You are on page 1of 8

EXPECTATION

A. Content Standards
The learners demonstrate an understanding of the key concepts in the social sciences
rooted in Filipino language’s and experiences

B. Performance Standards
The learners shall be able to:
 Carry out an exploration of personal and social experiences using indigenous
concepts

C. Most Essential Learning Competency


 Examine the key concepts and ideas of Filipino thinkers in the Social Sciences
rooted in Filipino language/s and experiences during the 20th - 21st Century
o Pantayong Pananaw
1. Learning Objectives:
Pagkatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 NaiIalarawan ang kahulugan ng kasaysayan at ang kaugnayan nito sa
pantayong pananaw.
 Natutukoy ang mga dahilan bakit batayan ng pagkamakabansa ang
Pantayong Pananaw
 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pantayong pananaw sa kasalukuyang
panahon

PRE-TEST

A. Isulat ang salitang “Totoo” kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohan at


“Hindi Totoo” kung nagsasaad ito ng kabaliktaran.
______________1. Ang saysay na salitang-ugat ng kasaysayan ay may dalawang kahulugan
sa Pilipino.
______________2. Ang kasaysayan ay mga salaysay na may saysay para sa sinasalaysa-
yang grupo ng mga tao.
______________3. Ang pansilang pananaw ay mga salaysay ng mga Espanyol sa mga
Pilipino na hindi nila kapook tungkol sa nakaraan ng Pilipinas,
______________4. Ang pamamaraan na ginamit nina Rizal at mga propagandismo ay
tinatawag na pantayong pananaw.
______________5. Ang History at Kasaysayan ay magkaiba ang kahulugan.

DISSQ2W7.2 Page 1
By: Rodolfo T. Pomida Jr.
LOOKING BACK

A. Ano kaya katiwaran bakit ang Sikolohiyang Pilipino ay nakasulat sa salitang Ingles?
B. Sa iyong palagay, ano ang pinakamainam na salitang gagamitin sa pagtuturo ng
Sikolohiyang Pilipino, Ingles o Filipino? Ipaliwanag ang sagot.

INTRODUCTION OF THE LESSON

PANTAYONG PANANAW

PANTAYONG PANANAW: Batayan ng Pagkabansa, Batayan ng Pagka-ASEAN

Sa pag-iipon ng mga datos ni Zeus Salazar at ng kanyang mga tagapanalig ukol sa mga
pagkakahawig ng mga salita at konsepto ng mga Tagalog, Visayas, Kapampangan, Timong
Silangang Asya, at Oceania mula Madagascar malapit sa Aprikat at Easter Island malapit na sa
Timog Amerika, kanyang napagtibay ang ebidensya ng na nagmula tayo sa iisang ninuno na
may orihinal na wika na tinatawag ngayon ng mga eksperto na Malayo-Polynesian o
Austronesian. Ito ay nagsasabi na hindi totoo ang “Waves of Migration Theory” ni H. Otley
Beyer kung saan nagsasabing nanggaling tayo sa sunod-sunod na pagdating ng mga Ita,
Indones at malay.

Para kay Salazar, ito ang maaaring saligan ng pagkakakilanlan at pagkabansa ng


Pilipino, ang makita ang sarili natin bilang mga Austronesyano na may mga kultura at kaugalian
na sariling atin na nagpapatuloy sa kamalayan at kaisipan ng Pilipino sa kabila ng iba’t ibang
impluwensyang dumating sa ating kasaysayan. Mula sa mga kaalamang ito uusbong ang
pagkakaintindihan na pinagmumulan naman ng ibayong pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-
iba.

Ang Kasaysayan

Si Zeus Salazar ay naging Tagapangulo ng UP Departamento ng Kasaysayan noong


1987 at naging Dekano ng UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya taong 1989.
Kasama siya sa mga nagtatag ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, ADHIKA ng
Pilipinas at ng Bagong Kasaysayan, Inc.

