You are on page 1of 13

FILIPINO-10

Unang Markahan – Modyul 5


Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean
(MAIKLING KUWENTO)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

1
Aralin
Kuwento ng Tauhan
1
 Pangkalahatang Ideya
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang isa sa mga uri ng maikling kuwento, ang
Kuwento ng Tauhan. Saklaw nito ang paglinang sa iyong mga kakayahan sa
pagpapahalaga sa isang akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga katangian ng
pangunahing tauhan sa kuwento. Tutuklasin mo ang mga paraan na ginagamit sa
paglalarawan at ang mga salitang hudyat o simbolo nito. Lilinangin din sa iyo ang
kasanayan sa pagbibigay-kahulugan sa mahihirap na salita o ekspresyong ginamit
sa akda.
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makapagsalaysay ng mga tagpo
na naglalarawan sa panlabas at panloob na anyo ng isa sa mga tauhan sa
paboritong teleserye.
 Layunin
Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o
ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng pangungusap. (F10PT-If-g-66)
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay maisasagawa mo ang mga
sumusunod:
1. Nakikilala ang ikinaiiba ng Kuwento ng Tauhan sa iba pang uri ng maikling
kuwento.
2. Naibibigay ang tamang kahulugan ng mahihirap na salita ayon sa
konteksto ng pangungusap.

 Dating Kaalaman
Kung babalikan mo ang iyong aralin sa Grade 9 hinggil sa maikling kuwento,
iyong natutuhan ang isa sa mga uri nito, ang Kuwentong Makabanghay. Sa
kuwentong ito, higit na binigyang-halaga ang pagtukoy sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kuwento. Ang mga pangyayari sa kuwento ang humuhubog sa
ating pagpapahalaga at mag-iiwan ng kakintalan sa bumabasa.

 Paglalahad
Una mong pag-aaralan sa modyul na ito ay ang Kuwento ng Tauhan. Ano na
nga ba ang alam mo na sa paksang ito? Sa sandaling ito ay bigyang-pansin mo
muna ang panimulang Gawain na may kaugnayan sa ating paksa.
Kahulugan ng Kuwento ng Tauhan
Ang Kuwento ng Tauhan ay isang uri ng maikling kuwento na ang higit na
binibigyang-diin ay ang paglalarawan sa pangunahing tauhan ng kuwento. Ang
kanyang kilos, ang paraan ng pagbibitaw ng mga salita, kung papaano siya mag-
isip, at kung ano ang kanyang mga nararamdaman.

1
Nangingibabaw rito ang isang masusing paglalarawan sa tunay na pagkatao
ng tauhan sa katha. Ang kanyang larawan o katangian ang siyang mag-iiwan sa atin
ng kakintalan.

Paraan ng Paglalarawan ng Tauhan


Ang paglalarawan ng buong pagkatao ng tauhan ay nasasalig sa kaniyang
panloob na anyo at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo. Kabilang sa panloob
na anyo ang isipan, mithiin, at damdamin ng tauhan. Ang panlabas na anyo naman
ay nakasalalay sa paglalarawan kung paano siya kumilos at magsalita.
Nakatutulong din sa pagpapalitaw ng katauhan ang mga pag-uusap ng ibang
tauhan sa kuwento tungkol sa kaniya o ang kanilang reaksyon na ipinakita. Ngunit
higit na mabisang paglalarawan sa katauhan ang kaniyang reaksiyon o saloobin sa
isang tiyak na pangyayari.
Mga Salita/Pariralang Hudyat ng Paglalarawan
Sa pagkilala sa buong pagkatao ng pangunahing tauhan, mahalagang
makilala rin kung anong mga salita o parirala sa loob ng pangungusap o pahayag
ang hudyat o palatandaan kung ang inilalarawan ay panloob na anyo o ang
panlabas na anyo. Narito ang mga halimbawa.
Mithiin. Labis ang pagmimithi niyang maging kahali-halina, kaibig-ibig,
maging tampulan ng papuri, at pangimbuluhan ng ibang babae.
Damdamin. Hindi naging maligaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa.
Pag-iisip. Siya’y naniniwalang isinilang siya upang magtamasa ng
karangyaan sa buhay.
Narito ang halimbawa ng panlabas na anyo:

Pagkilos. Nanghiram siya ng kuwintas na diyamante sa kaibigang si Madame


Forestier.
Pananalita. “At ano ang nais mong isampay sa aking likod?”

