You are on page 1of 38

MODULE 3:

Ang Tekstong
Nanghihikayat
Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:
- matukoy ang isang tekstong nanghihikayat, gayundin ang
paksang tinalakay nito,
- malaman ang mga gabay upang makapanghikayat
- magamit ang pamamaraan ng panghihikayat bilang
mahalagang puntos sa pagbuo ng isang pananaliksik:
- maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong
binasa.
- matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
salitang ginamit sa tekstong binasa, at
- makasulat ng isang tekstong nanghihikayat gamit ang mga
angkop na datos.
“Hindi mo matatawid ang
karagatan sa pamamagitan
lamang ng pagtayo at pagtitig
sa tubig.”
-Rabindranath Tagore
01
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT
(PERSUASIVE)
TEKSTONG
NANGHIHIKAYAT
(PERSUASIVE)
-Layunin ng tekstong ito na
himukin ang mambabasa na
kumilos at gumawa ng isang
bagay na naaayon sa
kagustuhan ng manunulat.
 Ang mga materyal sa pangangampanya tuwing halalan at mga patalastas
ay ilan sa mga halimbawa ng tekstong nanghihikayat.
 Gumagamit ang mga ito ng mga salita o pariralang humihimok tulad ng sa
ganang akin, sa katunayan, sa totoo lang, kung ako ang tatanungin at iba
pang katulad nito. Madalas din ditong gumamit ng mga salita, parirala, o
pangungusap na inuulit-ulit sa kabuuan ng teksto upang maidiin ang paksa
o konseptong ipinahahayag. Minsan, ang mga salita ay isinusulat nang
malaking titik upang maidiin ito, gayundin ay gumagamit ito ng tandang
padamdam.
 Sa isang tekstong nanghihikayat, maaaring nagpapahayag ang manunulat
ng kaniyang mga opinyon na batay sa mga datos. Ang paggamit ng mga
datos ay makatutulong upang mahimok niya ang mambabasa na panigan
ang inihahayag niyang opinyon.
MAHAHALAGANG
IDEYA
● Tinitingnan sa pamamaraang
nanghihikayat ang lakas na
makapang-iimpluwensiya ang isang
kaisipan sa bumabasa o sumusuri
Dinadala nito ang isang nagsusun
sa ibang lebel na paniniwala.
Matutukoy na mabisa ang isang tekstong nanghihikayat kung naipadala
sa bumabasa nito ang kahulugang nais ipahiwatig at kung nakuha na niya
ang mensaheng nais ipakahulugan. Paano masasabing nahikayat na ang
isang sumusuri sa tekstong kaniyang binabasa? Narito ang ilang mga
batayan.

1. Hindi na siya nagtatanong pa sapagkat tila nasagot na ang anumang


alinlangan niya..
2. Handa na niyang tangkilikin ang isinasaad ng teksto.
3. Makapagpapahayag na siya ng isang pahayag na panig sa tekstong
nabasa.
4. Maaari na siyang makipag-argumento dahil nakumbinsi na sa tekstong
nasuri.
5. Maaari na niyang magamit sa tunay na buhay ang laman ng teksto.
02
MGA PAMAMARAAN NG
PANGHIHIKAYAT
1.NAGSASAAD NG PRINSIPYO O
PANINIWALA
1. Ito ay pagpapahayag na itinatampok ang paniniwala o adhikain ng
isang tao, grupo ng mga tao, o institusyon. Maaaring hinggil ito sa
lipunan, bayan, o personal na paniniwala o pananampalataya. Ilan sa
mga halimbawa nito ang mga talumpati na binibigkas ng
maiimpluwensiyang tao sa lipunan tulad ng mga politiko, mga may
posisyon sa gobyerno, mga pinuno ng iba’t ibang institusyon tulad
ng simbahan, malalaking samahan o organisasyon, at mga katulad
nito.
2.NAGBIBIGAY-EDUKASYON O
- Ito ay pagpapahayag na ginagamit ang panghihikayat na may saligan o batayan
NANGANGARAL
na ang layon ay makapagbigay ng kaalaman.

