa klino ayon sa intensidad nito.
1. usapan, bulungan, satsatan
2. panglaw, dalamhati, lungkot
3. pasigaw, paanas, pabulong
4. yumukod, dumapa, tumungo
5. mabagal, mahinay. Makupad

20
B. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at tukuyin ang katangian ng
tauhan na masasalamin dito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Handa na ba ang silid? Alam mong ilang kamag-anak ni Padre Damaso na di
natin kilala ang darating na kasama ang doctor. Dapat na nasasaayos ang lahat.”
Ito ang tinuran ni Kapitan Tiyago. Siya ay . . .
A. mahusay magbalatkayo C. mainipin
B. mahusay makitungo sa kapwa D. palautos
2. Tumanggi si Donya Victorina sa maraming tagahangang Pilipino. Ang pangarap
niya’y makipag-asawa ng dayuhan. Si Donya Victorina ay . . .
A. ambisyosa C. mapaghiganti
B. isang dayuhan D. mapagpakumbaba
3. Hindi puwedeng kontrahin si Donya Victorina ng kanyang asawa. Nadomina niya
nang husto ang kanyang asawa. Hindi ito tumututol sa kanya kaya naging
parang tutang sunud-sunuran sa kanya. Kapag naiinis siya sa asawa ay hindi
niya iyon pinapayagang lumabas nang bahay. Si Donya Victorina ay . . .
A. buskador C. dominante
B. mapagmataas D. palaaway
4. “Hindi manggagamot ang aking asawa kundi sa mataas na tao lamang, at kahit
na ‘yon, kahit na ‘yon! Hindi katulad ng ibang doctor ang aking asawa, ano sa
palagay niyo? Sa Madrid ay wala siyang ginagamot kundi ang may mga
sinasabing tao!” wika ni Donya Victorina. Si Donya Victorina ay . . .
A. bukador B. mapagmataas C. dominante D. palaaway
5. “Makinig kang Mabuti, Anak. Sisimulan ko ang pagbasa sa Sampung Utos.
Babasahin ko ng madalang para ka makapag-isip- isip. Kung hindi mo narinig
ay ipaulit mo sa akin. Alam mo naming hindi ako napapagod sa paggawa ng para
sa ikabubuti mo,” ang sabi ni Tya Isabel. Si Tiya Isabel ay _________.
A. bugnutin B. istrikto C. maingay D. matiyaga

Isaisip

Isa sa mga impluwensiya ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay ang kanilang


matinding pananalig sa Diyos. May iba’t iba ring nakasanayan ang mga Pilipino
pagdating sa pagpapahayag ng kanilang pananampalataya na lumutang sa akda.
Suriin ang tatlong sitwasyong nakuha sa mga kabanatang binasa. Ilahad ang iyong
saloobin tungkol dito.
1. “Ano sa palagay mo, Isabel?” paanas na tanong ng balisang ama ni Maria Clara.
“Magdodonasyon baa ko sa banal na Krus ng Tunasan o sa Banal na Krus ng
Matahong? Lumalaking gaya ng punong-kahoyang Banal na Krus sa Tunasan,
pero pinapawisan naman gaya ng tao ang nasa Matahong. Alin sa palagay mo
ang mas milagroso?”

21
Pinag-isipang Mabuti ni Tya Isabel ang tanong, umiling, at bumulong:
“Lumalaki...tiyak na mas milagroso ang lumalaki kaysa nagpapawis. Lahat tayo
pinagpapawisan, ngunit hindi lahat ay lumalaki.”

“Totoo ‘yon, Isabel, totoo nga ‘yon. Pero tingnan mo ang pinagpapawisan . . . isang
kapirasong kahoy na karaniwang ginagawang bangko ay pinagpapawisan, hindi
iyon basta-bastang milagro. O, bweno, Mabuti pa’y magdonasyon sa dalawa para
walang sinumang maghihinakit, saka madadali pang gumaling si Maria Clara.”

Ang aking saloobin tungkol sa binasa ay


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. “Ang pagkakapangumpisal ni Maria Clara ang nagligtas sa kanyang buhay. Ang
malinis na konsensya ay mas maahalaga kaysa sa gaano mang karaming gamut.
Ngunit hindi ko kinakatwa ang kapangyaruhan ng siyensiya, higit sa lahat ay
ang pag-oopera! Pero, ang isang malinis na konsensiya . . . Magbasa kayo ng mga
aklat sa relihiyon at malalaman niyo ang napagaling ng isang mabuting
pangungumpisal,” wika ni Padre Salvi.

Ang aking saloobin tungkol sa binasa ay


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Nagsindi ng malaking kandila si Tiya Isabel para sa Birhen ng Antipolo at ng
maliliit para sa Birhen ng Kabanal-banalang Rosayoat sa Mahal na Birhen ng
Pillar. Mainagt niyang isinasantabi ang krusipihong ivory para ipaunawa na hindi
para rito ang sinindihang mga kandila. Gayon din ang kanyang ginawa a Birhen
ng Delaroche. Hindi pa ito kilala ni Tya Isabel at kailangang makarinig muna siya
ng mga himala ng nasabing Birhen.
Ang aking saloobin tungkol sa binasa ay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isagawa

Basahin at suriin ang mga sumusunod na mga pahayag. Itala sa mga patlang
ang mga kaisipang mahihinuha rito.
1. Pag-iisa ng mga Kaisipan tungkol sa Paniniwal sa Diyos
Mapapansin natin na ang tatlong kabanata ay umiikot kay Maria Clara at
iba’t ibang paraan para siya ay gumaling. Bagama’t tumawag sila ng manggagamot
upang suriin at pagalingin si Maria Clara ay nangingibabaw pa rin ang kanilang

22
pananalig sa Diyos, katulad ng pagbibigay ng donasyon, pagsindi ng kandila, at
pagtanggap ng sakramento. Masasabi mo bang ang mga gawaing ito ay isinasabuhay
pa rin hanggang sa kasalukuyan? Magbigay ng mga pangyayaring magpapatunay
rito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Pag-iisa-isa ng mga Kaisipan tungkol sa Pamamalakad sa Pamahalaan


Si Don Tiburcio na tinawag nina Kapitan Tiyago upang sumuri at gumamot
kay Maria Clara ay hindi naman totoong manggagamot, ang kanyang pagpapanggap
at pagpapabayad nang mahal sa Board of Medical Examineers sa Maynila. Ngunit sa
halip na kastiguhin siya ng Board ay ipinagwalang bahala nila ito sa kadahilanang
ang mga miyembro ng Board ay pawing Kastila rin.
Napansin mo ba na sa kasalukuyang panahon ay may mga ganitong
sitwasyon katulad ng pagwalang-bahala ng mga politiko, kung ang nagkasala ay
kasama nila sa Partido? Magbigay pa ng pangyayari sa kasalukuyan na
maihahalintulad dito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Mahusay! Tunay na ika’y mulat sa nagaganap sa iyong paligid. Narito na muli


ang huling pagsubok upang malaman ang iyong natutunan sa aralin.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan/pahayag. Piliin at


isulat sa sagutang-papel ang tamang letra ng sagot.
1. Sino ang dumating na doctor ni Maria Clara habang siya ay may sakit?
A. Don Alperes B. Don Tiburcio C. Don Filipo D. Don Santiago
2. Bakit mapanglaw sa bahay ni Kapitan Tiago?
A. Dahil may paparating silang hindi inaasahang bisita.
B. Dahil may malubhang sakit si Maria Clara.
C. Dahil nagkasakit si Tiya Isabel.
D. Dahil naghihirap na si Kapitan Tiyago.
3. Sa iyong palagay, pag-ibig ba ang nagbunsod sap ag-iisang dibdib ng dalawang
mag-asawang De Espadaña?
A. Oo, dahil sa unang tingin pa lamang ay nagka-ibigan na sila.
B. Hindi, dahil may ibang mahal si Don Tiburcio noon ngunit napilitan lang ito.
C. Oo, dahil hinangad ni Victorina ang makapunta ng Espanya.
D. Hindi, dahil sa una pa lamang, may kanya-kanya na silang hinihiling
tungkol sa paghahanap ng makakasama sa buhay.

