You are on page 1of 49

Nakakaaliw o Nakaaaliw,

Nakakaasar o Nakaaasar:
Alin nga ba ang Tama?
1

ISANG PAGHIHIMAY SA MGA SALITANG INUULIT


NA GINAMIT SA MGA PILING BLOG SA FILIPINO

NI ROBERTO DE LARA AMPIL


Introduksyon
2

“Iba-blog kita” isang pamosong komersyal ng


Smart.
Inilalarawan ng komersyal kung paano ang isang
pangyayari ay maihahatid sa madla sa
pamamagitan ng makabagong teknolohiya gaya
ng cellphone. Ano nga ba ang blog?
Introduksyon
3

Ang blog ay karaniwang isang jornal na mababasa


sa web at ang gawain sa pagsusulat ng isang blog ay
tinatawag na "blogging" at ang nagsusulat o
gumagawa nito ay isang tinatawag namng “blogger."
Ito ay pinagsasama-samang kaganapan sa buhay ng
isang tao at kung ano ang nagaganap sa web, isang
uri ng hybrid diary/guide site.
Nag-iiba ang ito depende sa interes at layunin ng
blogger.
Introduksyon
4

Ang Blogs ay alternatibong panawag sa web logs o


weblogs.
Umaabot sa kalahati ng nangungunang 50 blogs na
nakalista sa Pinoy Top Blogs ay pagmamay-ari ng
mga lalaki,
Karamihan sa mga bloggers ay nakabase sa Pilipinas.
Marami sa mga bloggers ay hindi nagpapakilala.
Introduksyon
5
Rasyunale ng Pag-aaral
6

Ang blogs ay maituturing na pinakaepektibong


anyo ng komunikasyon at teknolohiya upang
maipaabot ang mensahe at anumang usaping may
kaugnayan sa lipunan.
Dahil ang wika ang pangunahing midyum sa
komunikasyon, hindi maikakaila na malaki ang
posibilidad na makakita ng pagkakaiba sa paggamit
nito.
Layunin ng Pag-aaral
7

Nilayon ng mananaliksik na suriin ang ilang piling


entri sa mga pangunahing blogs sa Pilipinas at
tukuyin ang pagkakaiba sa paggamit ng ilang
bokabularyo partikular ng mga salitang inuulit.
Sa ganitong pamamaraan ay makikita kung may
konsistensi nga ba sa paggamit ng mga salitang
inuulit ang mga blogger.
 At sa huli ay makabuo ng mga pangunahing
tuntunin sa pamamaraan ng pagsulat ng mga
salitang ito.
PAGLALAHAD NG DATOS
8
MGA SALITANG INUULIT NA GINAMIT SA
http://www.thewilyfilipino.com/blog/archives/2007_02.html

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Mga Puna


Pagkakabuo
1 Pa-blog-blog pa- + blog-blog unlaping (pa) +reduplikasyon ng s.u
2 natatanging na- + ta + tanging unlaping (na) +unang pantig ng s.u
3 naaayon na-+ a- +ayon unlaping (na) +unang pantig ng s.u
4 malayung-malayo malayung-malayo ganap na pag-uulit, napalitan ang 'o' ng
'u'
5 nagkikita nag-+ki +kita unlaping (nag) +unang pantig ng s.u
6 magagalit ma-+ ga+ galit unlaping (ma) +unang pantig ng s.u
7 sumusuka -um+su-+suka gitlaping (um) +unang pantig ng s.u
8 kayang-kaya kayang-kaya ganap na reduplikasyon
9 tatakbo ta-+ takbo reduplikasyon ng unang pantig ng s.u
10 nakakakain naka-+ka-+ kain unlaping (naka)+unang pantig ng s.u
PAGLALAHAD NG DATOS
9