Ang kanyang pinakamatingkad na kontribusyon sa Agham Panlipunan ay ang: 1) ang


depinisyon ng kasaysayan na may “saysay” sa bayan, at 2) ang Pantayong Pananaw bilang
perspetibo ng Pilipino tungkol sa kanyang kasaysayan na mas naiintindihan ng kapwa Pilipino.

DISSQ2W7.2 Page 2
By: Rodolfo T. Pomida Jr.
Ayon kay Salazar, sa loob ng matagal na panahon, ang paguunawa natin sa “history” ay
makakanluranin kung kaya hindi ito isinasapuso ng mga mag-aaral.

Ang “History” ay tungkol sa “study of past events” at “chronological record of events.”


Ibig sabihin nito, ang mga nasusulat lamang ang mababalikan. Ito ay natural sa mga kanluranin
sapagkat sila ay mga nagsusulat. Ngunit ang ating mga ninuno ay hindi nagsulat ng nakaraan
bagkus ay nakatuon sa pagsasalaysay. Kung gayon, masasabi natin na wala tayong “history.”

Ang mga nakasulat na dokumento ng nakaraan sa ating bansa ay naisulat ng mga:

 edukado at mayayaman dahil sila lamang ang natutong magsulat


 kolonisador

Sila ang mga nagsulat ng ating nakaraan na may mga pananaw na ang mga Pilipino ay
mababang uri lamang. Sapagkat ito lamang ang mga pagkukunan ng kaalaman ng mga
panahong iyon, naging mababa ang pagtingin natin sa ating sarili, at ang mga magagandang
bagay na narito sa atin ay impluwensya lamang o nanggagaling sa labas. Halimbawa nito ay
ang pananampalataya sa Diyos, ang edukasyon, at karunungan. Samakatuwid ang laman ng
ating nakaraan ay:

 mga kuwento ng mga mayayaman at makapangyarihan (wala ang ibang mga Pilipino).
 Mga kuwentong hindi natin maintindihan dahil malayo sa mga konsepto ng lipunang
Pilipino at nakasulat sa wikang hindi Pilipino.

Ayon kay Salazar, upang makawala dito, kailangan gamitin ang pananaw ng Pilipino
upang mapag-aralan ang kasaysayan, at nararapat na ang pag-aaral sa ating nakaraan ay
sakto sa ating sitwasyon gamit ang sarili nating pakahulugan sa kasaysayan.

Ang kasaysayan ay galing sa salitang ugat na “saysay” na dalawa ang kahulugan: (1)
isang salaysay o kwento, at (2) kahulugan, katuturan, kabuluhan at kahalagahan. Samakatuwid,
ang “Kasaysayan” ay “mga salaysay na may saysay.” Ang katumbas na salita nito sa wikang
Ingles ay “History” ngunit hindi magkasingkahulugan sapagkat ang “History” ay patungkol sa
mga “written record.” Kung ito ay may saysay, para ito kanino? Siyempre para sa grupong
tagatanggap ng salaysay. Kung kaya masasabi nating ang depinisyon ng kasaysayan ay “Mga
salaysay na may saysay para sa sinasalaysayang grupo ng tao.”

Sa ganitong kahulugan, maging ang mga pasalitang tradisyon na tulad ng mga epiko,
alamat, mito, kwentong bayan at maging at mga kanta at jokes, bagama’t kathang isip ay
maaaring maging pagmulan ng kaisipan at paniniwala ng mga tao na hindi nagsisulat ng mga
dokumento.

Subalit hindi basta dapat itapon ang paraan ng “History” na positibista -- nagsasalaysay na
batay sa ebidensya. Sapagkat ito ay paraan upang makuha ang saysay at kaisipan sa mga
kuwentong kumalat kahit pa man ito ay kathang isip o kaya ay hindi nangyari. Ang pagsasama

DISSQ2W7.2 Page 3
By: Rodolfo T. Pomida Jr.
ng metodolohiyang ito ayon kay Salazar ay konsepto ng “Bagong Kasaysayan”. Ibig sabihin nito
ang mga nakaraan lamang na may “saysay” sa bayan ang kinakailangan pag-aralan upang
maintindihan ng Pilipino ang kanyang kalagayan, sarili, kaisipan at ugaling bayan.