23
4. Sino ang bumisita kay Padre Salvi?
A. Florante B. Santiago C. Lucas D. Elias
5. Sino ang tinatawag ni Maria Clara sa oras ng kanyang kahibangan?
A. ang kanyang ama C. Ang kura ng bayan
B. Ang Birheng Milagrosa D. Ang kanyang inang hindi kinagisnan
6. Sino ang ipinakilalang binate kay Maria Clara?
A. Linares B. Juan C. Lucas D. Crisostomo
7. Sino ang asawa ng doctor na tumitingin sa karamdaman ni Maria Clara?
A. Donya Aurora C. Donya Victorina
B. Donya Belen D. Donya Consolacion
8. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang balingkinitan?
A. mataba B. sakitin C. payat D. malusog
9. Ano ang tunay na pangalan ni Donya Victorina?
A. Victorina de los Reyes C. Victorina de Espadaña
B. Victorina delos Reyes de de Espadaña D. Victorina Espadaña Reyes
10. Sino ang pamangkin ni Don Tiburcio?
A. Lucas B. Linares C. Crispin D. Crisostomo

24
Karagdagang Gawain

Ang araling ito ay binubuo ng tatlong kabanatang may kanya-kanyang


pangunahing kaisipan. Kung nauunwaan mong Mabuti ang iyong binasa ay
maibibigay mo ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata. Isulat ito sa graphic
organizer.

Pangunahing Kaisipan

Kabanata 43
Ang Mag-asawang De Espadaña

Pangunahing Kaisipan

Kabanata 44

Ang Mga Balak

Pangunahing Kaisipan

Kabanata 45

Ang Pangungumpisal

25
Aralin

28 Ang mga Api

Balikan

Sa nakaraang kabanata, nasasalamin ang iba’t ibang uri ng pamumuhay at


kwento ng nakaraan ng mga tauhan. Maaaring ang mga ito ay nararanasan ng mga
ibang tao sa kasalukuyan. Ngunit sa ngayon kinakailangan makontento ang lahat
sa anumang meron siya lalong lalo na ngayong pandemya. Balikan natin ang mga
pahiwatig o aksyon na naipamalas sa mga kabanta.
Panuto: Tukuyin ang ibig ipakahulugan ng mga pahiwatig o aksyon batay sa
isinasaad ng mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nakadarama naman ng di mawaring kalungkutan si Don Tiburcio kapag naiisip
niya ang nalalapit nilang honeymoon. Nangingiti na lamang siya at pinalalakas
ang kanyang loob ng nagugunitang gutom. Bakit ganito ang nararamdaman ni
Don Tiburcio?
A. Natatakot siya kay Donya Victorina
B. Napilitan lamang siyang magpakasal dahil ayaw na niya muling magutom
C. Gusto na niyang bumalik ng Espanya.
D. Nakadarama siya ng matinding nerbiyos dahil sa edad niya.
2. Inatasan ang lahat nilang kasambahay na tawagin sila sa bago nilang titulo.
Dulot nito’y dumami ang kulot, laso at gamin a lace ni Donya Victorina. Lalong
kumapal ang pulbos sa kanyang mukha. Gayon na lamang ang pag-iinsulto niya
sa kanyang mga kabarong ang asawa’y hindi kasimbantog ni Don Tiburcio. Araw-
Araw ay nararamdaman niyang tumataas ang kanyang ranggo sa sosyedad. Ano
ang tingin ni Donya Victorina sa kanyang sarili?
A. isang mataas na sosyedad C. isang mabuting huwaran
B. isang ordinaryong katutubo D. isang lider ng pamayanan
3. Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kama ni Maria Clara at may sinabi ito sa dalaga.
Hindi nakapagpatuloy si Padre Damaso at iniwan niya ang dalaga. Umiiyak
siyang parang bata. Lumabas siya sa Teresa at ibinulalas ang sama ng loob sa
paboritong mga halaman ni Maria Clara. Anong dinaramdam ni Padre Damaso?
A. Galit nag alit si Padre Damaso kay Maria Clara
B. May ikinumpisal si Maria Clara kay Padre Damaso
C. Mahal na mahal ni Padre Damaso si Maria Clara at ayaw niyang ito’y
mamatay
D. May malubhang sakit din si Padre Damaso

26
4. Nang malaman ni Padre Damaso na naghahanap ng mapapangasawa si Linares
ay nalito ito ngunit mayroong biglang pumasok sa kanyang isipan. Ano kaya ang
kanyang naisip?
A. Ihahanap niya ng isang manang sa simbahan na mapapangasawa si
Linares
B. Ipakakasal niya si Maria Clara kay Linares.
C. Pababalikin na lamang niya si Linares sa Espanya.
D. Sasabihan niya ang binatang mas mabuti kung isang Espanyol di ang
kanyang mapapangasawa.
5. Habang binabasa ni Tya Isabel ang sampung utos ng Diyos ay napaiyak si Maria
Clara. Ano kaya ang iniisip niya?
A. Marami siyang nagawang kasalanan na mahirap patawarin.
B. Naiisip niyang malapit na siyang mamatay dahil mangungumpisal siya.
C. Ayaw niyang si Tiya Isabel ang magbantay sa kanya.
D. Naiisip niya si Ibarra dahil matagal na itong hindi dumadalaw sa kanya.

Tuklasin

Kapag ikaw’y nanonood ng pelikula o telenovela, sino ba ang karaniwang inaapi –


ang bida o ang kontrabida? _______________________________________________________
Ano ang nararamdaman mo para sa tauhang naapi? _______________________________
Bakit kaya ganito ang pakiramdam no para sa kaniya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Sa araling ating tatalakayin ay makikilala mo ang mga api sa lipunan. Sil ana nga
ang naapi ay sila pa ang nagtatago sa sariling bayan. Ating basahin ang buod ng
kabanata bilang paghahanda sa aralin. Sa pamamagitan nito magkakaroon ka ng
paunang kaalaman sa mahahalagang pangyayari sa kabanatang ito.

Buod ng Aralin
Hinanap ni Elias sa gitna ng kabundukan ang isang matandang lalaking
tumulong sa kanya ilang buwan na ang nakalilipas. Ang lalaking ito ay si Pablo na
kasalukuyang nagtatago dahil itinuturing siyang rebelde ng pamahalaang kastila.
Ibinahagi ni Pablo kay Elias ang mapait na pinagdadaanan niya at ng kanyang
pamilya. Hinimok siya ni Elias na magbagong-buhay at pinangakuang kakausapin
ang isang lalaking mayamang pinaglilingkuran niya na sa tingin niya ay
makatutulong sa kanilang mga api. Bagama’t may duda sa Pablo ay nanalig siya kay
Elias.