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna

11 natatakot na-+ta-+takot unlaping (na) +unang pantig ng s.u

12 gagawin ga-+gawin reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

13 papasok pa-+pasok reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

14 nakakasira naka-+ ka+sira unlaping (naka)+pag-uulit ng 'ka'+ s.u

15 napapansin na-+pa+pansin unlaping (na) +unang pantig ng s.u

16 bibisita bi-+bisita reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

17 magsusulat mag-+su+sulat unlaping (mag)+pag-uulit ng 'ka'+ s.u

18 mabibisita ma-+bi+bisita unlaping (ma) +unang pantig ng s.u

19 mag-iimbita mag-+i-+imbita unlaping (mag) +unang pantig ng s.u

20 nag-aalaga nag-+a-+alaga unlaping (nag) +unang pantig ng s.u


PAGLALAHAD NG DATOS
10

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna


21 naglalaro nag-+la-+laro unlaping (nag) +unang pantig ng s.u
22 malalanghap ma-+la+langhap unlaping (ma) +unang pantig ng s.u
23 nasusunog na-+su+sunog unlaping (na) +unang pantig ng s.u
24 nakikita na-+ki+kita unlaping (na) +unang pantig ng s.u

25 magsasara mag-+sa+sara
unlaping (mag) +unang pantig ng s.u

unlaping (nanga)+reduplikasyon ng (nga)


26 nangangamoy nanga-+nga+amoy
+s.u
27 masusunog ma-+su+sunog unlaping (ma) +unang pantig ng s.u
28 pagboblowdry pag-+bo-+blowdry unlaping (pag)+unang pantig ng s.u
29 hahawak ha-+hawak reduplikasyon ng unang pantig ng s.u
30 naaamoy na-+a+amoy unlaping (na) +unang pantig ng s.u
PAGLALAHAD NG DATOS
11

MGA SALITANG INUULIT NA GINAMIT SA


http://maiklingkuwento.blogspot.com/

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna


1 umaabuso um-+a+abuso unlaping (um) +unang pantig ng s.u
2 pinaglalaban pinag-+la+laban unlaping (pinag) +unang pantig ng s.u
unlaping (pinag) +unang pantig ng batayang
3 pinagpipilitan pinag-+pi+pilit-+an
salita
4 mayayaman ma-+ya+yaman unlaping (ma) +unang pantig ng s.u
unlaping (paki)+reduplikasyon ng huling pantig
5 pakikipag-usap paki-+ki+pag-usap
ng unlapi (ki) +batayang salita
unlaping (ika)+reduplikasyon ng huling pantig ng
6 ikakahiya ika+ka+hiya
unlapi (ka)+ s.u
7 kapansin-pansin ka-+pansin+pansin unlaping (ka) + ganap na reduplikasyon ng s.u
8 dala-dala dala+dala ganap na reduplikasyon
unlaping (pinag)+reduplikasyon ng unang pantig
9 pinagsasaluhan pinag+sa +salo+han
ng s.u +hulapi
10 natatakot na-+ta+takot unlaping (na)+unang pantig ng s.u
PAGLALAHAD NG DATOS
12

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna

11 nag-uusap nag-+u-+usap unlaping (nag)+unang pantig ng s.u


12 nagugutom na-+gu-+gutom unlaping (na)+unang pantig ng s.u
13 paglalakad pag-+la+lakad unlaping (pag)+unang pantig ng s.u
14 napapalibutan na-+pa+palibot+an unlaping (na)+unang pantig ng s.u
15 kakainin ka-+kain+in reduplikasyon ng unang pantig ng s.u +hulapi

16 nangangagat nanga-+nga+kagat unlaping (nanga)+reduplikasyon ng huling pantig


ng unlapi (nga) +s.u
17 sama-samang sama+sama ganap na reduplikasyon
18 naghahanap nag-+ha+hanap unlaping (nag)+unang pantig ng s.u
19 mabibiktima ma-+bi+biktima unlaping (ma)+unang pantig ng s.u
20 nagiging naging+gi pag-uulit ng huling pantig ng salita
PAGLALAHAD NG DATOS
13

MGA SALITANG INUULIT NA GINAMIT SA


HTTP://BLOGS.INQUIRER.NET/TALESOFTHENOMAD/CATEGORY/PHILIPPINES/

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna

1 nakapagpapayaman nakapag+pa+pa+yaman unlaping (nakapag)+reduplikasyon ng


panlaping (pa)+s.u

2 nakapagpapayabong nakapag+pa+pa+yabong unlaping (nakapag)+reduplikasyon ng


panlaping (pa)+s.u
3 mapapansin ma+pa+pansin unlaping (nag)+unang pantig ng s.u
4 katanggap-tanggap ka+tanggap+tanggap unlaping (ka)+ganap na reduplikasyon

5 inaanalisa in+a+analisa unlaping (in)+reduplikasyon ng unang


pantig ng s.u
PAGLALAHAD NG DATOS
14

KALAYAAN 2007 BLOGS (UNCATEGORIZED)

