You are on page 1of 16

MGA PILING DISKURSO

SA WIKA AT LIPUNAN
GROUP 7
Paano napahahalagahan ang wika? Ano
ang kalagayan noon at hanggang sa
kasalukuyan particular ang relasyon at
kabuluhan ng wikang pambansa sa
lipunang Pilipino?
 Ang Wika ay hindi lamang gamit sa komunikasyon
kundi, lalo at higit, ay sa panlipunang aspeto.
Makikita sa mga akda tulad ng sanaysay ang wika ay
isang panlipunang phenomenon, ay mahalagang
iugnay at may malaking kaugnay sa politika,
nasyonalismo, usaping pangkababaihan, panitikan,
edukasyon, ekonomiya, pilosopiya, kultura,
ideolohiya, mass media, at maging sa medisina at
astronomiya. Mahusay na nailalahad ng manunulat
ang kanilang kaisipan at mensahe sa mga naturang
disiplina sa pamamagitan ng wika. Mahusay at
matalino ring naipaliwanag ang mga diskursong ito
ng mga sumulat ng mga sanaysay ng pawang mga
akademisyan sa larangan ng linggwistiks,
kasaysayan, panitikan, pilosopiya, ekonomiks,
sosyolohiya, agham pampulitika at aralin sa sining.
Dagdag Kaalaman!
Ang paksa na aming inuulat ay isang pamagat sa libro o isang libro na inilumabag nina Pamela C.
Constantino at Monica M. Atienza.
 Pamela C. Constantino - Si Dr. Pamela C. Constantino ay retiradong Propesor sa Departamento
ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP Diliman, kung saan
naglingkod siya bilang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (1991-
1994 at 1998-2000). Naging Rehistrador ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman noong Oktubre
2006-2012 at nagsilbing Pangalawang Tagapangulo ng National Committee on Language and
Translation, National Commission for Culture and the Arts (NCLT-NCCA) noong 2010-2011.
Naging konsultant din siya sa kurikulum ng Kagawaran ang Edukasyon (DepEd) at Philippine
Science High School. Naging miyembro rin siya ng Technical Committee sa Filipino ng Komisyon
sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED).
 Monico M. Atienza - Si Monico Atienza ay isang likas na pinuno. Noong high school, hindi lang
siya valedictorian ng graduating batch. Siya rin ang naging class president, president ng student
government, at managing editor ng school yearbook. Dahil sa panlasa sa pakikipagsapalaran,
lumipad sila ng dalawang kaibigan sa high school patungong People's Republic of China at
nanatili roon ng dalawang buwan (isang matapang na gawain dahil hindi pa nabubuksan ang
relasyong diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang iyon noong panahong iyon).
Ang librong ito ay koleksyon ng mga artikulo o sanaysay ukol sa kahalagan, kabiuluhan at relasyon
ng wika sa lipunan, sa particular ang wikang pambansa, sa lipunang Pilipino. Layuning ipahayag ng
librong ito na ang wika ay hindi lamang gamit sa komunikasyon kundi, higit pa dito, sa panlipunang
kontrol. Malaking tulong ang librong ito sa mga estudyante, guro at iskolar ng wika at lipunan.
Isa sa mga pinakamahalagang sistema na umiiral sa lipunan ay ang walang-katapusang ikid
ng mga salita – ang wika. Kung gaano kalawak ang sinasaklaw nito ay gayundin ang lawakng
tungkulin na ginagampanan nito sa buhay ng bawat indibiduwal, sa iba’t-ibang
aspeto.Marami nang mga pagsusuri ang naglayon na alamin ang espisipikong mga tungkulin
na ito ngwika, at kung paano ito nakakaapekto sa lipunan.
