You are on page 1of 12

IKATLONG MARKAHAN

ARALIN 1: ANG AFRICA AT PERSIA

Ang Persiya

Ang Persiya ay isang bansang sakop ng gitnang silangan. Hindi na ito gaanong kilala sa
kanyang katawagan sa kasalukuyan sapagkat ito ay pinalitan na ng Iran noong 1935 bilang
hudyat ng kanilang sariling pagkakakilanlan matapos makalaya sa impluwensya ng Britanya at
Russia.

Lalong nakilala ang Iran sa pangalang ito nang lusubin sila ng Allied Forces noong 1941
at nang magkaroon ng nationalization ng Industriya ng langis sa ilalim ng pamumuno ni Prime
Minister Dr. Mohammad Mosaddeq. Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na
binanggit kasama ng Medo, at Mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang
Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangabayo. Ang pagsasabi ng
katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig.

Ang Africa

Ang Aprika (Africa) ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at


pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050
kilometro kuwadrado na binubuo ng limampu’t apat na bansa at ang teritoryo nito’y sumasakop
sa anim na bahagdan ng kabuoang lupain sa mundo. Ang populasyon nito na umabot sa 1.1
bilyon noong 2013 na 15% ng kabuuang tao sa mundo. Maituturing na batang populasyon ang
taglay ng Africa dahil ang mahigit kalahati ng mga mamamayan dito’y nasa edad dalawampu’t
limang taon lang pababa. Ito ay dahil sa mabilis na pagdami ng populasyon at mababang life
expectancy rate o maagang pagkamatay ng mga tao. Ito rin kasi ang itinuturing na
pinakamahirap na kontinente sa buong mundo. Mainit at tuyo ang klima na nagdudulot ng
mahahabang tag-init na hindi nakabubuti sa mga pananim. Matatagpuan dito ang
pinakamalawak na disyerto sa mundo, ang Sahara gayundin pinakamahabang ilog ng mundo,
ang ilog Nile na may habang 6,650 kilometro. Ang Africa ay tahanan ng iba’t ibang
etnisidad, kultura, at wika. Ang karamihan sa mga tao sa Africa ay itim. Gayunpama’y maraming
dayuhang nagmula sa Europa ang sumakop sa bansa rito kaya dumami na rin ang mga puti.
Marami ring ibang lahi ang nandayuhan dito tulad ng mga Asyano, Amerikano, at iba pa kaya
sa kasalukuyan, iba’t ibang lahi ang makikita rito. Napakarami rin nilang wikang ginagamit na
umaabot ng 2,000. Ang 25% ng mga wikang ito’y sa Africa lang ginagamit. Laganap ang
paggamit ng Arabic na sinasalita ng 170 milyon katao, kasunod ang wikang Ingles na sinasalita
naman ng 230 milyong katao.

Sa pagdating ng mga mananakop, ang isa sa mga naging suliranin ng mga bansang
sinakop ng mga Puti tulad ng South Africa ay ang paglaganap ng sistemang apartheid (kung
saan inuri ng pamahalaan ang mga mamamayan base sa kanilang kulay. Ang mga itim ay hindi
basta pinayagang makisalamuha sa mga puti. May mga lugar na para sa mga Puti lang at hindi
puwedeng puntahan ng mga Itim. May mga trabahong para lang sa mga Puti. Hindi puwedeng
magpakasal ang Puti at Itim.) Nagbago lang ang lahat nang manalo bilang kauna-unahang Itim
na pangulo ng South Africa si Nelson Mandela pagkatapos ng napakahabang pakikipaglaban
nang payapa upang maibagsak ang apartheid. Ang kalakarang ito kasi ay hindi lang lumaganap
sa Africa kundi maging sa ibang bansa kung saan matatagpuan din ang mga lahing Itim tulad
ng sa Amerika.