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa Kuwento ng Tauhan, basahin ang bahaging


Alam mo ba na… sa aklat Filipino 10 Panitikang Pandaigdig: Modyul ng
Mag-aaral, pahina 58.

 Mga Gawain
Gawain 1: Itapat Mo/Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga salitang naging
hudyat sa paraan ng paglalarawan sa tauhan na nasa hanay A. Isulat ito sa loob
ng hanay.

Hanay A Hanay B
A. Labis ang mithiin niyang maging
1. Panlabas na anyo – kahali-halina
kahali-halina.
B. Hindi siya maligaya sa piling ng
2. Panloob na anyo -
asawa.
C. May taglay siyang alindog na hindi
3. Panlabas na anyo -
nababagay sa kanyang kalagayan.

2
4. Reaksyon ng Tauhan - D. Lahat ay nagnanais na makilala siya.
E. Nag-ukol sa kanya ng pansin ang
5. Reaksyon ng Tauhan -
pati ang ministro.

 PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang
sa isang angkan ng mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang naging hudyat
ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. Isa B. magagandang babae C. pagkakamali ng tadhana D. tagasulat
2. Anong paraan ng paglalarawan ang ginamit ng may-akda kay Mathilde sa
salaysay na nasa bilang 1?
A. panloob B. panlabas C. katangiang pisikal D. reaksyon ng tauhan
3. Namutla ang asawa dahil ang kanyang naipon ay ipambibili sana niya ng baril
pang-ibon sa nalalapit na tag-araw. Anong bahagi ng katauhan ang inilalarawan
ng may-akda?
A. panloob na anyo C. larawang pisikal
B. panlabas na anyo D. reaksyon ng ibang tauhan
4. Nabagbag nang gayon na lamang si Madame Forestier at sinabing “O, kaawa-
awa kong Mathilde, ang kuwintas na ipinahiram ko sa iyo ay puwit lamang ng
baso”. Anong katauhan ang inilalarawan ng may-akda kay Madame Forestier?
A. Panloob B. panlabas C. pisikal D. reaksyon ng ibang tauhan
5. Masasabi mo bang isang mabuting kaibigan si Madame Forestier?
A. Oo, sapagkat walang pag-aalinlangan na pinahiram niya si Mathilde ng
alahas.
B.Oo, sapagkat lagi siyang handing tumulong ninuman
C.Hindi, sapagkat tinanggap pa niya ang napakamahal na alahas
D.Hindi, dahil ang kuwintas na ipinahiram ay nagdulot ng kapahamakan
6. Kung kani-kanino siya nanghiram, lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit na
ang mga gipit na kasunduan, kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng
uri ng manghuhuthot. Ano ang kahulugan ng salitang initiman?
A. Bukas-palad B. matulungin C. mapagsamantala D. malulupit
7. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makitang umiiyak ang asawa. Ano
ang ibig ipahiwatig ng salitang nagulumihanan sa pangungusap na ito?
A. Naiinis B. naaawa C. nalilito D. nababato
8. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang estranghero”, sabi ng babae. Anong
katangian ng babae ang inilalarawan?
A. Makabago at malayang kababaiha C. Babaing nagpapahalaga sa dangal
B. babaing nababalot ng takot D. babaing may pinagdaanan
9. Alin sa mga sumusunod ang hudyat o simbolo na nagpapahiwatig ng katangian?
A. hindi B. pumupunta C. bahay D. estranghero
10. “Kasalanan n’yo ang nangyari, eh! Nataranta kasi kayo basta may kostumer
kayong Kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar.” Anong katangian o larawan ang
mahihinuha mula sa nagsasalita?