Ang tampulan ng koleksyon ng mga sanaysay na ito, na pinamagatang Mga Piling Diskurso
sa Wika at Lipunan, ay ang kahalagahan, kabuluhan, at relasyon ng wika sa lipunan,
nananggaling sa iba’t-ibang pananaw at kaalaman ng mga dalubhasa ng sari-saring larangan
tuladng linggwistiks, kasaysayan, panitikan, pilosopiya, ekonomiks, sosyolohiya, agham
pampulitikaat aralin sa sining. Karagdagan, layunin ipahayag ng aklat na ito ang gamit ng wika
bilang “panlipunang kontrol”.
Isinasaad sa pangunahing sanaysay ni Pamela C. Constantino (1996) na ang wika ay isang
“behikulo” at “instrumento” na ginagamit ng mga tao at institusyon sa lipunan sa haloslahat
ng ugnayan at talastasan ng mga ito. Ito ay makabuluhang kasangkapan na kailangan
paramagkaunawaan ang bawat indibiduwal upang maging episyente ang mga gawain at
epektibo angmga simulain. Dahil ang wika ay isang behikulo, ito ay panlipunan. Ito ay mas
nabibigyang-kabuluhan kapag nagagamit sa pakikipagkomunika sa ibang indibiduwal at grupo
sa lipunan.
Bukod sa pagiging behikulo, ang wika ay maaari din maging barandilya sa kakayahannitong maglimita at
magpalawak, o lente na kayang magpalabo o magpalinaw – ng idea. Sa maikling salita, ito ay may kakayahang
kumontrol. Ayon kay Edward Sapir at Leon Whorf, ang kagamitan na ito ng wika ay depende sa sakop,
limitasyon, at gramatika ng wika. Ito aypinalawak pa sa kanilang binuong teorya na “language determinism”.
Ayon dito, ang wika ay may kakayahan na maglimita at matukoy ang antas ng kaalaman ng isang tao batay sa
kaniyanglingua franca. Isinasaad din nito na ang tao ay may iba’t-ibang paraan ng pagpoproseso ngkaalaman
at saloobin batay sa istruktura ng wika ng kaniyang kinabibilangan na grupo. Isanghalimbawa ng kaganapan
ng “language determinism” ay ang sitwasyon ng tribong Pirahãsa Brasil kung saan ang kanilang wika ay hindi
gumagamit ng oras o mga numero. Dahil dito,hanggang dalawa lamang ang kayang abutin ng kanilang
pagbibilang, kung lalagpas pa doon, ay hindi na tumpak ang mga numero na kanilang nababanggit.
Ayon naman kay Gunther Kress at Robert Hodge, ang wika mismo ay isang “ideolohiya”o sistema ng mga
idea o paniniwala. Dahil dito ay nagkakaroon ng mga klasipikasyon at pag-uugnay ng mga idea, teksto, at mga
salita. Isang halimbawa ay ang kategorisasyon ng mga salita tulad ng “mayaman” at “mahirap”. Hindi mo
maaaring gamitin ang salitang “mahirap” para tukuyin ang isang taong nakatira sa magarbong tahanan,
gayundin na hindi mo maaaring gamitin ang salitang “mayaman” kung ang tao ay kapos sa buhay.
Ang mga artikulo at sanaysay sa aklat na ito ay nahahati sa tatlong paksa; Wika, Ideolohiya at mga
Institusyong Panlipunan, Wika at Pulitika/Pulitika ng Wika, at Kakayahan ng Wika. Ang sentro ng pag-aaral sa
unang bahagi ay ang kaugnayan ng wika sa iba’t ibang aspeto at institusyong panlipunan tulad ng;
nasyonalismo, kultura, intelektuwalismo, akademya, ekonomiks, panitikan, at kasaysayan.
Wika, Nasyonalismo, Ideolohiya. Ano mga ba ang papel ng wika sa konsepto ng nasyonalismo? Kailiangan ba ang
wika para matamo ang pagsilang ng nasyonalismo? Paano nabibigan-katwiran at nasasagot ng kasaysayan ang mga
katanungang ito?

