You are on page 1of 13

10

FILIPINO-10
Ikatlong Markahan – Modyul1
Mitolohiya mula sa Africa

(Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia (Iran))

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

1
Aralin
Ang Africa at Persia
1
• PANGKALAHATANG IDEYA
Magandang araw sa iyo. Natutuwa ako na natapos mong gawin ang mga modyul sa
ikalawang markahan. Marahil ay handa ka nang magpatuloy sa mga gawain sa ikatlong
markahan. Ang mitolohiya ng Persia at Africa ay binubuo ng iba’t ibang karakter na
mala-diyos at sumasalamin sa iba’t ibang kultura at paniniwala na nabuo sa mga bayan
na ito. Ang istilo at kultura ng literatura ng dalawang bansa ay nakapag-ambag ng
malaking pagbabago sa panitikan sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang
paniniwalang Sufism.

• LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia;
(F10PN-IIIa-76)

TUKLASIN

Bago mo umpisahan ang pagbabasa at pagsusuri sa mitolohiya ng Africa,


mainam na magbalik-tanaw ka muna sa iyong natutunan sa mga akdang mitolohiya.

Suriin nang mabuti ang larawan at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Batay sa larawan, anong suliraning panlipunan ang umiiral dito?


2. Anong elemento ng mitolohiya ang binibigyang diin sa larawang ito? Maglahad ng
patunay sa iyong sagot.
Ang Persiya
Ang Persiya ay isang bansang sakop ng gitnang silangan. Hindi na ito gaanong kilala
sa kanyang katawagan sa kasalukuyan sapagkat ito ay pinalitan na ng Iran noong 1935
bilang hudyat ng kanilang sariling pagkakakilanlan matapos makalaya sa impluwensya ng
Britanya at Russia.

2
Lalong nakilala ang Iran sa pangalang ito nang lusubin sila ng Allied Forces noong
1941 at nang magkaroon ng nationalization ng Industriya ng langis sa ilalim ng pamumuno
ni Prime Minister Dr. Mohammad Mosaddeq.
Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binanggit kasama ng Medo, at Mga
Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano. Mayaman sa
sining tulad ng pagpana at pangabayo. Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa
literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig.

Sanggunian: “Persia or Iran” by Professor Ehsan Yarshater,


Published in Iranian Studies, Vol.XXII, No.1, 1989

Ang Africa

Ang Aprika (Africa) ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at


pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga
30,244,050 kilometro kuwadrado na binubuo ng limampu’t apat na bansa at ang teritoryo
nito’y sumasakop sa anim na bahagdan ng kabuoang lupain sa mundo. Ang populasyon nito
na umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 na 15% ng kabuuang tao sa mundo. Maituturing na
batang populasyon ang taglay ng Africa dahil ang mahigit kalahati ng mga mamamayan
dito’y nasa edad dalawampu’t limang taon lang pababa. Ito ay dahil sa mabilis na pagdami
ng populasyon at mababang life expectancy rate o maagang pagkamatay ng mga tao. Ito rin
kasi ang itinuturing na pinakamahirap na kontinente sa buong mundo. Mainit at tuyo ang
klima na nagdudulot ng mahahabang tag-init na hindi nakabubuti sa mga pananim.
Matatagpuan dito ang pinakamalawak na disyerto sa mundo, ang Sahara gayundin
pinakamahabang ilog ng mundo, ang ilog Nile na may habang 6,650 kilometro.
Ang Africa ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika. Ang
karamihan sa mga tao sa Africa ay itim. Gayunpama’y maraming dayuhang nagmula sa
Europa ang sumakop sa bansa rito kaya dumami na rin ang mga puti. Marami ring ibang lahi
ang nandayuhan dito tulad ng mga Asyano, Amerikano, at iba pa kaya sa kasalukuyan, iba’t
ibang lahi ang makikita rito. Napakarami rin nilang wikang ginagamit na umaabot ng 2,000.
Ang 25% ng mga wikang ito’y sa Africa lang ginagamit. Laganap ang paggamit ng Arabic na
sinasalita ng 170 milyon katao, kasunod ang wikang Ingles na sinasalita naman ng 230
milyong katao.
Sa pagdating ng mga mananakop, ang isa sa mga naging suliranin ng mga bansang
sinakop ng mga Puti tulad ng South Africa ay ang paglaganap ng sistemang apartheid
(kung saan inuri ng pamahalaan ang mga mamamayan base sa kanilang kulay. Ang mga
itim ay hindi basta pinayagang makisalamuha sa mga puti. May mga lugar na para sa mga
Puti lang at hindi puwedeng puntahan ng mga Itim. May mga trabahong para lang sa mga
Puti. Hindi puwedeng magpakasal ang Puti at Itim.)
Nagbago lang ang lahat nang manalo bilang kauna-unahang Itim na pangulo ng South
Africa si Nelson Mandela pagkatapos ng napakahabang pakikipaglaban nang payapa upang
maibagsak ang apartheid. Ang kalakarang ito kasi ay hindi lang lumaganap sa Africa kundi
maging sa ibang bansa kung saan matatagpuan din ang mga lahing Itim tulad ng sa
Amerika.