3
A. Mapagmahal at mapag-aruga C. Mapagmalasakit sa kapwa
B. mapaniil at mapanghusg D. pabaya at masama

Aralin
Ang Kuwintas
2
 Pangkalahatang Ideya
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang isa sa mga Kuwento ng Tauhan na
nanggaling sa bansang France na pinamagatang “Ang Kuwintas”. Binibigyang-diin
dito ang pagkilala sa pagkatao ng pangunahing tauhan ayon sa pagkakalarawan ng
may-akda sa kanyang panlabas at panloob na anyo. Layunin ng araling ito na
hubugin ang iyong kasanayan sa pag-unawa sa binasa at pagtukoy sa mga
pangyayari sa kuwento na nagaganap sa tunay na buhay.
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makapagkukuwento ng sariling
karanasan o karanasan ng iba na may kaugnayan sa pangyayari sa binasang
kuwento.
 Layunin
Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa
tunay na buhay kaugnay ng binasa (F10PB-If-g67)
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay maisasagawa mo ang mga
sumusunod:
1. Nailalarawan ang pisikal at panloob na anyo ng pangunahing tauhan.
2. Natutukoy ang mga pangyayari sa kuwento na maaaring maganap sa
tunay na buhay.
 Dating Kaalaman
Natutuhan mo sa nagdaang aralin na ang paglalarawan ng buong pagkatao
ng tauhan sa isang kuwento ng tauhan ay nasasalig sa kaniyang panloob na anyo
at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo. Kabilang sa panloob na anyo ang
isipan, mithiin, at damdamin ng tauhan. Ang panlabas na anyo naman ay
nakasalalay sa paglalarawan kung paano siya kumilos at magsalita. Ngunit, mas
nakatutulong din ang mga reaksyon ng ibang tauhan upang higit na mapalitaw ang
larawan ng pagkatao.
 Paglalahad
Sunod mong pag-aaralan sa modyul na ito ay ang kuwentong “Ang Kuwintas”
na isang halimbawa ng Kuwento ng Tauhan. Ngunit, sa sandaling ito ay bigyang-
pansin mo muna ang panimulang Gawain na may kaugnayan sa babasahing akda.
 Pagbuo ng Konsepto
Basahin mo…

Basahin at unawaing mabuti ang kuwentong “Ang Kuwintas” ni Guy de Maupassant.


Ito ay nasa iyong aklat sa Filipino 10: Panitikang Pandaigdig: Modyul Para sa
Mag-aaral, pahina 58 – 64.

4
 Mga Gawain
Gawain 1: Ilarawan Mo Panuto: Ano-ano sa palagay mo ang panlabas at panloob na
anyo ng isang huwarang babae o lalaki?
Isulat sa loob ng hugis puso ang mga katangiang ito.

Huwarang Babae Huwarang Lalaki

A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag o pangyayari kung ito ba ay


nagaganap sa kasalukuyan o hindi. Lagyan ng Tsek (√) ang bilang ng pahayag
na nangyayari sa kasalukuyan at ekis naman X kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
___1. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala
siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan
sa buhay na maidudulot ng salapi.
___2. Pinagsikapan ni G.Loisel na makakuha ng paanyaya para sa kasayahan
upang sila’y makadalo.Subalit hindi natuwa ang asawa sa halip inihagis ang
sobre dahil wala siyang bagong damit na maisusuot.
___3. Upang makadalo sa kasayahan, ibinigay ni G.Loisel ang naipong pera na
pambili sana ng baril kay Mathilde upang makabili ng bagong bestida.
___4. Nakahanda ng bagong bestida si Mathilde ngunit malungkot pa rin
siya.Nais niya ng isang hiyas na maisusuot upang hindi siya magmukhang
kahiya-hiya sa mayayamang babae sa kasayahan kaya’t nanghiram siya ng
kuwintas sa kaibigan si Madame Forestier.
___5. Sampung taong naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng kanilang
mga utang.Dito’y naranasan ni Mathilde ang lahat ng hirap subalit
napagtanto niya ang kahulugan ng tunay na ang buhay ay kakatwa at
mahiwaga.

 PANAPOS NA PAGTATASA
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot
1. Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa? Hindi masaya si
Mathilde sa piling ng kanyang asawa sapagkat ______
A. hindi ito magandang lalaki
B. wala itong sapat na pinag-aralan
C. hindi siya nito mabigyan ng anak
D. hindi nito maibibigay ang pangarap na luho sa buhay
2. Bakit naibibilang sa Kuwento ng Tauhan ang kuwentong “Ang Kuwintas”?
A. Ito’y nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng pangunahing tauhan.
B. Nagpapakita ito ng kultura ng bansang France.
5
C. Dahil naglalarawan ito sa samahan ng mag-asawang G. Loisel at Mathilde.
D. Ipinakikita rito ang pagpapahalaga ng asawang lalaki sa kanyang kabiyak