27
Suriin

Bago simulan ang pagbasa ay pagtuonan muna ng pansin ang mga salita at
kahulugan ng bawat isa sa kahon. Ang mga salitang ito ay ginamit sa kabanata o
mga kabanatang iyong babasahin kaya’t makatutulong na alam mo na ang mga
kasingkahulugan ng bawat isa para sa mas malalim o mabisang pag-unawa.
Kabanata XLVI  Palanas – batuhan
 Basal – hindi pa nagagamit  Pingot – uka; pingas
 Ginugol – ginamit  Sagabal – hadlang
 Marahas – mapuwersa  Tanglaw – gabay
 Marusing – madumi  Tugunin – sagutin
 Matiwasay – mapayapa  Tuktok – pinakamataas na
 Naglalagos – nagdaraan parte
 Nilinga – nilingon  Yungib - kuweba

Batid kong mauunawaan mo na ang akda. Tunghayan kung ano ang mga
kaganapan sa bahay ni Kapitan Tiyago at sa buhay ni Maria Clara. Maari mo ng
basahin ang akda sa ibaba.
Ang mga Api
Kabanata XLVI
Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay
sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nang makita ni
Elias ang matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may bahid
ng dugo. Kayat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli silang
magkita. Noon, ayon kay matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias. Subalit,
ngayon nagkapalit sila ng puwesto . Si Elias ay malakas samantalang ang matanda
ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban. May 15 araw na naibalita
kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan, pinaghanap siya nito sa
kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kanyang natagpuan.
Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga
di-binyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon,
yaman din lamang daw walang nangyari sa kanyang paghahanap sa angkang
nagpahamak sa kanyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na magturingan na
lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho na silang nag-iisa sa buhay.
Umiiling lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan
para magpanibagong buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang
kalupitang sinapit o pagkamatay ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang babae
sa kamay ng mga buhong. Nuon anya, siya ay isang duwag ngunit, dugo at
kamatayan ang isinisigaw ng kanyang budhi dahil sa kaapihang kanyang natamo.
Karumal-dumal ang sinapit ng kanyang mga anak kaya ganito na lamang ang
kanyang pagpupuyos.

28
Ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang
kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang
anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak
ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kanyang buhok at narinig niya ang
sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay
naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o magpakamatay.
Ang paratang na pagnanakaw sa kanyang anak ay di napatunayan, isa lamang
malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar. Pero
ang kanyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas.
Sanggunian:

https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-
tagalog-kabanata-45-ang-mga-pinag-uusig-ang-buod-ng-noli-me-tangere_180.html

Pagyamanin

Mula sa binasang akda ay nasasalamin dito ang totoong nangyayari sa lipunang


ginagalawan. Kaya sa gawaing ito ay iyong susuriin ang isang pahayag na totoong
nanyari sa lipunang ginagalawan.

Gawain 4: Suri na!


Panuto: Tunghayan ang isang pangyayari sa ksalukuyang panahon na tumatak sa
ating isipan at mula sa mga pangyayaring ito ay susuriin mo kung ano ang mabisang
paraan upang maipaglaban ang karapatan.

Sa gitna ng pandemya, umugong ang Anti-Terrorism Bill na kung saan naglabas


ng iba’t ibang sari-sariling opinyon ang mga Pilipino ukol dito. May naglahad na
kapag maisasabatas ito ay maraming mga inosente lalo na ang mga aktibista ang
pagkakamalang terorista at gagamitin itong pamamaraan upang kontrolin ng
gobyerno ang mamamayang Pilipino. Ngunit marami rin nagsaad na hindi ganoon
ang nilalaman ng Bill kundi iyon ay pamamaraan nila upang mapuksa ang
terorismo sa Pilipinas na ginagamit ang karahasan at pagdamay sa mga inosente
upang maipaglaban lamang ang kanilang ibang prinsipyo at paniniwala.

Batay sa pangyayaring tumatak sa isipan at kasaysayan ng Pilipinas, ano ng ba ang


mabisang paraan upang ipaglaban ang karapatan sa maayos na pamamaraan?
Ipaliwanag ang iyong sagot. Ito ay bubuuin lamang ng tatlo hanggang limang
pangungusap.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

29
Rubrik para sa Talata

Kategorya 5 4 3
Malinaw na Walang kamalian May mga Maraming
nailahad ang sa pagbabaybay iilang kamalian sa
pagpapaliwan at gramatika. kamalian sa pagbabaybay
ag na walang pagbabaybay at gramatika.
pagkakamali at gramatika.
sa baybay,
estruktura at
diwa.

Tayahin

Gawain 5: Subukan Natin!


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan/pahayag. Piliin at
isulat sa sagutang-papel ang tamang letra ng sagot.
1. Nakadarama naman ng di mawaring kalungkutan si Don Tiburcio kapag naiisip
niya ang nalalapit nilang honeymoon. Nangingiti na lamang siya at pinalalakas
ang kanyang loob ng nagugunitang gutom. Bakit ganito ang nararamdaman ni
Don Tiburcio?
A. Natatakot siya kay Donya Victorina
B. Napilitan lamang siyang magpakasal dahil ayaw na niya muling magutom.
C. Gusto na niyang bumalik ng Espanya.
D. Nakadarama siya ng matinding nerbiyos dahil sa edad niya.
2. Inatasan ang lahat nilang kasambahay na tawagin sila sa bago nilang titulo.
Dulot nito’y dumami ang kulot, laso at gamin a lace ni Donya Victorina. Lalong
kumapal ang pulbos sa kanyang mukha. Gayon na lamang ang pag-iinsulto niya
sa kanyang mga kabarong ang asawa’y hindi kasimbantog ni Don Tiburcio. Araw-
Araw ay nararamdaman niyang tumataas ang kanyang ranggo sa sosyedad. Ano
ang tingin ni Donya Victorina sa kanyang sarili?
A. isang mataas na sosyedad C. isang mabuting huwaran
B. isang ordinaryong katutubo D. isang lider ng pamayanan
3. Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kama ni Maria Clara at may sinabi ito sa dalaga.
Hindi nakapagpatuloy si Padre Damaso at iniwan niya ang dalaga. Umiiyak
siyang parang bata. Lumabas siya sa Teresa at ibinulalas ang sama ng loob sa
paboritong mga halaman ni Maria Clara. Anong dinaramdam ni Padre Damaso?
A. Galit nag alit si Padre Damaso kay Maria Clara.
B. May ikinumpisal si Maria Clara kay Padre Damaso.
C. Mahal na mahal ni Padre Damaso si Maria Clara at ayaw niyang ito’y
mamatay.
D. May malubhang sakit din si Padre Damaso.