PAGYAMANIN
GAWAIN 1: Tama o Mali
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng tama kung ang pahayag ay wasto at sa kahon ng
mali naman kung ito ay mali.

Tama Mali
1. Ang Persia ay sakop ng Africa.

2. Ang Africa ay isang kontinente.

3
3. Ang mga tao sa Africa ay purong mga itim.

4. Ang Persia ang dating pangalan ng Iran.

5. Matagal na umiral sa South Africa ang sistemang apartheid

6. Sa Africa matatagpuan ang pinakamalawak na disyerto.

7. Mas marami ang matandang populasyon kaysa bata sa Africa.

8. Makikita ang iba’t ibang uri ng hayop sa Africa.

9. Malaking bahagi ng Persia ang may paniniwalang Islam

10. Mahihinuha sa panitikan ng Africa ang kahirapang naranasan ng mga


mamamayan.

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ano ang pangalan ng pinakamahabang ilog sa buong mundo na matatagpuan sa Africa?


A. Pulangi River B. Nile River C. Manupali River D. Amazon River

2. Saan matatagpuan ang pinakamalawak na disyerto sa mundo?


A. Germany B. Africa C. Italy D. Turkey
3. Anong Sistema ng pamahalaan ang umiiral kung saan inuuri ang tao base sa kanyang
kulay?
A. Martial Law B. Imperyalism C. Apartheid D. Wala sa nabanggit
4. Ang Persia ay kilala sa buong mundo sa anong yamang mineral?
A. Langis B. Bato C. Dolomite D. Ginto
5. Kailan pinalitan ang pangalang Persia ng Iran?
A. 1935 B. 1977 C. 2002 D. 1234
6. Ano ang pangunahing wika na ginagamit ng mahigit 170 milyon na tao sa Africa?
A. Arabic B. English C. Filipino D. Thai
7. Sino ang kauna-unahang itim na pangulo ng Africa na mdahilan ng pagwakas ng
sistemang apartheid?
A. Nelson Mandela B. Rodrego Duterte C. Barrack Obama D. Donald trump
8. Sino ang namumuno sa Persia nang magkaroon ng nationalization ng Industriya ng
langis?
A. Mohammad Mosaddeq B. Addus Salam C. Uztad Malic D. wala sa nabanggit
9. Sino-sino ang mga bansang sumakop sa Iran?
A. Britanya at Russia B. Italy at France C. Thailand At China D. korea at Malyasia
10. Ilang bansa ang nasasakupan ng kontinenteng Africa?
A. 54 B. 65 C. 75 D. 85

Aralin
Mitolohiya ng Nigeria
2
• PANGKALAHATANG IDEYA
4
Ang kuwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung
saan ang madalas na tinatalakay na mga kuwento ay mga diyos at diyosa at
iba pang makapangyarihang nilalang.
Kadalasan ito ay maiuugnay sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon o
bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan.
Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip
lamang, mayroon pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin
sa mga modernong pag-aaral.

• LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin ng
akda kilos at gawa ng tauhan desisyon ng tauhan;(F10PB-IIIa-80)
2. Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensya nito sa
sarili at sa mga kamag-aral na kinapanayam;(F10PU-IIIa-78)

TUKLASIN
Basahin ang isang mitolohiya mula sa Nigeria upang malaman kung masasalamin ba dito ang
kanilang kultura. Bago mo basahin ang akda ay basahin mo muna ang tips sa pagbabasa

Maaaring Lumipad ang Tao


Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na


inaalis nila ang kanilang pakpak. Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga
alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maitim na balat. Hindi na nila
maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi.
May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kanyang tindig.
Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang
nakatali sa kanyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong
pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain.
Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw siya sa kumpol ng putik,
uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga
aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang
maging mabilis ang kanilang paggawa.
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay
tulog sa kanyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas.
Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya
itong gawin dahil anak niya ang bata.
“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa
balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala,
si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.
Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako nang
mabilis,” sabi niya pagdaka.