Ayon sa artikulo ni Rome V. Cruz, isa sa mga kinikilalang mananaliksik at manunulat ng kasaysayan ng
Nasyonalismong Pilipino, taong 1800 pa lamng ay umusbong na ang nasyonalismo sa Pilipinas , gamit ang wikang
Kastila bilang behikulo. Noong 1812 ay nilikha ang Konstitusyon ng Cadiz, na bunga ng hangarin ng Espanya na
wakasan ang mga pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa (Socia, 2018). Ito ang
konseptong nasyonalismo na “hiram at tanim” mmula sa mga Kastila. Ang Konstitusyon ng Cadiz ay nagbigay ng
pantay na karapatang-pantao at pang-mamamayan ng Espanya sa lahat ng nasasakupan nito, kabilang dito ang
Pilipinas. Isa sa mga pantay sa pagbibigay-Karapatan na ito ay ang pagkakroon ng unang Pilipinong kinatawan sa
pamahalaang kolonyal ng Espanya.
Ang Konstitusyon ng Cadiz ay may dalawang adhikain – imperial at liberal. Ang adhikaing imperial nito ay ang
pagsasapi ng Pilipinas bilang probinsya ng Espanya at pagsasabilang ng mga Pilipino bilang mamayanag Kastila. Ang
adhikaing liberal naman nito ay ang pagbibigay Karapatan sa pagboto ng mmga kalalakihan, at ang pambansang
soberanya. Taong 1815 ay lumaganap ang balita na pinawalang-bisa ang Konstitusyon ng Cadiz sa Pilipinas, na
hinihinalang mga Kastila at mga kasike ang nagpasabog ng balitang ito upang mabawi ang mga Karapatan na ibinigay
ng mga Pilipino. Nag-ugat ito sa paghihimagsik ng mga Ilokano kung kaya’y bagaman wikang Kastila ang unang
behikulong ginamit ng nasyonalismong ito, mas napalaganap pa ito sa pamamagitan ng Tagalog at Ilokano.
Nasyonalismong Konserbatibo naman ang umigting noong 1860 na pinangunahan ng mga propagandista,
kung saan namulat na ang mga Pilipino sa katotohanang may sariling kabihasanan na ang Pilipino bago pa man
sila sakupin ng mga sila sakupin ng mga Kastila. Hindi nagbago ang adhikain ng nasyonalismong ito na isapi pa
rin ang Pilipinas bilang probinsya ng Espanya ngunit isinagawa nila ito ibang paraan. Gumamit sila ng
peryodiko, literatura, at iba pang katulad ng mga ito sa ppagyayamggol ng karapatang at karangalan ng mga
Pilipino.
Sa kabila ng mga itinatag na mga nasyonalismo ito ay Kastila pa rin ang wikang nananaig dahil; a) ang sariling
wika ay ginagamit lamang sa tahanan o pasyalan, hindi katulad ng wikang Kastila na pangmalawakang
ginagamit maging sa edukasyon, b) layunin lamang ng mga Pilipino sa ilalim ng bawat nasyonalismong isinaad
sa itaas ay mabago ang pananaw at isipan ng mga Espanyol ukol sa isyu na ito, hindi ang pananaw sa kanilang
mga kababayan mismo, at c) adhikain lamang nito ay makamitn ang asimilasyon sa ilalim ng mga Kastila, hindi
ang ganap na kalayaaan ng bansa. Bagaman ito ang kanilang mga adhikain, kumalat ang mga itinuturo ng mga
propaganda sa mga maliliit na tao katulad ng mga manggagawa at mangbubukid. Nagbunga ito sa panibagong
nasyonalismo na tinawag naman na Nasyonalismong Radikal na pinangungunahan ng mga kasapi ng mga
katipnan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagging simbolo ng pagkakaisa ang isa sa mga sariling wika ng
Pilipinas – ang Tagalog. Sa buong panahon ng rebolusyon ay palasak na ginamit ang wikang Tagalog, at hindi-
maiwasang idiniklara ang Tagalog bilang opisyal na wika ayon sa Konstitusyon ng Biyak-na-Bato noong 1897.