3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga nais mangyari ni Mathilde sa


kanyang buhay?
A. Maging maganda at maalindog C. Maging tampulan ng papuri
B. Maging kahali-halina at kaibig-ibig D. Pangimbuluhan ng ibang babae

4. Alin sa mga sumusunod ang higit na nakaambag upang matupad ang


matagal nang pangarap ni Mathilde sa buhay?
A. Pinahiram siya ng mamahaling kuwintas ng kaibigang si Madame Forestier
B. Nabili niya ang ninanais na makabago at mamahaling bestido
C. Dumalo siya sa kasayahan na balot na balot ng mga hiyas sa katawan
D. Nakatagpo siya ng mayamang kaibigang sa dinaluhang kasayahan

5. Paano napapayag ni G. Loisel si Mathilde na dumalo sa kasayahang idaraos


ng kagawaran?
A. Ibinili niya ito ng mamahaling kuwintas
B. Inirenta niya ito ng mamahaling kotse
C. Ibinigay niya rito ang naipong apat na raang prangko
D. Inimbitahan ang kaibiga nitong si Madame Forestier

6. Alin sa mga sumusunod na kultura ng France ang maaaring magpaliwanag


sa ginawang pagpaparaya ni G. Loisel sa mga kapritso ni Mathilde?
A. Pagpapahalaga sa relihiyon C. Pagpapahalaga sa sopistikasyon
B. Pagpapahalaga sa bayan D. Pagpapahalaga sa sining
7. Masasalamin ba kay Mathilde ang pag-uugali ng babaeng taga-France?
A. Oo, sapagkat mahilig siya sa moda
B. Oo, sapagkat mahilig siyang manghiram ng alahas
C.Hindi, sapagkat tanggap niya ang pagkakamali
D.Hindi, sapagkat natuto na siyang magpakumbaba

8. Pagkatapos ng sampung taon, ang buong pagkakautang ay nabayaran. Si


Mathilde ay mukhang matanda na ngayon. Anong salita o mga salita ang
naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. sampung taon C. mukhang matanda
B. pagkakautang D. ngayon
9. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?
A. Ang paghahangad nang labis sa buhay ay nagdudulot ng kapahamakan
B. Gaano man kataas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkabagsak.
C. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
D. Laging nasa huli ang pagsisisi.

10. Alin sa mga sumusunod na paglalarawan ng isang babae sa kasalukuyan


ang nagsasalaysay ng pangyayaring kahalintulad sa kuwento?
A. Si Myrna, kilala sa kanilang lugar dahil sa ganda ng katawan at kagalingan
sa pagbihis ng kasuotan. Araw-araw ay nagtatago dahil sa utang.
B. Si Alma, nakatira sa isang kubo na walang kasinlinis at di matatawaran sa
dami ng mga tanim na prutas at gulay.
C. Si Edna, mahal na mahal ng asawa lahat ibinibigay sa kanya kahit hindi
niya hinihingi dahil may trabaho at kita naman siya.
D. Si Nora, mayaman, maganda, mabait, ngunit hiwalay na sa kanyang asawa

6
Aralin
Kultura ng France
3
 Pangkalahatang Ideya
Ang araling ito ay tungkol sa kultura ng bansang France na siyang
pinanggagalingan ng kuwentong “Ang Kuwintas”. Saklaw sa araling ito ang
kaalaman sa kultura ng France na naging bahagi ng mga usapin o isyung
pandaigdig. Huhubugin nito ang iyong kasanayang magpaliwanag sa ilang
pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari sa
daigdig. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng isang
paliwanag hinggil sa isa sa mga isyung pandaigdig na may kinalaman sa kultura.
 Layunin
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan
na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig (F10PNIf-g-66).
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay maisasagawa mo ang mga
sumusunod:
1. Naitatala ang mga kultura ng France na makikita sa buhay ng mga Pilipino.
2. Nakapagpapaliwanag hinggil sa kulturang naging isyung pandaigdig.

 Paglalahad
 Pagbuo ng Konsepto
Ang France ay isang malayang bansa sa Kanluran ng Europe. Mayaman din
sila sa kultura. Alamin natin ang mga ito.
Ang kulturang Pranses ay karugtong sa kultura ng Paris kung saan sila ang
sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura. Kilalanin ang France ayon sa
kanilang kultura.