Pagbuo ng Konsepto

Ang panitikan ng Africa ay binubuo ng mga kuwento, dula, bugtong, kasaysayan, mito,
awit, at salawikain na maaaring ipakita sa pamamagitan ng sulat o salita. Ang mitolohiya ng
Africa ay may makabuluhang parte s araw-araw na pamumuhay ng mga Aprikano. Kadalasan,
ang mga mito nila ay tumutukoy sa mga universal na mga tema kagaya na lamang ng
pinagmulan ng mundo at kapalaran ng sangkatauhan pagkatapos ng kamatayan.

Ang panitikan naman ng Persia ay may impluwensya ng literatura ng Ottoman, Turkey,


Muslim India at Turkic Cental Asia. Ang mitolohiya ng Persia ay mga tradisyonal na kwento na
tumutukoy sa mga kakaibang mga nilalang at sumasalamin sa mga kaugalian ng lipunan kung
saan nabibilang ang mga Persiano.

Ang mitolohiya ng Persia at Africa ay binubuo ng iba’t ibang karakter na maladiyos at


sumasalamin sa iba’t ibang kultura at paniniwala na nabuo sa mga bayan na ito. Ang istilo at
kultura ng literatura ng dalawang bansa ay nakapag-ambag ng malaking pagbabago sa
panitikan sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang paniniwalang Sufism.
RODEL VICTOR N BARROQUILLO GRADE 10 MANGOSTEEN

GAWAIN 1: PAGGAMIT NG VENN DIAGRAM

PANUTO: Nabatid mo na ang ilang impormasyon tungkol sa Africa at Persia. Makikita dito ang
malaking pagkakaiba ng dalawang lugar. Itala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa
gamit ang Venn Diagram. (15 puntos)

Persia Africa

 Mayaman ang bansa at mas nakilala sa


 Makikita natin na ang  Itinuturing na isa sa mga pinakamahirap na
Industriya ng langis.
dalawa ay parehong kontinente sa buong mundo.
 Ang panitikan nila ay may impluwensiya
nasakop ng mga  Samantala ang panitikan ng Africa ay binubuo ng
ng literature ng Ottoman, Turkey, Muslim
dayuhan. mga kwento,dula,bugtong at iba pa.
India, at Turkic Central Asia.
 May mga paksa ng  Ikalawang pinakamalaking kontinente sa buong
 Maliit ang lupain sapagkat
kanilang mitolohiya ay mundo, nangangahulugan lamang na malaki ang
isa lamang itong bansa.
may pagkakatulad. lupain.
 Isang bansang sakop ng gitnang silangan.  Paglaganap ng sistemang
 Ang mitolohiya ng Persia ay mga Apartheid
tradisyonal na kwento na tumutukoy sa  Itinuturing batang populasyon
mga kakaibang mga nilalang at taglay dahil sa mababang life expectancy rate
sumasalamin sa mga kaugalian ng lipunan
kung saan nabibilang ang mga Persiano.

GAWAIN 2: TAMA O MALI

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung ito ay mali.

MALI 1. Ang Persia ay sakop ng Africa.

TAMA 2. Ang Africa ay isang kontinente.

TAMA 3. Persia ang dating pangalan ng Iran.

TAMA 4. Matagal na umiral sa South Africa ang sistemang apartheid


TAMA 5. Sa Africa matatagpuan ang pinakamalawak na disyerto.

MALI 6. Mas marami ang matandang populasyon kaysa bata sa Africa.

TAMA 7. Malaking bahagi ng Persia ang may paniniwalang Islam

TAMA 8. Mahihinuha sa panitikan ng Africa ang kahirapang naranasan ng mga mamamayan.

MALI 9. Mataas ang tingin ng mga puti sa mga itim sa sistemang Apartheid.

TAMA 10. Naging kilala ang Iran sa produktong petrolyo

GAWAIN 3: PAGPAPALIWANAG

PANUTO: May mga pangyayaring hinango mula sa dalawang lugar. Ibigay ang iyong sariling
reaksiyon/opinyon sa sumusunod na sitwasyon.(2 pts. bawat bilang)

1. Ang Africa ay isa sa itinuturing na pinakamahirap na kontinente sa buong mundo. Paano


nagiging sanhi ang sistemang apartheid na umiiral dito?

