You are on page 1of 12

FILIPINO-10

Unang Markahan – Modyul 6


Akdang Pampanitikan
ng Mediterranean
(NOBELA)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

i
Aralin Pagkilala sa Antas ng mga Salita
1 (Clining)
 Pangkalahatang Ideya
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pag-aantas ng mga salita ayon sa
tindi ng kahulugang ipinahahayag nito. Saklaw nito ang paglinang sa iyong
kasanayan sa pagsasaayos o pag-aantas ng magkakasingkahulugang salitang
malimit na matatagpuan sa teksto. Layon din nitong mapalawak ang iyong
kaalaman sa bokabularyong Filipino.
Bilang pangwakas na gawain sa araling ito, ikaw ay inaasahang
makasusulat ng isang talatang nagsasalaysay ng isang pangyayaring
nagpapakita ng pambu-bully sa isang kabataan dahil sa kanyang kapansanan.
 Layunin
Kasanayang Pampagkatuto: Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita
ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinapahayag nito (clining) F10PT-Ig-h-67)

 Paglalahad

Ang una mong pag-aaralan sa modyul na ito ay ang pagkilala sa wastong


pagsasaayos ng magkakasingkahulugang salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinahahayag nito. Ngunit bago ka dadako sa mas mainit na
pagtalakay nito, pag-ukulan mo muna ng pansin ang kasunod na gawain.
 Pagbuo ng Konsepto
Ang pagkliklino (clining) ay pagsasaayos o pagkakasunod-sunod ng
mga magkasingkahulugang salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. Kahit na
pareho ang kahulugan ng isang salita, hindi ito maaaring gamitin bilang kahalili
ng isa, nakabatay ang paggamit nito sa bigat ng nais ipahayag ng isang
pangungusap.
Halimbawa:
1. madamot---- sakim---ganid---gahaman
2. pagkawala--- pagkaubos---pagkasaid
3. maluwag--malaki---malawak---di maliparang uwak
4. paghanga---pagsinta---pagliyag---pagmamahal
5. maganda--- marikit --kakit-akit---nakabibighani

Ang pagkiklino ay nagpapahayag na sa unang salita ay simple lamang


ang pagpapakahulugan o nasa mababang antas lamang ito. Ang kasunod na
salita ay medyo umangat ng konti ang antas ng pagpapakahulugan at sa
pangatlo ay tumaas na talaga ang tindi o antas ng pagpapakahulugan nito
hanggang sa pinakamataas tulad ng unang halimbawang nasa baba.
madamot---sakim---ganid--gahaman

1
- Ang madamot ay nagpapahiwatig na may pangit na ugali ang isang tao.
- Ang sakim ay nagpapahiwatig na masama ang isang tao
- Ang ganid ay nagpapahiwatig ng mas malalang kasamaan ng isang tao.
- Ang gahaman ay nagpapahiwatig ng sobrang kasamaan ng isang tao

Para sa karagdagang kaalaman sa paksa, sumangguni lamang sa link na ito:


https://freedukasyon.com/filipino/ang-clining-o-pagkliklino-ay-pagsas-
11138560

 Mga Gawain
Gawain 1 .Panuto: Isaayos mula sa bilang 1-4 ang mga salita ayon sa lalim o
sidhi ng kahulugang ipinahayag nito. Ang 1 ang pinakamababa at ang 4 ang
siyang may pinakamataas na antas na antas o sidhi ng kahulugan ng
salita. Sundin ang tsart at gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Batayang Salita Pag-aantas


1. lungkot 4.______________
lumbay 3.______________
pighati 2.______________
dalamhati 1.______________
2. pagmamahal 4.______________
pagsinta 3.______________
pagliyag 2.______________
paghanga 1.______________
3. galit 4.______________
inis 3.______________
poot 2.______________
asar 1.______________
4. gahaman 4.______________
sakim 3.______________
damot 2.______________
ganid 1.______________
5. kinupkop 4.______________
inalagaan 3.______________
tinangkilik 2.______________
kinalinga 1.______________

 PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Iantas ang mga salitang may parehong kahulugan ngunit nagkakaiba
ayon sa tindi o antas ng kahulugang ipinahahayag (1- ang may
pinakamababang antas, 2- ang kasunod sa pinakamababa,

2
3-ang may kataasan at 4- ang may pinakamataas na antas ng
kahulugan)
____1. (1) pagliyag ( 2 ) paghanga ( 3 ) pagsinta ( 4) pagmamahal
A. 1, 2,3 ,4 B. 2, 3, 1, 4 C. 3,2,1,4
____ 2. (1) madamot (2) ganid ( 3) sakim ( 4) gahaman
A. 1,3,4,2 B. 1,2,3,4 C. 2,3,1,4
____ 3. (1) maganda ( 2) nakakabighani (3) kaakit-akit ( 4) marikit
A. 1,4,3,2 B. 1,3,2,4 C. 3,2,1,4
____ 4. (1) iyak (2) hikbi (3) hagulgol (4) tangis
A. 2,3,1,4 B. 4,1, 2,3 C. 2,1,3,4
____5. (1) kinupkop (2) inalagaan (3) tinangkilik ( 4) kinalinga
A. 1, 2, 4, 3 B. 4,2,1,4 C. 3,1,2,4
Para sa bilang 6-10:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin kung
ang mga salitang italisado ay nakahanay sa mababa o mataas na antas
ng pagpapakahulugan. Isulat ang A kung mababa, B kung katamtaman
at C kung mataas.

____6.Labis ang paghanga ni Quasimodo sa kagandahan ni La Esmeralda.

____ 7. Kahit sino ang titingin talagang nakakabighani ang kagandahan ni La


Esmeralda.
_____8. Subra-subra na ang pang- aapi nila kay Quasimodo.
_____9. Magaling siyang magdiskurso.
____10. Humagulgol si Quasimodo nang Makita niyang nakahiga sa sahig si La
Esmeralda na wala nang buhay.

Aralin
Ang Kuba ng Notre Dame
2
 Pangkalahatang Ideya
Sa araling ito ay tampok ang nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” na
nagmula sa bansang France. Saklaw ng aralin ang paglinang sa iyong
kakayahan sa pagsusuri ng akda ayon sa teoryang pampanitikan na inilalapat
dito. Bilang pangwakas na gawain, ikaw ay inaasahang makapagsusuri sa mga
tauhan ng nobelang nabanggit ayon sa teoryang humanismo.
 Layunin
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang
isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na
pananaw. (F10PB-Ig-h-68)

3
 Dating Kaalaman
Sa nakaraang aralin ay nalinang sa iyo ang kasanayan sa pag-aantas ng
mga salitang pare-pareho ang kahulugan ngunit nag-iiba-iba ayon sa tindi ng
dating nito sa bumabasa o nakikinig. Naranasan mo ring malibang sa mga
gawaing nagpapaunlad sa iyong bokabularyo sa Filipino. Muli mong napatunayan
sa araling iyon na sadyang napakaganda at napakasarap mag-aral dahil bukod
sa naaaliw ka na, natututo ka pa.

 Paglalahad

Ang susunod mong pag-aralan sa modyul na ito ay ang nobelang “Ang


Kuba ng Notre Dame”, isang akdang nilalapatan ng teoryang humanismo. Handa
ka na ba?

 Pagbuo Ng Konsepto
Teoryang Humanismo
Ang teoryang humanismo ay itinatanghal ang buhay, dignidad, halaga,
at karanasan ng bawat nilalang maging ang karapatan at tungkulin ng sinoman
para linangin at paunlarin ang sariling talino at talento.
Pinaniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang rasyonal na nilikha na
may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa madaling salita, ang
humanismo ay naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay, ang siyang
pinanggalingan ng lahat. Mainam na tingnan sa sumusunod ang pagsusuri ng
panitikan:
 Pagkatao
 Tema ng akda
 Mga pagpapahalagang pantao
 Mga bagay na nakaimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan
 Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema

Basahin ang buod ng nobelang isinulat ni Victor Hugo na pinamagatang “Ang


Kuba ng Notre Dame” sa aklat na Filipino 10 Panitikang Pandaigdig:
Modyul ng Mag-aaral pahina 77-79.