3. NANG-IIMPLUWENSYA
- Ito ay pagpapahayag na ang layon ay mabago ang paniniwala ng isang indibidwal, grupo ng
mga tao, o ng isang institusyon. Ilan sa masasabing halimbawa nito ang mga radikal na
sulatin ng mga politikal na ideolohiya o mga panrelihiyong paniniwala na nagpapahayag ng
kanilang aral o turo.
4. NAMIMILIT
Ito ang pagpapahayag na hindi pa lubos ang katatagan kung kaya’t may kasamang puwersa ng
paniniwala sa tao, grupo ng mga tao, o isang institusyong nais nitong hikayatin.

5. NANLILIGAW
- Ito ang pagpapahayag na kabaligtaran ng pamimilit. Sa puntong ito, gagamit ng iba’t ibang
pamamaraan ang isang nangungumbinsi upang makuha lamang ang panig ng isang tao,
grupo ng mga tao, o ng isang institusyon. Isa sa mga halimbawa nito ang pagbebenta ng
isang produkto upang matangkilik ito.
MAHAHALAGANG
IDEYA
● Nagagamit ang persuwepsiyon
kung sapat, direkta, at maayos
ang paglalahad ng isang
konsepto bagay. Kailangang
maka-akit ito ng isang sumusuri
o bumabasa.
03
ANG PAPEL NG WIKA SA ATING
LIPUNAN
ANG PAPEL NG WIKA SA ATING
LIPUNAN
1. Mahalagang kasangkapan ng panlipunang kapital ang wika na
ang gamit ay gawing episyente o mabisa ang mga
transaksyon sa isang ekonomiya. Dahil ito ay instrumento na
namamagitan sa mga tao, may kakayahan itong maging susi
sa integrasyon sa isang lipunan.
ANG PAPEL NG WIKA SA ATING
1. Ang kritisismo sa wikang Ingles sa kakayahan nitong maging mahalagang sangkap ng
LIPUNAN
panlipunang kapital ng Pilipinas ay hindi nakabatay sa dahilang ito ay isang dayuhang
wika. Kahit pa tinatanggap na ang wikang Ingles bilang nangingibabaw na wika sa
larangan ng pulitika, batas, ekonomiya, at kultura sa bayang ito, hindi naman nito
napag-uugnay ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang pakikilahok sa mga nabanggit
na aspekto ng lipunan. Hindi rin pinagdududahan ang wikang Ingles dahil ang
pangingibabaw nito ay nakabaon sa pagiging wikang ginagamit ng mga naghaharing-uri,
namumuno, kumokontrol at nagpapalakad ng ating lipunan. Ang alinlangan sa wikang
Ingles ay nagmumula sa pagiging wikang di mapag- ugnay, wikang mapaghiwalay, at
wikang naghahati ng mga sektor at mamamayan. Kung ito ang nangyayari, masasabi
nating tunay na ngang mahalagang sangkap ng ating panlipunang kapital ang wikang
Ingles.
ANG PAPEL NG WIKA SA ATING
LIPUNAN
 - Ang wika ay hindi lamang isang instrumento na nag-aayos at namamagitan. ito rin ay
instrumento na nagpapatatag at nagpapaunlad sa isang lipunan.

 - Ang maayos na transaksyon ay nauuwi sa mabisang paggamit ng mga yaman sa isang


lipunan at nakapagbibigay daan tungo sa pinakamataas na antas ng kagalingan habang
tinutugunan ang mga pangunahing kagustuhan ng mga tao.

 -Samantala, ang katatagan ng isang ekonomiya ay natatamo kapag ang mga resulta ng
mga transaksyong nagpapalawak ng yaman ay tumutugma sa mga resulta ng mga
transaksyong gumagamit sa mga yaman.
ANG PAPEL NG WIKA SA ATING
LIPUNAN
 Mahalaga rin ang papel ng wika sa mobilisasyon ng mga mamamayan tungo sa
kaunlaran. Hindi lamang mabisa ang wika sa agarang mobilisasyon, nagagamit rin ito sa
pagtugon sa mga isyung pangkaunlaran tulad ng populasyon, pagkasira ng kapaligiran,
pagpopondo ng kaunlaran, pagnenegosyo, pagbabayad ng tamang buwis, pagpapataas
ng produktibidad at marami pang iba. Ang wika ay magagamit upang mapalawak ang
kapasidad ng ekonomiya na makalikha ng yaman sa mga susunod na henerasyon.