Kadalasan sa atin ay kapag nabanggit ang salitang Africa ay ang unang


lumalabas sa asting isipan ay ang kanilang itim na kulay at hindi natin iyon makakaila.
Gaya ng nabanggit sa taas ang Africa ay isa sa pinakamahirap na kontinente sa buong
mundo ngunit mas naging mahirap ang kanilang dinanas nung sinakop ang kanilang
bansa at ang pagdating ng sistemang apartheid. Hindi naging patas ang pagtrato sa
kanila, nakaranas ang may mga itim na kulay ng diskriminasyon at mas lumawak ito sa
buong mundo, kung kaya’t naging mahirap sa kanila ang makisalamuha sa mga tao.

2. Pinalitan ng Persia ang pangalan sa Iran. Bakit nila pinalitan ang kanilang pangalan?

Pinalitan ng Persia ang pangalan sa Iran, upang magkaroon sila ng sariling


pagkakakilanlan matapos ang kanilang paglaya sa impluwensiya ng Britanya at Russia
noong 1935.

3. Batay sa datos na ipinakita, mas marami ang mga bata kaysa mga matatanda sa Africa.
Bakit tinaguriang batang populasyon ang Africa?

Tinaguriang batang populasyon ang Africa sapagkat mahigit sa kalahati ng mga


naninirahan dito ay nasa edad dalawampu’t limang taon lang pababa. Isa sa dahilan nito
ay ang klima ng kontinente na mainit at tuyo na nagdudulot ng mahabang tag-init na
hindi nakakabuti sa mga pananim, at higit sa lahat ay ang mababang life expectancy rate
(maagang pagkamatay ng mga tao) dito at ang mabilis na pagdami ng populasyon.

4. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang panitikan sa mga bansa sa Africa at sa
Persia?

Mahalagang pag-aralan ang mga akdang panitikan sa mga bansa sa Africa at


Persia upang mas maunawaan natin ang kanilang pamumuhay , kaugalian at kultura. Mas
mainam na bigyang halaga ito upang malaman natin kung ano ang kanilang dinanas at
mga napagdaanan nila maging kung paano namuhay ang kanilang mga ninuno. At kung
nagpaplano man na bumisita sa isa sa mga lugar rito ay may kaunti na tayong nalalaman.

5. Sa iyong palagay, paano mapapahalagahan ang mga gintong aral at dagdag kaalamang
matutunan mula sa mga bansang ito?

Sa tingin ko upang mapahalagahan ang mga gintong aral at kaalaman na


matutunan sa bansang Persia at kontinenting Africa, mas mainam na ito’y ibahagi sa
kahit saang dako ng mundo, mas marami ang nakakaalam mas mainam at mas
mapapahalagahan.

GAWAIN 4: PANAPOS NA GAWAIN

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang kadalasang pinapaksa ng mitolohiyang Africa at Persia ay___

A. Supernatural na kapangyarihan C. Karaniwang pamumuhay

B. Kabayanihan D. Pag-ibig

2. Ang sumusunod ay ang mga tema ng mitolohiya maliban sa:

A. Magpaliwanag sa natural na pangyayari

B. Pagsakripisyo dahil sa pag-ibig

C. Pinagmulan ng buhay sa daigdig

D. Mga paniniwalang panrelihiyon


3. Ang sumusunod ay ang mga nakaimpluwensya sa panitikan ng Persia maliban sa isa;

A. Ottoman B. Turkey C. Cameroon D. India

4. Ano ang pinakapangunahing paksa ng mitolohiya ng Persia?

A. Kabayanihan . C. Kaugalian ng lipunan

B. Pagmamahal sa pamilya D. Pinagmulan ng bagay-bagay

5. Bakit higit na malawak ang lupaing nasasakupan ng Africa kung ihahambing sa Persia?

A. dahil ang Persia ay isang kontinente

B. dahil ang Africa ay isang bansa

C. dahil ang Africa ay isang kontinente

D. dahil malawak ang disyerto sa Persia

6. Anong kontinente ang pangalawa sa may pinakamalawak na lupain sa buong mundo.

A. Asia B. Africa C. Europa D. Timog Amerika

7. Ang sistemang apartheid ay nagwakas nang manalo bilang pangulo ng Africa

si Nelson Mandela na kulay____.