Taong 1898 ay muling sumidhi ang konsepto ng Nasyonalismong Konserbatibo sa puso ng mga ilustrado. Naging
daan ito para mabuo ang panibagong tradisyon – ang Nasyonalismong Integral. Dito ay muling ginamit ang
wikang Kastila bilang pansamantalang opisyal na wika sapagkat mababa ang tingin ng karamihan na may pinag-
aralan sa mga wika ng kanilang kababyan hindi tulad ng kanilang pananaw sa wikang Kastila.Walang kahulugan
ang Tagalog, samantalang ang wikang Kastila ay tinatanggap ng iba’t-ibang bansa.
Sa naganap na Digmaang Filipino-Amerikano noong 1900 ay nanaloang mga banyaga. Manggaling dito ay
ipinilit ang Ingles bilang wikang opisyal at pampaaralan. Sa panahon na ito ay sunod-sunod ang mga
ipinanukalang batas hinggil sa wika. Una ay ang Batas Tydings-Mc Duffie ng 1934 na ginawang wikang opisyal
ang Ingles at Kastila. Ikalawa ay ang Commonwealth Act ng 1936 na pinili ang Tagalog bilang basehan ng wikang
Pambansa. Ang ikatlo ay ang Commonwealth Act 570 ng 1940 na hinirang ang Pambansang Wika bilang wikang
opisyal ng Pilipnas.
1942 noong sinakoop ng mga Hapones ang Pilipinas. Ugat nito ang Military Order No.2 na nagsasaad ng
Tagalog ang Wikanng Pambansa na dapat ipalaganap. Ginawa wikang opisyal ang Tagalog ngunit ginamit ito sa
paghahasik ng ideolohiyag Hapon. Sa haba ng takbo ng panahong pinagdaanan ng wikang Tagalog, ito ay
idiniklara na bilang Wikang Pambansa noong 1959, at pinangalanang Filipino. Ang hakbang na ito ay nagdulot ng
balakid sa multi-lingualism na sosyedad ng Pilipinas, na binubuo ng 70 na wika at 300 dialekto. Nagkaroon ng
pagbubuklod dahil sa paggamit ng Tagalog noong himagsikan ngunit dito ay nagkaroon ng tunay na direksyon sa
paghahanap ng nasyonalista ang kanilang mga tradisyon. Nagpapatunay ang mga pangyayaring ito na ang wika
ay isa ngang behikulo sa paghahasik ng nasyonalismo.
Ayon kay Pamela C. Constantino, ang nasyonalismo ay isang uri ng idolohiya na maaaring magkaron ng
positibo at negatibong konotasyon. Ito ay nagsisislbing reaksyon ng lipunan sa opresyon, kolonyakismo, at
westernization. Sa rami ng maaaring maging kahulugan ng salitang ito ay nagbigay si Constantino ng limang
element na maaaring maging lagunin ang tiyak na depenisyon na ito; kamulatang pambansa, pambansang
identidad, dimensyong heograpikal, patriotism, at pangangailangang aksyon para sa pagsulong ng kaunlaran ng
isang grupo o komunidad. Sinasabi naman ni Constantino na ang ideolohiya ay “magkakaugnay at
organisadong paniniwala o ideya”. Ito ay maaaring maging legal, pulitikal, etikal, estetiko, relihiyoso, o
pilosopikal. Sinasabi na mahalaga ang senseridad, tindi, at kalikasan ng pagtanggap ng lipunan sa ideolohiya
para maisakatuparan o maisakongketo ito. Ang mga ito ay makapagbibigay ng legitimacy sa bansang-estado
para matanggap ng lipunan ang ideolohiya. Ang ideolohiya para magtatanggap ng lipunan at masasabing
lehitimo kung ito ay; repleksyon ng kanilang sarili, binubuo ng indibiduwal na ang pagpapahalaga, kultura,
tradisyon, atiyud, at komitment ay kapareha sa mga taong nabibilang sa grupong iyon, at sumasagot sa
pangangailangan ng tao bilang indibidwal at ibang miyembro ng lipunan.

