You are on page 1of 35

Magandang Araw

Po!
Chardelyn B. Makiling, LPT
GURO
Oedipus
Rex
Literaturang mula sa
Greece
LAYUNIN:

1. Makapagtutukoy sa iba’t ibang eksena mula sa dulang


Oedipus Rex;
2. Maibabahagi ang sariling saloobin gamit ang mga
katanungang pampag-unawa; at
3. Makakasulat ng sariling iskrip tungkol sa takbo ng
pangyayari sa dulang Oedipus Rex.
THEBES
THEBES

Oedipus Reyna Jocasta


• Tinamaan ng salot ang Thebes.

• Inutusan si Creon na pumunta sa orakulong si


Delphi upang alamin kung paano
masosolusyunan ang kanilang suliranin.

• Isiniwalat niyang ang salot ay isang parusa sa


ginawang pagpatay kay sa dating hari na si
Lauis.
• Kailangan nilang matagpuan at maparusahan ang
taong pumatay kay Haring Lauis.
• Kaya ipinayo ni Haring Oedipus na hanapin
at hulihin ang pumatay kay Haring Lauis
upang mabigyang hustisya ang pagkamatay
nito.
• Hiningan nila ng tulong ang bulag na propeta
ng Diyos na si Apollo na ang pangalan ay
Teresias.
• Sinabi ni Tiresias na mas mabuti pa na wala siyang
sasabihin ukol dito at manahimik nalang.

• Napoot si Oedipus sa pag-aatubili ng


manghuhula na ibahagi ang sekreto
hanggang sa napilitan itong sabihin ang
katotohanan.
• Nasabi ni Tiresias na ang pumatay kay Haring Lauis
ay si Oedipus mismo.

• Dahil dito, inakusahan ni Oedipus ang


matanda na kasabwat ni Creon na kanyang
pinaghihinalaang nagbabalak umagaw sa
kanyang trono.
• Hanggang sa naalala lahat ni Jocasta ang mga
nagdaang pangyayari noong nabubuhay pa ang
kanyang dating asawa na si Haring Lauis.
Pagbabalik-tanaw…

Sa nakaraan
• Si Haring Lauis at Reyna Jocasta noon ay biniyayaan
ng isang sanggol na lalaki.

• Ngunit may orakulong narinig si haring Lauis


patungkol sa kanyang anak na…

“Ang anak na ito ang mismong papatay sa iyo at


pakakasalan niya ang iyong asawa na kanyang sariling
ina…”
• Kung kaya’t agad niyang ipinatawag ang kanyang
pinagkakatiwalaang alagad at inutusang ipatapon sa
malayo ang bata at patayin.

• Dinala ng utusan ang kanyang anak sa malayong


lugar kung saan sana niya papatayin ang bata.
• Iginapos niya ang bata sa paa sa pamamagitan ng
matutulis na alambre at tinangkang patayin.

• Ngunit ito’y umiyak nang umiyak at siya ay naawa…


• Kaya’t kinuha niya ito at ipinaampon sa isa pang
utusang nagsisilbi sa malapit na kaharian kung saan
ang hari at reyna doon ay walang anak.

• Inampon ng mag-asawa ang batang sanggol at ito ay


pinalangang OEDIPUS.
• Ang mag-asawang umampon sa sanggol ay si Haring
Polybus at Reyna Merope. Sila ang namumuno sa
kaharian ng Corinth.

• Minahal at pinalaki nang maayos ng mag-asawa si


Oedipus at itinuring na kanilang sariling anak.
• Hindi maipagkakaila na lumaki si Oedipus na may
pagtataka dahil ni hindi sila pareho ng hitsura ng
kanyang mga magulang.

• Isang araw, sa kanyang paglalakwatsa ay nakatagpo


siya ng isang lasinggero at sinabihan siyang isang
ampon.
• Dahil sa nangyari ay hindi mapakali si Oedipus.
• Kaya’t sumangguni siya sa Diyos na si Apollo upang
alamin ang katotohanan.

• At siya ay sinabihang…
“Ikaw Oedipus ay mag-ingat sapagkat ikaw, ikaw
mismo ang papatay sa iyong ama at darating ang panahon
na pakakasalan mo ang iyong ina…”
• Dahil sa nangyari ay hindi mapakali si Oedipus at
agad na umalis sa Kaharian ng Corinth upang
makatakas sa orakulo tungkol sa kanya.