Pantayong Pananaw

Upang bigyang saysay ang sariling kasaysayan kailangan nating harapin ang suliranin
na ang kasaysayan ng Pilipinas ay hindi nauunawaan ng nakararami sapagkat nakasulat ang
mga ito salitang Espanyol at Ingles.

Noong 1970s, pinaunlad ang iskuwelang pangkaisipan na tinatawag na “Pantayong


Pananaw”—ang pag-aaral ng kasaysayan natin sa ating sariling perspektiba gamit ang mga
konsepto at isang wikang naiintindihan ng lahat.

Ayon kay Salazar, ang “Pantayong Pananaw,” ay mula sa salitang “tayo.” Sa madaling
salita, ito ay mga kwento at kasaysayan ng Pilipino, na isinasalaysay ng mga Pilipino, para sa
mga Pilipino. Bagama’t pareho ang diwa, kaiba ito sa ginawa ng mga ilustradong Pilipino tulad
nila José Rizal, Teodoro Agoncillo at Renato Constantino sapagkat sumulat sila sa dayuhang
wika upang maintindihan ng mga banyaga. Ang “Pantayong Pananaw” ay nararapat na
ikinukuwento gamit ang pambansang wika, wikang Pilipino, sapagkat ito ay naiintindihan ng
halos lahat ng Pilipino.

Noong unang panahon bago dumating ang mga Espanyol, Pantayong Pananaw ang
umiiral sa pagkukuwento ng mga epiko at iba pang kwentong bayan ng bawat grupo ng tao sa
Pilipinas sapagkat “tayo” ang pinaguusapan, ang tagapagsalita, at ang tagapakinig gamit ang
sariling wika. Pook ang tawag sa kultura na pinagsasaluhan ng isang grupo ng tao.

Dumating ang panahon na nagsulat ang mga Espanyol ng mga ulat ukol sa mga Pilipino
na inuulat nila sa mga kapook na Espanyol, ito ay tinatawag na “Pansilang Pananaw”.
Nagsalaysay din ang mga Espanyol sa mga Pilipino na hindi nila kapook tungkol sa nakaraan
ng Pilipinas, ito ay tinatawag na “Pangkayong Pananaw.” Pagdating nina Rizal at ng
Propagandismo, ipinagtanggol nila ang mga Pilipino gamit ang wikang dayuhan sapagkat ang
kanilang tagapakinig ay mga Espanyol kaya tinawag ito na “Pangkaming Pananaw.”
Naniniwala ang mga propagandista na pag nawala na ang mga Kastila, sisikat muli ang
kabihasnan sa Pilipinas.” Mula sa kadilimang dala ng Kastila, babalik ang dating kaliwanagan
sa Pilipinas.

Pananaw Tagapagsalita Tagapakinig Wikang gamit Pinag-uusapan


Pansila Kastila Kastila Espanyol Pilipino
Pangkayo Kastila Pilipino Kastila Pilipino
Pangkami Pilipino Kastila Kastila Pilipino
Pantayo Pilipino Pilipino Pilipino Pilipino

Ang diwa ng Pantayong Pananaw ang nais itatag nina Andres Bonifacio at Emilio
Jacinto nang isilang ang bansa noong 1896, ngunit hanggang ngayon makikitang hindi pa

DISSQ2W7.2 Page 4
By: Rodolfo T. Pomida Jr.
ganap na nangyayari na nagkakaintindihan tayo. Hindi ito naging ganap dahil noong dumating
ang mga Amerikano, maraming edukado ang nagsulat sa Ingles at hindi rin nasasama sa
talastasan ang mga mahihirap.

Mula pa noong panahon ng Kastila, panahon ng mga Amerikano hanggang ngayon


sumusulat ang mga edukadong Pilipino sa dayuhang wika upang ipakita na may kakayahan
ang mga gaya nila. Iyon nga lamang, upang makalikha sa Kastila o Ingles, kakailanganin
munang maging Kastila o Amerikano ang mga nagmimithing maging mga Pilipino. Ibig sabihin,
kailangan munang humiwalay sila at iwanan nila ang katutubong kultura bago bumalik sa bansa
upang bigyan ito ng ibang kaayusan.