 Mga Gawain
Gawain 1.Panuto: Ilarawan ang magkaibang wakas ng mga tauhan na
masasalamin sa nobela. Gamitin ang kasunod na dayagram sa pagsagot.

Quasimodo Claude Frollo

HINAHARAP NG MGA TAUHAN SA NOBELA

La Esmeralda Phoebus

4
 PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Pilin at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa


ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa B. Pagpapasaya sa sambayanan
C. Pagdiriwang ng kapistahan D. Pagbabayad ng utang
2. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod
ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na nakayakap
sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito ang maiuugnay
natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
C. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.
3. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang
ng kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang
maiuugnay natin sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan
4. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala
nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito nang mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad dito?
A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan
B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW
C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa
D. Isang lalaking nagkamali sa pagpili ng asawa.
5. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may
sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.
6.Tinatawag siyang babaeng “hamak na mananayaw” at anak ng magnanakaw.
A.La Esmeralda B.Sister Gadule
C.Quasimodo D.Phoebus
7. Ang tauhang si Frollo ay isang ay isang paring nag-alaga sa kubang si
Quasimodo. Paano siya ipinakilala bilang kontrabida?
A. stereotypical B. tauhang bilog
C. hindi stereotypical D. tauhang lapad

5
8. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo sa kanyang katawan. Inisip niya ang
dahilan ng kanyang pagdurusa. Ito ay sa kagustuhan ni Frollo. Alin sa
sumusunod na aspekto ng teoryang humanismo ang itinatanghal sa
sitwasyon ni Quasimodo?
A. dignidad at halaga B. karapatan at tungkulin
C. buhay at karanasan D. talino at talento
9. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng nobela ang ginamit ng may-
akda sa “Ang Kuba ng Notre Dame”?
A. isang kuwento o kasaysayan B. isang pag-aaral
C. paggamit ng malikhaing guni-guni D. paggamit ng iskrip
10. Alin sa sumusunod ang palatandaan na ang nobelang “Ang Kuba ng Notre
Dame” ay may pananaw humanismo?
A. may sangkap ito sa pagpapahalagang moral
B. ang tema ng akda ay tungkol sa simbahan
C. inilararawan buhay at katauhan ng pangunahing tauhan
D. kakikitaan ng pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema

Aralin
Dekada ‘70
3
 Pangkalahatang Ideya
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang isa pang halimbawa ng Nobela na
isinulat ni Lualhati Bautista.. Bahagi ng araling ito ang pag-aaral ng mga pang-
ugnay o pangatnig na ginagamit bilang hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o mga salita na magbibigay-linaw sa mga mahihirap na bahagi ng akda.
 Layunin
Kasanayang Pampagkatuto: Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na
masasalamin sa kabanata (F10PS-Ig-h-69)
 Dating Kaalaman
Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa Nobelang “Ang
Kuba ng Notre Dame”. Ngayon ay pag-aaralan mo ang isa pang halimbawa ng
nobelang isinulat ni Lualhati Bautista ang Dekada „70. Inaasahan na maunawaan
at mabibigyang pansin ang pagkakaiba ng nobela sa iba pang uri ng akdang
pampanitikan upang makilala ang kultura at kaugalian ng isang bansa.

 Paglalahad
Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga
pangyayaring pinagdikit sa pamamagitan ng balangkas. Bukod dito, ang
pangunahing layunin ng isang nobela ay ang paglalahad ng hangarin ng bida at
kontra bida ng kuwento. Ito ay ginagawa sa isang malikhaing pagsasalaysay ng
pangyayari.
Basahin ang buod ng “Dekada „70” sa iyong aklat Filipino 10 Panitikang
Pandaigdig: Modyul ng Mag-aaral pahina 81-83.

