You are on page 1of 15

Komprehesibong Paghahambing ng Tulang Tuluyan at

Spoken Word

Isang Panukalang Saliksik


Na Iniharap
Sa Division ng Graduate Studies and Research
The National Teachers College

Bilang Pagpapatupad
Sa Pangangailangan sa Asignaturang
Kasaysayan ng Panitikang Filipino

Inihanda nina
Billy, Maryse Bianca M.
Casela, Camille J.
Enrera, Michelle Anne M.
Lozanta, Abigaill Q.
Rada, Ma.Paulin R.

Mayo 2017

1
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang mga Pilipino ay kilala sa larangan ng pagtula mula pa sa

panahon ng katutubo . Kung babalikan ang kasaysayan ng pamumuhay ng

mga ninuno, sila ay nagpamalas na ng kanilang husay sa mga gawaing

nakapagpapatalas ng isipan. Ito ay ang tinatawag na mga karunungang-

bayan. Ilan sa mga ito ay ang bugtong, salawikain, sawikain, kasabihan at

kawikaan. Nang dumating ang mga Kastila ay napalitan ito ng mga tulang

patnigan na tinatawag na duplo, karagatan, huega de prenda, at iba pa. Sa

pagdating naman ng mga Amerikano ang karagatan at duplo ay napalitan ng

balagtasan.

Mapapansin na sa ating kasaysayan ay patuloy na kinilala ang husay

ng mga Plipino sa mga tulang patnigan na nakapagpapatalas ng isipan at

nagsilbing pampalipas oras at aliwan na rin ng mga Pilipino.

Dahil nga sa pagiging malikhain ng mga Pilipino hindi lamang ang mga

paksa at paraan ng pagkakasulat ng tula ang nagbago. Maging ang paraan

ng pagbigkas nito ay nagbago na rin na tinatawag na spoken words poetry

na kilalang-kilala sa kasalukuyan at tinatangkilik ng maraming kabataan.

Sa kabila ng napakaraming pinagkakahumalingan ng mga kabataan sa

kasalukuyan ay marami pa rin sa kanila ang na-iengganyo o nagkakaroon ng

2
interes sa spoken words poetry. Ang ilan pa nga ay ginagamit ang social

media para sila ay makilala, sa pamamagitan ng pag-a-upload ng kanilang

videos sa youtube hanggang sa makilala na sila sa husay sa makabagong

paraan ng pagbigkas ng tula.

Isa sa mga karaniwang mapapanood ngayon sa mga pagtatanghal at

mga programa sa mga paaralan ay ang spoken words poetry ito ang tawag

sa bagong paraan ng pagbigkas ng tula. Karaniwan na ang spoken words

poetry ay on the spot o tuloy-tuloy na pagbigkas ng kung ano ang

nararamdaman o naiisip ng isang manunula, tulad ng pagbigkas ng isang

tulang tradisyunal o modernista na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla, ito ay

may sukat at tugma at may aliw-iw.

Marahil isa sa mga dahilan ay ang pagiging lantad ng mga kabataan,

sa kanilang naiisip, nararamdaman at mga nais gawin na katulad rin naman

kung papaano isinasagawa ang spoken words poetry.

3
Balangkas Konseptual

INPUT
Mga Halimbawa ng Pangunahing Tula na Nabibilang sa mga susumusunod:

1.1 Tradisyunal ; 1.2 Spoken Word Poetry

Ang Pamana Ang Huling Tulang Isusulat ko para sa iyo

Ang Pag-ibig Sa Pagitan Natagpuan

Lumang Simbahan Tagpuan

Sa Tabi ng Dagat Basang Unan

PROCESS
Sarbey Kwestyuner sa Pagsusuri ng mga Guro sa
Filipino sa Tradisyunal na Tula at Spoken Word Poetry
Batay sa mga sumusunod na
Katangian
1 Paksa;
2 Paglalahad; at
3 Gamit na Wika

OUTPUT

Pagkakatulad at Pagkakaiba
ng Tradisyunal na Tula at
Spoken Word Poetry
Kahalagahan ng Pagsusuri ng
Tula sa Pagtuturo ng Panitikan