Paano nasasangkop ang wika sa konsepto ng ideolohiya? Sinasabi na ang wika, bilang pangunahing
instrument ng komunikasyon sa lipunna, ay ang saligang element nito kung saan makikita ang legitimacy ng
isang ideolohiya. Maaaring makamit ng wika ang legitimacy na ito sapagkat, isinasaad nga sa mga naunang
sanaysay, na ang wika ay isang behikulo at nagbibigay-daan upang makisangkot ang tao o bawat indibidwal sa
iba pang mga tao sa lipunan.
Wika at Kultura. Ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan na nagtataka ng
maangking kakayahan ng isang tao. Ang wika naman ay hindi lamang daluyan, kundi tagapagpahayag at impukan-
kuhanan ng alinmang kultura (Salazar, 1996). Ayon kay Zues A. Salazar, ang wika ang kaluluwa at saligan na bumubuo,
humuhubog, at nagbibigay-diwa sa kultura. Sinasabi rin na ang kulturang Pilipino ay dapat taglayin ng isang wika
nagpapaloob at nagpapahayag dito. May iba’t-ibang gampanang papel ang wika; ekspresyon, impuka-kuhanan, at daluyan
ng kultura. Ito ay may katumbas na kilos o galaw ng katawan, asal, at damdamin, at ang pinakaubod o sentro damdaming
ito ay maipapahayag lamang ng isang tao sa kanilang wikang kinagisnan (ekspresyon), imbakan at kuhanan din ito ng mga
konsepto na napaloob sa isang kultura o ang mga nakaraang kaalaman na nauugnay rito (impukan-kuhanan), at ito rin an
g natatanging paraan upang matutuhan ng isang tao ang kulturang kaniyang kinabibilangan (daluyan ng kultura).

Wika at Intelektuwalismo. Nasa wika ang susi para sa pag-unlad ng intelektuwalismo ng bawat Pilipino. Ito ay
nakadepende sa sariling tradisyong makadayuhan, dahil kahit sino ay maaaring bumuo ng sariling tradisyong intelektuwal
kung gugustuhin (Constantino, 1996). Layunin ng may-akda na maipakita ang koneksyon at epekto ng wika sa tradisyong
intelektuwal ng bansa, at ang kawalang-kakayahann ng wikang banyaga na paunlarin ang isang bansa kung kaya’y
mahalaga ang pagkakaroon ng wikang pambansa kung kaya’y mahalaga ang pagkakaroon ng wikang Pambansa na siyang
magpapaunlad dito.
Nilinaw ni Constantino sa bahaging ito ang tinatawag niyang ‘indirect colonialism’ o ang karanasang kolonyal sa mga
karatig na bansa. Ang mga bansang napalooob daw rito ay hinayaan ng mga mananankop na manatili ang mga institusyon
at wika na ginagamit ng taumbayan sapagkat mataas na ang antas ng kanilang sibilisasyon bago pa man sila sakupin. Sa
madaling salita, hindin na nag-atubili ang mga mananakop na baguhin ang kanilang nakagisnan dahil malalim na itong
nakaukit sa kanilang kultura. Halimbawa ng mga bansang langkap dito ay ang mga bansang Asyano tulad ng India,
Indonesia, at Vietnam. Hindi katulad sa Pilipinas kung saan kitang-kita ang bakas ng ganap na pananakop sa lahat ng
larangan ng ating buhay.
Isinusulong sa bahaging ito na ang paraan upang lubos na makamtan ang laganap na intelektuwalismo sa bansa
ay ang patuloy na paggamit ng mga katutubong wika sa iba't-ibang anyo ng sining at kultura.
