You are on page 1of 11

Daraido, Raven Maissy I.

Lagom Suri Bilang 1

BS Mathematics 1-1

Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan

May Akda

Si Dr. Zues Atayza Salazar ay ipinanganak noong ika-19 ng Abril, 1934 sa Tiwi,
Albay. Siya ay panganay sa pitong magkakapatid. Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa
Unibersidad ng Pilipinas bilang summa cum laude sa kursong Bachelor of Arts in History.
Natapos niya ang kaniyang Ph.D. sa Etnolohiya o Antropolohiyang Kultural sa Paris-
Sorbonne University at nakakamit ng pinakamataas na karangalan sa panahon ng
kaniyang pag-aaral. Si Dr. Salazar ay itinuturing na “Ama ng Bagong Histograpiyang
Pilipino”, isang historian o mananalaysay, antrologo, at pilosopo ng kasaysayan. Siya ay
naging tagapangulo ng Department of History sa Unibersidad ng Pilipinas (1989-1991) at
kalaunan ay naging dekano o dean ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
(1991-1994). Si Dr. Salazar ay naging panauhing propesor sa mga Kolehiyo sa France,
Germany, Italy, at iba pang bansa sa Europa. Naging propesor din siya sa Unibersidad
ng Pilipinas sa Pampanga, De la Salle University, at Unibersidad ng Sto. Tomas.

Isa sa mga ambag ni Dr. Salazar sa Sikolohiyang Pilipino ay ang “Pantayong


Pananaw”. Siya ay nakapagsulat na ng 32 libro at mahigit 120 artikulo na nailathala sa
mga iba’t ibang aklat at journal. Ang kanyang malawak na akademikong interes ay
nakikita sa malawak na hanay ng mga paksa ng kaniyang mga publikasyon na
kinabibilangan ng antropolohiya, kasaysayan ng lingguwistika, arkeolohiya, sikolohiya,
kasaysayan ng Pilipinas, pag-aaral ng mga pelikula at mga tula. Dahil sa mga ito,
maraming institusyon ang nagbigay sa kaniya ng mga akademikong parangal. Kabilang
na dito ang Chevalier dans l’Ordre des Palmes Academiques na galing sa French
Government, Gawad ng Pagkilala galing sa Pambansang Samahan sa Sikolohiyang
Pilipino, Gawad ng Pagkilala galing sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, Gawad Lope
K. Santos galing sa UP Sentro ng Wikang Filipino, at marami pang iba. Ang pinakahuling
parangal na ipinagkaloob sakaniya ay ang kaniyang pagkakakilanlan bilang Prime Mover
ng Pan-Malayan Identity na iginawad sakaniya ng Philippine Historical Association noong
ika-4 na ICHCC-SEA noong Setyembre 14, 2017.

Buod

Nais ipaliwanag ng Pantayong Pananaw na ang kasaysayan nating mga Pilipino


at ang pagbubuo nito ay laging may epekto ng mga diskursong maka-Kanluranin ang
oryentasyon o istrukrura na nakuha natin sa mga mananakop (Kastila at Amerikano). Ibig
sabihin, ang lahat ng kahulugan at pagpapaliwanag tungkol sa kasaysayan (pinagmulan)
at pag-unlad ng ating pang-araw araw na buhay, kultura, at kabihasnan ay naka-angkop
at nakatali sa impluwensyang naibigay ng mga Kanluranin lalo ng mga mananakop na
Kastila at Amerikano na naghatid sa Pilipinas ng mga iba’t ibang paniniwala, kultura,
teorya, pamamaraan sa pag-aaral ng kasaysayan, metodolohiya, at kabihasnang Pilipino
bilang mga pangitain sa pagsisiyasat ng kultura at lipunan, maging ng kamalayang
Pilipino. Sa kabilang banda, hindi masasabing ang mga pananaw lang at pamamaraan
ng pag-aaral, kultura, at metodolohiya ang naimpluwensiyahan ng mga dayuhang
nanakop sa sating bansa.