30
4. Ilang araw ng naibalita kay Elias ang sinapit ng taong tumulong sa kanya?
A. 15 B. 16 C. 17 D. 18
5. Ilan ang namatay na anak ng matandang tumulong kay Elias?
A. isang lalaki at isang babe C. isang lalaki at dalawang babae
B. dalawang llaki at isang babae D. dalawang lalaki
6. Ano ang dahilan kung bakit pinatay nila ang isang anak na lalaki ng matandang
tumulong kay Elias?
A. Dahil lumabag siya ng ayon sa simbahan
B. Kinalaban niya ang kura-paroko ng bayan.
C. Pinagbintangan na may ninakaw siya sa kumbento.
D. Siya ay nahuli dahil siya ay nakitang nakikipagusap sa rebelled.
7. Ano ang nangayari sa paring nangbintang sa anak ng matandang tumulong kay
Elias na isa itong magnanakaw?
A. Siya ay bumalik sa Espaniya.
B. Napaniwala niya ang pagnanakaw ng isang binate.
C. Siya ay nanatiling nagsesermon sa kanilang simbahan.
D. Siya ay inilipat sa ibang bayan dahil sa mali niyang bintang.
8. Pumayag ba ang matanda sa plano ni Elias?
A. Oo, dahil gusto na lamang niyang kalimutan ang sinapit ng kaniyang pamilya.
B. Oo, dahil alam niyang wala siyang kalaban-laban sa mga prayle at gobyerno.
C. Hindi, dahil natatakot siyang manhuli ng mga guardia civil kung siya ay
aalis sa pinagtataguan.
D. Hindi, dahil ipaghihiganti niya ang sinapit ng kaniyang mga anak sa
kamay ng mga prayle.
9. Nang malaman ni Padre Damaso na naghahanap ng mapapangasawa si Linares
ay nalito ito ngunit mayroong biglang pumasok sa kanyang isipan. Ano kaya
ang kanyang naisip?
A. Ihahanap niya ng isang manang sa simbahan na mapapangasawa si
Linares.
B. Ipakakasal niya si Maria Clara kay Linares.
C. Pababalikin na lamang niya si Linares sa Espanya.
D. Sasabihan niya ang binatang mas mabuti kung isang Espanyol din ang
kanyang mapapangasawa.
10. Habang binabasa ni Tya Isabel ang sampung utos ng Diyos ay napaiyak si Maria
Clara. Ano kaya ang iniisip niya?
A. Marami siyang nagawang kasalanan na mahirap patawarin.
B. Naiisip niyang malapit na siyang mamatay dahil mangungumpisa siya.
C. Ayaw niyang si Tiya Isabel ang magbantay sa kanya.
D. Naiisip niya si Ibarra dahil matagal na itong hindi dumadalaw sa kanya.

31
Karagdagang Gawain

Bilang pangwakas sa gawaing ito ay sagutin ang panghuling gawain.

Gawain 8: PECS Chart


Panuto: Tukuyin ang matinding problema sa kabataang ito, kung ano ang naging
sanhi at ibinunga ng problema. Kung ikaw ang nahahara sa ganitng suliranin, anong
solusyon ang iyong gagawin. Ilahad ang mga ito sa susunod na PECS chart at ilhad
din ang pagbabagong naganap sa iyong sarili matapos mabasa ang akda.

P E C S
Mula sa kabanata, Ano ang Ano ang sanhi Kung ikaw ang
piliin ang epekto o (cause) ng nahaharap sa
makatotohanang ibinunga nito problema? ganitong
problemang sa tauhan? problema, anong
nangyayari sa solusyon ang
tunay na buhay. iyong gagawin?

Kategorya 3 2 1
Malinaw na nailahad Walang May mga Maraming
ang pagpapaliwanag kamalian sa iilang kamalian sa
na walang pagbabaybay kamalian sa pagbabaybay
pagkakamali sa at gramatika. pagbabaybay at gramatika.
baybay, estruktura at at gramatika.
diwa.

32
Nobelang Noli Me Tangere
Aralin Kabanata 47 at 48- Ang
29 Sabungan at ang Dalawang
Donya

Balikan

Makikita sa bahaging ito kung naunawaan ang nakaraang paksa. Simulan na


nating magbalik-tanaw!

Gawain 1. Paghahambing!
Panuto: Batay sa nakaraang aralin na may pamagat na ‘Ang mga Api’ makikita rito
ang iba’t ibang problemang kinakaharap ng ating bansa. Kaya sa gawaing ito,
ihambing ang kalagayang panlipunan sa kabanata na ipinakita sa pangyayaring
naganap sa teleseryeng ‘Ang Probinsiyano’.

Pagkakatulad

Ang mga Api Ang Probinsiyano

33
Tuklasin

Sa pagkakataong ito, ating tuklasin ang tungkol ang buod ng kabanata 46-Ang mga
Api
Gawain 2: Pagbubuod!
Buod ng Aralin

Ang araling ito ay nagpapakita ng dalawang tunggalian o sagupaan—ang


sabong ng mga manok at ang paghaharap ng dalawang donya. Ang sabong ng mga
manok ay sugal na naging bahagi na ng pamumuhay ng mga Pilipino. Dito
ipinakikita ang iba’t iang uri ng tao sa sabungan, ang iba’t ibang dahilan ng kanilang
pagpunta sa lugar na ito, at ang kanilang ginagawa pagkatapos ng kanilang
pagkatalo. Ang paghaharap naman ng dalawang donya ay bunga ng mababang
tingin ni Donya Victorina at Donya Concolacion at mataas na pagpapahalaga ng una
sa kaniyang sarili. Pinatulan ni Donya Concolacion at mataas na pagpapahalaga ng
una sa kaniyang sarili. Pinatulan ni Donya Concolacion ang hamom ng
mapagmataas na donya at doon nagkabistuhan ng mga lihim. Dahil sa hindi
magandang kinahinatnan ng kanilang pamamasyal bumalik sila sa bahay ni
Kapitan Tiyago at pinagbantaan si Linares na kapag hindi hinamon ng duwelo ang
tinyente ay ibubunyag niya ag lihim nito.

Isaisip

Alam kong nabasa niyo na ang buod ng kabanata 47 at 48 ngunit hindi pa sapat iyon.
Kaya bago tayo dumako sa pagbasa ng mga mag-aaral, titingnan muna ang mga
salitang mahirap unawain ang kahulugan
Paghalaw ng mga Balakid
Salita Kahulugan
tahur mahilig sa sugal
ulutan lugar ng pagpupustahan
ruweda lugar na maraming tao
sultada labanan ng dalawang itinali sa sabungan
sentensiyador tagapataw ng pausa
lasak uri ng manok/ rooster
bulik batik-batik na kulay puti at itim na tulad ng balahibo ng
tandang
pinagsalpuk pinaglaban
tarak saksak
pugay bati
daluhugin sugurin
bulatlat sasabihin
lulugo-lugo matamlay

34
Suriin

Sa bahaging ito, babasahin ang kabanata 47 ‘Ang Sabungan’ at 48 ‘Ang


Dalawang Donya’ ng Noli Me Tangere.