Ang mga bansa na may mauunlad na Wikang Pambansa ay gumagagamit ng kanilang


wika para sa pambansang talastasan tulad ng Japan at Thailand na gumagamit ng
impluwensya ng ibang bansa upang gamitin para sa kanilang sariling kapakanan. Ibang-iba sa
ating bansa na tayo ang tila napapakinabangan ng mga dayuhan at nababago pa maging ang
ating kultura. Mas magiging matibay at handa sana ang Pilipinas sa hamon ng globalisasyon
kung nagkakaintindihan muna tayo. Iginigiit ng Pantayong Pananaw ang mga tanong na:

 Para kanino ba ang ginagawa ko?


 At para kanino ba ang isinusulat ko?

ACTIVITY

A. Pagkakakilanlan
1. Pag-aaral tungkol sa nakaraan at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
2. Ang mga nagsulat ukol sa nakaraan ng Pilipinas.
3. Ito ang tingin sa mga Pilipino ng mga unang nagsulat sa Pilipinas.
4. Ito ay mga salaysay na may saysay.
5. Ang mga tagapagsalita sa Pangkayong Pananaw.
B. Humanap ng pamagat ng isang babasahin na nagsasaad ng mga sumusunod:
Pananaw Pamagat ng Babasahin
Pansila
Pangkayo
Pangkami
Pantayo

C. Humanap ng mga salitang madalas na ginagamit sa bawat probinsya at tingnan ang


katumbas na salita nito sa iba pang probinsya. Halimbawa: ay ang salitang “bahay”
Salitang Tagalog Probinsya 1 Probinsya 2 Probinsya 3
Ex: Bahay Balay (Vizayas) Bale (Kapampangan) Balay (Ilocano)
1.
2.
3.

DISSQ2W7.2 Page 5
By: Rodolfo T. Pomida Jr.
D. Isulat ang mga tagapagsalita, tagapakinig, wikang gamit at pinag-uusapan ayon sa mga
anyo ng pananaw sa pagkakasulat ng kasaysayan ng Pilipinas.
Pananaw Tagapagsalita Tagapakinig Wikang gamit Pinag-uusapan
Pantayo
Pansila
Pangkayo
Pangkami

Pagtatasa.
1. Ano kayang kasaysayan ang makukuha natin mula sa ating mga sinasaysay na
alamat, epiko at kuwentong-bayan? Magbigay ng halimbawa.
2. Nararapat ba na ISULAT NA ang bagong kasaysayan base sa mga saysay na
isinasaysay lamang? Ipaliwanag.

REMEMBER

Ang pinakamatingkad na kontribusyon ni Salazr sa Agham Panlipunan ay ang: 1) ang


depinisyon ng kasaysayan na may “saysay” sa bayan, at 2) ang Pantayong Pananaw bilang
perspetibo ng Pilipino tungkol sa kanyang kasaysayan na mas naiintindihan ng kapwa Pilipino.
Ang kasaysayan ng Pilipinas ay nasusulat sa mga kuwentong hindi natin maintindihan dahil
malayo sa mga konsepto ng lipunang Pilipino at nakasulat sa wikang hindi Pilipino. Kung kaya,
kanyang minumungkahi na nararapat na ang pag-aaral sa ating nakaraan ay sakto sa ating
sitwasyon gamit ang sarili nating pakahulugan sa kasaysayan. Para sa kanya, ang kasaysayan
ay “Mga salaysay na may saysay para sa sinasalaysayang grupo ng tao.” At ito ay maaabot sa
pamamagitan ng konsepto ng Pantayong Pananaw, ito ay mga kwento at kasaysayan ng
Pilipino, na isinasalaysay ng mga Pilipino, para sa mga Pilipino.