Naimpluwensiyahan din nito ang kamalayan sa katotohanan at pakiramdam o diwa


ng mga Pilipino. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakahati-hati ang ating mga paniniwala
at lipunan sa dalawang magkaibang at magkalayong kultura, ang “akulturadong grupo ng
mga tao” o tinatawag na elit, at ang tinatawag na “bayan”. Bagaman dala dala ng mga
akulturadong grupo ng mga tao o elit ang kultura o turong banyaga o ng mga Kanluranin
(gaya ng pananamit, pananalita, mga pag-uugali, at iba pa), yakap-yakap naman ng
bayan ang sarili nating kultura o ang kabihasnan at kalinangan nating mga Pilipino. Ito
ang sinasabi ng may akda na ang “Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan sa
Pilipinas” o ang iisang bansa ngunit dalawang magkaibang kultura at kamalayan na
naging dahilan kung bakit nananatiling hati ang ating kultura.
Ang mga pagkakaibang ito ay mahahalata o makikita pati sa akademiya.
Nabanggit na magkaiba ang paniniwala ng mga mananaliksik na Kastila o mga taga-
Kanluran sa wikang Ingles at ang mga mananaliksik na Pilipino sa wikang Pilipino sa
ating bansa bilang instrument o larangan ng pag-aaral. Ang mga iskolar na mga ito ay
nagpalaganap ng pag-aaral tungol sa Agham Panlipunan at mga diskursong dinala ng
mga elit na kahit makabayan ang komposisyon ay tila dala-dala parin o may halo paring
pagkabanyaga sa kadahilanang naging batikan na sila pagdating sa edukasyon at
kulturang pangkanluranin. May iilang mga elit na ginamit ang wikang banyaga upang
sumulat ng kanilang mga akda o ginagamit ito sa pakikipagtalastasan. Katulad ni Rizal
na madalas gamitin ang wikang Kastila sa pagsulat ng kaniyang mga tula at aklat na kahit
ang mensahe ay para sa mga Pilipino o tungkol sa pambansang pagkakakilanlan ng
Pilipinas, isinusulat niya ang kaniyang mithiin sa wikang banyaga.

Karamihan sa mga akda na isinulat o maaaring isinalin lamang sa wikang Pilipino


(katulad ng ating sariling kasaysayan) ay ipinakilala parin sa paraang banyaga. Sinabi
ng may akda na ang pinagtutumbasang kahulugan para sa pagsulat ng ating kultura at
kasaysayan ay kailangang umpisahan sa paraang alam na ng mga dayuhan. Halata sa
akda ang diwa ng wikang Pilipino subalit ang kaisipan at nananatili paring banyaga.
Binigay na halimbawa sa akda ang pagpapakilala sa ating bayani bilang Joan of Arc ng
Ilocos para kay Gabriela Silang. Kung titignan, hindi ito madaling maunawaan ng mga
etnikong grupo dahil kailangan pa nilang alamin ang kahulugan ng “Joan of Arc” para
lang maunawaan ang kabayanihan ni Gabriela Silang.

Bagaman patuloy parin ang mga iskolar o pantas sa pagsulat o paglathala ng mga
akda na nakasulat sa wikang banyaga upang ipakilala at ipagmalaki ang kultura, husay,
talino, at kabihasnang Pilipino, nagagalak isipin na nailalabas parin nila ang kanilang
pagiging reaksyonaryo sa kanilang mga argumento o pagpapaliwanag at sinasabing hindi
totoo na noong bago pa lang dumating ang mga Kastila ay walanh kabihasnan at kultura
angating bansa. Na kung iisipin ay bago pa lang sila dumating ay may kakayahan nang
makipag-ugnayan ang Pilipinas sa Tsina, Indotsina, India, at iba pa.