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna


1 mali-mali mali+mali ganap na reduplikasyon
2 nahihiya na+hi+hiya unlaping (nag)+unang pantig ng s.u
unlaping (pagka)+huling pantig ng unlapi
3 pagkakamali pagka+ka+mali
(ka)+s.u
4 sasangguniin sa+sangguni+-in reduplikasyon ng unang pantig ng s.u
unlaping (kina)+reduplikasyon ng unang
5 kinalalagyan kina-+la+lagyan
pantig ng s.u
unlaping (ma)+reduplikasyon ng unang
6 masasabi ma-+sa+sabi
pantig ng s.u
7 unti-unti unti+unti ganap na reduplikasyon
8 makaiintindi maka-+i+intindi unlaping (nag)+unang pantig ng s.u
unlaping (na)+reduplikasyon ng panlapi
9 nakikinig na-+ki+ki+dinig
(ka)+s.u
unlaping (mai)+reduplikasyon ng unang
10 maikakatwa mai+ka+katuwa
pantig ng s.u
PAGBIBIGAY-INTERPRETASYON SA NAKALAP NA MGA
DATOS
15

Batay sa nakalap na datos ay lumalabas na may 11


pamamaraan ng pag-uulit o reduplikasyon sa mga
salita:
1. Unlapi + ganap na reduplikasyon ng salitang-ugat
na may 12 salita o 6% ng kabuuang 200 nakalap na
salita.
Halimbawa:
Pa +ngiti-ngiti pa+blog-blog
Ka+pansin-pansin pa+Ingles-ingles
16

2. Unlapi + reduplikasyon ng unang pantig ng


salitang-ugat na may 117 salita o 58.5% ng kabuuang
200 nakalap na salita.
Halimbawa:
In-+ a+analisa maka+sa+sagot
Na-+hi+hiya ma+ku+kulay
Ma-+sa+sabi nag-+si+simula
17

3. Ganap na reduplikasyon na may 11 salita o 5.5 %


ng kabuuan.
Halimbawa:
Unti-unti kaya(ng)- kaya
Malayu (ng)-malayo sama-sama
Dala-dala araw-araw
18

4. Reduplikasyon ng unang pantig + salitang-ugat na


may 17 salita o 8.5% ng kabuuan.
Halimbawa:
Pa+pasok su+subuk+an
Bi+bisita ta+talakay
Ka+kain+in sa+sangguni+in
19

5. Gitlapi + Unang pantig ng salitang-ugat na nagtala ng


isa (1).
Halimbawa: -um+su+suka ------sumusuka
6. Unlapi + reduplikasyon ng huling pantig ng panlapi
na may 29 na salita o 14.5 %.
Halimbawa:
Na+ngu+ngu + una -----nangunguna
Na+ngi+ngi+ibabaw ----nangingibabaw
Nag+pa+pa+impress ----nagpapaimpress
Na+ka+ka+alam ----nakakaalam
Na+ka +ka+praning -----nakakapraning
20

7. Unlapi + unang katinig –Patinig (KP) ng salitang-ugat


na may lima (5) salita.
Halimbawa:
Pag-bo+blowdry -----pagboblowdry
Nag+pi+peedback ----nagpipeedback
Pinag+ti+tripan ----pinagtitripan
Nag+su+subscribe ----nagsusubscribe
8. Unlapi +reduplikasyon ng unang pantig ng salitang-
ugat +ganap na reduplikasyon na may isa (1).
Halimbawa: um+i+iyak+iyak----umiiyak-iyak
21

9. Reduplikasyon ng panlapi na may isa (1).


Halimbawa: ka+ka+iba -----kakaiba
10. Gitlapi +unang pantig ng salitang-ugat +ganap
na reduplikasyon na may dalawa (2) salita.
Halimbawa: um+ti +tingin +tingin ----- tumitingin-
tingin
In +hi+hipo +hipo -----hinipo-hipo
11. Di-ganap na reduplikasyon na may isa (1) salita.
Halimbawa: saka-sakali
22