Gawain 3: Basahin Mo; Isapuso Mo


Ang Sabungan
Kabanata XLVI

Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego.
Ito ay nahahati sa tatlong bahagi. May pasukan ito sa pinto na binabantayan ng
isang babaeng naninigil ng bayad sa pagpasok. Nakahanay naman sa magkabilang
daraanan na mga tao ang mga tindera na nagtitinda ng kung ano-ano na katulad ng
pagkain, gamit na maliit sa bahay, sigarilyo at iba pa. Kalapit ito ng isang may
kalakihan ding lugar na kinaroroonan ng mga tahur o sobrang hilig sa sabong/sugal.
Dito nagpapalipat-lipat nang mabilis ang kuwarta sa kamay ng mga tao at
pakikipagsunduan. Ang tawag sa lugar na ito ay ulutan. Ang ikatlong bahagi naman
ng sabungan ay tinatawag na ruweda. Dito dinaraos ang mga sultada. Makikita sa
lugar na ito ang mga taong may mataas na tungkulin, mamamayan, ang mga tahur
at sentensyador.
Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo. Kapitan Basilio at Lucas.
Nagtanong si Kapitan Basilio tungkol sa manok na isasabong ni Kapitan Tiyago,
samantalang papasok ito sa sabungan na kasunod ang dalawang alalay o utusan na
may dalang isang lasak na manok at isang malaking puting tinali. Bulik naman ang
manok ni Kapitan Basilio. Nagkaroon muna ng batian tungkol sa pagkakasakit ni
Maria Clara, pagkaraan nagsundo ang dalawa na paglabanin ang bulik at ang lasak
sa pustang P 3,000. Parang apoy na kumalat ang paglalabanan. Nagkaroon ng
pustahan ang mga sabungero. Lumitaw na dehado ang pula at llamado ang puti.
Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing
pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay
naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay matamang pinagmamasdan ni Lucas.
Mayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay Lucas at nakiusap na
pautangin ito ng pera para may maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay may masaklap
na karanasan sa mga sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa palo ng mga ito.
Tinanong ni Lucas ang magkapatid kung payag na sila sa kondisyong
kaniyang ibinigay. Ayaw ng nakatatanda. Dahil dito, sinabi ni Lucas na kahit kilala
man niya ang magkapatid na ayaw ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang ama,
hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang hindi niya pag-aari. Ang pera, anya
ay kay Don Crisostomo Ibarra. Gayunpaman, kung papayag sila sa kanilang balak,
madali niyang mabibigyan ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kung
hindi lamang sa kanilang kapatid na babae ay matagal na siguro silang nabitay.

35
Pero, sinagot sila ni Lucas na mga nabibitay ay mga duwag lamang, walang salapi
at mahihina at kung sakali ay malapit lamang ang bundok.
Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na ilang sandali lang ay
kapuwa sugatan. Pero matindi ang sa puti. May tarak ito sa dibdib samantalang ang
sa pula naman ay sa pakpak lamang. Gayunpaman, unang bumulagta ang puwit na
nagngingisay at sumunod naman ang pula na ipinipikit ang mga mata. Ang nanalo
sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo ang sumunod.
Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta disin sana’y
nanalo ng tig-100 bawat isa. Sa hindi kalayuan, nakita nila si Pedro, ang asawa ni
Sisa na binibilangan ng pera ni Lucas, naisip nilang pumunta sa susunod na laban.
Tiyempo naming ang isinunod na paglalabanan ay ag bulik ni Kapitan Basilio
at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol sa kanilang
kapatid na babae. Naisip nilang wlang mangyayari sa kanila kung kukunin nila ang
inaalok nap era ni Lucas sapagkat si Crisostomo ay kaibigang matalik ng heneral at
kasama pa nito sa pamamasyal.
Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay binigyan
ng tig-30 sa kasunduang sasama sila sa pagsalakay sa kwartel. Kapag sila ay
nakapagsama pa, tig-sasampu ulit bawat maisa nila. Kapag nagtagumpay sila sa
gagawing pagsalakay, may tig-100 at ang mga kasama nila at sila naman ay tig-200
ang tatanggapin. Tumango sila apreho sa lahat ng kondisyon. Kaagad na tinaggap
ang perang hinihingi nila. Tinagubilinan ni Lucas ang magkapatid na kinabukasan
ay darating ang mga sandatang padala ni Ibarra. Sa ikawalo naman ng gabi sa
makalawa ay kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap ng utos.
Naghiwalay na silang tatlo matapos ang sabong.
Sanggunian: http:// www.wattpad.com/amp/102929159

Ang Dalawang Senyora


Kabanata XLVII

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na


namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay na mga
Indio. Ayon sa Donya pangit ang mga bahay na mga Indio. Sa kanilang paglalakad,
nababanas siya ng husto kapag hindi nagpupugay sa kanila ang mga
nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya sa Don na mamalo ng sumbereo. Pero
tumanggi ang Don bunga raw ng kaniyang kapansanan.
Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng asawa ng tinyente na si
Donya Concolacion, nagtama ang kanilang paningin. Parehong matalim. Tiningnan
nga ni Donya Concolacion si Donya Victorina mula ulo hanggang paa, ngumuso at
dumura sa kabila. Sinugod ito ni Donya Victorina at nagkaroon ng mainit na
pagtatalo. Binanggit ni Victorina ang pagiging labandera ni Concolacion at
ipinagdikdikan naman ng isa ang pagiging pilay ng asawa ni Victorina at pagiging
mapagpanggap nito. Dahil sa galit, kumuha ni Donya Concolacion ng latigo nito
upang daluhugin si Donya Victorina. Pero bago mag-pangabot ang dalawa, dumating

36
ang tinyente. Umawat din si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng
maraming tao na nakatawag ng pansin ng kanilang pagtatalakan.
Dumating ang kura at pinatigil ang dalawa, ngunit pasinghal na binulyawan
siya ng tinyente kasabay sa pagtawag ditong ‘banal-banalang Carliston’. Nagalit
naman ng husto si Victorina at sinabi kay Tiburcio na kailangan hamunin niya ito
ng duwelo. Tumanggi si Tiburcio kaya nahablot na naman ng hindi oras ang
kaniyang pustiso ng nagtatalak na asawa.
Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni Linares si
Maria Clara at ang kaibigan nito. Kay Linares nabaling ang atensyon ng Donya,
inutusan nito na siya ang humamon sa tinyente sa pamamagitan ng baril at kung
hindi ibubulatlat nito sa madla at kay Kapitan Tiyago ang tunay nitong pagkatao.
Namutla si Linares at humingi ito ng paumanhin sa Donya.
Siya namang pagdating ni Kapitan Tiyago na lugo-lugo sapagkat natalo ang
kaniyang lasak. Hindi pa nakapagpahinga si Tiyago, kinausap kaagad siya ni Donya
Victorina. Sinabi niya sa Kapitan na hahamunin ni Linares ang Alperes at kapag
hindi nita ito nagawa, hindi dapat itong maikasal kay Maria. Sapagkat ang duwag
ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin pa ng Donya. Dahil sa narinig
nagpahatid si Maria sa kaniyang silid.
Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan nila
ang kuwento sa paggamot kay Maria at ito’y umaabot sa kung ilang libong piso.
Naiwan naman si Linares na ansa gipit na kalagayan.

Sanggunian: http:// www.wattpad.com/amp/102929159

37
Pagyamanin

Mula sa binasang akda ay nasasalamin dito ang kultura, tradisyon at paraan ng ating
pamumuhay bilang isang Ilocano at Pilipino. Kaya sa gawaing ito ay iyong ibabahagi
ang iyong sariling kaalaman at karanasan.

Gawain 4: Ilahad ang Kuro-kuro!