Wika ng France
French ang wikang opisyal ng France, subalit may mga rehiyon na
nagsasalita ng German, Flemish, Arabic, Italian at iba pang wikang katutubo sa mga
kalapit na rehiyon. Ang French ang naging pangalawang wika ng mga tao sa France
na hindi French ang mother tongue

Relihiyon at Mga Tradisyon


Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France ngunit ilan sa kanila ay Islam,
Protestante, at Judaism na karaniwang relihiyon din ng mga dayuhang mula sa
hilagang Africa. Ang mga taga-France ay nagdiriwang ng tradisyunal na piyesta ng
mga Kristiyano tulad ng Pasko, Mahal na Araw. Bahagi rin ng kanilang mga
pagdiriwang ang May Day na kilala bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo
1, Araw ng Tagumpay tuwing Mayo 8 bilang pag-alala sa nakamtang kalayaan
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at Araw ng Bastille tuwing Hulyo 14
bilang pag-alala sa Rebolusyon ng France.

7
Hilig at Mga Pagpapahalaga
Mahihilig ang mga taga-France sa pagkain at alak. Ito ang sentro ng kanilang
mga pagtitipon sa lahat ng antas sa lipunan, at sa mga mararangyang handaan.
Sa pagluluto ay marami sa kanila ang nag-uugnay ng kanilang lutuin sa
malapot na sarsa at sa mga komplikadong paghahanda tulad ng nilagang baka sa
red wine, mga karne na nilagyan ng bawang, sibuyas, at kabute.
Kilala rin ang mga taga-France sa pagiging nasyonalismo. Labis ang
pagpapahalaga nila sa kanilang bansa at pamahalaan. Karaniwang sila’y nagagalit
kapag nakaririnig ng hindi magandang komento tungkol sa kanilang bansa. Ang pag-
uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano
na kawalang-galang.
Ang mga taga-France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang
pagkakapantay-pantay, at ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa. Niyayakap din
ng mga taga-France ang pagpapahalaga sa kanilang kababaihan, sa kanilang
estilo’t sopistikasyon at ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit sa mga
pampublikong lugar ay mala-maharlika sila kung kumilos.

Pananamit at Sining
Ang mga taga-France ay kilala sa pagiging sopistikado kung manamit.
Disente sila at laging sunod sa uso ang estilo, ngunit hindi ito sobra sa dekorasyon.
Karaniwang sa mga damit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana at
berets o bilog at malambot na sombrero.
Bahagi na rin ng kanilang pamumuhay ang sining. Marami rin sa kanila ang
mga kilalang artist ng kasaysayan

Para sa higit na kaalaman hinggil sa Kultura ng France, basahin ang aklat


Filipino 10 Panitikang Pandaigdig: Modyul ng Mag-aaral, pahina 67-68.

 Mga Gawain
Sa kasunod na Gawain ay tutuklasin natin kung gaano na kalawak ang
nalalaman mo tungkol sa kultura ng taga-France at impluwensiya nito sa mga
Pilipino.
Gawain1. Kultura KO…Itatala Ko! Panuto: Isulat sa Linear Chart ang kultura ng
France na alam mo.

8
 PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang pangunahing relihiyon ng France?
A.Katoliko B. Islam C. Protestante D. Judaism

2. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping relihiyon?


A. Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France at Pilipinas
B. Iilan sa mga kadugo ay Islam, Protestante, at Judaism
C. May mga lugar na iba ang paniniwala at relihiyon
D. Naniniwala sa tatlong persona ng Panginoon
3. Aling kultura ang taglay ng France na naging isyu para sa mga turista?
A. Pagpapahalaga sa pananamit
B. Pagpapahalagang nasyonalismo
C. Hilig sa mararangyang handaan
D.Tradisyunal na mga Pagdiriwang
4. Aling kultura ng taga-France ang nagpapakita na sila ay may mataas na
pagpapahalaga sa kanilang sarili?
A. Sopistikado manamit
B. Katoliko ang relihiyon
C. Wikang French ang ginagamit
D. Nagsasagawa ng tradisyunal na mga pagdiriwang
5. Sa anong tradisyon at pagdiriwang nagkakatulad ang France at Pilipinas?
A. Pasko at Araw ng mga Puso
B. Mahal na Araw at Pasko
C. Araw ng mga Manggagawa at Araw ng Bastille
D. May Day at Araw ng Tagumpay
6. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng mga Pilipino na masasabing hindi
magandang impluwensiya ng mga Pranses?
A. Sopistikado kung manamit
B. Nagpapahalaga sa bansa at pamahalaan
C. Pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa
D. Hilig sa mararangyang handaan sa kabila ng kahirapan
7. Alin sa mga sumusunod ang magpapaliwanag sa hilig ng mga Pranses na
dumalo sa mga kasayahan?
A. Sila ay mahihilig sa masasarap na pagkain at alak.
B. Sila ay mga Katoliko na mahilig magdiwang ng piyesta.
C. Sila ay nagpapahalaga sa kanilang bansa at mamamayan.
D. Sila ay may magagarang pananamit na gustong ipakita sa
kasayahan.
8. Alin sa sumusunod ang salitang katumbas ng kalayaan sa mga taga-
France?
A. Egalite B. Fraternite C. Liberte D. Chauvinism
9. Naniniwala ang mga taga-France sa “egalite”. Ano ang ibig sabihin ng
salitang ito na bahagi na ng kanilang motto?
A. Kalayaan B. kapatiran
C. pagkakapantay-pantay D. pagmamahal sa bayan
10. Alin sa mga sumusunod na motto ang mas pinahahalagahan ng mga
taga-France?
A. Egalite B. fraternite C. liberte D. chauvinism

9
Aralin Panghalip Bilang Panuring sa
4 Tauhan
 Pangkalahatang Ideya
Ang araling ito ay tungkol sa mga panghalip na ginagamit bilang panuring sa
mga tauhan. Dito natin malalaman ang gamit ng Anapora at Katapora. Mahalagang
matutunan natin ito upang magiging maayos at mabisa ang ating pagsasalaysay o
pagkukuwento. Huhubugin sa araling ito ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga
panghalip bilang panuring sa mga tauhan. Bilang pangwakas na gawain, ikaw ay
inaasahang makasusulat ng sariling wakas ng kuwentong “Ang Kuwintas” gamit ang
mga panghalip bilang panuring sa tauhan.
 Layunin
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang
panuring sa mga tauhan. (F10WG-If-g-61))
Inaasahang sa pamamagitan ng araling ito, ikaw ay

1. natutukoy ang gamit ng anapora at katapora;


2. nagagamit ang mga angkop na panghalip sa pagsasalaysay ng
pangyayari.
 Dating Kaalaman
Sa nakaraang aralin ay nakikilala natin ang katauhan ni Mathilde, ang kanyang
kilos at pag-uugali na naging dahilan upang mapasubo sila sa sampung taong
sakripsyo sa pagbabayad ng utang. Mula sa kuwento ay ating natutunan na ang
sobrang paghahangad sa isang bagay ay nagdudulot ng kapahamakan. Gayon pa
man, si Mathilde ang larawan ng kababaihan ng France. Siya ang tatak ng kanilang
kultura.
a. Paglalahad
Ngayon ay pag-aaralan mo naman ang mga pang-ugnay o reperensiya na
kung tawagin ay anapora at katapora. Sa kasunod na Gawain ay tuklasin mo ang
iyong alam tungkol sa araling ito.
 Pagbuo ng Konsepto
Ang mga panghalip ay hindi lamang mga salitang ginagamit na panghalili sa
pangngalan kundi ito rin ay ginagamit sa pag-uugnay ng magkakahiwalay na
pangungusap o sugnay sa isang babasahin lalo na sa isang kuwento.
Bagama’t magkakahiwalay ang mga pangungusap o sugnay sa isang
babasahin, ang mga ito ay pinagdudugtong o pinag-uugnay naman ng mga gamit
pang-ugnay o cohesive device upang magkaroon ng kohesyong gramatikal.
Sa pag-uugnay ng mga pangungusap o sugnay ay kalimitang ginagamit ang
mga panghalip bilang mga panuring o reperensiya (referents). Ang mga referents na
ito ay tinatawag na anapora at katapora. Ang katawagang ito ay nakasalalay sa
kinalalagyan ng salitang kanyang tinuturingan o ni-refer.
Kung ang pangngalan o pariralang pangngalan na tinutukoy o ni-refer ay
nabanggit na sa unahan, ang panghalip o referent ay tinatawag na Anapora.
Halimbawa:
1. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito
10
ang sentro ng moda, pagluluto, sining, at arkitektura.
2. Ang France ay una nang tinawag na Rhineland. Noong panahon ng Iron
Age at Roman era, ito ay tinawag na Gaul.

