You are on page 1of 5

DIVISION OF CITY SCHOOLS-MANILA

JOSE CORAZON DE JESUS ELEMENTARY SCHOOL

Grade 1 to 12 DAILY LESSON PLAN


Teacher: Mr. BERNARD S. OCFEMIA Quarter: 2
Subject: MTB-MLE 3 Date: Enero. 4, 2024
Week: 6 Day: Huwebes

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Natutukoy at nagagamit ang metapora(metaphor), pagtatao(personification),at pagmamalabis (hyperbole)
(MT3VCD-If-h-3.6)
B. Pamantayan sa Pagganap
 Nakikilala at natutukoy ang metapora o pagwawangis.
 Nagagamit ang metapora o pagwawangis sa pangungusap.
 Nakabubuo ng pangungusap gamit ang metapora

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Natutukoy at Nagagamit ang Metapora o Pagwawangis sa Pangungusap
B. Sanggunian: (Pagpapatuloy ng hindi natapos na aralin Pangkatang Gawain)
 DEFINITIVE BUDGET OF WORK (DBOW) pp.63
 Most Essential Learning Competencies (MELC) pp.373
 MTB-MLE 3 METAPORA Ikalawang Markahan Ikaapat na Linggo Modyul 4, Kagawaran ng Edukasyon
Lungsod ng Maynila
C. Kagamitan:
 Powerpoint presentation, drill board, pentel pen, tsart
D. Pagpapahalaga Socio-Emotional Learning-(SEL): Pagpapahalaga sa kaibigan, magulang
at kapaligiran
E. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran:
ESP, Filipino, Agham, Edukasyon sa Pangkalusugan, Socio-Emotional Learning-(SEL)-Social
Awareness

III. PAMARAAN
A. Panalangin (Integrasyon sa ESP at Filipino)
B. Balitaan (Integrasyon saAraling Panlipunan)
C. Pagsayaw ng “Pag-ibig Tulad ng Batis” (Integrasyon sa Musika)
D. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok
Basahin at isulat ang letrang tumutukoy sa isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Gawin
ito sa kwaderno.

_______1. Ang _____ ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
A. tayutay B. uri C. salita
______2. Anyo ng tayutay na may pagwawangis na hindi na ginagamitan ng sing- o tulad ng-.
A. Metapora B. Pagsasatao C. Pagmamalabis
_______ 3. Ang _____ ay isang tayutay na nagkakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga bagay na
walang talino tulad ng hayop, ibon, at bagay.
A. metapora B. pamamalabis C. pagsasatao
_______ 4. _____ ang tawag sa pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
A. Pagmamalabis B. Metapora C. pagsasatao
_______5. Ang metapora, pagmamalabis at personipikasyon ay mga anyo ng pananalita o mga ______.
A. anyo ng salita B. uri ng tayutay C. matalinghagang salita

2. Balik-Aral/Tukoy-Alam
Basahin at unawain ang impormasyon sa pag-iwas sa COVID-19. Piliin ang letra ng angkop na
reaksiyon. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Magsuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


A. Sang-ayon ako para sa kaligtasan ng lahat.
B. Hindi ako sang-ayon dahil nakasasagabal ito sa paghinga.
2. Umiwas sa mga táong may lagnat, ubo at sipon.
A. Di ako sang-ayon dahil nakakaawa ang kalagayan nila.
B. Sang-ayon ako dahil maaaring makahawa sila.
3. Ang táong nakisalamuha sa pasyenteng positibo sa virus ay kailangang humingi ng agarang atensiyong
medikal.
A. Sang-ayon ako upang masuri kung nahawahan.
B. Di ako sang-ayon dahil magastos magpatingin sa doktor.
4. Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at umaagos na tubig.
A. Sang-ayon ako upang matanggal ang virus na kumapit sa aking kamay.
B. Di ako sang-ayon dahil maaksaya ang umaagos na tubig.
5. Hindi maaaring lumabas ang mga 65 taóng gulang o senior citizen, person with disability (PWD), buntis at
mga táong mayroong panganib sa kalusugan.
A. Tama ngunit dapat pinahihintulutan din na lumabas o mamasyal paminsan-minsan
B. Nauunawaan ko at sumasang-ayon ako dahil madaling kumapit ang virus sa kanila.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak (Integrasyon sa ESP at Filipino)
Makinig at mag-enjoy sa mga pick-up lines.