5
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, sunog na ng araw ang
kanyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. ‘Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami.”
Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil.
“Tumayo ka, ikaw, maitim na bata” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na
namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo
sa kanyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kanya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”
“Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alam mo
kung paano ka makaaalis.”
“Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan ang
kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas ang isang paa ni
Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kanyang paglipad na hawak-hawak nang
mahigpit ang kanyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng
Africa, sinabi niya ng Malaya na siya tulad ng isang ibon, na animo’y balahibong umiilanlang
sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw at sumisigaw. Samantalang si Sarah, at
ang kanyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na
hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila
hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinoman ang
makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na
palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya,
bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang
tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya
ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad.
Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita
niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kanyang kamay “kumkumka yali,
kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa
hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod habang sila ay nasa taas
ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran, at sa batis na
dinadaluyan ng tubig.
“Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay.
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.”
Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kanyang latigo
upang itali si Toby. Kinuha niya ang kanyang baril upang patayin ang negrong si Toby.
Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo kilala kung
sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan.” At muli
niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya
ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo.
“Buba… Yali… Buba… tambe…”
May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat, matatanda
at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalita habang nakabilog
animo singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pa sila umaawit sila ay lumilipad
sa hangin langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na
anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang
plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang
kalayaan.

6
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi
siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na
naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila.
“Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na
makatakbo “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mo sila
ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan.”Ito ay
isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay hindi
nagsalita sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga
anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya at
nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang
ngayon.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

PAGYAMANIN
GAWAIN 1: Ihanay ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento ng
“Maaaring Lumipad ang Tao” gamit ang Story Ladder

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ano ang katangian ng pangunahing tauhan ang dapat pamarisan?


2. Makatwiran ba ang naging desisyon ng pangunahing tauhan sa akda? Patunayan.
3. Bakit mahalagang pag-isipan nang mabuti ng tao ang mga desisyon niya sa buhay?
4. Paano nakatutulong sa tao ang kanyang mga suliraning napagdaanan?
5. Masasalamin ba sa mitolohiyang ito ang kultura ng bansang Nigeria? Patunayan .

7
Aralin
Debate/Pagtatalo
3
• PANGKALAHATANG IDEYA
Magandang Araw! Kumusta ang araw mo? Kahapon ay isinagawa natin
ang pagsusuri sa akdang mitolohiya ng Nigeria. Nawa’y sapat ang iyong
natutuhan sa araling iyon. Ngayong araw na ito ay tatalakayin na naman natin
ang isa pang anyo ng panitikan-ang Debate o pagtatalo.

• LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. nabibigyang-puna ang napanood na video clip;(F10PD-IIIa-74)
2. napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo; (F10PS-IIIa-78)

TUKLASIN
Panoorin ang isang video clip hinggil sa isang debate.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=oo3Fa4L75Rc
(oras: 16.30-33.23 ng video)

Narito ang ilang kaalamang dapat alamin sa araling ito. Basahin at unawaing mabuti
ang hinggil sa Debate.

Debate- ang pangangatwiran ng dalawang koponan mula sa magkasalungat na panig


tungkol sa makabuluhang paksang napagkaisahang pagtalunan sa tiyak na oras at lugar na
pangyayarihan. Ito ay hindi isang pag-aaway sapagkat ito’y pagpapaliwanag lamang ng mga
katwiran ng bawat panig na maaaring gawing pasulat o pasalita.

Mga Kasapi sa Debate

1. Proposisyon o panig ng sumasang-ayon

2. Oposisyon o panig ng sumasalungat

3. Moderator o tagapamagitan upang maging maayos ang daloy ng debate

4. Time keeper o tagabantay sa oras na inilalaan sa bawat panig sa paglalahad ng patotoo


at pagpapabulaan o rebuttal

5. Hurado ang magpapasyo kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat.

8
Mga Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mahusay na Debater

Paksa o nilalaman -Kailangan niya ng sapat na panahon upang mapaghandaan ang


malawakang pagbabasa, pananaliksik, at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol
sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kaniyang
ipinapahayag.

Estilo -Kailangang mahusay ang isang debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang


salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang
babanggitin sa debate. Kasama na dito ang linaw at lakas ng boses, husay ng tindig at
tiwala sa sarili.

