You are on page 1of 7

1

Filipino 8-Q1-W2
Aralin
Pagpapakahulugan sa mga Masining na Pahayag
2

Mga Inaasahan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang mga eupimistiko at matatalinhagang


pahayag sa pamamagitan ng tulang sinulat ng ating pambansang bayaning si Dr.
Jose Rizal.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod


na kasanayan:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na


pahayag na ginamit sa tula ayon sa: -kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan. (F8PT-Ia-c-19)

1.1 Nakasusulat ng sariling tula gamit ang eupimistiko at matatalinhagang


pahayag na natutuhan.

Magsimula tayo sa pamamagitan ng pagsagot mo sa unang gawain.

Paunang Pagsubok

Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.

____1. Ito ay tumutukoy sa mga ekspresyong may malalalim na salita o may hindi
tiyak na kahulugan.
A. sawikain C. eupimistikong pahayag
B. salawikain D. matalinhagang pahayag

____2. Ito ay mga pahayag na ginagamit upang hindi lubos na makasakit ng


damdamin, makapagpalungkot, o makapagpagalit.
A. sawikain C. eupimistikong pahayag
B. salawikain D. matalinhagang pahayag

____3. Itaga mo sa bato ang mga sinabi ko. Ang salitang nakapahilig ay
nanganguhulugan ng ___________________.
A. isulat sa bato C. tandaan
B. isipin D. talikuran

____4. Ang mga sumusunod na salita ay eupemistiko maliban sa ________________.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
2

A. mapili C. mataba
B. balingkinitan D. mahusay

____5. Gumagamit tayo ng mga eupimistikong pahayag upang maiwasan ang


________________.
A. malalim C. masama
B. literal D. bulgar na salita

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Tukuyin kung ang mga sumusunod ay SALAWIKAIN, SAWIKAIN, KASABIHAN O


BUGTONG.

___________1. Tengang Kawali


___________2. Nagtago si Pedro, labas ang ulo
___________3. Ang batang matalino, nag-aaral ng husto
___________4. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin
___________5. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo

Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito ay pag-aaralan mo ang mga eupimistiko at


matatalinhagang pahayag. Malalaman mo rin ang mga halimbawa nito.

Eupimistikong Pahayag

Ito ay mga salita o pahayag na sadyang pampalubag-loob o pampalumanay


upang hindi makasakit ng damdamin at hindi maging maganda sa pandinig ng taong
nakaririnig gayon din kung ito ay kanyang babasahin. Sa madaling salita, ipinapalit ang
mga ito sa mga salitang matatalim, bulgar o malaswa.

Tumutukoy rin ito sa mga salitang nagpapagaan sa bigat at sakit ng realidad o


katotohanan. Ang ilan sa mga ito ay mga idyoma o mga idyomatikong ekspresyon
(idiomatic expression) na kung saan ang ganitong pahayag ay nakapagtatago ng
masasakit at mahahalay na salita.

Mga Halimbawa
Salita Eupimistikong Pahayag
payat balingkinitan
madaya magulang
mahirap hikahos sa buhay

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
3

tumataba lumulusog
nadudumi tinatawag ng kalikasan

Matatalinhagang Pahayag

Ito ay mga ekspresyong binubuo ng malalalim na salita o may hindi tiyak na


kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Sa paggamit ng talinghaga, nagiging iba o malalim ang kahulugan ng ipinahahayag higit
pa sa literal na kahulugan nito.

KATANGIAN ⮚ Malalim na paglalatag ng kaisipan


NG ⮚ Kabilang sa mga akdang pampanitikan
TALINGHAGA ⮚ Nagbibigay ng kakintalan sa mga mambabasa

Mga Halimbawa
Salita Matalinhagang Pahayag
asawa kabiyak ng dibdib
mabagal lakad-pagong
hindi totoo balitang kutsero
magkamukha pinagbiyak na bunga
mag-aral nang mabuti magsunog ng kilay

Kailangang suriin ang eupimistiko at matalinhagang pahayag upang malaman


ang tunay na kahulugan nito. Ang mga ganitong pahayag ay hindi kaagad naiintindihan
sapagkat hindi lantad ang mga ibig sabihin nito. Makatutulong na alamin muna ang
konteksto ng isang pahayag o pangungusap na nagtataglay ng ganitong uri ng mga
pahayag upang mabigyan ng konkretong kahulugan.

PARAAN
NG
PAGPAPAHAYAG

Eupimistikong Matalinhagang
Pahayag Pahayag

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
4

Basahin mo ang tulang sinulat ni Dr. Jose Rizal.

Sa Aking Mga Kabatà1

Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig


Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo't mga kaharián,
At ang isáng tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaán.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ


Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingín
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng dakong una.

1 Kabatà – kapwa bata

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

A. Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag na


nasa hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

_____ 1. salitang anghel A. malansang isda

_____ 2. lunday sa lawa B. sinaunang wika

_____ 3. kaloob ng langit C. bangka sa tubig

_____ 4. sanlang kalayaan D. biyaya ng Diyos

_____ 5. dinatnan ng sigwa E. alipin ng dayuhan

F. inabutan ng pananakop

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
5

B. Ikahon ang dalawang salitang may magkasalungat na kahulugan na


makikita sa loob ng bawat pangungusap.

1. Malansa ang kaniyang paligid ngunit naging mahalimuyak nang ito ay nilinis.
2. Huwad ang kaniyang ipinapakitang mga ngiti sa tunay niyang nararamdaman.