Panuto: Lutang na lutang sa dalawang kabanata ang katangian ng ilang mga
Pilipino. Suriin natin ang ugaling nakapaloob sa susunod na pahayag. Tukuyin kung
ito ay positibo o negatibo at ilahad ang iyong kuro-kuro at paliwanag. Ang unang
bilang ay isasagawa para sa iyo.
Katamtamang Positibo o Ang Sarili Mong Kuro-
Pilipinong Negatibo kuro at Paliwanag
Nakapaloob sa
Pahayag
Alagang-alaga ng mga Inuuna ang negatibo Nakakalungkot isipin na
may-ari ng manok ang pagbibisyo may mga Pilipinong
kanilang panabong…higit higit sap ag- napapabayaan ang mga
pa sa pag-aalaga sa aalaga sa anak dahil inuuna nila
kanilang mga anak na anak. ang kanilang bisyo. Sa
siyang hahalili sa kanila halip na magpakita sila
sa sabungan. ng magandang ehemplo
ay nahihikayat pa nilang
sumunod sa kanilang
mga yapak ang kanilang
mga anak.
Nagsusugal ang mga
sundalo hbang
nagbabantay at sila pa rin
ang nangugulo.
May mga laso pa at
palamuting artipisyal na
bulaklak ang kaniyang
suot na damit upang
pasikatan ang mga
probinsiyanong ito at
ipakita kung gaano
kababa ang kanilang
pagktao kung ihahambing
sa kaniya.
“Ginang!” sigaw ng galit
nag alit nang tinyente.
“Pasalamat ka’t
nagugunita ko pang isa
kang babae. Kung hindi
ay…!”

38
Rubrik para sa Talata

Kategorya 3 2 1
Malinaw na Walang kamalian May mga Maraming
nailahad ang sa pagbabaybay iilang kamalian sa
pagpapaliwan at gramatika. kamalian sa pagbabaybay
ag na walang pagbabaybay at gramatika.
pagkakamali at gramatika.
sa baybay,
estruktura at
diwa.

Tayahin

Gawain 5: Subukan Natin!


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan/pahayag. Piliin at
isulat sa sagutang-papel ang tamang letra ng sagot.
1. Sa pagpipilian, alin sa mga ito ang hindi nagpakita ng katangian ng mga tauhan
sa kabanata 47- Ang Sabungan.
A. Ang mga mamamayang nanonood ng sabong ay ipinusta ang kanilang
ilang ari-arian dahil sa pagkalulong nila.
B. May mga tauhan sa kuwento na ginagamit ang kanilang koneksyon at pera
upang hamakin ang kapuwa.
C. May mga opisyales na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang
gawing tama ang mga mali gaya ng pagsusugal.
D. Ang ilang mamamayan ay sama-samang pumunta sa pamahalaan upang
ipatigil ang kanilang maling gawain.
2. Anong katangian ng isang Pilipino ang ipinakita ni Donya Victorina.
A. Pilipinong walang pagmamahal sa sariling bansa.
B. Mapagpanggap at mapangmata sa kapuwa.
C. Masyadong sinasamba ang nasa ibang bansa.
D. Lahat ng nabanggit
3. Anong klaseng asawa ang ipinakita sa katauhan ni Don Tiburcio.
A. Hindi kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili.
B. Sunod-sunuran sa asawa kahit ito ay hindi tama.
C. Alam ang tama at mali.
D. Tama ang letrang A at B

39
4. Bakit walang hustisiya sa pagkamatay ng ama at pananamantala sa kapatid na
babae ni Tarsilo at Bruno?
A. Dahil sila ay mga duwag at natatakot sa sasabihin ng ibang tao.
B. Walang magagawa ang kanilang paghihiganti dahil hindi nila mahal ang
namayapang kapamilya.
C. Dahil sa kahirapan, hindi nila kayang kalabanin ang nasa taas.
D. Wala sila noong namatay ang kanilang ama.
5. Sino ang nakita ni Tarsilo at Bruno na huming o umutang ng pera kay Lucas?
A. Basilio B. Crispin C. Elias D. Pedro
6. Ano ang kaganapan sa dinaluhan ng magkapatid na Tarsilo at Bruno?
A. binyag B. kasal C. lamay D. sabungan
7. Kaninong manok ang ilalaban sa manok ni Kapitan Basilio?
A. Crisostomo Ibarra C. Kapitan Tiyago
B. Elias D. Padre Salvi
8. Bakit mas lalong nagalit si Donya Victorina sa sinabi ni Donya Concolacion?
A. Dahil traydor si Donya Victorina.
B. Dahil mahilig sa chismis si Donya Victorina.
C. Dahil sinira ni Donya Vixtorina ang kanilang pagkakaibigan.
D. Dahil sinabi nito kung gaano ang pagiging mapagpaggap nito.
9. Bakit hindi matulungan ni Don Tiburcio si Donya Victorina sa pakikipagaway
nito kay Donya Concolacion?
A. siya ay bingi B. siya ay bulag C. siya ay pilay D. siya ay tamad
10. Bakit pumayag si Tarsilo at Bruno sa alok ni Lucas sa kanila?
A. Dahil kaibigan nilang matalik si Lucas.
B. Dahil sila ay nasilaw sa pera at nalululong na pagsusugal.
C. Dahil gusto na nilang magbago at gagamitin ang pinanalunan sa pag-alis.
D. Dahil iyon na lamang ang paraan upang maipaghiganti ang kanilang ama.

40
Karagdagang Gawain

Bilang pangwakas sa gawaing ito ay sagutin ang panghuling gawain.

Gawain 8: Ugali Noon, Pati Ngayon!


Panuto: Batay sa araling tinalakay, ano ang paguugali na ipinakita ng mga tauhan
sa akda na makikita parin natin sa kasalukuyan. Pumili lamang ng isang tauhan.
A. Donya Victorina D. Tarsilo at Bruno
B. Donya Concolacion E. Don Tiburcio
C. Linares F. Lucas

Tauhan sa akda Kasalukuyang Pilipino

Rubrik para sa Talata


Kategorya 5 2 1
Gramatika/ Walang kamalian May mga iilang Maraming
Mekaniks sa pagbabaybay at kamalian sa kamalian sa
gramatika. pagbabaybay at pagbabaybay at
gramatika. gramatika.
Pagpapahalaga/ Malinaw na May mga iilan na Hindi
Pagpapaliwanag naipaliliwanag hindi maunawaan maunawaan ang
ang kahalagahan sa pagpapaliwanag pagpapaliwanag
ng mga sa kahalagahan ng sa kahalagahan
halimbawang mga halimabwang ng mga
inilahad sa akda. inilahad sa akda. halimbawang
inilahad sa akda.

41
Nobelang Noli Me Tangere
Aralin
Kabanata 49 at 50- Isang
30 Talingaha at ang
Tagapagsalita ng mga Api

Balikan

Makikita sa bahaging ito kung naunawaan ang nakaraang paksa. Simulan na


nating magbalik-tanaw!

Gawain 1. Damdamin Alamin!


Panuto: Batay sa nakaraang Aralin, ibahagi ang damdaming namutawi sa iyo
habang binabasa ang dalawang kabanata na ‘Ang Sabungan’ at ‘Ang dalawang
Donya’. Tatlong pangungusap bawat kahon.

Ang Sabungan Ang Dalawang Donya

42
Tuklasin

Sa pagkakataong ito, ating tuklasin ang tungkol ang buod ng kabanata 49 at 50- Isang
Talingaha at ang Tagapagbalita ng mga Api.

Gawain 2: Pagbubuod!
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang tungkol buod ng kabanata 49 at 50.
Buod ng Aralin

Ang araling ito ay matutunghayan moa ng pagbabalik ni Ibarra dala ang


balitang pinatawad siya ng arsobispo sa pagiging ekskumulgado. Una niyang
dinalaw si Maria Clara ngunit tila nabigla siya nang madatnan niya sa bahay ni
Kapitan Tiyago si Linares. Isa pa niyang ipinagtaka ang pagtatarabaho ni Elias kay
Maestro Juan kahit hindi ito kasali sa listahan ng mga manggagawa. Gayunpaman,
nakipatipan siya kay Elias upang pakinggan kung ano ang talagang pakay nito.
Sinabi ni Elias kay Ibarra ang mga hinaing ng mga manghihimagsik. Napagtanto ni
Elias na magkaiba pla ang kanilang pananaw tungkol sa guardia sibil at korporasyon
ng mga prayle. Sa huli, hiniling ni Ibarra ang kuwento ng buhay ni Elias sa
paniniwalang makatutulong ito upang higit niyang maunawaan ang mga hinaing na
idinulog sa kaniya.