Sa mga nalikom na salitang inuulit ay maaaring suriin at gawing batayan ang


ipinahayag ni Isagani Cruz (1994, Ang Pulitika ng Wika, DLSU):
“Ayon sa maraming guro sa hayskul na panahon pa ni Bernardo Carpio nagtuturo, mali ang
nakakaramdam, nakakagulat, nakakaalam, at makakahalata, dahil pantig ng unlapi ang
inuulit at hindi pantig ng salitang-ugat. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa mga gurong
ito na mali ang pag-uulit ng pantig ng unlapi sa mga salitang nagsisimula sa panlaping
maka-, pero hindi si Lope K. Santos ang nagsabi nito. Ang talagang sinabi ni Santos sa
kanyang Balarila ay ito: “Ang anyo ng pangalang-diwa sa maka, ay binubuo ng pag at
salitang-ugat; ang sa maka ay gayon din, bagaman maaari ring may-ulit pa ang unang
pantig ng ugat” (285). Sa siping ito’y mapapansin na napansin lamang ni Santos na may
mga pantig ng salitang-ugat na inuulit; hindi niya sinabi na dapat ulitin ang pantig ng
salitang-ugat. Sa katunayan, ang mismong halimbawa niya sa seksyong hinanguan ng sipi
ay nakakagulat, na dalawang beses niyang ginamit: “nakakagulat na putok” at
“nakakagulat ang putok” (286). Samakatwid, malinaw na hindi tuntunin ni Santos ang
matagal nang itinuturo ng ating mga guro sa hayskul na dapat diumano na huwag ulitin
ang pantig ng panlapi. Sa katunayan ay hindi sinanto ni Santos ang panlapi, dahil sa
kanyang pagtalakay sa mga panlaping banghayin, sa ibang seksyon ng kanyang Balarila, ay
iminungkahi niyang ulitin ang “huling pantig ng unlapi” para makabuo ng “panahong
kasalukuyan at darating” ng mga pandiwang tulad ng sama - nakakasama - makakasama at
alis - napapaalis - mapapaalis (264).”
23

 Samakatwid, hindi maikakaila na sadyang may mga


pagbabagong nagaganap sa mga salitang inuulit at ang bawat
tao ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika ayon
na rin sa kung paano niya ito natutuhan.
 Paglalapi (Inflection). Ito ang pinakakaraniwang sub-
grammatics. Ginagawa natin ito sa pagsusuffix ng “s” sa mga
common nouns para mapluralize, sa paglalapi sa mga
pandiwa para magkaroon ng iba’t ibang panahunan, affixity,
tinig, o panagano. Masasabing ito na mismo sa pangkalahatan
ang summary of grammar application ng isang wika hinggil
sa mga salita. Kung gayon, ito ang pangkalahatang gampanin
ng dinamiko ng wika.
 Pag-uulit (Reduplication). Isang aghamic, malikhain at
epektibong aplikasyon ng dinamismo ng wika ang pag-uulit
ng mga salita sa kapakanan ng panalitaan.
24

Ang sistemang ito ay taal sa Tagalog, bagaman


ginagawa rin ito sa English paminsan-minsan: very,
very good, long, long ago, so and so, so-so, jump and
jump, dilly-dally, little by little, word for word, bit by
bit, piece by piece, by and by, bye-bye, talk and talk,
wishy-washy, many many, etc.
Bagamat isa lang sa mga sangay ng palasalitaan, ang
pag-uulit ay isang namumukod-tanging tungkuling
pampananalita sa ating wika.
MGA LAYON AT PARAAN NG PAG-UULIT NG SALITA

25

Inuulit natin ang mga salita sa mga pamamaraan at


dahilang gaya ng mga sumusunod:
1. Pagpapang-uri ng Pangngalan at Panghalip.
Nagagawang pang-uri ang mga pangngalan o
panghalip sa paggamit ng mga ito na panturing sa
sarili o self-modifier.
Halimbawa: batambata, lalaking-lalaki, babaing-
babae.
26

Ang pamamaraang ito ng pag-uulit ay tinatawag na


ganap o buong pag-uulit ng salita.
Ginagamitan ng mga pang-angkop na ng, na, at g
ang ganitong proseso.
Itinuturo na natin na ang ng sa mga salitang inuulit
gaya ng batang-bata ay pinapalitan ng letter “m”
upang ang salita ay maging batambata.
Ito ay sa kapakanan ng pagpapadulas-bigkas.
27