3. Naggawad man siya ng maraming kayamanan, ipinagkait pa rin sa kaniya ang


mahabang buhay.
4. Paano mo pa makikita ang likha ng Panginoon kung ang ilan sa mga ito ay
sinira na ng tao?
5. May mga taong maalam sa maraming bagay ngunit nagiging mangmang
pagdating sa pag-ibig.

Gawain 2 Pagbibigay kahulugan sa Eupimistikong Pahayag

Bilugan ang kasingkahulugang salita o pahayag sa loob ng pangungusap ng mga


eupimistikong pahayag na nasa panaklong.

(kasambahay) 1. Isang marangal na hanapbuhay ang pagiging


katulong.
(sumakabilang buhay) 2. Marami ng mamamayan ang pumanaw dahil sa sakit
na covid-19.
(pag-iisang dibdib) 3. Hindi naging hadlang ang krisis upang ituloy ni Raf
at Jing ang pagpapakasal.
(balat sibuyas) 4. Si Mara ay masyadong sensitibo kapag ang paksa ng
usapan ay tungkol sa pamilya.
(malikot ang kamay) 5. May ilang politiko ang sinasabihang magnanakaw
dahil sa hindi pagbibigay ng sapat na ayuda.

Mahusay! Natapos mo na ang iyong mga gawain.

Tandaan
Narito ang ilang mga bagay na dapat mong tandaan.

1. Gumagamit tayo ng mga eupimistikong pahayag upang hindi lubos na makasakit


ng damdamin, makapagpalungkot, o makapagpagalit.
2. Sa paggamit ng talinghaga, nagiging iba o malalim ang kahulugan ng
ipinahahayag higit pa sa literal na kahulugan nito.
3. Hindi lantad ang mga ibig sabihin ng eupimistiko at matalinhagang pahayag kaya
mahalagang suriin ang mga ito upang malaman ang tunay na kahulugan.

Upang masukat ang iyong mga natutuhan, narito pa ang dagdag na


gawain.

Pag-alam sa Natutuhan

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
6

Sumulat ng isang maikling diyalogo gamit ang sumusunod na pamantayan:

1. Ang paksa ng usapan ay tungkol sa nangyayari sa kasalukuyan


2. Ang palitan ng pag-uusap ay hanggang anim na linya lamang
3. Sikapin na gamitin sa bawat pangungusap ang mga sumusunod na eupimistiko
at matatalinhagang pahayag.

- lumulusog - hikahos sa buhay - butas ng karayom


- napabayaan sa kusina - nagsusunog ng kilay - masarap ang bunga

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto

Mga Katangian ng Sagot Bibigyan ka ng sumusunod na puntos

✔ kumpletong nagamit ang 5 – taglay ang 4 na pamantayan


eupimistiko at matatalinhagang 4 – taglay ang 3 pamantayan
pahayag 3 – taglay ang 2 pamantayan
✔ naiugnay ang usapan sa tunay na 1 – taglay ay 1 pamantayan lamang
buhay sa kasalukuyan
✔ mahusay ang palitan ng usapan
✔ maayos ang pagbuo ng
pangungusap

Pangwakas na Pagsusulit

Isulat sa patlang ang letra ng kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag


na nakapahilig.

_____ 1. May ilang mayayaman na bukas ang palad sa mga taong nangangailangan.
A. mabait B. maaasahan C. mapagbigay D. matulungin

_____ 2. May mga OFW na naging mahina ang loob na magtrabahong muli sa ibang

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
7

bansa dahil sa pandemya.


A. duwag B. takot C. galit D. nangamba

_____ 3. Madalas makarinig si Celine ng mga balitang kutsero mula sa kanyang


mga kapit-bahay.
A. masasamang balita
B. nagmula sa kutsero
C. walang katotohanan
D. batay sa totoong pangyayari

_____ 4. Siya ay tila natuka ng ahas sa kanyang kinatatayuan nang makita ang
isang pangyayari.
A. nagulat
B. namutla
C. hindi nakakibo
D. nawalan ng malay

_____ 5. Nang dahil sa lockdown maraming mamamayan ngayon ang naging isang
kahig, isang tuka ang kalagayan sa buhay.
A. malaking kita na maaaring makapaglaan sa pag-iimpok
B. maliit na kita na kailangang paghirapan bago matanggap
C. kaunti ang kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan
D. may sapat na kita upang matugunan ang pangunahing pangangailangan

Pagninilay

Sumulat ng isang tulang binubuo ng apat na saknong ukol sa isang


napapanahong paksa. Gumamit ng eupimistiko at matatalinhagang pahayag sa mga
taludtod. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

Rubrik sa Pagwawasto

Bibigyan ka ng sumusunod na
Mga Katangian ng Sagot
puntos

✔ naiugnay ang paksa sa tunay na 5 – taglay ang 4 na pamantayan


buhay sa kasalukuyan 4 – taglay ang 3 pamantayan
✔ gumamit ng eupimistiko at 3 – taglay ang 2 pamantayan
matatalinhagang pahayag 1 – taglay ay 1 pamantayan
✔ mahusay ang paglalahad ng kaisipan lamang
✔ maayos ang pagbuo ng pangungusap

Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinamalas sa pagsagot ng modyul


na ito. Kung may mga bahagi na hindi mo pa lubos na naunawaan ay huwag
mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like