Isaisip

Alam kong nabasa niyo na ang buod ng kabanata 47 at 48 ngunit hindi pa sapat iyon.
Kaya bago tayo dumako sa pagbasa ng mga mag-aaral, titingnan muna ang mga
salitang mahirap unawain ang kahulugan

Gawain 3: Pagpapaliwanag
Nasubukan mo na bang gumawa ng isang bagay para sa iyong kapuwa kahit alam
mong wala kang makukuhang kapalit o mapapaluha mula rito? Lagyan ng tsek (/)
ang iyong sagot.

__________ Opo _____________ Hindi po ____________ Hindi pa po

 Kung opo ang iyong sagot, naging madali ba ito para sa iyo?
 Kung hindi po naman ang iyong sagot ay ipaliwanag kung bakit hindi mo nagawang
tumulong kahit mayroon ka nang pagkakataong gawin ito?
 Kung ang sagot mo naman ay hindi pa po, kaya mo bang gawin ang dakilang gawaing
ito? Kung ano man ang iyong sagot ay ilahad ang iyong dahilan sa sumusunod na
linya.

43
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Suriin

Sa bahaging ito, babasahin ang kabanata 49 at 50 ng Noli Me Tangere.

Gawain 4: Basahin Mo; Isapuso Mo!


Isang Talinghaga
Kabanata XLIX
Dumating kinabuksan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa
magkapatid a Tarsilo at Bruno. Ang unang sindya ng binata ay ang tahanan ni
Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi ekskomulgado at dadalawin si Maria
Clara. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad
na inaalis na ang excomunion. Tuwang-tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay
Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kaniyang pamangkin si Maria ang
Kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria Clara at ipinatuloy si Ibarra.
Ngunit bilang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng
kasintahan si Linares na nasa balkon. Nakasanding sa silyon si Maria at may hawak
na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoon si Linares na nagkukumpol ng rosas
at sinampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay
namula at hinayaang malaglag na lamang ang tanggang pamaypay. Sinikap nitong
tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay waring
napapatda at hindi makapagsalita.
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kaniyang sinasabing pagdalaw.
Nakatingin lamang sa kaniya si Maria Clara na parang inuunawa ang bawat
katagang namutawi sa kaniyang labi. Malungkot si Maria Clara, kaya nakuro ni
Ibarra na bukas na lamang siya dadalaw. Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na
ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kaniyang isip. Sa
paglakad niya, humatong siya sa ipinapapagawang paaralan ng binata at si Nol Juan
at mangagawang dinatnan niyang abalang gumagawa. Biniyang diin ni Ibarra sa
mga dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kaniya ng sinoman sapagkat siya ay
hindi na ekskomulgado. Pero tinugon siya ni Nol Juan na hindi nila pinapansin ang
excommunion sapagkat silang lahat ay pawang ekskomulgado.
Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias
at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa
kaniya. Dahil dito, initusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa kanya ang
tahanan nito ng mga obrero upang kanyang tingnan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na
nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang

44
makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay
ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakalahalagang bagay.
Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si
Elias naman ay lumayo nang tingnan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang
pangalan ng pilotong si Elias.
Sanggunian: http:// www.wattpad.com/amp/102929159

Tagapagbalita ng mga Api


Kabanata L

Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan.


Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata.
Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang tinyente at gusto nitong muli
na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya.
Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na si siya matatandaan ng
tinyente. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa
kaniyang isip ang kaniyang pangako kay Maria Clara.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na
siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno
ng mga tulisan Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng
makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa
mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa ina
pang pangangasiwa ng gobyerno. (2) Pagkakaloob ng kaunting karangalan sa
pagkatao ng mga tao, ang kaniang kapanatagan at bawasan ang lakas at
kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng
paglapastangan sa karapatang pantao.
Tumugon si Ibarra na anomang pagbabago na sa halip na makabubuti ay lalo
pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kaniyang mga
kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at ang Kapitan-Heneral ay kanyang
mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa
ng anomang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man
ang korapsyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.
Nagtataka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra at
naniniwala sa tinatawag na masamang kailangan na para bang nais nitong
palabasin na kailangang gawan muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti.
Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang
mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang
kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting mangagamot,
anya ay sinusuri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mgapalatandaan na sinisikap
bigyang lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang
kasamaan, ito’y iniinis sa pananakit, paggawa ng marahas at walang habas na
paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa
panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon ang
may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pagdarambong. Ang mga
45
sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at
pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang
sedula personal at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kwartel ay
manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas ba tumutol.
Napagusapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga
tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang
sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at
ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may
utang na loob na dapat tanawin ng bayan sapagkat ang paring pinagkakutangan ng
pananalig at pagtangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may
kapangyarihan.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kiro ng dalawa na kapuwa nila mahal ang
bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga
sawimpald. Kaya, ipinapahayag niya na kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya
sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapuwa
na di magtatamang-pala.
Sanggunian: http:// www.wattpad.com/amp/102929159

Pagyamanin

Napakahusay mo! Ngayon ay bibigyan kita ng pagkakataon para maglahad ng


sariling pananaw sa isang totoong pangayayari sa kasalukuyan.

Gawain 5: PROBLEMA sa SOLUSYON


Ang dalawang pangunahing tauhan sa araling ito ay nahaharap sa mga
suliraning nangyayari sa tunay na buhay. Ngayon ay mag-iisip ka balang isang
counselor, ano ang naisip mong solusyon sa kanilang problema? Maaari mo nang
ibahagi ang sarili mong damdamin. Magbigay ka ng mga payo o solusyong maaari
nilang gawin. Ipaliwanag ang mga ito at gawing gabay ang rubric sa susunod na
pahina.
PROBLEMA NG TAUHAN NAIISIP MONG SOLUSYON
Sa aking pagbabalik ay agad kong
pinuntahan ang mahal kong si Clara.
Nagunit nabigla ako sa nakita kong
kasama niya si Linares, wala akong
hinangad kung hindi makita siyang
naghihintay sa akin.

Ano sa tingin moa ng aking dapat gawin


upang masiguro kong ako pa rin ang
nagmamay-ari sa kaniyang puso?
Ako si Elias at ito ang mga kaisipang
bumabagabag sa akin: Ano ang
masasabi mo sa isang pamilyang kaya
lamang nakapapamuhay nang payapa

46
ay dahil sa panghihimasok ng isang
dayuhan? Mamamayang kaya lamang
sumusunod ay sapagkat nilinlang?
Isang gobyernong namamahala sa
pamamagitan ng pandaraya? Isang
pinunong hindi alam kung paano siya
mamahalin at igagalang ng
nasasakupan?

Ano sa tingin moa ng aking dapat gawin


upang mapayapa ang aking damdamin?

Isagawa

Napakahusay mo! Ngayon ay bibigyan kita ng pagkakataon para maglahad ng


sariling pananaw sa isang totoong pangayayari sa kasalukuyan.