A. Kayumanggi B. Itim C. Puti D. Balingkinitan

8. Ano ang bagong pangalan ng bansang Persia?

A. Saudi Arabia B. Iran C. Iraq D. Kuwait

9. Paano nagkakatulad ang mga mitolohiya mula sa iba’t ibang panig ng daigdig?

A. Sa pamamagitan ng pananalita ng isang lugar

B. Nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan ang mga tauhan

C. Pareho ang lugar na pinangyarihan

D. Pareho ang katangiang taglay ng mga tauhan

10. Paano nakaapekto sa panitikan ng Africa ang sistemang Apartheid?

A. Bahagi ito ng kanilang panitikan


B. Nasasalamin dito ang kanilang kasaysayan

C. Ito ang kanilang karanasan

D. Larawan ito ng kanilang kultura

ARALIN 2: ELEMENTO NG MITOLOHIYA

Ang kuwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas
na tinatalakay na mga kuwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
Karaniwang paksa nito ay maiuugnay sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon o bansa.
Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito
ng kababalaghan at madalas mga kathang-isip lamang, mayroon pa din itong mga nai-aambag
sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag-aaral.

Ang mitolohiya ay parating mayroong mga gintong aral na ipinagkaloob sa mga


nakaririnig o nakababasa nito. Dagdag na rin ito sa kaalaman kung ano ang tradisyon at kultura
ng nasabing lugar ng mitolohiya dahil isinasalamin nito ang kabuhayan noong ito ay isinulat.

Mga Elemento ng Mitolohiya:

1. Tauhan 2.Tagpuan 3. Banghay 4.Tema

GAWAIN 1: PANANALIKSIK AT PAGBASA

PANUTO: Hanapin sa internet at basahin din ang isang mitolohiya mula sa Nigeria “Maaaring
Lumipad ang Tao”. Pwedeng ding maghanap ng video clip sa youtube upang mas
maunawaan nang maayos ang akda.

Pagtukoy sa Elemento ng Mitolohiya

Sa mga nagdaang kabanata ay nakabasa ka rin ng ilang halimbawa ng iba pang


mitolohiya tulad ng mitolohiyang Romano at mitolohiya mula sa Iceland. Sa pagsuri ng mga
kaisipang nakapaloob dito maaaring gawing batayan ang suliranin ng akda, kilos ng mga
tauhan o pangunahing tauhan, at gawi ng mga tauhan sa mitolohiya.
Mamamalas sa mitong “Maaaring Lumipad ang Tao” ang kaisipan o konsepto ng pag-
asa na makakawala ang mga kasalukuyang naghihirap sa kamay ng pagdurusa sa kontinente
ng Africa.

Nagpapakita rin ito na ang mga tagagabay na magsasalba sa mga naghihikahos ay


kasama lamang nila sa kanilang piling at hinihintay lamang silang maging isa muli.

Ipinapakita dito na kinakailangan ng lakas ng loob para malagpasan ang mga pagsubok.
Alam nila na kaya nilang lumipad ngunit hindi nila isinigaw ang mga salitang may
kapangyarihan sa takot na marinig sila ng tagapagbantay at parusahan sila nito.

Layunin ng akdang ito na ipaalam sa lahat ng tao na kilalanin mo muna ang mga taong
nakakasalamuha mo at huwag basta-bastang magtitiwala.

GAWAIN 2 : HAGDANG KWENTO

PANUTO: Batay sa nabasang mitolohiya na pinamagatang “ Maaaring Lumipad ang Tao”.