Magpahanggang ngayon, ang argumentong o pagpapaliwanag na ito laban sa


panlalait o pagaalipusta ng mga dayuhan sa mga Pilipino ay tinatanggap pa rin sa
akademiya at hanay ng mga elit at maging ng kabihasnang Pilipino. Binigay na
halimbawa sa akda na kung may Beauty Queen ang Amerika, mayroon din tayong mga
Pilipino. Kung mayoon silang Muhammad Ali, mayroon din tayong maipagmamalaking
Manny Pacquiao. Dagdag pa rito, kung mayroon silang magagaling na taga-gamot o
surgeon ay mayroon din tayong mahuhusay na beauty experts dito sa ating bansa.

Ang ganitong mga pahayag ay nagpapakita ng pagiging reaksyonaryo ng mga


Pilipino na bagaman may mga pagkakataong nagtatangkang itama o iwasto ang mga
pagkakamaling nailathala o naisulat patungkol sa ating kasaysayan, ay mananatili parin
tayong nakakulong sa loob ng kolonyal na diskursong may pangkaming pananaw. Ibig
sabihin niyo, hindi pa parin sa mga Pilipino ang mga binubuong diskurso. Para parin ito
sa mga banyaga.

Pagdating naman sa pamamaraan ng pantayong pananaw at koneksyon nito sa


pagbuo ng lipunang Pilino, mahalang mabanggit at masabing hindi salungat ang
pantayong pananaw sa pagsasakatutubo o pag-aangkin ng mga patarakan o
pamamaraang banyaga sa pagsusuri at pag-aaral ng kasaysayan, kultura, araw-araw na
buhay, kamalayan, at kabihasnan ng mga Pilipino. Ang binibigyang halaga sa tungkuling
ito ay ang pag-aangkop o pagtutulad sa mga dayuhang pamamaraan upang mabigyang
gamit sa kapakinabangan ng mga Pilipino sa pagkilala at pag-unawa sa sariling
kabihasnan at kultura, at pagpapalaki ng sarili nating kabihasnan.

Kabilang sa mga gustong mangyari ng pantayong pananaw ay ang pagtagpuin


ang dalawang bahagi ng sarilig kultura ng Pilipinas upang matamo ang isang uri ng
kabuuan at pagkabuo. Ang mga ito ay ang elit at ang bayan o ang pantas ng Philippine
Studies at Pilipinolohiya. Tripartite ang ginamit na paraan ng pantayong pananaw upang
masuri ang ating kinagisnang kasaysayan bilang pagpapaliwanag sa layunin ng ating
lipunan. Nabangiit sa akda na sa una ay nakaramdam sila ng liwanag o ipinapaliwanag
ng papel na panahon kung saan hindi pa nasasakop ng mga dayuhan ang bansa at ang
mga etnikong pangkat ay may kinikilala pang pantayong pananaw. Sumunod naman ang
mahabang panahon ng dilim kung saan dito na nasakop ang Pilipinas ng mga dayuhan
at ang muling pagbalik ng liwanag kung saan nanumbalik ang pantayong pananaw sa
pagiging isa ng mga elit at ng bayan.
Ipinakilala ng pantayong pananaw ang pagsusuri ng Kapilipinuhan at kasaysayan
ng wikang Pilipino at kasaysayan ng wikang Ingles. Masasabing dito na ang pagtatangka
ng mga tagapagtatag o tagapagkalat ng pantayong pananaw na ipaabot sa lahat ng mga
mayayaman (buong masa man o elit) ang kahalagahan ng pananaw sa kasaysayan gamit
ang pagsusuri at makakapagbigay ito ng alternatibong pagtingin sa kung paanong
kolektibong ipagpapala ang kasaysayan ng buong Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit
ng diskurso ng Liwanag-Dilim-Liwanag. Kung ito ay maisasakatuparan ay matagumpay
na makakamit ang inaasan na pagkakaisa ng isip, damdamin, layunin, at diwa ng mga
Pilipino sa pagbuo ng ating bansang Pilipinas.

