You are on page 1of 3

STAGE 3: LESSON OUTLINE

DAY LEARNING EVENTS REMARKS


1 araw/ Lesson 1 Panitikan: Ang Tusong Katiwala (Parabula)
1 oras Gramatika at Retorika: (Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay)

I. Mga Layunin: Pagkatapos ng talakayan, inaasahan kong:


a. Matukoy ang mga pang-ugnay na ginamit sa binasang parabula.
b. Maipaliwanag ang kahalagahan ng parabula bilang akdang pampanitikan.
c. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay.
d. Makagawa ng sariling tuntunin kung paano maging isang huwarang kabataan sa daigdig.

II. Learning Processes (Imperative form)

Introduksyon/ Pagbabalik-aral/ Pagganyak

2. Panimula ( 5 minuto)
Pananalangin
Pagbati sa Klase
Pagtsek ng liban
Pagpapaayos ng upuan
Ilahad sa mga mag-aaral ang mga kasanayang pampagkatuto, layunin at pamantayang pagganap sa
aralin na ito

3. Pagbabalik-aral (5 minuto)
Pagsariwa sa tinalakay noong nakaraang tagpo sa pamamagitan ng pagpili sa mag-aaral gamit ang
spin wheel at sasagutin ang mga katanungan.

4. Pagganyak (5 minuto)
Isang Laro (Target Mo, Iuugnay Ko)
May mga numerong ipapakita sa mag-aaral. Bawat numero ay kapapalooban ng mga pangalan ng
mag-aaral at mga larawan. Pipili ang mag-aaral ng numero sa screen at iuugnay ng napiling mag-
aaral ang unang larawan sa ikalawang larawan. Pagkatapos iugnay, ay pipili ito ng ibang numero.

5. Pagtatalakay (15 minuto)


Pagtalakay ng guro ang sa parabula.
Magtatawag ng pangalan ng mag-aaral upang sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa
pang-ugnay
 Ano ang pang-ugnay?
 Kailan ginagamit ang pang-ugnay?
Pagtalakay at pag-unawa sa mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay

Ilalahad sa klase ang tungkol sa

A. Mga Uri ng Pang-ugnay sa Pagsasalaysay


 Panimbang
 Paninsay
 Pananhi
 Pamukod
 Panubali
 Panulad

6. Pagsasanay (5 minuto)
Hahatiin sa apat na pangkat ang klase at kukuha sila tig-iisang pangungusap mula sa binasang
parabula at ibabahagi nila sa klase kung anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap.

D. Paglalapat ( 15 minuto)
Bubuo ng apat na pangkat sa klase. Gagawa ang bawat pangkat ng mga tuntunin kung paano maging
isang huwarang kabataan sa daigdig gamit ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay.

7. Evaluation ( 5 minuto)
PANUTO: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng
panaklong ang angkop na pang-ugnay .

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-
arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.
3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
4. (Gayon din, Dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa
isandaang trigo.
5. (Dahil sa, Upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

8. Takdang-aralin
Gagawa ng sampung pangungusap ang bawat mag-aaral gamit ang mga pang-ugnay at tutukuyin
kung ano uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap.
Prepared:

MS. JENETH M. OMONGOS


Subject Teacher

You might also like