Sa ganap o buong pag-uulit, ang diwa o kahulugan


ng salita ang siya na ring nagsisilbing pang-uri na
panturing sa sarili nito.
Ano ang masasabi natin tungkol sa pangngalang
bata?
Unang-una siyempre ay ang kahulugan nito.
 Ang isang bata ay wala pang gaanong gulang. Kayat
ang bata na talagang “bata pa” ay batambata.
Ang lalaki na sadyang lalaki ay lalaking-lalaki.
At ang babae na napakawomanly ay babaing-babae.
28

Sa ganitong pagpapang-uri ng pangngalan, ang


nalilikhang reduplikasyon ng pang-uri ay
nagkakaroon ng antas na pasukdol.
Kaya’t ang batambata ay hindi lang young kundi
very young.
Ang lalaking-lalaki ay hindi lang manly kundi very
manly.
Narereflect sa ganitong paraan ng pagpapang-uri
hindi lamang ang ating katapatan sa pag-iisip kundi
maging ang katapatan sa puso at damdamin man.
29

Ang mga pangngalang pantangi at panghalip ay


nagkakaroon din ng reduplikasyon din sa paraang
ganap.
Ginagawa ito sa kapakanan ng eksaktong
paghahambing.
Kapag sinabing si Pedrong si Pedro, ang ibig sabihi’y
si Pedro nga, walang labis, walang kulang.
Ganoon din naman kapag sinabing itung-ito,
ganitung-ganito, akung-ako, ikaw na ikaw, o iyung-
iyon.
30

2. Pagtuturing na Maramihan.
Ang mga pangangalan ay nagkakaroon ng grammatical
number sa pamamagitan ng pang-uri.
Ang pinakakomon na ginagamit sa pagpaparami ay
mga.
Gayunman, sa pag-uulit ng pangalawang pantig ng
karaniwang pang-uri, ito ay nagiging pangmaramihan at
ginagawang opsyunal na lamang ang paggamit ng mga
sa mga minomodify na pangngalan.
 Halimbawa: magagandang babae, malalaking bahay,
malalakas na sigaw, maliliit na bata, mapuputing
bulaklak.
Ang ganitong pag-uulit ng pantig ay tinatawag na di
ganap.
31

3. Pagbabawas ng Antas ng Pang-uri.


Sa layuning ito, ang sangkot na mechanics ay ang
pag-uulit ng ugat ng pang-uri.
Ang ganitong dynamism ay tinatawag ring pag-uulit
na ganap.
Nababago nito ang antas ng pang-uri sa paraang pa-
bawas.
Mga halimbawa: maganda-ganda malaki-laki,
malakas-lakas, maliit-liit, maputi-puti.
32

4. Pagpapatindi sa Antas ng Pang-uri.


Ang ganap na pag-uulit ng mga pang-uri sa tulong
ng mga pang-angkop ay nagreresult sa pagkakaroon
nito ng antas na matindi at katumbas ng pasukdol na
mga panlaping napaka o kay.
Halimbawa: magandang-maganda (napakaganda),
malaking-malaki (napakalaki o kaylaki-laki),
malakas na malakas (napakalakas o kaylakas-lakas).
33

5. Pagsasamaramihan ng Panghalip na
Pananong.
 Inu-ulit nang ganap ang mga panghalip na
pananong na ano, sino, saan at ilan upang ito ay
mapluralize: anu-ano, sinu-sino, saan-saan at ilan-
ilan. Di-ganap ang pag-uulit sa mga panghalip na
paano at kailan: paa-paano, kai-kailan.
34

6. Pagsasalipon ng Ilang Pangngalan.


Nagiging collective ang ilang nouns na gaya ng
langkay, libo, angaw, at pila, sa pamamagitan ng
ganap na pag-uulit.
Ang layunin nito ay upang maging pang-uri ang mga
pangalang ito matapos ang pag-uulit.
Hindi gumagamit ng pang-angkop, gaya ng: langkay-
langkay, libu-libo, angaw-angaw, pila-pila.
35

7. Pagsasaad ng Time Frequency.


 Inuulit nang ganap ang mga salitang pamanahon
tulad ng oras, araw, linggo, buwan, at taon upang
makapagsaad ng time frequency ayon sa duration ng
mga ito: oras-oras, araw-araw, linggu-linggo, bu-
wan-buwan, taun-taon.
 Kapag ang salitang pamanahon ay may pantig na
labis sa dalawa, hb., minuto, sandali, panahon,
century, dantaon— ang pag-uulit sa mga ito ay di
ganap: minu-minuto, sanda-sandali, pana-panahon,
sentyu-century, danta-dantaon.
36

