You are on page 1of 3

TABLOIDIZATION: KUMPARATIBONG PAGSUSURI SA VARAYTI NG MGA

LEKSIKONG GINAMIT SA HEADLINE NG MGA PANGUNAHING TABLOID

ROBERTO DL. AMPIL


Unibersidad ng Santo Tomas

ABSTRAK

Mahalaga ang gampanin ng wika sa paglinang ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng


wika ay nagkakaroon ng kaganapan ang komunikasyon ng dalawang tao o pangkat. Naipapahayag
ng tao ang kanyang nasasaisip, nadarama at mga balakin. Daynamiko ang wika: nagagamit ito sa
iba’t ibang sitwasyon depende sa gumagamit. Ang katangiang ito ang dahilan kung bakit lumikha
ang tao ng mga salitang impormal na tinatawag na salitang balbal.

Bukod sa impormalidad nito mailalarawan din ang mga salitang balbal sa kakaiba nitong
bigkas at estilo. Maiuugnay ito sa mga pangkaraniwang tao o tinatawag na “masa” at higit na
kilala sa tawag na “salitang kalye”. Bagaman, lalo itong nagiging popular, unti-unti nitong
napapasok ang mass media partikular ang pahayagan. Para sa mga tagapaglathala o pabliser, may
pangangailangan sa paggamit ng mga impormal na salita upang higit na maabot ang kanilang
target na mambabasa, mabili at maparami ang pang-araw-araw nitong sirkulasyon. Samantala,
may mga manunulat din ang gumagamit ng mga terminolohiyang ito upang maiwasan ang
monotoni sa kanilang mga kuwento at higit na mabigyang buhay ang kanilang mga artikulo.

Ang nakagawiang ito ng mga mamamahayag ang pinagsimulan ng tinatawag na


tabloidisasyon, hindi lamang sa benta at kita, ngunit, higit sa tabloidisasyon ng wikang Filipino.
Ang wika ay maaaring hindi angkop sa kuwento o balita subalit nagagawa nitong higit na kapana-
panabik at sensational. Ang resulta, nabibili ang kuwento at balita at higit itong tinatangkilik
kaysa sa broadsheet.

Dahil sa popularidad ng paggamit ng balbal na salita, mabilis nitong nasakop ang


dominanteng kultura. Sa katunayan, ang salitang balbal ay pangunahing komponent ng pang-
araw-araw na usapan. Ang mga salitang balbal ay nalilikha nang hindi namamalayan ng tao.
Nalilinang ito sa pamamagitan ng metapora, simili, folk etymology, pagpapalit ng tunog o
pagbigkas ng salita, generalization, panghihiram sa dayuhang wika, panghihiram sa ibang
dayalekto, paghahalo o kumbinasyon, paggamit ng salitang Tagalog na may ibang kahulugan at
iba pa.

Ang paggamit ng varayti ng mga salitang balbal na kaugnay sa seks at karahasan ay


komon na sa mga tabloid sa Pilipinas partikular na ang Abante, Bulgar at Remate, tatlo sa mga
pangunahing tabloid sa bansa sa ngayon. Gumagagamit ng mga salitang balbal ang mga tabloid
na ito upang grapikong maipakita ang akto ng seks at karahasan, na karaniwang nadebelop mula
sa pagkakaugnay ng akto sa partikular na bagay na nagsasalo o nagtataglay ng isang komon na
katangian. Bilang karagdagan, ang paggamit ng mga terminong ito ay hindi lamang naglalayong
maiwasan ang pag-uulit-ulit kundi ang epektibong mailarawan kung paano ang isang akto ng
karahasan ay isinagawa at hanggang saan ito humantong.

Ang paggamit ng mga salitang balbal ay karaniwan nang ginagawa ng mga manunulat,
ngunit, hindi ito nangangahulugan na sila ang bumubuo o lumilikha ng mga bagong termino o
salitang ito. Ang tabloid ay nagsisilbing salamin sa wikang ginagamit ng lipunan upang higit na
maunawaan ang mensahe at nilalaman ng balita. Sa paggamit ng imahinasyon ang mga manunulat
at mambabasa ay nakalilikha ng mga bagong terminong maglalarawan ng pangyayari, partikular
sa akto ng karahasan at pang-aabusong sekswal. Samantala, maraming mambabasa ang hindi
nakakaunawa sa paggamit ng mga salitang balbal sa mga pahayagan. Maipapakita at
mapatotohanan ng pag-aaral na ito na may varayti ng mga salitang balbal sa mga tabloid at ito ay
hindi lamang ginagamit upang manlibang o magdagdag ng kulay sa balita. Ito ay ginagamit din
upang maiwasan ang monotono ng mga balita partikular ng isyung seks at karahasan.

Sanggunian:

Bakke, Per, 1999. Fra varesamfunn till informasjonssamfunn. Oslo: Solum.

Björk, Rikard, 1996. Den stora sorgen. Expressen 15 March 1996. Nyheter. p. 7(S1).

De Bens, Els and Östbye, Helge,1998. The European newspaper market. In Denis McQuail and Karen
Siune (eds.), Media Policy. Convergence, Concentration & Commerce. London: Sage Publications Ltd,
pp.7-22.

Esser, Frank, 1999. Tabloidization of news. European Journal of Communication. Volume 14, number
3: pp. 291-324.

Labov, William, 1997. Some Further Steps in Narrative Analysis. The Journal of Narrative and Life
History, Volume 7.
Labov, William and Joshua Waletzky, 1967. Narrative analysis. In J. Helm (ed.), Essays on the Verbal
and Visual Arts. Seattle: University of Washington Press.

McNair, Brian, 2000. Journalism and Democracy. An evaluation of the political public sphere. London:
Routledge.

Nycop, Carl-Adam, 1996. Sensation och Moral. Tankar kring tidningar. Stockholm: Natur & Kultur.

Robertson, Alexa and Petersson, Bo, 2004. Identitetsstudier i praktiken. Stockholm: Liber AB.

Sparks, Colin and John Tulloch (eds.), 2000. Tabloid Tales. Global debates over media standards. Oxford:
Rowman and Littlefield Publishers Inc.

Stokes, Jane, 2003. How to do media and cultural studies. London: Sage publications Ltd.

“Facts, Fallacies, and Fears of Tabloidization”. USA Today Magazine. Linn Jr. Washington. November
1999.

“The News Media’s Effort to Hide Significant Truth”. Transparency Website. Ken Sanes.

“The News: From Serious to Celebrity” Pete du Pont. April 2, 1998.

“Consumer Cultures and TV Programming”, Robin Anderson. 1995.

“Sound Bite News: Television Coverage of Elections,” Daniel C. Hallin.

You might also like