 Ang mahalagang papel ng wika sa pag-aayos, pagpapatatag at pagpapaunlad ng


ekonomiya ay nakapaloob sa layuning itanghal ang integrasyon ng ekonomiya. Subalit,
may dalawang uri ng integrasyong hinaharap ang isang ekonomiya: ang integrasyong
panloob at integrasyong eksternal.
04
INTEGRASYONG
PANLOOB
INTEGRASYONG PANLOOB
• Sa isang sanaysay may isang dekada na ang nakalilipas, inilarawan ko ang
kahinaan o kawalan ng integrasyon ng ating lipunan na nagdudulot ng malaking
sagabal sa ating mabilis na pag-usad bilang isang ekonomiya, isang bayan at isang
lipunan. Naririyan ang mahigit sa pitong libong pulo na pinaghihiwalay ng
malalawak ng karagatan. Kung minsan dahil sa kawalan ng sapat ng paraan ng
transportasyon, ang hiwa-hiwalay na mga pulo ay nauuwi sa mabagal na kalakalan
sa pagitan ng mga isla. Kung tayo ay isang buo o pinag-isang ekonomiya bibilis
ang daloy ng palitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga pulo na siynag
magpapalawak sa dagdag na yaman sa ating ekonomiya.
INTEGRASYONG PANLOOB
 Sa larangan ng ekonomiks, ang formal at imformal na sektor ay nauuwi sa
dalawahang ekonomiya, magkahiwalay at mahina ang kapit sa isat-isa. Ang
duwalismong ito ang isa sa mga sagabal sa ating pag-usad.
 Nariyan din ang agwat sa kultura na lumalabas sa wikang nangingibabaw at sa
kulturang kanluranin na katapat ng naiibang kulturang bayan na ang gamit ay ang
wika ng masa.
 May agwat din sa larangan ng pulitika sa ating bayan.Ang kanluraning sistema ng
demokrasya ay tinatapatan ng impormal na pulitika ng personalidad.
Magkahiwalay ang pulitika ng isyu sa pulitika ng mga sikat.
Globalisasyon, ang
integrasyong eksternal
Globalisasyon, ang integrasyong eksternal
Ang globalisasyon ay mailalarawan bilang mga Ang lawak, lalim at bilis ng paggalaw
samut-saring proseso na naglalayong mapag-isa ang ng mga produkto, kapital, kaalaman at
iba't ibang networks ng mga networks sa buong mga tao sa pagitan ng mga bansa ang
mundo sa pamamagitan ng kompetisyon, pakikipag- nagpalawak sa kasalukuyang gamit ng
ugnayan (inter-koneksyon) at pagtutulungan (inter- konsepto ng globalisasyon.
dependence). (Tullao, 2001).
 Ang globalisasyon ang isa sa pinakalantad na
realidad sa kasalukuyan na nakaapekto sa iba't
Ang kasalukuyang prosesong ito ay ibang bahagi ng buhay at ito ang pangunahing
dahilan na nagbibigay ng bagong batayan at
bumabalot at nagpapabago sa lahat katuturan sa umuusbong na papel ng mga
halos ng antas ng buhay at lipunan sa indibidwal, institusyon at istruktura sa isang
iba't ibang lugar sa buong mundo.  lipunan.
Globalisasyon, ang
integrasyong eksternal
Ang konsepto ng globalisasyon ay isang
paradokso dahil maraming kaakbay na
kontradiksyon ito. Sa kabila ng pagiging
mapagsanib nito, ito ay nagdala rin ng
paghihiwalay bilang katapat na
sakripisyo
Globalisasyon, ang
integrasyong eksternal
Kahit na ito ay may kakayahang mag-ugnay, ito rin
ay mabilis na tumatanggi sa mga hindi handa at
hindi karapat- dapat. Kahit na ito ay lumilikha ng
pamantayang global, nauuwi ito sa di-pantay na
pakikinabang sa proseso. Samakatuwid, sa paglayon
nitong matamo ang pinag-isang mundo lumilikha ito
ng duwalismong internasyonal at marami itong
nasasaktan sa proseso ng integrasyon.