Sa kabila ng lahat ng ito naging problema ang pagsasakatuparan ng pagbuo ng


sambayanang Pilipino. Ipinapaliwanag sa atin na bagaman wala pang iisang pantayong
pananaw ang lahat ng mga pangkat sa bansa, pangkat etnolinggwistiko man o mga maliit
na grupo noon bago pa manakop ang mga Kastila, sila naman ay nagkakaintindihan pa
rin sa iisa sila ng batayang kalinangan o cultural base na pinagsasaluhan nila (kultura at
wilang Austronesyano).

Kung magbabalik tanaw tayo sa isa sa mga pangunahing problema at hamon na


pag-isahin ang bayan at elit, sinasabi ng pantayong pananaw na ang kultura ng mga iba’t
ibang pangkat, maliit man o malaki, patuloy parin na isinasagawa o pinagtitibay ang
kalinangang bayan at nararapat na maging batayan ng kabihasnang pambansa na may
sariling pantayong pananaw bilang diskursong pangkabihasnan at dapat ding tumanggap
ng kalinangang bayan ang kulturang pambansa ng mga elit. Sinabing dapat maging
bahagi ng kalinangang bayan ang kabihasnang pambansa. Kailangang isagawa ito
upang mabuo ang tinatawag na kabihasnang pambansa. Ibig sabihin nito ay magiging
daan natin ang ating saliring kultura tungo sa kalinangang bayan na nakaakibat sa mga
kamalayang etnolinggwistiko at karanasang pambasa. Ang pagtatagpo ng lahat ng
nabanggit sa loob ng pantayong pananaw sa sarili nating wila ang magiging dahilan
upang mapasibol ang ating orihinalidad bilang isang nagkakaisang bayan o kabihasnan.

Kung aaraling ang buong pahayag, mahihinuha na hindi ipinapalagay ng


pantayong pananaw ang posibilidad na ang paggamit ng wikang banyaga sa
pakikipagtalastasan o ginagamit sa pagsusulat ng mga Pilipino. Ang paggamit ng mga
wikang banyaga gaya ng Ingles at Espanyol bilang parte ng kulturang pambansa tungo
sa pangkaming pananaw ay maaring gamiting sangkap sa mga okasyong mag-uulat sa
mga dayuhan. Sinabi din sa papel na maaring gumamit ng wikang nababagay o angkop
sa mga tagapakinig o manonood na mga dayuhan.

Isang halimbawa nito ang paggamit ng wikang banyaga na Ingles kung ang
tagapakinig o manonood sa isang talastasan ay mga Amerikano o kaya ang mga bansa
at bayan na naimpluwensyahan ng wika ng Amerika. Isinasaad ng pantayong pananaw
na magkakaroon ng pagkakataong gamitin ang wikang Pilipino kapag isinasagawa ang
mahigpit na pagsunod sa alintuntuning gumamit ng punto-de-bistang maka-Pilipino kung
ang layuning pag-uusapa ay ang Pilipino. Ibig sabihin, maaaring gumamit ng iisang
wikang maiintindihan o mauunawaan ng lahat sapagkat kung mga Pilipino naman ang
bibigyan ng ton sa pag-aaral, ang mga paraang dapat at maaaring gamitin ay dapat
nakaangkop sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng ganitong pagkakataon, kailangan ang
pag-uulat, pagtuturo, o ang anumang mga diskurso na nakalathala sa wikang Pilipino.
Ginagawa ito dahil ang mga pangunahing mambabasa o tagapakinig ng mga diskursong
ito ay mga Pilipino. Kailangan mga Pilipino ang makinabang nito kaya dapat iulat ito sa
diwang Kapilipinuhan.

Hindi magiging madali na gawing madali ang pagbuo ng sambayanang Pilipino.