CHECKING YOUR UNDERSTANDING

1. Bakit sinasabing batayan ng pagkamakabansa ang Pantayong Pananaw?


2. Ano ang kapakinabangan ng pantayong pananaw sa kasalukuyang panahon at sa
ikauunlad ng Pilipinas?

POST TEST

A. Write the letter of the correct answer on the answer sheet provided at the end of this module
1. Ito ay ang pagsusulat ng mga Espanyol na inuulat nila ang mga Pilipino sa kapwa nila
Espanyol.
a. Pangkami b. Pangkayo c. Pansila d. Pantayo
2. Pagsasalaysay ng mga Espanyol sa mga tagapakinig na mga Pilipino

DISSQ2W7.2 Page 6
By: Rodolfo T. Pomida Jr.
a. Pangkami b. Pangkayo c. Pansila d. Pantayo
3. Ang pagsusulat ng mga propagandismo sa mga tagapakinig ng mga Espanyol
a. Pangkami b. Pangkayo c. Pansila d. Pantayo
4. Ito ang perspetibo ng Pilipino o pananaw tungkol sa kanyang kasaysayan na mas
naiintindihan ng kapwa Pilipino.
a. Pangkami b. Pangkayo c. Pansila d. Pantayo
5. Anong kalagayang ekonomiya ng mga bansang gumagamit ng sarili nilang wika?
a. Bagsak b. Mahihina c. Mauunlad d. Umaangat

REFERENCES

Chua, M.C. (2018, January 08). Saysay ng sariling kasaysayan: Ang Ambag ni Zeus Salazar sa
Bayan. Retrieved from:
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/content/638917/saysay-ng-sariling-
kasaysayan-ang-ambag-ni-zeus-salazar-sa-bayan/story/

Chua, M.C. (2017, December 29). Pagkakaisa ng Malay World: Ang Ambag ni Zeus Salazar sa
Bayan. Retrieved from:
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/content/638041/pagkakaisa-ng-malay-
world-ang-ambag-ni-zeus-salazar-sa-bayan/story/

Salazar, Z.A. (1989, September). Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag. Pilippine Currents,
IV:9. Retrieved from: http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/09/pantayong-
pananaw-isang-paliwanag.html

DISSQ2W7.2 Page 7
By: Rodolfo T. Pomida Jr.
ANSWER SHEET FOR DISS Q2 Week 7.2
Name: _____________________________ Grade & Section: __________________
A. Pagkakakilanlan
1. 4.
2. 5.
3.
A. Humanap ng pamagat ng isang babasahin na nagsasaad ng mga sumusunod:
Pananaw Pamagat ng Babasahin
Pansila
Pangkayo
Pangkami
Pantayo
B. Humanap ng mga salitang madalas na ginagamit sa bawat probinsya at tingnan ang
katumbas na salita nito sa iba pang probinsya. Halimbawa: ay ang salitang “bahay”
Salitang Tagalog Probinsya 1 Probinsya 2 Probinsya 3
Ex: Bahay Balay (Vizayas) Bale (Kapampangan) Balay (Ilocano)
1.
2.
3.
C. Isulat ang mga tagapagsalita, tagapakinig, wikang gamit at pinag-uusapan ayon sa mga
anyo ng pananaw sa pagkakasulat ng kasaysayan ng Pilipinas.
Pananaw Tagapagsalita Tagapakinig Wikang gamit Pinag-uusapan
Pantayo
Pansila
Pangkayo
Pangkami
Pagtatasa
1. Ano kayang kasaysayan ang makukuha natin mula sa ating mga sinasaysay na
alamat, epiko at kuwentong-bayan? Magbigay ng halimbawa.__________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Nararapat ba na ISULAT NA ang bagong kasaysayan base sa mga saysay na
isinasaysay lamang? Ipaliwanag. ________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Checking Your Understanding
1. Bakit sinasabing batayan ng pagkamakabansa ang Pantayong Pananaw?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Ano ang kapakinabangan ng pantayong pananaw sa kasalukuyang panahon at sa
ikauunlad ng Pilipinas?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Post Test
1. 4.
2. 5.
3.

DISSQ2W7.2 Page 8
By: Rodolfo T. Pomida Jr.

You might also like