Globalisasyon, ang integrasyong eksternal
Sa larangan ng produksyon, ang pangingibabaw ng
pamantayang episyenteng pamamaraan, nawawalan
ng trabaho ang mga manggagawa at nayayapakan
Ang mga networks na nag-uugnay
ang mga industriyang hindi kayang makipagtunggali
sa pamantayang internasyonal. ay ang mga daan ding ginagamit
upang magkabuklod ang iba't-
Ang mga daang ginagamit upang mapag-ugnay ibang sektor sa iba't ibang sulok
ang mga networks sa produkto, kapital, ng daigdig upang tutulan ang
teknolohiya at kaalaman ay ang parehong daang patuloy na globalisasyon dahil sa
ginagamit ng iba't ibang sektor upang ilantad ang bigat ng mga ibinubungang
mga di-pantay, di-inaasahan at mga sistematikong sakripisyo nito.
panganib na ibinubuga ng globalisasyon habang
pinag-uugnay ang mga networks. 
Globalisasyon, ang integrasyong eksternal
Dahil sa bilis ng pagsulong sa information Sa larangan ng kultura, pinag-iisa ang
tehnology, maraming tao sa buong mundo sa pamamagitan ng
mundo ay nakakuha ng informasyon na pagtatanghal ng isang pandaigdigang
mas mabilis pa sa kidlat. Subalit ang kultura, kaayusan, gawi, sistema ng
ganitong pag-uugnay sa informasyon ay estetika at kung minsan ay pati wika.
nagpalawak din ng dibisyon sa Ang wikang ginagamit sa mga
kakayahang makakuha ng informasyon at
transaksyon sa globalisasyon ay unti-
sinasagi ang mga indibidwal, sektor at
unting kumikitid sa iilang wika sa
mga bansa bunga ng limitadong yaman at
kakayahang makibahagi sa network sa pangunguna ng wikang Ingles.
informasyon.
Globalisasyon, ang
integrasyong eksternal
Batay sa mga kontradiksyong nabanggit, ang isang
timbang na pananaw sa globalisasyon ay
kinakailangan upang maunawaan ang mga di pantay
na resulta ng di mapigilang kasalukuyang realidad.
Ang influwensya ng pulitika, ekonomiya,
nagbabagong ideya at papalakas na kamulatang
panlipunan at pangkapaligiran ay mga pwersa na
pagpapasulong o hahadlang tungo sa isang timbang
na pamamahala ng globalisasyon
Wikang Filipino at ang
Integrasyon
Wikang Filipino at ang Integrasyon
Ano ang papel ng wikang Filipino sa Ang pananaw na ito ay lumilihis
kapaligirang may dalawang uri ng sa pananaw na ang wikang
integrasyong hinaharap ang ating lipunan? Filipino ay ginagamit lamang
Walang duda na sa larangan ng upang itanghal ang
integrasyong panloob binanggit na natin nasyonalistikong damdamin.
ang mga pangunahing papel ng wikang Samakatuwid, ang integrasyong
nauunawaan ng nakararami sa pag-aayos, kultural ang tanging matatamo
pagpapatatag at pagpapaunlad ng sa paggamit ng wikang
ekonomiya.  Filipino. 
 Ipinahihiwatig din ng pananaw na
ito, sa larangan ng komersyo, batas,
at pulitika ang nangingibabaw na
wikang Ingles ang dapat pa ring
pairalin kahit na mahina ang
kakayahan nitong pag-isahin ang
mga nabanggit na duwalismo sa
iba't ibang aspekto sa lipunan.
Ang pananaw na ito ay tinatanggihan ko dahil naniniwala ako na
sa harap ng duwalismo sa ating lipunan may halagang
ekonomiko ang wikang Filipino na ginagamit sa mga transaksyon
ng mas nakararaming Filipino. Dahil ito ang wikang ginagamit ng
informal na sektor, ang malawakang paggamit nito ay may
makabuluhang halaga sa pag-aayos, pagpapatatag at
pagpapaunlad ng ekonomiya. 