Kahit gaano pa ito kaganda pakinggan ay hindi ito madaling isakatuparan. Isang dahilan
nito ay patuloy tayong nakararanas ng pananakop ng iba’t ibang bansa kung saan
nagreresulta ito ng pagkakawatak-watak at pagwasak ng ating kultura at kabihasnan,
ganoon na din ang kultura ng mga pangkap etnolinggwistiko sa Pilipinas. Dagdag pa rito
ang isang malaking hamon sa kasalukuyan na pagpapakilala ng Pilipinas sa isang
panibagong kaayusang panlipunan na bukas sa anumang pakikipag-ugnayang
internasyunal at intergrasyon ng mga bansang mananakop sa larangan ng komersyo,
kaisipan, pamumuhay, at kultura, o tinatawag na globalisasyon.

Naging malaking hamon ito sa layuning mabuo ang kalinangang Pilipino. Sa kabila
ng mga hamong kinakaharap ng pantayong pananaw ay sinasabi na mahalagang balikan
at mas pahalagahan natin ang pag-aaral ng ating local na historgrapiya at etnograpiya.
Ang sinasabing kasaysayan mula sa ilalim o history from below ay dapat nating
paghirapang maibalik sa agos ng kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan nito,
magiging madali nalang ang pagbuo ng sambayanang Pilipino. Ito ang kasaysayan ng
bayan at ng masa, ng mga maliliit o malalaking grupo, ng katutubong Pilipino. Kung
iisiping mabuti, mahalahang magbigay ng boses sa mga grupo o samahang ito ng ating
bansa. Ito ang pinakamahalagang ambag o kontibusyon ng pantayong pananaw sa pag-
aaral ng ating lipunan at kulturang Pilipino.

Layunin

Isa sa mga pangunahing layunin ng may akda ay ang ipaintindi sa mga


mambabasa ang importansiya at tunay na kahulugan ng pantayong pananaw at kung
paano nito ginagawang matatag ang ating sariling kultura at ating kinagisnan. Ipinaintindi
ng may akda ang kahulugan ng pantayong pananaw at nagbigay ng maraming mga
tampok na ideya upang maipaliwanag ng malinaw ang pantayong pananaw. Layunin din
nitong malaman ng mga mambabasa na ang pantayong pananaw ay dahilan ng ugat ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Makikita rito ang iba’t ibang halimbawa kung paano
nagkaroon ng kamalayan ang ibang Pilipino sa kultura ng iba at kung paano
naimpluwensiyahan ng mga banyagang bansa ang Pilipinas. Nais din ng manunulat na
ipabatid sa ating mga mambabasa ang importansiya ng ating sariling wika at kung bakit
natin kailangan pahalagahan ay pagyamanin ito. Ipinaintindi ng manunulat na
mahalagang maitaguyop ang pag-aalaga sa ating pantayong pananaw dahil ito ay
makatutulong sa pagbuo ng ating kultura, kabihasnan, at pagpapahalaga sa ating
pagiging Pilipino.
Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag

May Akda

Si Dr. Zues Atayza Salazar ay ipinanganak noong ika-19 ng Abril, 1934 sa Tiwi,
Albay. Siya ay panganay sa pitong magkakapatid. Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa
Unibersidad ng Pilipinas bilang summa cum laude sa kursong Bachelor of Arts in History.
Natapos niya ang kaniyang Ph.D. sa Etnolohiya o Antropolohiyang Kultural sa Paris-
Sorbonne University at nakakamit ng pinakamataas na karangalan sa panahon ng
kaniyang pag-aaral. Si Dr. Salazar ay itinuturing na “Ama ng Bagong Histograpiyang
Pilipino”, isang historian o mananalaysay, antrologo, at pilosopo ng kasaysayan. Siya ay
naging tagapangulo ng Department of History sa Unibersidad ng Pilipinas (1989-1991) at
kalaunan ay naging dekano o dean ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
(1991-1994). Si Dr. Salazar ay naging panauhing propesor sa mga Kolehiyo sa France,
Germany, Italy, at iba pang bansa sa Europa. Naging propesor din siya sa Unibersidad
ng Pilipinas sa Pampanga, De la Salle University, at Unibersidad ng Sto. Tomas.

