You are on page 1of 7

STA.

ANA NATIONAL HIGH SCHOOL


D. Suazo St., Davao City

Paaralan STA. ANA NATIONAL HIGH SCHOOL


Baitang/Sekyon Grade 7 -Blueberry, Everlasting, Begonia
Petsa/Oras Pebrero 3-6, 2020 / 7:15-8:15, 10:30-11:30, 11:30-12:30
A. Layunin Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari at mensaheng nakapaloob sa akda,


2. naibabahagi ang kahalagahan ng pagkakaisa ng isang pamilya sa pagharap sa mga suliranin sa buhay at,
3. naisasadula ang isang sitwasyon mula sa akda, na nangyayari pa rin sa isang pamilya sa kasalukuyan.
B. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.
Pangnilalaman
C. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga
Pagganap pagpapahalagang Pilipino.

D. Mga Kasanayan sa F7PB-IVc-d-21


Pagkatuto Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon.

I. Nilalaman
A. Paksa Panitikan -Ibong Adarna

II. Kagamitang Pangturo


A. Sanggunian Modyul, De Guzman, Maria O., Ibong Adarna, Pampaaralan, National Book Store

B. Karagdagang Modyul, larawan, lapel


Kagamitan
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Bago simulan ang panibagong aralin at talakayan ay pangungunahan muna ito ng mga mag-aaral ng,

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala sa mga lumiban
B. BALIK-ARAL Pagbabalik-aral tungkol sa TULANG ROMANSA AT DALAWANG ANYO NITO,KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG IBONG ADARNA, MGA URI NG SAKNONG NA MATATAGPUAN SA TULA AT ANG MGA TAUHAN SA IBONG
ADARNA tinalakaynoong nakaraang pagkikita.

Pagbibigay katanungan kung ano ang natutunan.


1. Ano ang kahulugan ng tulang romansa?
2. Ano ang katangian na mayroon ang korido?
3. Ano ang katangian na mayroon ang awit?
4. Saang bansa hinango ang akdang Ibong Adarna?
5. Ano-ano ang mga uri ng saknong?
6. Sino ang hari at reyna ng kahariang Berbanya?
7. Sino-sino ang tatlong magkakapatid na prensipe?

 Gawain: Picture Analysis


C. INTRODUKSYON
(PAGGANYAK)  Magpapakita ang guro ng isang larawan ng pamilya.
 Pagbato ng katanungan.
1. Bilang isang anak, paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang?
2. Ano ang iyong gagawin kapag nalaman mong ang isa sa iyong mga magulang ay may iniindang sakit na
ang tanging lunas lamang ay ang mag hintay sa isang himala?
3. Handa ka bang isakripisyo kahit sarili mong buhay alang-alang sa kaligtasan ng iyong mahal sa buhay?
D. INTERAKSYON Unang Araw
(Presentasyon ng
Bagong Aralin)  Pagtalakay sa Ibong Adarna (Kabanata 1-5)
Panalangin sa Birhen
Ang Mag-anak
Ang Panaginip
Unang Paglalakbay
Ikalawang Paglalakbay

 Pagbato ng Katanungan
 Makatwiran bang ang panganay na anak ang umako sa responsibilidad ng mga magulang kung
sakaling magkaroon ito ng kapansanan o karamdaman?Patunayan.
 Bakit mahalagang malaman at pag-aralan ang akdang Ibong Adarna?
 Ano ang implikasyon ng Ibong Adarna sa kultura at pamumuhay ng mga Plipino?
 Bakit mahalagang nagkakaisa at nagkakasundo ang buong pamilya?
 Sa anong paraan mo maipapahayag ang pagpapahalaga sa iyong pamilya?
 Pagproseso ng Kasagutan

Ikalawang Araw

 Pagbabalik-aral sa nakaraang kabanata.


 Pagtalakay sa Ibong Adarna (Kabanata 6-10)
Ang Paglalakbay ni Don Juan sa Kabundukan
Ang Ermitanyo
Sa Bundok ng Tabor
Nagbalik ang Tatlong Prinsipe
Ayaw Umawit ng Adarna
 Pagbato ng Katanungan
 Ang pagtulong ba ni Don Juan sa kapwa ay makikita mo pa sa lipunan ngayon? Patunayan ito.
 Ano kaya ang dahilan kung bakit ginantihan ng kasamaan ang kabutihang ginawa ni Don Juan sa
kaniyang mga kapatid?
 Kung kayo ang nasa lugar ni Don Pedro at Don Diego, gagawin niyo ba ang kasamaang iyon? Bakit?
 Bilang isang anak/kapatid, anong karaniwang pagsubok/problema ang kinakaharap mo sa iyong
pamilya?

 Pagproseso ng Kasagutan

Ikatlong Araw

 Pagbabalik-aral sa nakaraang kabanata.


 Pagtalakay sa Ibong Adarna (Kabanata 11-15)
Naghihinagpis si Don Juan
Tumulong ang Ermitanyo
Kwento ng Adarna
Nagalit at Nagpatawad ang Hari
Binantayan ang Adarna

Ikaapat na Araw

 Pagbabalik-aral
Integrasyon

 Gawain: It Showtime!
 Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at magsasadula sila ng isang sitwasyon mula sa akda na nangyayari pa
rin sa kasalukuyan.
Kriterya sa Pagsasadula

Pamantayan Puntos
Kaangkupan at 10
kaugnayan ng akda
sa kasalukuyan
Pagkamalikhain 8
Ekspresyon 7
Epekto sa madla 5
Kabuuan 30
IV. EBALWASYON Punan ng wastong sagot ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

1.Si ______________ ang unang naatasang maghanap ng lunas para sa karamdaman ng ama.
2. Nasa bundok ________ ang hinahanap na lunas.
3.__________ kanta at bihis na magara ang ginawa ng Adarna.
4. Ugali ng Adarna na ___________ muna bago matulog sa sanga.
5. Si Don Pedro ay napatakan at biglang naging ___________.
6. Pangalawang naglakbay si ___________ papunta ng bundok.
7. Sa lambing ng awit ng Adarna ang prinsipe ay _______________.
8. Huling naglakbay si _____________ upang ipagpatuloy ang paghahanap sa Adarna at mga kapatid.
9.Nakasalubong si Don Juan ng _____________ na nagpayo at tumulong sa kanya.
10-11.Sina________at________ang mag-asawang namumuno sa kahariang Berbanya.
12______na buwan naglakbay si Don Pedro.
13._____ na buwan naglakbay si Don Diego.
14-15. Binigyan si Don Juan ng ____at____ ng matandang Ermitanyo upang hindi siya makatulog sa awit
ng Ibong Adarna.

Isulat sa ½ na papel at ipaliwanag.


Bakit mahalagang nagkakaisa at nagkakasundo ang buong pamilya?

V. Takdang Aralin Walang nakalaan na gawain sa araling ito.

VI. Pagpupuna Ipinasani: Siniyasat ni: Pinagtibay ni:

Nierez Alyssa L. Balili Ana Mary O. Banugan Adela G. Tenizo


Student Teacher Guro sa Filipino HT-IV-Filipino Dept. Head

You might also like