Punan ng angkop na sagot ang bawat hakbang ayon sa elemento ng mitolohiya. Maaaring
palakihin ang mga kahon kung hindi kaysa ang inyong sagot. ( 20 puntos)

Tema: Ang temang pinairal sa kwento ay ang patuloy


na pakikibaka sa hamon ng buhay sa kabila ng mga
masasalimoot na mga panyayaring nararanasan ng
isang indibidwal.

Banghay: Ang mga taong naninirahan sa Africa ay


mayroong kapangyarihang iniingatan, ito ay ang
kakayahang makalipad na kung saan inililihim nila ito
sa bawat indibidwal sa pamamagitan ng pagtatago o
pag-aalis ng kanilang mga pakpak. Pinaniniwalaan din
na ang mga taong may kakayahang ito ay nagpapalit
ng anyo bilang mga katulad ng mga taga-Africa upang
hindi mabatid ang kanilang kapangyarihan.

Tagpuan: Ang kwento ay naganap sa isang bukirin na


matatagpuan sa bansang Africa. Ang bukiring ito ang
lugar kung saan nagsisilbihan o nagtatrabaho ang mga
tao

Tauhan: Toby, Sarah, Tagapagbantay, Mga


magbubukid
GAWAIN 3: SURIIN NATIN
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang
papel. (3 puntos bawat bilang)
1. Ano ang katangian ng pangunahing tauhan ang dapat pamarisan?
Ang katangian na dapat natin gayahin sa pangunahing tauhan ay
ang pagiging matapang sa pagharap sa hamon ng buhay. Upang malampasan natin ang
mga pagsubok kailangan natin maging matapang at manalig sa Maykapal.
2. Makatwiran ba ang naging desisyon ng pangunahing tauhan sa akda? Patunayan.
Oo, sapagkat ang kanyang desisyon ang nagpalaya sa karamihan at
nung isiniwalat niya ang kanyang tunay na anyo marami ang naging matapang na
humarap sa hamon ng buhay, nagsilbi siyang inspirasyon sa mga magbubukid.
3. Bakit mahalagang pag-isipan nang mabuti ng tao ang mga desisyon niya sa buhay?
Mahalagang pag-isipan natin nang mabuti ang mga desisyon natin
sa buhay upang pagdating ng panahon hindi natin ito pagsisisihan.
4. Paano nakatutulong sa tao ang kanyang mga suliraning napagdaanan?
Makakatulong sa tao ang mga suliraning napagdaanan nito sa
pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa mga ito at pagsalaminan niya ito kung saan at
kung ano ang kanyang nararapat gawin, kung sakaling maharap man siya sa ganoong
sitwasyon ulit. Ang mga suliraning napagdaanan din ang nagpapatibay ng damdamin at
loob ng isang tao, at higit sa lahat ito ay magsisilbi inspirasyon sa kanya upang
magpatuloy sa buhay.
5. Masasalamin ba sa mitolohiyang ito ang kultura ng bansang Nigeria? Patunayan.
Sa tingin ko Oo, naipapakita nito ang mga kultura ng bansang
Nigeria kagaya na lamang ng pag banggit ng mga salita nila o pagbabanggit ng mga
salita bilang ritwal. Naipapakita rin dito na naging marespeto si Sarah kay Toby na mas
nakakatanda sa kaniya na isa sa mga kultura ng Nigeria at ang kanilang pagrespeto sa
may posisyon kung kaya’t tinitiis nalamang nila ang mga pasakit sa kanila. Sa Nigeria,
ang edad at posisyon ay kinakailangang respetuhin. Ang pagkakaroon ng edad ay
pinapaniwalaang pagkakaroon ng katalinuhan. Ang pinakamatandang tao sa isang grupo
ay pinaparangalan at ginagalang.
PAGLALAHAT/PAGBUO
Ang akdang mitolohiya ay nagtataglay ng mga supernatural na pangyayari na maaaring
ituturing na makatotohanan o di makatotohanan. Ang naranasang kahirapan at kalupitan ng
mga tauhan ay isang katotohanang salamin ng buhay ng mga tao sa Africa samantalang ang
mga taong lumulipad dahil sa pagbigkas ng mga makapangyarihang salita ay di
makatotohanan.

