You are on page 1of 10

Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

( Popular na Babasahin: Pahayagan (Tabloid), Komiks, Magasin,


Kontemporaryong Dagli)

 Social media - Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilkha
nagbabahagi,at pagpapalitan ng impormasyon at ng mga ideya sa isang virtual na komunidad at
network.
 Trending - Malawakang nababanggit o napag- uusapan sa Internet particular sa social media
web sites.
 Blogger - Nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin ,larawan, tunog,musika, video at iba pa,gamit
ang isang tiyak na website.
 Netiquette- Tamang kaasalan o pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet o social
media.
 Netizens - Taong aktibong gumagamit ng internet, taong eksperto sa paggamit ng social
network.

 Popular na babasahin - nagsisilbing daan upang maipabatid ang mga mahahalagang


impormasyon gaya ng balita,mga palabas na maaaring mapanood o mapakinggan.
2 uri ng pahayagan
 Tabloid – ito ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles
ang midyum.
 Broadsheet - o mahabang pahayagan ay isang uri ng pahayagan na may laki at haba ng
pormat .Isang uri ng pahayagan na mayroong seryosong pagbabalita at saklaw nito ay
malawak sapagkat hindi lamang pambansa kundi kasama rin ang internasyonal.

 Komiks - ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
- isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa,
nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng
komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

Mga bahagi ng komiks:

 Kuwadro – naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame).


 Kahon ng salaysay – pinagsusulatan ng maikling salaysay
 Lobo ng usapan – pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.
 Pamagat ng kuwento
 Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento
 Magasin – ay isa ring uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa
alisw na hatid nito at mga impormasyong makukuha rito.

Mga halimbawa ng magasin:

 Liwayway - naglalaman ito ng mga maikling kuwento at mga nobela na naging intrumento
upang umunlad ang kamalayan ng marami sa kulturang Pilipino.
 FHM (for him magazine) - ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay ,pagibig at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
 Cosmopolitan - magasing pangkababaihan.
 Good housekeeping - isang magasin para sa mga abalang ina
 YES! - -magasing tungkol sa showbiz
 Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman ng Metro.
 Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.Ito ay gawa ng mga
batang manunulat na masnakuunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
 Men's health - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan.
 T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget.
 Entrepeneur - Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

KONTEMPORARYONG DAGLI
 Dagli - isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento.

kilalang mga manunulat ng dagli

 Iñigo Ed. Regalado


 Jose corazon de jesus
 Rosauro almario
 Patricio mariano
 Fransisco laksamana
 Lope k. santos
 Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong
1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K.
Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.

ANTAS NG WIKA
 Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.
 Wika - isang bahagi ng pakikipagtalastasan .Kalipunan ito ng mga simbolo,tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Iba’t ibang antas ng wika

 Pormal - wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na
akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obdyektib, eksakto,
at tiyak.
- Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-
araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang
gramatikal.
 Pambansa - mga salitang ginagamit saa mga aklat at babasahing ipinalalabas sa buong kapuluan
at lahat ng paaralan
- ang wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral.
Halimbwa: kapatid, malaki,katulong.
 Pampanitikan - mga salitang matatayog, malalaim, makukulay at sadyang matataas ang uri.
- mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.
Hal:
pambansa: pampanitikan:
-kapatid - kapusod
-malaki - ga-higante
-katulong - katuwang
 di-pormal - wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw.
 Lalawiganin (provincialism) - mga salitang kilala at saklaw lamang ang pook na pinaggagamitan
nito.
- may kakaibang bigkas at tono.
Hal:
balo(bago)
guwapa(maganda)
ambot (ewan)
 Balbal (slang) -noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may pinag- aralan
dahil hindi raw magandang pakinggan. Kilala rin bilang salitang kanto o salitang kalye.
Hal:
gurang (matanda)
lispu (pulis)
 Kolokyal (Colloquial) - mga salitang ginagamit sa pang-araw araw na pakikipagtalastas ngunit
may kagaspangan at pagkabulgar,bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasabi.
Hal:
nasan (nasaan)
pag (kapag)
doon (dun)
 Banyaga - mga salitang mula sa ibang wika.
IBA’T IBANG ESTRATIHIYA NG PANGANGALAP NG MGA
DATOS O IMPORMASYON SA PAGSULAT

