You are on page 1of 5

Pang-estadong Unibersidad ng Pangasinan

Lingayen Kampus
Lingayen, Pangasinan

Pangalan: Nebran, Mika Q.


Ferrer, Jenica Elean B.
Meneses, Erika Mae DC.
Rosario, Mark John Rey R.
Fajardo, Jecjec O.

Taon at Kurso: II-BSE Filipino

Pamagat ng Paksa: Aralin VII– Pagsasalin ng Tula at Pagtutumbas sa mga


Matalinghaga at Idyomatikong Pahayag
1. Mga Katangian ng Idyomatikong Pahayag
2. Dalawang Uri ng Idyoma
2.1 Idyomang parirala
2.2 Ekspresyong Idyomatiko
3. Ano ang pagsasalin ng tula?
4. Paano isasalin ang tula?
5. Mga Katangian ng Tagasalin ng Tula

Petsa: Ika-11 ng Mayo, 2021

ARALIN VII
Pagsasalin ng Tula at Pagtutumbas
sa mga Matalinghaga at Idyomatikong Pahayag

Idyomatikong Pahayag
 Ang mga idyoma o idyomatikong pahayag o salitang matalinghaga ay
parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba ang
literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita.

Tinatawag na idyoma ang natatanging gamit ng ilang partikular na


kombinasyon ng mga salita sa isang wika, mga kombinasyon ng mga salitang
mayroon nang kahulugan sa iba, sa indibidwal na mga salitang bumubuo rito.
Nabubuo ang mga idyoma ng isang wika sa loob ng mahabang panahon,
nagpasalin-saling pasalita hanggang maging matatag sa dila ng bayan, sa
paraang hindi na malaman ngayon kung bakit at paano.

At dahil nga hindi madaling ipaliwanag ang mga idyoma, sinabi nina
Almario et al. sa kanilang Patnubay sa Pagsasalin na “ang mga idyoma ay
parang patibong; nakatago ang panganib, hindi lantad,” at maaaring nabitag ka
na ng patibong bago mo pa man mamalayan ang panganib na napasukan mo.

Mga Katangian ng Idyomatikong Pahayag

1. Sinasabing idyomatiko sa isang partikular na wika ang isang pahayag


kung natural ang daloy at katanggap-tanggap ang kawastuhang
gramatikal para sa isang taal na nagsasalita ng wikang pinag-uusapan.
2. Ginagamit ang mga idyomatikong pahayag sa pang-araw-araw na
komunikasyon, pasalita man o pasulat-mula sa mga tsikahan hanggang
sa diyaryo, radio, telebisyon, akademikong talakayan, siyentipikong
paglalahad, maging sa mga nobela, kuwento, tula at iba pang anyong
pampanitikan.
3. Karaniwang maikli, matipid, at naglalarawan.
4. Naghahatid ng higit na sigla at buhay sa talastasan. Maaaring sabihin sa
ibang paraan ang mga pahayag na ito ngunit mawawala ang puwersa at
kulay.

This study source was downloaded by 100000809001628 from CourseHero.com on 11-05-2022 06:53:18 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/96494011/ARALIN-VII-PAGSASALIN-NG-TULA-AT-PAGTUTUMBAS-SA-MGA-MATALINGHAGA-AT-IDYOMATIKONG-
5. Mahirap ipaliwanag kung paano nabuo ang ganitong pahayag basta’t iyon
ang ayos ng mga salita at may tiyak nang kahulugan batay sa
pagkakaayos.
6. Hindi basta mapapalitan ang mga salitang bumubuo sa mga tiyak na
kombinasyon ng mga salitang tinatawag na idyoma.
7. Masasalamin ang kultura at ang pananaw sa daigdig ng mga taong
gumagamit ng mga idyomatikong pahayag.

Dalawang Uri ng Idyoma


1. Idyomang Parirala
2. Ekspresyong Idyomatiko

Idyomang parirala
 Maaaring kombinasyong pangngalan at pang-uri.
Halibawa: Red tape
 Maaaring pariralang pangngalan
Halimbawa: Apple of discord
 Maaaring pandiwa at pang-ukol
Halimbawa: Call up, Call out, Call off, atbp.

Dalawang paraan ng pagtutumbas ng Idyomang Parirala:

a. Ihanap ng katapat na idyoma


Cold Feet-Urong ang Buntot
Next World- Kabilang buhay
Fishwives’ Tales- Balitang Kutsero

b. Ibigay ang kahulugan


Light-fingered person- Mangungupit
Laconic Speech- Matipid na Pananalita

May mga pagkakataong nagkakahawig ang mga idyoma ng dalawang wika


ngunit mag-ingat dahil maaaring hindi magkatapat ang mga ito.

Hal. Light-fingered person, hindi: Magaan ang Kamay


Sitting duck, hindi: kakaning itik

Mabigat na suliranin para sa mga tagalong Pilipino ang mga pariralang pandiwa,
pang-ukol, o ang tinatawag na prepositional phrases. Sa Filipino, naiiba ang
kahulugan ng isang salitang ugat depende sa panlaping ikinakabit dito.