Estratehiya -Ang husay sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento at kung paano niya
maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon ay makikita dito. Ang pagkakaisa ng
pangkat lalo na sa depensa ng pagpapatotoo at pagpapabulaan ay kailangang matibay at
nagkaisa.
Mga Uri o Format ng Debate
Maraming uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral
ay ang mga debateng may uri o format na Oxford at Cambridge.
Sa Debating Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban
na lamang sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng
isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtindig ng
bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilahad ang kanyang patotoo
(constructive remark) at pagpapabulaan (rebuttal).
Sa Debating Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang
magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo (constructive remark) at sa ikalawa
ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan (rebuttal).
May iba pang uri ng debate kagaya ng Mock Trail, Impromptu Debate, Turncoat
Debate at iba pa. Ang mock trail ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay
nagpapanggap na nga manananggol o mga attorney sa isang paglilitis.
Ang impromptu debate ay binibigay ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago
magsisimula ang debate. Pagkatapos, magsasalita sa loob ng limang minute ang bawat isa
sa bawat panig ng salitan hanggang matapos ang lahat.
Ang turncoat debate ay ginagawa ng isang tao lamang. Ilalahad niya ang kanyang
proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng
dalawang minuto.

PAGYAMANIN
GAWAIN 1: Pagtatapat-tapat: Hanapin sa Hanay B ang katumbas ng mga
pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Uri ng debate kung saan ang kalahok ay dalawang A. Debate
beses titindig upang magsalita.
2. Uri ng debate kung saan ang kalahok ay isang B. Estilo
beses lamang titindig.
3. Paglalahad ng opinyon ng dalawang C. Oposisyon
magkasalungat na panig
9
4. Ang kalahok na ito ay nasa panig ng di-sang-ayon D. Oxford
5. Taglay niya ang katangiang di natitinag at may E. Cambridge
tiwala sa sarili.
6. Mga paninindigang ibinabato ng kalahok sa F. Argumento
kabilang panig.
7. Ito ang dapat paghandaan ng debater para G. Debater
makapagbigay ng bigat at patunay sa
katotohanang kanyang ipinapahayag.
8. Tagapagbantay sa iginugugol na panahon sa H. Time keeper
bawat debater.
9. Pamamaraan ng pangkat na ipakita ang tibay ng I. Paksa
kanilang paninindigan.
10. Ang taong naglalahad ng pangangatwiran sa isang J. Estratehiya
paksa o pinagtatalunan.

PANAPOS NA PAGTATAYA
Pagpupuno sa patlang: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo
ang kaisipan. Piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

A. Rebuttal B. Moderator C. Debater D. Kaalaman


E. Pagsasalita F. Sumasalungat G. Hurado H. Patunay
I. Time keeper J. Pangangatwiran K. Sumasang-ayon L. isang
M. Mock Trail N. Impromptu Debate O. Turncoat Debate

Ang debate ay isang paglalahad ng (1.) _____________ sa pagitang ng dalawang


panig. Ang panig ng (2.) ___________ at ng (3.) ____________. Nagiging maayos ang
daloy ng pagpapalitan ng ideya ng dalawang panig dahil sa (4.) _________ na siyang
tagapamagitan at ng (5.) _________ na nagbabantay sa oras ng pagsasalita ng bawat
kalahok. Mahalaga rin ang papel ng (6.) __________ na siyang magpapasya kung aling
panig ang higit na nakapanghikayat.
Sa pagdedebate, napakahalagang taglay ng (7.) __________ ang malawak na (8.)
_________________ upang maipagtanggol ang kanyang patotoo sa paglalahad ng
mabibigat na (9.) _____________. Kailangang mahusay ang isang debater sa (10.)
_________ kasama na dito ang lakas at linaw ng boses.
Sa uri ng debateng Cambridge, ilalahad niya sa unang pagtayo ang kanyang
patotoo. Ang kanyang (11.) _________________ naman ay ilalahad sa kanyang ikalawang
pagtayo. Ang debateng Oxford ay (12.) ______ beses lamang tatayo ang bawat kalahok.
Ilan pang uri ng debate ay ang (13,) _______ na parang attorney, (14.) ________________
na ginagawa ng isang tao lamang at (15.) ________ binibigay ang paksa sa mga kalahok 15
minuto bago magsisimula ang debate.

10
Aralin
Ang Pagsasaling-wika
4
• PANGKALAHATANG IDEYA
Magandang Araw! Kumusta ang araw mo? Kahapon ay isinagawa natin ang
pagsusuri sa akdang Debate o pagtatalo. Nawa’y sapat ang iyong natutuhan sa
araling iyon. Ngayong araw na ito ay tatalakayin na naman natin ang isa pang anyo
ng panitikan ang Pagsasaling-Wika.

• LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
(F10WG-III-a-71)

SURIIN
Pagsasaling Wika
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at
hindi ang bawat salita ng bumubuo rito. (Santiago, 2003)

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan


ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa diksyonaryo.
Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang pandamdamin
taglay ang mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalaawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-
kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin
sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang
magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika
ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging
higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit
na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bias at
kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

Gabay sa Pagsasaling-Wika

Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.
Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa
wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang
11
maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi
salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,
pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isasalin nang walang
napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang
bahaging hindi malinaw at nagbibigay kalituhan. Bigyang-pansin din ang aspektong
panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.
5. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin.
6. Isaaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan.

PAGYAMANIN
Para masukat ang iyong pagkaunawa sa pagsasaling-wika, narito ang
paunang pagtataya.

GAWAIN 1: Panuto: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng


panaklong. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Noong unang (1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon) ang kalangitan at ang kalupaan ay
mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay may kani-
kaniyang (2.) Covered (palaruan, nasasakupan, palayan). Si langit ay diyosa ng (3.) Galaxy
(kalawakan, lupain, kalangitan) at si (4.) Pond (Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay
diyosa ng katubigan. Sina langit at Tubig ay (5.) Married (nag-iibigan, nagpakasal,
magkababata) at ang naging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki at isa ang babae. Si Dagat
ay (6.) Chic (makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang katawan mulato. Si
Aldaw ay (7.) Cheerful (masayahin masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto. Si
Bulan ay isang (8.) Weak (maginoong, mahinang, mainam) lalaki na ang katawan ay
tanso. Si Bitoon ang (9.) Only (tanging, maraming, grupo) babae na maganda ang katawan
at kulay (10.) Silver (pilak, ginto tanso)

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Anong akdang pampanitikan ang kadalasang pumapaksa sa mga supernatural na
kapangyarihan?
A. Maikling Kuwento B. Mitolohiya C. Anekdota D. Nobela
2. Ang sumusunod ay ang mga tema ng mitolohiya maliban sa:
A. Magpaliwanag sa natural na pangyayari
B. Pinagmulan ng buhay sa daigdig

12
C.Pagsakripisyo dahil sa pag-ibig
D. Mga paniniwalang panrelihiyon
3. Ang sumusunod ay ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika maliban sa;
A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
B. Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin
C. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
D. Sapat na kaalaman sa wikang Ingles
4. Ito ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasalin.
A. Panlapi B. Gramatika C. Pakahulugan D. Pagsasaling-wika
5. Bakit higit na malawak ang lupaing nasasakupan ng Africa kung ihahambing sa Persia?
A. Dahil ang Persia ay isang kontinente
B. Dahil ang Africa ay isang bansa
C. Dahil malawak ang disyerto sa Persia
D. Dahil ang Africa ay isang Kontinente
6. Sino ang kauna-unahang itim na pangulo sa South Africa na nagwakas ng malaking
diskriminasyon sa pagitan ng mga itim at puti?
A. Barack Obama B. Nelson Mandela C. Mohammad Mosaddeq D. John Simpson
7. Hindi pwedeng magpakasal ang mga puti sa mga itim. Anong kalagayang panlipunan
ang mahihinuha dito?
A. Pagmamalupit B. Pagpapabaya C. Diskriminasyon D. Pang-iinsulto
8. Bakit pinalitan ang Persia ng pangalang Iran?
A. Ito ang kanyang kahulugan sa wikang Persian
B. Palatandaan na nagwakas na ang kolonyalismo ng Britanya at Russia
C. Sumisimbolo sa sariling pagkakakilanlan ng Persia
D. Lahat ng nabanggit
9. Kung ang debate ay binubuo ng dalawang magkasalungat na panig na naglalahad ng
sariling paniniwala at paninindigan sa isang paksa, paano ito naiiba sa balagtasan at fliptop?
A. Sa pamantayan ng paghahatol
B. Sa pamamagitan ng paglalahad ng opinyon
C. Sa paraan ng pagbigkas ng mga patotoo at rebuttal
D. Sa proseso ng labanan
10. Paano nagkakatulad ang mga mito mula sa iba’t ibang panig ng daigdig?
A. Sa pamamagitan ng pananalita ng isang lugar.
B. Pareho ang lugar na pinangyarihan
C. Nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan ang mga tauhan
D. Pareho ang katangiang taglay ng mga tauhaan.

SUSI SA PAGWAWASTO

Sariling
sagot

13

You might also like