4
Pangkalahatang Layunin

Layunin ng panukalang research na ito na matuklasan ang pagkakatulad


at pagkakaiba ng spoken poetry at tradisyunal
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang alamin ang katangian at pagkakaiba
ng tradisyunal na tula at spoken word poetry.Paano masasalamin ng
tradisyunal na tula at spoken word poetry?
Ang panitikang Filipino sa kasalukyang pamumuhay ng mga lipunang
Pilipino at sa pagtuturo ng panitikan .Upang mapatunayang ng pag aaral na
ito ay sisiskapin ng mga mananaaliksik na masagot ang mga sumusunod na
tiyak na tanong...

Mga Tiyak na Tanong


1. Alin-alin ang mga halimbawa ng mga pangunahing tulang nabibilang sa
1.1. Spoken poetry
1.2 Tulang tuluyan
2. Alin-alin ang mga katangian ng Spoken Word Poetry batay sa...
-kayarian
-paksain
-paglalahad
3.Alin-alin ang mga katangian ng tradisyunal na tula batay sa...
-kayarian
-paksain
-paglalahad
4. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Spoken Word Poetry at
tradisyunal batay sa bilang at 2 at 3
5. Paano makatutulong sa mga guro sa kanilang pagtuturo ng panitikan ang
pagpapahalaga sa tula?

5
Saklaw ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay sinagawa sa NTC. Ang mga respondent ay


ang mga piling mag-aaral na kumukuha ng units ng Masteral sa Filipino.
Ang pag-aaral na ito ay tumutugon sa pagkakatulad at pagkakaiba ng
Tulang Tradisyunal at Spoken Word Poetry at kung ano ang magiging
implikasyon nito sa pagtuturo at pagpapahalaga sa panitikan.
Napagkasunduan ng mga mananaliksik na ang repondante ay ang
mga gurong kumukuha ng units sa MAED-FILIPINO sapagkat kami ay
nagtuuturo ng tula sa mga mag-aaral at nararapat lamang na mayroon
kaming kaalaman tungkol sa mga katangian, pagkakatulad at pagkakaiba ng
tradisyunal na tula sa spoken word .Mahalagang malaman ng bawat guro
ang mga batayan sa pagbuo at pagsulat ng tradisyunal na tula at spoken
word upang magkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga at pagpapahayag
nito.

Kahulugan ng mga Katawagan

Upang mas higit na maging malinaw ang pananaliksik na aito at para sa


mas madaling pagkaunawa ng mga mag-aaral, ang mga sumususnod na
terminolohiya ay binibigyang katuturan ayon sa paggamit sa pananaliksik na
ito.

Kariktan. Ang tula ay nagtataglay ng marikit na salita upang mapukaw ang


damdamin at kawilihan ng mga mambabsa.
Persona. Ang persona ang nagsasalita sa tula, una, ikalawa, o ikatlong
panauhan

6
Saknong. Ang saknong ay ang kalipunan ng mga taludtod
Spoken Word Poetry. Ang Spoken Word Poetrt ay mga pahayag na
nagtataglay ng malayang estilo.
Sukat . Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo
ng saknong
Talinhaga .Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalama sa natatagong
kahulugan ng tula.
Taludtod. Ang taludtod ay tumutukoy sa bawat linya sa tula.
Tradisyunal na tula. Ito ay kadalasang nagtatag;ay ng sukat at tugma sa
bawat taludtod o ang mga piling salita at paraan ng pagbuo
ng pahayag at piling pili na matayutay ast masining bukod sa
pagiging madamdamin.
Tugma . Tumutukoy sa huling salita sa baway taludtod na magsintunog.

Tula . Isang uri ng anyo ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga


tunog,paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa
mga salita.

7
Kabanata II
KAUGNAY NA LITERATURA (NB)

8
Kabanata III

PAMARAAN AT PAGKALAP NG DATOS


Ang bahaging ito ay naglalaman ng metodolohiyang gagamitin ng mga

mananaliksik sa isasagawang pag-aaral hinggil sa paghahambing sa

tradisyunal na tula at sa Spoken Word Poetry upang makalam ang

pinakawasto, napapanahon at angkop na mga datos.