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo)


 Ang salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin ay tinatawag
na Tayutay.
 Ang mga uri ng tayutay ay ang pagwawangis o metapora, pagsasatao o personipikasyon, at
pagmamalabis o hyperbole.
 Ngayong araw ang tatalakayin natin ay tungkol sa pagwawangis o metapora.
 Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o
iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng salitang kasing- o ’sing- , parang-, o tulad ng-.
Halimbawa:
Si Lina ay langit na ‘di kayang abutin ninuman.
Ang kanyang kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Ginabayang Pagsasanay (Panggitnang Pagtatasa)
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Hulog ng Langit
ni Renante R. Soriano
Uwa, uwa, ang iyak ng munting sanggol,
nang siya ay isilang ng kaniyang inang mahal.
Siya ay anghel sa bago niyang pamilya.
Oo siya nga, bátang kaylusog at kaysigla.
Ang balat niya’y isang bulak,
na sa kaputian ay napapansin.
Ngiti niya’y gamot,
sa nalulungkot na damdamin.
Munting tawa niya ay pag-asa,
Sa bawat miyembro ng pamilya.
Siya ay hulog ng langit,
Handog sa mga magulang niyang kay saya.

1. Sino ang tinutukoy sa tula na hulog ng langit?


A. ang batà B. ang munting anghel C. ang munting sanggol
2. Sa anong uri ng nilalang iwinangis ang sanggol?
A. manggagamot B. anghel C. bulaklak
3. Sa alin itinumbas ang kaniyang kulay?
A. sa bulak B. sa gatas C. sa rosas
4. Ano ang tinutukoy sa tula na pag-asa?
A. mata B. mukha C. tawa
5. Paano inilarawan ang munting sanggol?
A. isang regalo B. isang anghel C. isang damdamin

4. Pangkatang Gawain/Pagsasanay
A. Pangkatang Gawain
Mga panuntunan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain
1. Gumawa at makipagtulungan sa lahat ng kasapi.
2. Sikapin na matapos ang gawain sa oras na ibinigay para dito.
3. Katamtamang lakas ng boses ang gamitin sa pagsasalita at iwasan ang pagsasalita ng mga bagay na
walang kaugnayan sa paksa o gawain.
4. Iwanang malinis at maayos ang lugar na ginamit ng pangkat. Bumalik sa sariling upuan nang tahimik.

Pangkat 1
Gumuhit ng sa linya kapag ang pangungusap ay gumamit ng
metapora at kung hindi. Gawin ito sa kwaderno.

____1. Siya ay langit na di kayang abutin ninuman.


____2. Singgaan ng bulak ang papel.
____3. May masarap na panlasa sa kasuotan ang mga artista.
____4. Matigas na bakal ang kamao ni Manny Pacquiao.
____5. Kung minsan nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Lea. Siya ay may dilang-anghel.

Pangkat 2
Role Playing (Integrasyon sa ESP at Agham)
Gumawa ng isang dialogo tungkol sa inyong kamag-aral na may sakit. Gumamit ng mga
metaporang salita sa pakikipag-usap.

Pangkat 3 (Integrasyon sa ESP)


Tingnan ang larawan at bumuo ng isang pangungusap gamit ang metapora. Isulat ang iyong
sagot sa loob ng kahon.

Pangkat 4 (Integrasyon sa Agham at Edukasyong Pangkalusugan)


Tingnan ang larawan at bumuo ng isang pangungusap gamit ang metapora. Isulat ang iyong
sagot sa loob ng kahon.

B. Pag-uulat ng Bawat Pangkat

Mga Dapat Tandaan


Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o
iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng salitang kasing- o ’sing- , parang-, o tulad ng-.

C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)


1. Pagninilay / Sentisis (Integrasyon sa ESP)
Kopyahin ang gawain sa iyong kuwaderno. Bilugan ang pagwawangis sa bawat pangungusap.
Salungguhitan naman ang salitang pinagwangisan.

Halimbawa:

Si Pedro ay malakas na bagyo.

1. Ang mga ina ay tunay na ilaw ng tahanan.


2. Mahirap magalit si Dory dahil siya’y may pusong bato.
3. Ang mga mata niya ay alitaptap.
4. Si France ay bulaklak sa bango.
5. Si Diego ay isang anghel sa kabutihan.

2. Pagtataya
Punan ng angkop na pagwawangis ang pahayag upang mabuo ang bawat pangungusap. Piliin ang
letra ng sagot at Isulat sa kuwaderno.

1. Kapag nagagalit si Dina ay


_______________
A. Nagbabaga ang dila
B. Kabayo sa bilis
C. Anghel sa ganda
2. _________ ang puso ni Juancho dahil ayaw niyang patawarin ang kapatid.
A. Mamon
B. Bato
C. bakal
3. Sa edad na 65, ang mukha ni Aling Mena ay _______.
A. Singkinis ng kamatis
B. Anghel sa ganda
C. Nagmumurang kamatis

4. Si Angela ay isang_____.
A. Anghel sa ganda
B. Singkinis ng kamatis
C. Singbango ng bulaklak
5. ________________si Trina kapag siya ay tumatakbo.
A. Kabayo sa bilis
B. Nagbabaga ang dila
C. Singbilis ng kabayo

D. Kasunduan/Karagdagang Gawain/Takdang Aralin


Sumulat ng tatlong pangungusap na ginagamitan ng pagwawangis. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________

Pangalan at Lagda ng Nagmasid: ________________________ Posisyon: ________________

You might also like