Wika ng Pagpapalaya at Papel ng Akademiya. Ayon sa mga datos noon, mula 1960 hanggang 1985 ay patuloy
ang pagtaas ng porsyento ng bilang ng populasyon sa Pilipinas na nakapagsasalita ng Filipino. Kahit na ano pa ang
hadlang na pumipigil sa pagsulong ng wikang pambansa, walang patid pa rin ang pagyabong nito. Ang paksang ito
ay napapanahon para sa isang bansang hangad ang kasarinlan.
Mayroong isinadaad si Vivencio R. Jose na tatlong aspeto upang patuloy na payabangin ang wikang pambansa
hindi lamang para sa kalayaan, kun'di pati na rin sa iba't-ibang larangan sa akademya. Ang unang aspeto ay ang
paghubog ng wika gamit ang dalawang proseso: modernisasyon na pagsabay ng wika sa mga makabagong
kalagayan ng mga salita, at rehiyonalisasyon, o paglalapit ng Filipino sa mga wikang etniko at pangrehiyon. Ang
ikalawang aspeto ay ang paggamit ng wika sa pagtuturo ng iba't-ibang komunikasyon. Ang ikatlo ay ang paggamit
at pag-iimbak ng mga orihinal na gawaing sa wikang Filipino, sa sangay ng malikhaing pagsulat, iskolarsip,
siyentipikong pananaliksik at marami pang iba.
Wika at Medisina. Sa pangkalahatan, ang wikang Filipino ay hindi itinuturing na isang teknikal na wika. Ayon kay
Enrico R. Azica, Ingles lamang ang tinatanggap na wikang superior at teknikal sa propesyonal na sektor. Halimbawa
na lamang ay sa Matematiko at Medisinal Ingles: What is the square foot of eight squared? Filipino: Ano ang
parisukat ugat ng walo na itinaas sa ikalawang kapangyarihan? Dahil sa Kanluran nanggaling ang kaalamang ito,
ang wika rin ay kanluranin.
Karagdagan, ipinakikita ng pag-aaral na ito na mayroong sariling tradisyon ang Pilipino sa medisina, at ang
medisina ay gumagamit ng wikang teknikal na maaaring maisakonteksto sa wikang Filipino, Patuloy ang pagbuo ng
Pilipinong kamalayan ukol sa medisina, at na tunguhin din ng mga propesyonal na manumbalik ang kulturang
Pilipina sa larangan na ito.
Wika at Pulitika Pulitika ng Wika. Sa pagtanggap ng Pilipinas sa Konstitusyon ng 1987, napatibay ang
katotohanan na ang bansa ay mayroong lingua franca, at ito ay ang wikang Filipino. Habang nililinang, ito ay dapat
payamanin pa, salig sa mga wikang umiiral sa bansa. Sinasabi sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyon ng 1987
ang mga sumusunod: a) nararapat na gumawa ng hakbang ang gobyerno upang itaguyod ng paggamit ng wikang
Filipino bilang opisyal na midyum ng komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon, b)
hatay sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo. Filipino ang wikang opisyal ng Pilipinas, at Ingles (hangga't
walang ibang itinadhana ang batas), c) ang Konstitusyon ng Pilipinas ay dapat ihayag sa Filipino at Ingles, at dapat
isalin sa mga rehiyunal na wika at sa wikang Arabo at Espanyol, at d) dapat bumuo ang Kongreso ng komisyon ng
wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba't-ibang rehiyon at disiplina na magtataguyod ng
pananaliksik sa wikang Filipino at iba pang mga wika para sa pagpapaunlad ng isang komun na pambansang wika.
Ang konstitusyong ito ay lalo pang nagbigay-halaga sa mga Pilipino bilang isang lipunan, Kung isinasalaysay sa
ikalawang seksyon ng Artikulo XIV ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pagtuturo sa edukasyon, bakit patuloy
itong nahahadlangan bilang panturo?