Pamaraang Ginamit
Ang pananaliksik na ito ay may layuning maihambing ang Spoken

Poetry sa tradisyunal o kinaugaliang tula. Kaugnay nito, gagamit ang mga

mananaliksik ng palarawang pamaraan o Descriptive Method.

Ang palarawang pamaraan ay nangangahulugan ng paghahanap ng

katibayan na may sapat na pagpapakahulugan o interpretasyon. Ang mga

datos na makakalap sa isasagawang pananaliksik na ito ay bibigyang-

interpretasyon at iuulat ayon sa layunin at pagpapalagay. Tiyakang gagamit

ang mga mananaliksik ng pamaraang Sarbey upang matukoy at masukat

ang kasalukuyang kalagayan ng paksang pag-aaralan

9
Instrumentong Gagamitin

Isa sa mga layunin ng pananaliksik na ito ay maihambing ang

tradisyunal na tula sa Spoken Word Poetry na isang modernong tulang patok

na patok para sa mga kabataan. Gagamit ang mga mananaliksik ng sarbey

upang makuha ang pulso ng mga tagatugon hinggil sa nasabing paksa.

Ang gagamiting sarbey ay naglalaman ng mga katanungang nahahati sa

apat na bahagi: (1) tungkol sa mga tiyak na halimbawa ng mga tulang

nabibilang sa tradisyunal at Spoken Word Poetry; (2) ang mga tiyak na

katangian ng mga tulang ito ayon sa kayarian, paksa at paglalahad; (3)

pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian at (4) ang maitutulong sa

mga guro na nagtuturo ng panitikan ng pagpapahalaga sa tula.

Paraan ng Pagsusuri

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa tulong ng pagsasarbey.

Naghanda ang mga mananaliksik ng sarbey kwestyuner na naglalayong

makahanap ng mga datos na makapagtataya ng tunguhin ng pananaliksik

na ito na maihambing ang tradisyunal na tula at Spoken Word Poetry.

Upang maging matagumpay ang pag-aaral, gagamit ang mananaliksik ng

sumusunod:

10
Pagbabahagdan

Gumamit ng pagbabahagdan o percentage ang mananaliksik sa

pagsusuri sa mga nakuhang datos batay sa sagot sa bawat katanungan. Ang

pormulang ginamit ay

P=-------------x 100

na ang P= Percentage (Bahagdan)

F= Frequency (Dalas)

N=Bilang ng respodente

11
Kabanata IV
Paglalahad at Pagsusri ng mga Datos (NB)

12
Kabanata 5

BUOD. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ay ilalahad ng mga mananaliksik ang buod,

konklusyon at rekomendasyon batay sa isasagawang pag-aaral kaugnay sa

paghahambing sa katangian ng tradisyunal at spoken word poetry.

BUOD

( Hindi Isinagawa)

KONKLUSYON

(Hindi Isinagawa)

13
REKOMENDASYON

Sa pananaliksik na ito ay iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod;

1. Ang mga mananaliksik na kinakailangan na may sapat na kaalaman

ang guro sa Spoken Word Poetry upang mas madali niyang

mailapat ang pagtuturo ng tula sa mga mag-aaral.

2. Dapat na pagyabungin pa ang panulaan sa pamamagitan ng

pagpapahalaga sa spoken words poetry ng mga kabataang Pilipino.

3. Maaaring ang spoken words poetry ay maging isa sa mga teknik ng

guro kung paano maipapakilala ang tradisyunal na tula sa mundo ng

panulaan.

4. Dapat magkaparehong ituro sa mga mag-aral ang tradisyunal na

paraan ng pagtula at spoken words poetry upang kanilang mabatid

ang pagkakatulad at pagkakaiba nito gayundin upang maging

pundasyon nila ang tradisyunal na paraan ng pagtula sa

pagpapayabong ng spoken words poetry sa kasalukuyan.

5. Ipagpatuloy ang pag-aaral kaugnay sa paksa at palawakin o

14
palalimin ang pagsusuri para sa pagpapayabong ng kaaalaman sa

paghahambing sa mga katangian ng tulang tradisyunal at Spoken

Poetry.

15

You might also like