Hal. Magbili- To sell Bumili- To buy

Samantala, sa Ingles naman ay nagbabago ang kahulugan ng isang pandiwa


dahil sa kasunod nitong preposition.

Halimbawa:
Call- tawagan
Call up- tawagan sa telepono
Call off- kanselahin ang nakaiskedyul na miting

Tinutumbasan ang buong parirala upang makuha ang tunay na kahulugan nito at
hindi pinaghiwalay ang dalawang salita. Kaya, ang buong pariralang look after ay
nangangahulugang “alagaan,” hindi “tingnan (look) pagkatapos (after).”

Hindi malinaw kung bakit may mga pandiwang may kabuntot na preposition at
mayroon namang wala, kahit pa magkatulad ang pinagmulan.

Halimbawa: ang abstain ay mula sa Latin, abs at teneo; ang contain ay mula rin
sa Latin, con at teneo. Ngunit ang abstain ay may preposition: abstain from,
samantalang ang contain ay wala.

This study source was downloaded by 100000809001628 from CourseHero.com on 11-05-2022 06:53:18 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/96494011/ARALIN-VII-PAGSASALIN-NG-TULA-AT-PAGTUTUMBAS-SA-MGA-MATALINGHAGA-AT-IDYOMATIKONG-
Abstain from eating meat during holidays of obligation.
This book contains information I need.

Kapag ipinahayag na sa Filipino ang mensahe ng pangungusap na Ingles, ganito


ang magiging katumbas:
Umiwas sa pagkain ng karne… (hindi: mula sa pagkain ng karne…)

Samakatuwid ang idyomatiko sa Ingles ay maaaring ‘di na idyomatiko sa Filipino,


o ‘di na antural ang daloy, kapag ang ginawa ay tapatang salin o salita-sa-
salitang pagtutumbas. May mga pagkakataon na ang preposition ay ‘di
kailangang tapatan ng pag-ukol sa Filipino.

Iba pang halimbawa kaugnay ng mga preposition:


between: War rages between Iran and Iraq
Nagdidigmaan ang Iran at Iraq. (hindi: sa pagitan ng Iran at Iraq)

This is just between you and me.


Atin-atin na lang ito. (hindi: sa pagitan mo at sa akin)
as: She works as a domestic helper in Singapore.
Naglilingkod siyang katulong sa Singapore. (hindi: bilang katulong)

As a child, I was a voracious reader.


Noong bata pa ako, napakahilig kong magbasa. (hindi: bilang isang
bata)

against: The waves dash against the shore.


Humampas ang mg alon sa pampang. (hindi: kontra sa pampang)

Ekpresyong Idyomatiko
 Ito ay maaaring parirala rin o buong pangungusap na ibang-iba na ang
kahulugang ipinapahayag kaysa sa mga salitang bumubuo rito.

Balikan natin ang mga halimbawang naibigay na: kick the bucket, hit the sack, to
a man, she has a tongue.

Maaaring magkaroon ng dalawang kahulugan ang ganitong mga ekspresyon:


literal o idyomatiko, depende sa konteksto.

Halimbawa:
He was so angry he kicked the bucket and the water spilled to the floor. (sinipa
ang balde)
He was so angry he had a cardiac arrest and kicked the bucket. (namatay)
He was so tired he hit the sack right away. (natulog)
He was so angry he hit the sack containing potatoes. (hinataw ang sako)
The child gave the book to a man. (sa isang lalaki)
The entire barangay supported Fr. Ed to a man. (parang iisang tao)

Paano isinasalin ang ganitong mga ekspresyong idyomatiko? Tandan na


maaaring mayroon itong kahulugang literal kaya suriing mabuti ang konteksto
bago tumbasan.

Kung minsan, ang ekspresyong idyomatiko sa Ingles ay may literal na katapat sa


Filipino:
Snake in the grass- ahas sa damo/damuhan
Over my dead body- sa ibabaw ng aking bangkay

Tatlong paraan ng Pagtutumbas:

1. Ihanap ng katapat na idyoma


Dressed to kill- nakapamburol
Still wet behind the ears- may gatas pa sa mga labi
Till hell freezes over- pagputi ng uwak

This study source was downloaded by 100000809001628 from CourseHero.com on 11-05-2022 06:53:18 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/96494011/ARALIN-VII-PAGSASALIN-NG-TULA-AT-PAGTUTUMBAS-SA-MGA-MATALINGHAGA-AT-IDYOMATIKONG-
2. Ibigay ang kahulugan
Left-handed compliment- pambobola
Jailbird- madalas makulong/labas-masok sa kulungan

3. Tumbasan ang kahulugan sa paraang idyomatiko


Starve to death- mamatay ng gutom (hindi: nagutom hanggang mamatay)
Hacked to death- napatay sa taga (hindi: tinaga hanggang mamatay)
Lying in a pool of blood- naligo sa sariling dugo (hindi: nakahoga sa lawa
ng dugo)

 Kaya paano sasabihin sa ibang wika ang mga idyomatikong pahayag?