Ang pambansang wika ay maaring magamit intrumento ng pagbibilanggo o pagpapalaya ng kaisipan. Noong
panahon ng Kastila isa sa mga dahilan kung bakit hindi malalimang naarok ng mga Pilipino ang kanilang wika ay
dahil hindi nila ito itinuro sa taumbayan. Ang mga Espanyol, sa halip, ay nag-aral ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas. Sa pagdating ng mga Amerikano ay nagkaroon ng Benevolent Assimilation Policy, at itinalaga ang Ingles
bilang tanging wikang panturo. Bilang ang mga Pilipino ay hindi pa gayon ang kasanayan. sa wikang ito pinatunayan
ng isang pananaliksik noong 1924 na hindi mabisa ang paggamit nito sa pagtuturo. Isinisi rito ang patakarang
bilingguwal at hindi tuluyang paggamit ng Ingles sa pangkalahatan. Ang tunay na dahilan sa likod ng hindi
mabisang paggamit ng Ingles ay pagkakaroon ng sagabal sa pagtuturo, pinababa nito ang kalidad ng edukasyon, at
naging bilanggo ang bansa sa kulturang kanluranin (Melendrez-Cruz, 1996).
Noong kapanahunang ito, mas mataas ang uri at antas ng edukasyon para sa mayayaman at mahaba
naman sa mahihirap. Tiyak din ang pahayag na. katulad sa henerasyon ngayon, ang pagpasok sa
eskuwelahan ay hindi garantiya ang pagkabihasa sa Ingles. Bagaman ganito ang resulta ng wikang
banyaga, ito ay patuloy na ginamit maging sa mga talakayang pampubliko. Nabihag nito ang isipan ng
mga tao at hindi pinansin ang masamang bisang pedagohikal sikolohikal, at politikal nito. Mas
binigyang-atensyon pa nga ito noong panahon ni Marcos, kung kailan mas pinalakas niya ang wikang
Ingles bilang wikang panturo upang mas maging industrialisado ang bansa. Sa kabila ng hakbang na ito
ay nananatili pa ring napag-iiwanan ang bansa sa larangan ng edukasyong siyentipik at teknikal. Sa
walumpung taon na paggamit ng Ingles bilang wikang panturo ay hindi nakamtan ang
industriyalisasyon.
Ang mga guro mismo na gumagamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ang nagpatunay na mayroon
itong bisang mapagpalaya. Napadali ang pagkatuto ng mga estudyante at naalis ang harang sa
malayang daloy ng kaalaman. Sinasabi rin na hindi angkop ang paggamit ng wikang banyaga lalo na
kung gagamitin na sa pag-aaral ng sarili nating lipunan. Wikang Filipino ang dapat na panturo sa lahat
ng antas. Mas pinagtitibay nito ang pagkakaisa ng bansa sa kabila ng pagiging multilingguwal nito.
Wika at Kakayahan Nito. Ayon sa saliksik ni Lambert, Gardner, at Tunstall, ang pag- aaral ng wika
ng isang kultura ay nagdudulot ng pagbabago sa mag-aaral, at siya ay nagiging bahagi na rin ng isang
pangalawang linggwistiko-kultural na komunidad. Ang dalawang kulturang ito ay marapat na isulong
sapagkat ito ay pagpapalawak ng karanasan, at upang hindi ito pagmulan ng anomie o hindi
pagkakumportable ng isang tao sa isang grupong sosyal na kaniyang kinabibilangan Ang matagumpay na
pag-aaral sa ikalawang wika ay maaaring magbunga ng mataas na tingin ng indibiduwal sa kaniyang
lahi at bayan.
Wika at Analisis. Batay sa sanaysay ni Bolinger, ang wikang Filipino ay hindi analitikal kung ang pagtukoy ay
ayon sa paraan ng pagbuo ng salita ng mga wikang natural. Gawin nating halimbawa ang mga katagang "I will
go" Ayon sa kaniya ay analitikal ito sapagkat ang modipikasyon ng kahulugan ay naipapaabot sa paraan ng
paghihimay ng mga salita na “I“, "will", at "go“. Sa tipong ito ay hindi analitik ang Filipino sapagkat iisa lamang
ang salin ng "will" at "go" sa Filipino, at ito ay "aalis" o kaya'y "papunta”. Gayunpaman, walang balakid sa
paggamit ng Filipino sa pagbuo at pagsasaayos ng mga konsepto. Gaya ng iba pang wika, ito ay may
kakayahang magdala ng mga ideya mula sa iba't-ibang konteksto ng pamumuhay.