• Ayaw niyang mangyari ang Orakulo.


Sa kanyang paglalakbay palayo sa kaharian ng Corinth
ay may nangyari nang makarating siya tatlong –daang
nagtagpo…
• Doon ay kanyang nakasalamuha ang Hari ng Thebes
noon na si Lauis .

• Walang gustong magbigay daan sa kanilang dalawa


kung kaya’t nag-away sila at nagkaroon ng labanan.

• Sa kasamaang palad, napatay niya si Haring Lauis.


• Doon ay kanyang nakasalamuha ang Hari ng Thebes
noon na si Lauis .

• Walang gustong magbigay daan sa kanilang dalawa


kung kaya’t nag-away sila at nagkaroon ng labanan.

• Sa kasamaang palad, napatay niya si Haring Lauis.


• Ngunit may nakatakas na isang utusan na tagasilbi ni
Haring Lauis pagkatapos ng pangyayaring ‘yon.

• Nagtagumpay si Oedipus na makarating sa direksyon


kung saan papunta ng kaharian ng Thebes.
• Matagumpay na nakarating si Oedipus sa kaharian
ng Thebes na kung kailan may nananalasang isang
halimaw na tinawag nilang “Sphinx”.

• Dahil dito may inanunsyo si Reyna Jocasta na


nagluluksa pa lamang dahil sa pagkamatay ni Lauis.
• “Kung sino man ang makakasagot sa bugtong ng
Sphinx ay siyang papalit sa pwesto ni Haring Lauis na
aking asawa…”

• Ang bugtong ay :

“Ano ang naglalakad ng apat na paa sa


umaga, dalawa sa tanghali at tatlo sa gabi?”
• Upang matigil na sa pananalasa ang halimaw ay agad
namang nasagutan ni Oedipus ang bugtong at natigil
ang pananalasa nito.

• Dahil dito, napangasawa niya si Reyna Jocasta at


naging hari sa loob ng ilang taon at nagkaroon sila ng
dalawang anak.
• Upang matigil na sa pananalasa ang halimaw ay agad
namang nasagutan ni Oedipus ang bugtong at natigil
ang pananalasa nito.

• Dahil dito, napangasawa niya si Reyna Jocasta at


naging hari sa loob ng ilang taon at nagkaroon sila ng
dalawang anak.
Pagbabalik

sa kasalukuyan…
• Agad na pinatawag ni Oedipus ang tagasilbi na
nagbalitang namatay na si Haring Lauis at siya ring
nakatakas.

• Isang mensaherong galing sa Corinth ang nagbalita


na pumanaw na si Haring Polybus si Oedipus ang
papalit sa kanya.
• Ngunit sinabi niyang hindi siya pupunta sa Corinth
dahil maaaring magkakatotoo ang hula sa kanya.

• Doon ay isiniwalat ng mensahero na siya ang utusan


noon ng Corinth na siya ring kumupkop kay Oedipus
matapos siyang ibigay ng kanyang kaibigang isa ring
utusan noon ni Haring Lauis.
• Nalaman niya ang buong pangyayari at napagtagpi-
tagpi.

• Nakonpirma nila ang tunay na nangyari nang


kanilang ipinatawag ang dating utusan ni Haring
Lauis at ito ay nakilala ni Reyna Jocasta.
• Nabaliw si Oedipus nang malaman ang nangyari.

• Agad siyang pumasok sa palasyo at si Jocasta naman


ay nagbigti gamit ang sariling buhok,
• Binulag niya ang kanyang sarili gamit ang gintong
alpiler ng reyna.
• Duguan at bulag na humarap siya sa mga tao ng
Thebes at inaming siya nga ang pumaslang sa dating
Hari na si Lauis.
• Bumalik si Creon sa Kaharian at pinatawad si
Oedipus.
• Hiniling ni Oedipus na kay Creon na ipatapon siya sa
malayong lugar kung saan walang nakakilala sa
kanya at ibinilin ang kanyang dalawang anak.
… WAKAS…

You might also like