Sa unang halimbawang pangungusap, ang pangngalang Paris ay hinalinhan


ng panghalip na ito, samantalang sa ikalawang pangungusap ang France ay
pinalitan din ng panghalip na ito. Ang mga pangngalang ito ay binanggit bago pa
ang panghalip na ito.

Samantala, kung ang pangngalan o pariralang pangngalan na tinutukoy o


ni-refer ay binanggit sa hulihan ng teksto o kaya pangungusap o sugnay, ang
panghalip o reperensiya ay tinatawag na Katapora.

Halimbawa:

1. Sila ay sopistikado kung manamit at mahilig sa masasarap na pagkain at


alak. Ang mga taga France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga
kasayahan.
2. Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa
buhay.Taglay ni Mathilde ang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyang
kalagayan sa buhay.

Mapapansin na sa unang halimbawa, ang pangngalang France na


hinalinhan ng panghalip na sila ay sa hulihan pa binanggit. Mas nauna ang
panghalip kaysa ni-refer nito kaya ang tawag sa referent na sila ay Katapora.
Ganoon din ang nangyari sa ikalawang halimbawa. Mas nauna ang panghalip
na siya kaysa ni-refer na pangngalang Mathilde.
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa Mga Panghalip Bilang Panuring,
basahin ang bahaging Alam mo ba na… sa aklat Filipino 10 Panitikang
Pandaigdig: Modyul ng Mag-aaral, pahina 68-69.

 Mga Gawain
Gawain 1: Tukuyin ang mga salita o pariralang tinuturing ng panghalip o referent na
sinalungguhitan. Tukuyin kung ito’y anapora o katapora ayon sa pagkakagamit.
Kopyahin sa sagutang papel ang graphic organizer na nasa ibaba at doon isulat ang
iyong sagot.
1. Ito ang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ng gabi, ang bilog na buwan.
2. Nakapili na ng damit na bibilhin si Atarah ngunit nakita niyang kulang ang
perang dala niya.
3. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Boracay
dahil ayon kay Chloed Gray paborito niya itong pasyalan.

Panghalip o referent Pangngalang ni-refer Anapora o Katapora

1. Ito

2. Niya

3. Siya

11
 PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang letrang A kung ang panghalip o referent na
sinalungguhitan sa loob ng pangungusap ay anapora at letrang K naman kung
katapora.
_____1. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin.Nagtatakbo si Marc sa
loob ng silid kanina.
_____2. Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na
kasaysayan.
_____3. Sumali si Via sa paligsahan at nanalo siya.
_____4. Sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga
dakilang Pilipino.
_____5. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Boracay sa Caticlan dahil sila’y
totoong nagagandahan dito.
_____6. Biglang umiyak ang kanyang asawa kaya nag-aalala si G. Loisel.
_____7.Sina Chloe at Cassandra ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay
mahilig mag-aral.
_____8. Ito ay ang pinakadakilang trabaho. Ang pagiging ina ay walang katumbas
na halaga.
_____9. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na
kayamanan ng isang bansa.
_____10. Sila ay sopistikado kung manamit. Nagugustuhan din nila ang masasarap
na pagkain at alak. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa
mga kasayahan.

Susi sa Pagwawasto

Aralin -1 Aralin -2
Mga Gawain – nasa guro Mga Gawain – nasa guro
ang pagpasya sa mga sagot. ang pagpasya sa mga sagot.

PANAPOS NA PAGTATAYA PANAPOS NA PAGTATAYA

1. A 6. C 1. D 6. D
2. B 7. C 2. A 7. A
3. B 8. C 3. D 8. C
4. D 9. D 4. .C 9. D
5. A 10. D 5. C 10. A

Aralin - 3 Aralin - 4
Mga Gawain – nasa guro Mga Gawain – nasa guro
ang pagpasya sa mga sagot. ang pagpasya sa mga sagot.

PANAPOS NA PAGTATAYA PANAPOS NA PAGTATAYA


1. A 6. D 1. K 6. K
2. A 7. A 2. K 7. A
3. B 8. A 3. A 8. K
4. A 9.C 4. A 9.A
5.C 10. A 5. A 10. K

12

You might also like