Wika atPagbuo ng Filipinong Diskursong Pagkalinangan. Ano ang intelektuwalisasyon? Intelektuwalisado na
ba ang wikang Filipino?
Ang intelektuwalisasyon ay mas mataas na antas ng pag-unlad ng wika, kung kaya't haka-haka na hindi pa
intelektuwalisado ang wikang Filipino. Isa sa mga nakikitang paraan sa pagpapaunlad nito ay ang laganap na
paggamit ng wika sa mga kolehiyo at unibersidad. Mayroong apat na anyo o yugto ang intelektuwalisasyon ng
wikang Filipino, ito ay; a) ginagamit ng mga intelektuwal at dalubhasa sa kanilang pagtuturo, b) may sapat na
terminong teknikal na maitatapat sa mga hiniram na wikang banyaga, c) may sapat na bokabularyong
magagamit sa pagpapahayag ng abstraktong kaisipan, at d) may modernong alpabetong makakaangkop sa
pagpasok ng mga salitang hihiramin mula sa ibang wika. Kung ang Filipino ay ginagamit sa iba't-ibang disiplina,
may modernong alpabeto, at ginagamit ng mga dalubhasa at iskolar, masasabi na bang ito ay wika ng
dalubhasa?
Ang tunay na intelektuwalisasyon ay ang paggamit ng mga intelektuwal at iskular ng wikang Filipino sa pag-
iisip at pagbuo ng kaisipan at kaalaman na nakatuntong sa katutubong tradisyon. Hindi ito makakamit kung
patuloy lang din ang pagsalin ng mga banyagang pahayag ng mga konsepto at kategoryang pangkulturang
kanluranin. Ang intelektuwalisasyon ay isang mahalagang sangkap sa mithiing kalayaan ng bayan sapagkat ang
isang Filipinong intelektuwal ay maaari nang makabuo ng bago, sarili, at orihinal na pahayag, sa wikang nag-
uugnay sa kaniya sa kalinangang bayan. Mas puspusang magiging laganap ang paggamit ng Filipino sa
edukasyon at ang pagsasa-diskurso sa agham-panlipunan at iba pang sangay ng karunungan.
Dagdag Kaalaman!

Posisyong Papel
 Ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang isyung napapanahon.
Bukod rito, ang sulat na ito ay maari ring mag dulot ng magkakaibang pananaw depende sa mga pananaw ng tao.
Ang layunin nito ay maipaglaban kung ano para sa tingin mo ang tama. Ito rin ay naglalayong itakwil ang
kamalian na hindi tanggap ng karamihan sa mga tao.
Ang pagsulat nito ay dapat nasa isang pormal na format. Sunod, dapat organisado rin ang pag lagay ng mga ideya
sa iyong papel. Ito rin ay dapat nagbibigay linaw sa panig na pinaboran. Ngunit, dapat ipinapakita rin ang
pagsisiyasat sa kabilang panig.
Heto ang halimbawa:
Maaaring naisin ng isang presidente na hinirang ni Rodrigo Duterte na maipaliwanag nang detalyado kung bakit
napopoot siya sa kalakalan sa iligal na droga kaya gusto niyang ipatupad ang mga trafficker.
Habang ang ilang mga kasuklam-suklam na krimen ay ginawa ng mga indibiduwal na mataas sa mga droga – ang
mga batang babae ay pinagahasa at pinatay, o mga ina na pinatay ng kanilang mga anak, halimbawa – mas
marami ang maaaring masubaybayan sa kahirapan.

You might also like