You are on page 1of 6

MODYUL 9

MORPOLOHIYA O MORFOLOJI

TAGAPAGULAT: RUIVIVAR, JEINDHY CHRIS

PAKSA: MGA ANYO NG MORPEMA

MORPOLOHIYA - ito ay ang pagaaral ng mga morpema ng isang wika at pagsasama-sama ng mga ito
upang makabuo ng isang salita sa pamamagitan ng iba't ibang morpema.

MORPEMA- ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan.

Mga Anyo ng Morpema

1.) MORPEMANG BINUBUO NG ISANG PONEMA LAMANG. ~Kung nagbabago ang


kahulugan (kasarian) dahil sa pandagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/
o /o/ ay itinuturing ponema.

2.) MORPEMANG BINUBUO NG PANLAPI ~ Ito ay uri ng morpemang idinurugtong sa salitang


ugat na maaaring makapagpabagong kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong magisa ang
mga panlapi at kailangan idugtong sa salitang ugat upang magkaroon ng kahulugan

3.) MORPEMANG BINUBUO NG SALITANG UGAT ~Ito ay uri ng morpemang walang


panlapi. Ito ay payak na may anyo ng isang salita.

Mga tanong at sagot:

1) Ano ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan? ~Morpema

2.) Ano ang anyo ng morpema na tinatawag na hindi malayang morpema? ~ Morpemang binubuo ng
panlapi

3.) Ano ang tinatawag na malayang morpema? ~ Morpemang binubuo ng salitang ugat

4.) Ano ang makabuluhang yunit ng mga salita ~ Morpolohiya

5.) Anong mga titik ang karaniwang itinuturing ponema? ~ /a/ at /o/
TAGAPAGULAT: MONTANEZ, JOHN PAUL

PAKSA: KAYARIAN NG MGA SALITA

Ang mga salita ay nakikilala ayon sa kayarian.


1.) PAYAK - Itoy mga salitang binubuo ng salitang-ugat lamang. Wala itong kasamang panlapi.

2.) MAYLAPI - Itoy binubuo ng panlapi at salitang-ugat o malayang salita na maaaring matagpuan
sa unahan, gitna, hulihan, kabilaan o laguhan.

A. Panlaping Makangalan- itoy ikinabit sa salitang-ugat upang makabuo ng pangngalan.

B. Panlaping Makadiwa- itoy panlaping ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng mga


pandiwa
C. Panlaping Makauri - itoy panlaping ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng mga
pang-uri.
3.) INUULIT- itoy mga salitang inuulit ang buong salita o ang unahan o ang dalawang pantig ng
salitang-ugat.

4.) TAMBALAN- itoy mga salitang binubuo ng dalawang salitang magkaiba ng kahulugan ngunit
kapag pinagsama ay nakabubuo ng bagong kahulugan.

5.) KOMBINASYON - itoy mga salitang may dalawa o tatlong anyong pinagsama upang makabuo
ng salita, maaaring anyong inuulit, maylapi o tambalan.

Mga tanong at sagot:

1.) Ibigay ang limang uri ng kayarian ng salita. PAYAK, MAYLAPI, INUULIT, TAMBALAN at
KOMBINASYON
2.) Ano ang ipinagkaiba ng tambalan at kombinasyon?Ang Tambalan ay mga salitang binubuo ng
dalawang salitang magkaiba ng kahulugan ngunit kapag pinagsama ay nakabubuo ng
bagong kahulugan samantalang ang Kombinasyon ay mga salitang may dalawa o tatlong
anyong pinagsama upang makabuo ng salita, maaaring anyong inuulit, maylapi o
tambalan.
3.) Ano ang kahalagahan ng kayarian ng mga salita? Matuto tayo sa tamang paggamit ng mga
salita at naisasaayos ang pangungusap.
4.) Paano ito makatutulong sa ating pang araw araw? Sa pamamagitan ng paggamit ng tama at
maayos na kayarian ng mga salita ng sa gayon magkaroon ng malinaw na pag uusap o
komunikasyon.
5.) Bakit mahalaga na matutunan ang kayarian ng mga salita? Upang maitama ang magkaroon ng
maayos ng pangungusap.
TAGAPAGULAT: MARZANO, BILLY JOE

PAKSA: MGA URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Ang pag-aanyong di-karaniwan ng mga salita ay madalas mangyari’t umiral sa mga pangngalan at
pandiwa. Hindi ito nangyayari o hindi gaanong napagkikita sa ibang uri ng pananalita. Di-karaniwan ang
tawag dito sapagkat ito ay: Di-lubos na umaalinsunod sa mga talaga’t panlahat na tuntunin sa pagbuo ng
salita. Lumilihis sa mga karaniwang paraan ng palapantigan at paglalapi.