6
 Mga Gawain

Gawain 1. : Pamilya mo, hahanapin ko! Panuto: Hanapin at piliin sa loob ng


kahon ang mga tauhan ng nobelang Dekada 70”. Isulat ang mga ito sa loob ng
concept organizer na nasa ibaba.

Amanda Atarah Julian Gani Bingo


Gani Em Yen Jason Jules Amarah

Mga Tauhan: Dekada „70

1 2

3 4 5

6 7

 PANAPOS NA PAGTATASA

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay wasto
at Mali naman kung ang pahayag ay di-wasto..

1. Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa


mamamayang Pilipino.
2. Laganap sa bansa noong Martial law ang iba‟t ibang klase ng krimen
gaya ng salvaging.
3. Magkabila ang rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng
mga estudyante sa halip na mag-aaral ay nakikipaglaban upang
makamit ang kalayaan.
4. Si Amanda Bartolome ay isa sa mga tauhan ng nobelang Dekada „70.
5. Nagkaroon ng apat (4) na anak ang mag-asawang Amanda at Julian.
6. Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng
kabataan ng kanyang mga anak.
7. Hindi sinuportahan ni Julian ang adhikain ng kanyang mga anak.
8. Sa loob ng 27 taon ng pagiging asawa at ina, sa kanyang palagay hindi
siya ganap na umunlad bilang tao.
9. Ang mga pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay
nagawa niyang isisi sa kanyang asawa na si Julian.
10. Magiting na nanindigan Si Amanda hanggang sa huli.

7
Aralin
4 Pagsasadula

 Pangkalahatang Ideya
Pag-aaralan mo sa araling ito ang tungkol sa dula bilang sining na may
layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa mga manonood sa
pamamagitan ng kilos, diyalogo ng mga tauhan at iba pang aspeto nito..
 Layunin
Kasanayang Pampagkatuto: Naisasadula ang isang pangyayari sa buhay na may
pagkakatulad sa mga piling pangyayari sa kabanata ng nobela. (F10PU-Ig-h-69).

 Dating Kaalaman
Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang mga panandang pandiskurso na
siyang nagbibigay-linaw sa mahihirap na bahagi ng akda at nagsisilbing hudyat
sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang isang nobela. Maaari mo
itong balikan upang di makalimutan.

 Paglalahad
Sunod mong pag-aralan dito ang Dula, ngunit sa sandaling ito ay bigyang-
pansin mo muna ang panimulang Gawain na may kaugnayan sa paksang iyong
tatalakayin.

Sangkap o Elemento ng Dula

1. Iskrip. Ito ay ang pinakakaluluwa ng isang dula. Lahat ng bagay na


isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip. Walang dula kung
walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang sumusunod:

A. Banghay. Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o


sitwasyon.
B. Gumaganap o aktor. Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip,
nagbibigkas ng diyalogo, nagpapakita ng iba‟t ibang damdamin at
sila ang pinanonood na tauhan sa dula.

C. Tagpuan. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang


pangyayaring isinasaad sa dula.
D. Diyalogo. Ito ang mga binibitawang linya ng mga aktor upang
maipakita at maipadama ang emosyong ipinapahiwatig ng bawat linya.
E. Eksena at Tagpo. Ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan at ang pagpapalit ng iba‟t ibang tagpuan na pinangyarihan
ng mga pangyayari.

8
F. Pag-arte. Dito ipinapakita ng mga aktor ang pagkilos o pag-arte sa
harap ng mga manonood ayon sa katauhan ng karakter na
ginagampanan sa dula.

2. Tanghalan. Pook o lugar na pinagpasyahang pagtatanghalan ng isang dula.


Halimbawa: kalsada; silid-aralan; at iba pa.
3. Tagadirehe o Direktor. Siya ang nagpapakahulugan sa iskrip, nag-iinterpret
sa mga ito, pagpapasya sa hitsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan,
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng diyalogo ng mga tauhan.
4. Manonood. Hindi maituturing na dula ang isang pagtatanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao sapagkat ang layunin ng dula ay maitanghal at
mayroong makasaksi o makapanood.
5. Tema. Ito ang pinakapaksa ng isang dula.

Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Iskrip

1. Laging isaisip ang mga sangkap na bumubuo ng isang iskrip; banghay,


tauhan, diyalogo, tagpuan at eksena.
2. Ang isusulat na iskrip ay dapat malinaw at madaling maitindihan.
3. Ang manunulat ay dapat gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.
4. Tandaan na ang iskrip ay manuskrito ng isang audio-visual na materyal kung
saan nakasulat ang mga:
 bersyon ng mga salitang dapat sabihin;
 mensahe na dapat ipabatid;
 gabay ng tagaganap, direktor at tagaayos ng tunog at musika.
5. Gawing maikli at simple ngunit naglalaman ng mahahalagang impormasyon.

 Mga Gawain
Gawain 1.Panuto: Hanapin sa hanay B ang sangkap ng dula na kinabibilangan
ng mga impormasyon o gawain na binanggit sa hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Gabay ng mga tagaganap, direktor, tagaayos ng A. Iskrip


tanghalan, at tagaayos ng tunog at musika. B. Aktor o Karakter

2. Ang nagpapakahulugan sa iskrip


C. Banghay
3. Paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan o D.Tagpuan
karakter

4. Ang mga sasaksi sa isang pagtatanghal E. Diyalogo

5. Ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip F. Tanghalan

9
6. Ang mga linyang bibitawan ng mga aktor o tauhan G. Pag-arte
sa isang dula

7. Mga pook na pinagtatanghalan ng dula H. Eksena o Tagpo

8. Ang panahon at pook kung saan naganap ang mga I. Direktor


pangyayari sa dula

9. Ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa J. Manonood


dula

10. Pagganap ng mga aktor sa katauhan ng karakter na K.Tema


ginagampanan sa dula.

 PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang
pagtatanghalan ng dula?
A. karakter B. tanghalan C. diyalogo D. director
2. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?
A. karakter B. tanghalan C. diyalogo D. iskrip
3. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga binitiwang
linya ng mga aktor?
A. karakter B. tanghalan C. diyalogo D. iskrip
4. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa
mga tauhan sa iskrip?
A. karakter B. tanghalan C. diyalogo D. iskrip
5. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?
A. karakter B. tanghalan C. diyalogo D. director
6. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa
ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa B. Pagpapasaya sa sambayanan
C. Pagdiriwang ng kapistahan D. Pagbabayad ng utang
7. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod
ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na
nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito ang
maiuugnay natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
C. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.
8. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang
ng kahit kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang
maiuugnay natin sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan.
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak.

10
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan.
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan.
9. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala
nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito ng mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad nito?
A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan.
B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW.
C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa.
D. Isang lalaking nagkamali sa pagpili ng asawa.
10. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may
sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.

Susi sa Pagwawasto

Aralin -1 Aralin -2
Mga Gawain – nasa guro Mga Gawain – nasa guro
ang pagpasya sa mga sagot. ang pagpasya sa mga sagot.

PANAPOS NA PAGTATAYA PANAPOS NA PAGTATAYA

1. B 6. A 1. A 6. A
2. A 7. C 2. B 7. D
3. B 8. C 3. C 8. C
4. C 9. B 4. B 9. A
5. A 10. C 5. A 10. C

Aralin - 3 Aralin - 4
Mga Gawain – nasa guro Mga Gawain – nasa guro
ang pagpasya sa mga sagot. ang pagpasya sa mga sagot.

PANAPOS NA PAGTATAYA PANAPOS NA PAGTATAYA


1. TAMA 6. TAMA 1. C 6. A
2. TAMA 7. MALI 2. D 7. B
3. TAMA 8. TAMA 3. B 8. C
4. TAMA 9.TAMA 4. A 9.B
5. TAMA 10. TAMA 5. D 10. A

11

You might also like