Isa sa mga ambag ni Dr. Salazar sa Sikolohiyang Pilipino ay ang “Pantayong


Pananaw”. Siya ay nakapagsulay na ng 32 libro at mahigit 120 artikulo na nailathala sa
mga iba’t ibang aklat at journal. Ang kanyang malawak na akademikong interes ay
nakikita sa malawak na hanay ng mga paksa ng kaniyang mga publikasyon na
kinabibilangan ng antropolohiya, kasaysayan ng lingguwistika, arkeolohiya, sikolohiya,
kasaysayan ng Pilipinas, pag-aaral ng mga pelikula at mga tula. Dahil sa mga ito,
maraming institusyon ang nagbigay sa kaniya ng mga akademikong parangal. Kabilang
na dito ang Chevalier dans l’Ordre des Palmes Academiques na galing sa French
Government, Gawad ng Pagkilala galing sa Pambansang Samahan sa Sikolohiyang
Pilipino, Gawad ng Pagkilala galing sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, Gawad Lope
K. Santos galing sa UP Sentro ng Wikang Filipino, at marami pang iba. Ang pinakahuling
parangal na ipinagkaloob sakaniya ay ang kaniyang pagkakakilanlan bilang Prime Mover
ng Pan-Malayan Identity na iginawad sakaniya ng Philippine Historical Association noong
ika-4 na ICHCC-SEA noong Setyembre 14, 2017.
Buod

Ang bawat salita na sinasalita ng mga Pilipino ay maraming konsepto ang


katumbas ng “tayo”, “sila”, “kami”, at “kayo”. Ang halimbawa na ibinigay ng akdemikong
papel ay ang “tayong mga Pilipino” at “kaming mga Pilipino.” Ang mga salitang “tayong
mga Pilipino” ay nangangahulugan na ikaw ay nakikipag-usap sa kapwa mo Pilipino. Sa
kabilang banda, kapag sinabi mo naming “kaming mga Pilipino” ay nakikipag-usap ka sa
mga di-Pilipino o sa mga banyaga. Closed circuit ang sistema kung saan ang isang grupo
ay nag-uusap lamang tungkol sa kanilang mga sarili o sa isa’t isa. Sa paraang ito,
magkakaintindihan ang lahat. Ang pantayong pananaw ay isang konsepto na nag-
aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang pambansa para sa
kasaysayan at agham panlipunan. Makakamit natin ang “pantayong pananaw” kung
tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto na alam ng lahat ang kahulugan.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, lahat ng grupong etniko
sa ating bansa ay may kanilang sariling “pantayong pananaw” o ang kanilang pinagsama
samang paniniwalang kultural na naiintindihan ng bawat isa. Nakikita ito sa kanilang mga
pag-uugali, kilos, at gawain. Kailangan nilang ibahagi ito sa kanilang mga kagrupo sa
sarili nilang wika. Pagdating naman sa panglabas, ang ginagamit ay “pangkami” dahil
nagpapaliwanag ito ng kanilang sariling kultura sa iba. Ang esensya ng pantayong
pananaw sa kasaysayan ay naglalaho na dahil sa kolonyalismo. Kung nais natin itong
mabuo ay kailangan nating pagyamanin ang ating pantayong pananaw.

Wala pang iisang pananaw ang mga Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila.
Nabuo lamang ito sa pamamagitan ng mga elite ng bahaging Kristyano ng kolonyal ng
Kastila. Tinawag ito ni Salazar na akulturadong tao na bumuo ng isang grupong
panlipunan noong unang pagtatagpo ng mga Kastila at Pilipino. Tinawag silang landino
dahil sila ay natuto ng Kastila. Ang mga landinong ito ang nakipagtulungan sa mga
Kanluranin sa pagkolonisa sa kanila mismo at sa kanilang kakultura. Nagsimula ang
ikatlong dekada at unti-unting dumami ang mga landino sa sistemang kolonyal ng mga
Kastila. Sila ay naging abugado, o kaya katuwang ng mga alkaldeng Kastila. Ang iba
naman ay naging pare at kalaunan ay nagtayo na ang mga Kastila ng mga seminaryo
dahil sa matinding pangangailangan at patakaran ng Hari.