Sa iyong lubos na pagkaunawa sa araling ito, ikaw ay inaasahangmakasusulat ng


pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensya nito sa sarili at sa mga kamag-aral na
kinapanayam.

GAWAIN 4: PANAPOS NA GAWAIN

Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya sa pamamagitan ng pagpili ng


angkop na kasagutan at pagpapaliwanag ukol dito. (5 puntos. bawat bilang)

1. Anong mga suliranin ang kinakaharap ng mga tauhan sa akda?

A. Ang kalupitan o pang-aapi ng mga nasa kapangyarihan.

B. Ang mabibigat at mahihirap na gawain sa bukid.

C. Ang pagbabagong anyo ng mga tauhan.

 Batay sa iyong napiling sagot, paano nakaapekto sa kanila ang suliraning

ito? Makikita natin o mababasa natin sa akda ang pagmamalupit at pang-


aapi ng mga may kapangyarihan sa alipin, isa rin sa suliranin na kinakaharap ng mga
tauhan sa akda ay ang mabibigat at mahihirap na mga gawain sa bukid. Ngunit ang mas
nagpahirap talaga sa kanila ay ang paglalatigo at pagmamalupit sa kanila ng may
kapangyarihan sa tuwing sila ay nagkakamali, nakakaapekto ito sa kanilang trabaho
lalong–lalo na sa kanilang katawan at kalugusan na maari nilang ikamatay.

2.Paano masasalamin ang kilos o pag-uugali ng pangunahing tauhan sa akda tungo sa


suliraning kinaharap niya at ng iba pang tauhan?

A. Mapagmatiisin sa kabila ng mga dinaranas na kalupitan mula sa mgatagapagbantay.

B. Hindi pinapansin ang mga masasakit na pangyayari sa kanyang kapaligiran.

C. Naging matapang sa pagharap sa mga hamon sa buhay sa tamang panahon.

 Ano ang resulta ng naging kilos o gawi ng pangunahing tauhan?


Naging malaya ang tauhan matapos niyang gawin ang kilos, naging
matapang siya sa pagharap sa hamon ng buhay sa tamang panahon kung kaya’t siya ay
naging malaya.

3. Ano ang naging desisyon ng tauhan nang makitang nasa bingit na ng alanganin ang kanyang
kasamahan?

A. Nanikluhod para kaawaan at mabigyan ng pagkakataong mabuhay.

B. Ipinakita ang tunay na anyo upang maiwasan ang pagdating ng kamatayan.

C. Ipinagpatuloy nila ang ginagawa sa kabila ng kalupitan sa mgamahihinang mamamayan.

 Ano ang kinahantungan ng mga tauhan sa kanilang naging pasya?

Pangatwiranan.

May mga nakalipad at malaya ngunit ang iba ay nanatiling hindi


nakalipad kagaya nila.

4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayan sa pagbulgar ng tunay na anyo ng ating
mga tauhan?

A. Nakamit ang matagal nang inaasam na tunay na kalayaan.

B. Naging magaan na ang kanilang gawain at wala ng mga pagmamalupit.

C. Nagkahiwalay ang pamilya at nasira ang kanilang kabuhayan.

 Ano ang nadama nila sanhi ng pangyayaring ito sa kanilang buhay?

Sa tingin ko ang nadama nilang sanhi ng pangyayaring ito sa


kanilang buhay ay ang kanilang madaling pagsuko at hindi sila naging matapang kagaya
ni Toby

5. Maihahambing ba natin sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga pangyayari sa akdang ito?

A. Oo B. Hindi Maaari Ewan

 Aling pangyayari sa ating kasaysayan ito maihahalintulad?

Maihahambaing ito sa pangyayari noong mga panahong sinakop


tayo ng mga espanyol, nakipaglaban ang ating mga ninuno at bayani upang tayo ay
makalaya sa kanila. At nagpapasalamat ako sapagkat tila sila ang naging Toby sa
kuwento, na naging matapang sa tamang panahon.

You might also like