8. Pagsasaad ng Kalagayan, o Aksiyong Inuulit.


Sa ga-nitong layunin ay gumagamit tayo ng ganap na
pag-uulit sa tulong ng panlaping pa o ng pang-abay
na nang.
Mga halimbawa: pasunod-sunod, sunod nang sunod,
pa-kanta-kanta, kanta nang kanta, papasyal-pasyal,
pasyal nang pasyal, pabandying-bandying,
patambay-tambay, pa-abroad-abroad, patesting-
testing, pachancing-chancing, pa-disco-disco.
37

Nagiging di ganap ang pag-uulit kapag ang salita ay


sobra sa dalawang pantig: pasima-simangot, pagita-
gitara, pabiyu-biyulin, pakuya-kuyakoy, pasoli-
solitaire, pareno-renovate, paeva-evacuate, patraysi-
traysikel or patraysi-tricycle.
Nagagawa rin ang ganito sa pag-uulit ng unang
pantig ng salita at sa pag-uulit ng ugat nito: susunod-
sunod, kakanta-kanta, papasyal-pasyal, tatambay-
tambay, sisilip-silip, titingin-tingin.
38

Sa paglalapi ng in at um (di rin ganap ang pag-uulit


kapag sobra sa dalawang pantig ang salita): inuulit-
ulit, iniinum-inom, iniingat-ingatan, umuulan-ulan,
umaambon-ambon, kumakanta-kanta, umaale-
alembong, lumiligid-ligid, umiikut-ikot, kumukuya-
kuyakoy, hinahanap-hanap, sumasakit-sakit,
kumikirut-kirot, umaantak-antak.
39

9. Pagbabahagi ng Bilang.
Sa ganap na pag-uulit ng mga salitang pamilang ay
nababahagi natin ito ayon sa daming isinasaad ng
salita. Kapag ang salitang pamilang ay sobra sa
dalawang pantig, ang pag-uulit ay di ganap: isa-isa,
dala-da-lawa, tatlu-tatlo, apat-apat, lima-lima,
sampu-sampu, dala-dalawampu, tatlu-tatlumpo.
Ang panlaping pa ay nagagamit din sa pagsasagawa
ng layuning ito: paisa-isa, padala-dalawa, patatlu-
tatlo, palima-lima, pasampu-sampu, patwenty-
twenty, paseven-seven, paten-ten, pafifty-fifty.
40

10. Pagtatakda ng Bilang.


Sa ganitong layunin, ang inuulit lamang ay ang
unang pantig ng mga salitang pamilang: iisa,
dadalawa, tatatlo, aapat, lilima, aanim, pipito,
wawalo, sisiyam, sasampu, lalabing-isa,
dadalawampu, dadalawam-pu’t isa, tatatlumpo.
41

11. Pag-uuri ng Kalagayan ng mga Tao, Lugar at


Bagay.
Ang isang kalye ay maaaring baku-bako, tayong
lahat ay pantay-pantay, may tinatawag na pira-
pirasong pangarap, butil-butil na pawis, sama-
samang pagsisikap, watak-watak na mga samahan—
at ang ganitong pag-uuri ng kalagayan ay nagagawa
sa pag-uulit ng mga salita, na isang inherent
grammatical procedure sa maraming wikang
Austronesian.
42

12. Pagsasapanahunang Pangkasalukuyan at


Panghinaharap ng Pandiwa.
 Di ganap na pag-uulit ang ginagawa para sa
layuning ito. Ang inuulit lamang ay ang unang pantig
ng ugat, gaya ng: aalis, babalik, susunod, lalakad,
tutula, susulat, maglalakbay, naglalakad, nagsasaya,
natutuwa, nag-eenjoy, nag-jojoin, nagjojoke,
nagrerecruit, mag-aabroad.
43