Gawain 6: Paglalahad ng Katotohanan


Panuto: Tunghayan ang iba’t ibang kuwento ng mga tinaguriang whistleblower na
matatapang na nagsiwalat ng mga anomaly at pagmamalabis ng mga taong
nagpapalakad ng pamahalaan. Naging makabuluhan baa ng kanilan hakbang na
sisiwalat ang katotohanan? Alamin.
Si Benhur Lu yang whistleblower ng Pork Barrel Scam. Ito ang itinugariang “Mother
of all Scams” dahil maraming nadawit na mga senador at congressman sa
anomalyang ito. Bagamat nakalagay sa pangnib ang buhay ni Benhur ay matapang
niya pa ring sisiniwalat ang iba’t ibang paraan ng paglustay sa kaban ng bayan. Ang
kaniyang rebelasyon ay nagmulat sa mata ng mga mamamayang Pilipino na sapat
lamang banatayan ang kaban ng bayan. Maaaring hindi na muli siya
makapamumuhay bng normal kahit matapos na ang kaso, ngunit nag-iwan naman
siya ng aral sa mga kababayan niyang Pilipino na hindi nila malilimutan

Matapos mong mabasa ang tatlong kuwento ng whistleblower na ipinagpalit ang


kaniyang pansariling kapakanan upang magsabi ng katotohanan ay sagutin ang
sumusunod na tanong.
1. Ano ang pagkakatulad ng whistleblower kay Ibarra?
2. Sa iyong palagay, sumagi kaya sa isip ng mga whistleblower na tumahimik na
lamang at huwag magsabi ng totoo upang hindi gumulo ang kanilang buhay?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Kailan ba talaga nagiging makabuluhan ang pagtulong sa kapuwa?

47
Tayahin

Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang na may kinalaman sa mga pangyayari sa
Noli Me Tangere.

Gawain 7
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan/pahayag. Piliin at
isulat sa sagutang-papel ang tamang letra ng sagot.
1. Sa pagtulong ni Crisostomo, sino ang kaniyang sinabi na maaaring makatulong
sa mga Pilipino na sawimpalad o api?
A. Kapitan-Heneral B. Prayle C. Tinyente D. Hari
2. Ilang taon ng may duardia civil ngunit hindi parin mapuksa ang mga tulisan?
A. 12 taon B. 13 taon C. 14 taon D. 15 taon
3. Sino ang tagapagbalita ng mga api?
A. Pedro B. Basilio C. Crispin D. Elias
4. Sino ang iniiwasang makita ni Crisostomo Ibarra dahil kasama nito si Elias?
A. Kapitan-Heneral B. Prayle C. Tinyente D. Hari
5. Ano ang ibabalita ni Crisostomo Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago?
A. Siya ay babalik na sa Espaniya. C. Siya ay tatakbo sa pulitika.
B. Siya ay hindi na ekskomulgado. D. Siya ay magbabakasyon.
6. Sino ang nakita ni Crisostomo Ibarra na kasama ni Maria Clara sa balkon noong
dinalw niya ito?
A. Linares B. Pedro C. Padre Damaso D. Padre Salvi
7. Ano ang naging damdamin ni Crisostomo Ibarra noong umalis siya sa tahanan
nila Maria Clara?
A. masaya B. matamlay C. masigla D.malungkot
8. Sino ang nakita ni Crisostomo Ibarra sa mga manggagawa na patuloy na
nagtatrabaho sa paaralang kaniyang pinapagawa?
A. Pedro B. Basilio C. Crispin D. Elias
9. Anong sasakayan nina Crisostomo Ibarra at Elias sa kanilang pag-uusap?
A. kotse B.bus C. bangka D.eroplano
10. Sino ang pinuno ng mga tulisan?
A. Kapitan Pablo C. Kapitan Tiyago
B. Kapitan Basilio D. Kapitan Lucas

48
Karagdagang Gawain

Mula sa binasang elehiya ay nasasalamin dito ang kultura, tradisyon at paraan ng


ating pamumuhay bilang isang Ilocano at Pilipino. Kaya sa gawaing ito ay iyong
ibabahagi ang iyong sariling kaalaman at karanasan.

Gawain 8: Tamang Letra!


Panuto: Matalinghaga ang mga tinuruan at ikinilos ng mga tauhan sa dalawang
kabanata. Ang kanilang mga pahayag ay talagang humahamon sa atin upang mag-
isip. Pagkakaroon mon a upang ipakita ang iyong angking talino sa pagaanalisa.
Suriin ang sumusunod na pahayag. Kung sang-ayon ka sa pahayag ay lagyan ng
tsek ang hanay na nagsasabing sang-ayon ako at kung hindi naman ay lagyan ng
tsek ang hanay na nagsasabing salungat ako. Pagkatapos ay ilahad ang iyong
katwiran sa napiling sagot.
Pahayag Sang-ayon Salungat Katwiran
Ako Ako para sa
Napiling
sagot
“…upang makagawa nang mabuti ay
dapat gumawa nang masama.”
“Humihingi po sila ng reporma…
Halimbawa po, ibayong paggalang sa
dignidad ng isang tao, karagdagang
seguridad, pagbabawas sa lakas ng
hukbong sandatahan, at ang pag-aalis
ng ilang pribilehiyo sa mga
organisasyong nagiging sanhi ng
kanilang pagmamalabis.”

Rubrik para sa Talata

Kategorya 3 2 1
Malinaw na nailahad ang Walang kamalian May mga iilang Maraming
pagpapaliwanag na walang sa pagbabaybay kamalian sa kamalian sa
pagkakamali sa baybay, at gramatika. pagbabaybay at pagbabaybay
estruktura at diwa. gramatika. at gramatika.

49
50
Pagyamanin:
Gawain 3: Suriin ang Feeling!
Tayahin-Aralin
Tayahin-Aralin 30 29
Panuto: Tukuyin ang salitang nagtataglay ng
1. A 1. D
masidhing damdamin. Isulat ang tamang
2. D 2. D
sagot sa iyong sagutang papel.
3. D 3. D
1. nabighani 6. Lubhang nababahala
4. C 4. C
2. napakalungkot 7. Takot na takot
5. B 5.D
3. masamang-masama ang loob
6. A 6. D
8. Masayang-masaya
7. D 7. C
4. galit na galit 9. Alalang-alala
8. D 8. D
5. walang kasingsakit 10. Pagkasaya-saya
9. C 9. C
10. A 10.B
Tayahin
Gawain 5: Subukan Tayahin:
Natin! 1.C
Panuto: Basahin at 2. D
tukuyin ang hinihingi ng 3. D
bawat pahayag. Isulat ang 4. B
titik ng tamang sagot sa 5. A
sagutang papel. 6. B
Aralin 26- 7. B
1. C
Tayahin 8. D
2. C
1. C 9. C
3. D
2. B 10. C
4. D
3. C 11. A
5.C
4. B 12. C
5. A 13. D
6. C 14. C
Tayahin- Aralin 28 7. B 15. B
1. C 6. C 8. C 16. A
2. B 7. A 9. A 17. D
3. A 8. B 10.A 18. D
4. A 9. C 19. C
5. D 10. A 20. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Bagong Pinagyamang Pluma Wika at Panitikan para sa ikasiyam na baitang
Pintig ng Lahing Pilipino para sa Ikasiyam ng Baitang
http://www.joserizal.ph/no43.html

51
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like