Hindi ito madaling trabaho at tiyak na susubok sa tiyaga at
pagkamalikhaiin ng sino mang magtatangka. Kung problema ito ng human
translator, paano makagagawa ng programa sa computer upang
matumbasan ng idyomatiko ring pahayag sa tunguhang lenggwahe (target
language) ang idyomatikong pahayag sa simulaang lenggwahe (source
language). Maaaring gumawa ng isang mahabang listahan ng mga
idyomang parirala, ngunit higit na komplikado ang pagtutumbas ng mga
ekspresyong idyomatiko dahil napakaraming posibleng kontekstong
katatagpuan sa mga ito. Tunay ngang patibong ang mga idyoma. Ngunit
sana’y dumating ang panahon na magawa ng computer na mabisang
matumbasan ang mga ito.

Karagdagan: Iba pang mga halimbawa

1. Magkatulad sa dalawang wika


Foot of the mountain- Paanan ng bundok
Foot of the table- Paa ng mesa
Sand castle- Kastilyong buhangin
Arm of the law- Bisig ng batas
Street children- Batang kalye
Right hand man- Kanang kamay
Old maid- Matandang dalaga
Iron fist- Kamay na bakal
Flesh and blood- Dugo at laman
Ask for a woman’s hand in marriage- hingin ang kamay para magpakasal
Sick bed- Banig ng karamdaman

2. Katumbas na idyoma
Turncoat- Balimbing
Birds of the same feather- Kabaro
Bleed one white- Huthutan/gatasan/sipsipan mg dugo
Man in the street- Karaniwang tao
Going post-haste- Mabilis pa sa alas kuwatro
At a snail’s pace- Parang pagong, usad-pagong
Fight to the death- Hanggang sa huling patak ng dugo
Beaten black and blue- Mata lang ang walang latay/bugbog-sarado
Spic and span- Di madapuang langaw
Small fry- Pipitsugin, walang sinabi
Towering passion- Umuusok ang bumbunan
Small hours- Madaling-aarw
Wild goose chase- Suntok sa buwan
Not worth his salt- Walang binatbat, walang sinabi
Small talk- Siyete, tsikahan

3. Bigyan ng kahulugan
Light sleeper- Mababaw ang tulog
Heavy sleeper- Mahimbing matulog/ang tulog
Point blank- Deretsahan
Queer fish- Kakatwa/naiiba
Red letter day- Masuwerteng araw

This study source was downloaded by 100000809001628 from CourseHero.com on 11-05-2022 06:53:18 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/96494011/ARALIN-VII-PAGSASALIN-NG-TULA-AT-PAGTUTUMBAS-SA-MGA-MATALINGHAGA-AT-IDYOMATIKONG-
Raining cats and dogs- Napakalakas ng ulan
Escaped with the skin of one’s teeth- Nakaligtas na buhay na lang ang
natira
Alpha and Omega- Simula at Wakas
Forty winks- Pag-idlip
Great unwashed- Masa (karaniwang tao)
Green-eyed monster- Selos

Ano ang pagsasalin ng tula?

 Proseso ng paglikha ng bagong tula batay sa orihinal na tula, nang may


buong pagsisikap na mailipat ang lahat ng sangkap ng tulang isasalin.
Ang mga sangkap na maililipat ay mensahe, himig, tono, larawang diwa,
tayutay at iba pa.Samakatuwid, ang salin ng tula ay dapat na isa ring tula,
isang bagong malikhaing obra, sa ibang wika.

 Ayon kay James Michie, "Lahat ng pagsasalin ay isang pagtataksil."

 Ayon naman kay Robert Frost, "Ang tula ang nawawala sa pagsasalin.”
(Poetry is what gets lost in translation.)

Binibigyang-diin sa mga pahayag na ito ang katotohanang may nawawala sa


saling tula, kaya maraming teorisyan at propesyunal na tagasalin ang
nagsasabingimposibleng matagumpay na maisagawa ang pagsasalin ng tula.

Paano isasalin ang tula?

Mga Karaniwang Teknik o Paraan sa Pagsasalin ng Tula mula sa isang Wika


Patungo sa ibang Wika

1. Ganap na nauunawaan dapat ng tagapagsalin ang diwa at kahulugan ng


orihinal na awtor bagaman may laya siyang maglinaw ng ilang kalabuan.
2. Ganap na may kaalaman dapat ang tagapagsalin sa simulaang wika at
tunguhang wika.
3. Gumamit dapat ang tagasalin ng mga karaniwang anyo ng pananalita.
4. Piliin at isaayos dapat ng tagapagsalin ang mga angkop na salita upang
malikha ang wastong himig.

Mga Katangian ng Tagasalin ng Tula

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin.

This study source was downloaded by 100000809001628 from CourseHero.com on 11-05-2022 06:53:18 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/96494011/ARALIN-VII-PAGSASALIN-NG-TULA-AT-PAGTUTUMBAS-SA-MGA-MATALINGHAGA-AT-IDYOMATIKONG-

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like