Ang reduplikasyon ay isang mekanikal na


dinamismo ng wika na sa pandinig at palagay ng
mga ispiker na di Austronesian ay indikasyon ng
kakulangan ng bokabularyo.
44
 Ngunit ginagawa natin ito sa ating pananalita dahil sa labindalawang
kadahilanan:
 1. Pagpapang-uri ng pangngalan at panghalip.
 2. Pagtuturing na pangmaramihan
 3. Pagbabawas-antas ng pang-uri
 4. Pagpapatinding-antas ng pang-uri
 5. Pagsasamaramihan ng ilang panghalip na pananong.
 6. Pagsasalipon ng ilang pangngalan.
 7. Pagsasaad ng time frequency.
 8. Pagsasaad ng kalagayan o aksiyong inuulit.
 9. Pagbabahagi ng bilang.
 10. Pagtatakda ng bilang.
 11. Pag-uuri ng kalagayan ng mga tao, lugar at lagay.
 12. Pagsasapanahunang pangkasalukuyan at panghinaha-rap ng
pandiwa.
45

Sa dami ng mga dahilan kung bakit tayo nag-uulit ng


mga salita, hindi na masasabing kakulitan lang ito ng dila
o kakulangan ng magagamit na bokabularyo. Ito ay isang
natural na metodolohiyang pangwika na makikita
lamang sa tinatawag ni Metin na “Pinglish” (Pinoy-
English).
Hindi ito kayang idevise ng sino mang gramaryan o
linggwista. Maaaring ito’y nag-evolve o nalinang ng mga
katutubong tagapagsalita ng Tagalog bilang resulta ng
patuloy na paglinang ng wika.
Ayon nga kay Metin na “Ang ano mang language ay
coterminous sa creation or evolution ng tao.”
46

Dagdag pa niya, “Mas inclined ako sa ganitong


paniniwala. Coterminous sa isang particular people
ang isang particular language. Ito’y pinaniniwalaan ko
bagamat nagmula ako sa isang lugar sa Or. Mindoro
na ang uri ng Tagalog ay bihirang mag-ulit ng mga
salita. Sa hometown kong Pinamalayan at sa lalawigan
ng Marinduque, binabanghay ang mga pandiwa sa
paraang gaya ng sa Bisaya.”
Ang present tense ng verb na ligo, halimbawa, ay naga-
ligo; future tense, magaligo, at ang past tense, nagligo.
Ang kain ay: nakain, makain, kumain. Ang kantahan:
nagakan-tahan, magakantahan, nagkantahan. Hindi sila
sanay magsalita ng magandang-maganda o ang bait-bait,
sa halip ay anong ganda, anong bait o yanong ganda,
yanong bait.
PAG-UULIT NG MGA SALITANG HIRAM

47
 Kung practicable, ang pag-uulit ng mga salitang hiram ay
pinahihintulutan at iniencourage sa Pinglish.
 Ang ganito ay paggamit ng mga salitang banyaga sa pamamaraang
Tagalog.
 Hindi na tayo bago sa pag-uulit ng mga salitang hiram na gaya ng
bising-busy, worried na worried, concern na concern, sorring-sorry,
suspense na suspense, lave na love, miss na miss, atbp.
 Sa puso natin, alam na natin na naiintensify ang degree ng mga
ganitong hiram na mga pang-uri kapag inuulit, pagkat ganito rin
ang epekto sa ating sariling mga salita.
 Dapat tayong magpasalamat na taglay ng ating wika ang ganitong
mga dinamiko ng wika. Pagkat ito’y original na original, effective na
effective, at ating-atin.
(mula sa www.geocities.com/rodiemetin/9BPalasalitaan.doc)
Kongklusyon
48

Batay na rin sa nakalap na datos, karamihan sa mga


salitang nakalap ay Unlapi + reduplikasyon ng unang
pantig ng salitang-ugat na may 117 salita o 58.5% ng
kabuuang 200 nakalap na salita.
Halimbawa:
In-+ a+analisa maka+sa+sagot
Na-+hi+hiya ma+ku+kulay
Ma-+sa+sabi nag-+si+simula
 Nagpapatunay lamang na hanggang sa ngayon ay
sinusunod pa rin ang padrong pantig ng salitang-ugat
ang dapat na inuulit at hindi ang panlapi.
49

Siguro naman ay nauunawaan na natin kung bakit


nag-iiba ang kahulugan o dating ng salitang
nakakaasar sa nakaaasar; sa nakakainis sa nakaiinis.
At matapos ang panayam na ito ay sasabihin
ninyong nakakaaliw o nakaaaliw, nakakatuwa o
nakatutuwa, nakakabaliw o nakababaliw ang
magsalita ng Pilipino.

Marami pong Salamat!

You might also like