Lumitaw ang mga ilustrado noong ika-19 na dantaon, sila ang mga landinong
nakapag-aral o kung tawagin ay “naliwanagan”. Ayaw nilang malamangan kaya nais nila
ang sekularisasyon. Noong ikaw-19 na dataon, nagkaroon ng mga Kolehiyo sa
Unibersidad na napasukan ng mga Indio, Espanyol, at iba pa. Hindi na nakatuon ang
kanilang edukasyon sa seminaryo at mas nakatuon na sa tunay na mundo. Dahil sa
kanilang karunungan, sila ang mga pinakamadadaldal at kaya nilang makipagsabayan
sa mga Kastila. Sinabi ng mga Kastila na ang lahat ng karungungan ng mga Indio ay
galing lamang sakanila at tila ba ito ay utang na loob pa. Nilalait nila ang mga Indio. Malaki
ang porsyento ng mga Kristyanong walang pakialam sa mga insultong binabato ng mga
Kastila dahil hindi nila alam ang wika nito at ang kanilang kultura ay may pantayong
pananaw pa.

Bakas parin sa mga akulturadong ilustrado ang kanilang pagka-Pilipino dahil sa


kanilang punto, hubog ng mukha, kulay, at ibang kilos. Kahit na sila ay magaling na mag-
Kastila, nagdadamit Kastila, at asal Kastila na, makikita mo na sila ay Indio parin.
Ipinaglalaban ng mga Indio na hindi totoo na ang mga Kastila ang nagdala ng kultura ng
mga Pilipino at ipinaglalaban ito ng mga ilustrado. Sabi nila ay bago pa dumating ang
mga Kastila ay nakikipag-ugnayan na sila sa India, Indotsina, at iba pa. Ayon kay Jose
Rizal, bumagsak na ang kabihasnang katutubo dahil nawalan na ng interes ang mga
Pilipino na pagyamanin ito. Ani ni Rizal, “Kapag nawala na ang mga Kastila, sisikat na
muli ang kabihasnan ng Pilipinas”. Ito ang pangkaming pananaw na makikita sa kanilang
lipunan at kultura.

Sa pag dating ng mga Amerikano sa bansa, pilit nating pinapakita na hindi tayo
papahuli pagdating sa madaming larangan kagaya ng doktor, abogado, inhinyero, at iba
pa. Ngumit lagi tayong talo at nabibigo dahil lagi tayong nahuhuli. Kaya lagi tayong
gumagawa ng paraan para makahabol. Sa kabuuan, ang namamayani sa panahong ng
kolonyal ay ang pansila at pangkaming pananaw, at nananatili naman sa mga grupong
etniko ang pantayong pananaw.
Layunin

Layunin ng may akda na ipaintindi sa mga mambababsa ang kahulugan ng


pantayong pananaw at mga halimbawa nito. Layunin nitong ipaintindi sa mga
mambabasa na ang Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar ay hinggil sa ugat at kabuluhan
ng kasaysayang Pilipino. Makikita rito ang aspeto ng pagsulat at ang iba’t ibang pananaw
sa kasaysayan ng mga Pilipino noon. Nais ng manunulat na ipaliwaliwanag sa mga
mambabasa ang importansiya ng ating sariling wika at kung bakit natin kailangan
pahalagahan ito. Sinakop tayo ng mga Kanluranin noon at dahil dito, nagkaroon tayo ng
iba’t ibang kultura na nakuha natin sa kanila. Nais sabihin ng papel na nawawala na ang
diwang Pilipino natin pagdating sa pananalita at pagsulat. Ipinaliwanag ng papel na
mahalagang maitaguyod natin ang Pantayong Pananaw na siyang makatutulong sa
pagbuo ng ating tunay na pagkabansa.

You might also like