Sa integrasyong eksternal, ang mga tagapagtaguyod ng


globalisasyon ay sumisigaw na kinakailangan ang pag-
aaral at pagsasanay sa wikang Ingles dahil ito na ang
nagiging wika ng kalakalang internasyonal at ang wika
ng globalisasyon. 
Wikang Filipino at ang
Integrasyon
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga
intelektwal sa gawaing ito. Kinakailangan
maunawaan ng mga ordinaryong
mamamayan ang mga prinsipyo at konsepto
sa wikang alam nila nang makisangkot sila
sa proseso ng globalisasyon
Kongklusyon
Ang pagpapaunlad ng wikang Filipino ay isinusulong dahil
sa tatlong pangunahing dahilan. Una, malawak ang gamit ng
wikang Filipino hindi lamang sa pagpapatingkad ng
damdaming nasyonalistiko. Ikalawa, ang wikang Filipino ay
magagamit sa pag- aayos, pagpapatatag at pagpapaunlad
ng ekonomiya. Ikatlo, dahil may kakayahang mapalakas ng
wikang Filipino ang integrasyong panloob, may potensyal
itong maging wika sa globalisasyon.
Sa isang bansang papaunlad na humaharap sa pwersa ng
globalisasyon, marami ang nagtatanong kung bakit kinakailangan
pang paunlarin ang wikang Filipino sa iba't ibang disiplina
gayong mas kailangan nating matuto ng Ingles na itinuturing na
wika ng kalakalang internasyonal. Hindi natin kinakaila at
tinatanggihan ang integrasyong eksternal ngunit isang
pangunahing kundisyon upang malasap nang lubusan ang mga
biyaya ng globalisasyon ay ang lakas ng integrasyong internal. 

ilan lamang sa ating mga kababayan ang nakalalasap ng


mga biyaya ng globalisasyon dahil sa mga kaalaman na
natutunan sa wikang Ingles samantalang marami sa ating
mga kababayan ay nahihirapang makisangkot bunga ng
kawalan ng kaalaman. Ang ganitong sitwasyon ay isang
lantarang palatandaan ng kahinaan ng integrasyong
internal.
Ang integrasyong internal ay mapalalakas kung ang kaalamang natutunan
sa wikang Ingles ay maisasalin sa wikang Filipino. Dahil dito higit na
maraming Filipino ang magkakaunawaan at mas marami din ang maaaring
makisangkot at makinabang sa biyaya ng globalisasyon.
Kung marami sana sa ating mga pinuno ng pamahalaan, intelektwal,
negosyant ay marunong magsalita at magpaliwanag ng mga bagay sa
pulitika, ekonomiya, kalakalan at relasyong internasyonal sa wikang
Filipino, madaling matatanggap ng mga mamamayan ang anumang
panukala na nagmumula sa pamahalaan, pwersa ng bilihan at makabagong
teknolohiya. Ito rin ang nagpapalakas ng integrasyong internal.

Tinatanggap natin na ang Ingles ay lalo pang lalaganap sa buong daigdig


bilang wika ng kalakalang internasyonal at wika ng iba pang larangan ng
lipunan. Ngunit sa paglaganap nito sa ating bansa, lalo nating magagamit ito
sa ating kapakanan kung isasabay ito sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Gamitin natin ang Ingles sa pagpapahigit ng ating integrasyon sa labas ng
bansa kasabay ng paggamit ng Filipino upang humigpit ang integrasyon sa
loob ng bansa. Ang mas mahigpit na integrasyong internal ay nauuwi sa pag-
ani ng mga biyaya ng integrasyon eksternal ng mas marami nating
mamamayan. Dahil dito, hindi lamang nagiging wika sa globalisasyon ang
wikang Filipino, nagiging tunay na susi ito sa kaunlaran.
Katanungan
?

You might also like