Ang Morpoponemiko ay mga pagbabagong nangyayari sa pagbuo ng salita dahil sa:

 Kalikasan ng salita
 Paraan ng pagpapadali ng bigkas
 Pagtitipid sa salita
 Impluwensiya ng mga pinagsamasamang tunog

Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpopoisahan

1.) Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang panlaping pang- ay
nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.
a. Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, m, n,
ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ).
b. Nilalagyan ng gitling ( - ) kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.

2.) PAGPAPALIT NG PONEMA- kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba
bukod sa kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang
nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng
marunong

3.) METATESIS – kapag ang salitang ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay ginitlapian ng (-in) ang /l/
o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng posisyon.

4.) PAGKAKALTAS NG PONEMA –. Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling
ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.

5.) PAGLILIPAT- DIIN- may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian.
MODYUL 10
SINTAKSIS O PANGUNGUSAP

TAGAPAGULAT: DANLAG, MA. MIKKAELLA

PAKSA: ANG PARIRALA

Sintaksis – ay isang formasyon ng mga pangungusap sa isang wika na kung saan sa Filipino, maaaring
mauna ang paksa sa panaguri at pwede ring baligtarin ito.

Parirala- ito’y lipon ng mga salitang walang paksa o panaguri. Nagagamit ito na bahagi ng pananalita.

Kayarian ng Parirala

1.) Pariralang Pang-ukol- pinangungunahan ito ng pang-ukol na sinusundan ng layon nitong


pangngalan o panghalip (para sa, para kay, ukol sa, ukol kay, ayon sa, ayon kay, laban sa, laban
kay, ng, sa, hinggil sa, hinggil kay, alinsunod sa).
2.) Pariralang Pangngalang- Diwa- ito ay binubuo ng pangngalang-diwa at layon nito.
3.) Pariralang Pawatas- binbubuoito ng pawatas na pandiwa at ng layon nito.
4.) Parirala sa Anyo ng Pandiwa- binubuo iyo ng pandiwa sa alinmang aspekto at layon nito.
Mga tanong at sagot:

1.) Ano ang pinagkaiba ng Sintaksis at Parirala sa pangungusap? Ang Sintaksis ay isang
formasyon ng mga pangungusap sa isang wika na kung saan sa Filipino, maaaring mauna
ang paksa sa panaguri at pwede ring baligtarin ito samantalang ang Parirala ay lipon ng
mga salitang walang paksa o panaguri.
2.) Ano ang pinagkaiba ng sintaksis sa pangungusap? Ang Sintaksis ay isang formasyon ng mga
pangungusap sa isang wika na kung saan sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa
panaguri at pwede ring baligtarin ito bagamat ang Pangungusap ay maaaring buuin ng
morpema o mga morpema upang makalikha ng parirala, sugnay at pangungusap.
3.) Ibigay ang apat na Kayarian ng Parirala. (Pariralang Pang-ukol, Pariralang Pangngalang-
Diwa, Pariralang Pawatas at Parirala sa Anyo ng Pandiwa).
4.) Maaari bang gamitin ang sintaksis sa wikang Ingles? Hindi, sapagkat pag ito’y ginamit sa
wikang Ingles magkakaroon ng di kaayusan sa pangungusap.
5.) Bakit kailangan talakayin ang kayraian ng Parirala? Upang matukoy at maisaayos ang
paggamit ng mga salita sa pangungusap.

TAGAPAGULAT: PEREZ, GLAINELANE JARYLANN

PAKSA: SUGNAY at PANGUNGUSAP

PANGUNGUSAP- Ito ay isang salita o lipon ng salitang nagpapahayag ng buong kaisipan o diwa. Sa
pamamagitan nito'y naipapahayag natin ang ating mga naiisip at nadarama, ito ang susi ng pagkakaunawa
ng mga tao.

2 Bahagi ng Pangungusap

1.)Paksa- ang napag uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap.

Ang paksa ay maaaring;


A. Pangngalan
B. Panghalip
C. Pang uri
D. Pang abay
E. Pandiwa
F. Magkapanuring
G. Pariralang Pang ukol
2.)Panaguri - ang nagsasabi tungkol sa paksa.

Ito ay maaaring;

A. Pangngalan
B. Panghalip
C. Pang uri
D. Pang abay
E. Pandiwa
F. Pariralang Pang ukol
G. Magkapanuring

Mga tanong at sagot:

1.) Mga lipon ng salita na may paksa at panaguri subalit maaaring hindi buo ang diwa nito -
SUGNAY
2.) Makapag-iisa o Di- makapag- iisa. 2a.Makakapasa ka kung mag aaral ka ng mabuti. 2b.
Mahilig siyang magbasa kaya marami siyang alam.
3.) Binubuo ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. – PANGUNGUSAP
4.) - 5.) Anu ang Dalawang bahagi ng Pangungusap? Ipaliwanag. * Payak- pinag uusapan o
pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap. *Panaguri- nagsasabi tungkol sa paksa.

TAGAPAGULAT: MARCELLANO, CARLO

PAKSA: AYOS NG PANGUNGUSAP at KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

You might also like