 Pagbabasa at Pananaliksik- mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat


at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman . Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagkonsulta sa mga libro at iba pang materyales na karaniwang matatagpuan sa mga aklatan o
internet
 Obserbasyon -ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga baga-bagay,tao o pangkat at pangyayari . Iniaalam dito ang mga gawi at
katangian at iba pang datoskaugnay ng inoobserbahang paksa.
 Pakikipanayam o Interbyu- Makapagtitipon din ng mga kaalaman at impormasyon sa
pamamagitan ng pakikipanayam o interbyu sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa
paksang inihaharap ng mga impormasyon.
 Pagtatanong o Questioning -sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong ang isang
tiyak na paksang gustong isulat .Kadalasang ginagamit sa prosesong ito ang pagtatanong na
kinapapalooban ng 5 W’s at1 H (What,When,Where,Who,Why at How). Makakatulong ito upang
mai-detalye ang paksang gustong palawakin sa pagsulat .
 Pagsulat ng Journal- ang journal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksiyon,
mga naiisip o nadarama at kung ano-ano pa.
 Brainstorming -mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang
tao.Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit na pangkat
hinggil sa isang paksa.
 Pagsasarbey - ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na
paksa sa pamamagitan ng pagsasagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.
 Sounding-out Friends- ito ay isinagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga
kasambahay, kaibigan,kapitbahay,o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalakayan
sa kanila hinggil sa isang paksa.Kalimitang ang usapan ay maikli lamang at impormal.
 Imersyon- ito ay isang sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o gawain upang
makasulat hinggil sa karanasan o gawaing kinapapalooban.
 Pag-eeksperimento - sa paraang ito,sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol
dito sa pamamagitan ng isang eksperimento.

PAGSULAT NG BALITA
 Balita - isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob
ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan.

Mga katangian ng balita

 Kawastuhang paktwal- nararapat na ang mga pangalan ng kasangkot petsa, at buong


pangyayari ay tama.
 Kahustuhan - Ito’y dapat may kaukulang diin sa bawat katotohanan.
 Walang kinikilingan –inihaharap ang mga pangyayari nang hindi kumakampi sa iisang panig.
 Maikli, malinaw at sariwa ang impormasyon – dahil sa ang layunin ng balita ay
magpabatid ,kaya’t kailangang maging maikli at malinaw ito upang higit na maunawaan ng
mambabasa.

 Pamatnubay o lead - nagtataglay ng pinakamahalagang bahagi ng balita.


 Katawan ng balita - taglay ang detalyadong impormasyon sa mga nabanggit sa simula ng balita
para sa lalong ikaliliwanag ng ulat.
 Detalye - mga dagdag na impormasyon na nasa ayos na pababa ang kahalagahan.

 unang talata - maituturing nating pinakamahalagang tala o bahagi ng balita dahil ito ang unang
pinagtutuunan ng pansin o nakatawag ng atensyon at siyang umaakit sa mga mambabasa,
samakatuwid ito ang buod at hinihikayat ang mambabasa na ipagtuloy ang pagbasa.
- isusulat ang pinamahalagang tala na sasagot sa tanong na ano ang nangyari ? Sino
ang sangkot? Kailan at saan nangyari ? Bakit nangyari at paano nangyari o naganap?Sa bahagi
ring ito mahihikayat ang mga mambabasa na ipagpapatuloy ang pagbabasa o buod.
 Ikalawang talata - isusulat ang susunod na mahalagang bahagi na siyang magbibigay linaw sa
mga datos sa unang talata.
 ikatlong talata o huling talata - dito inilalagay ang mga di gaanong mahalagang detalye o mga
pantulong na detalye.

BROADCAST MEDIA
 Radio broadcasting – pagsasahimpapawid ng mga impormasyon o balita sa pamamagitan ng
radyo
 Radyo - isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng
mundo sa mas malawak na sakop nito.
- itinuturing na “go -anywhere medium” ng pamamahayag sapagkat ito ay naririnig ng
mga tao kahit habang sila ay naglalakad, nagbibiyahe,nagmamaneho, nagtatrabaho ,o namimili.
 Broadcast media - paghahatid ng mga impormasyon mapa audio (ito ‘yong
naririnig/napapakinggan) o biswal (nakikita) man, sa pamamagitan ng midyang pang masa tulad
ng radio,telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network.
 Iskrip - Ang taguri sa manuskrito ng isang audio - visual material na ginagamit sa broadcasting.
 Audio-visual material – ginagamit na props ng mga guro sa kanilang pagtuturo.
 SFX (sound effect) - tumutukoy sa epektibong tunog maliban sa pananalita o musika na ginawa
ng artipisyal para magamit sa isang dula,pelikula o iba pang produksiyon sa broadcast.
 Acoustics – kalidad ng tunog ng isang lugar.
 Airways - midyum na dinadaanan ng signal ng radio o telebisyon na kilala ring spectrum
 Am – amplitude modulation, tumutukoy sa standard radio band.
 Amplifier – kakayahang baguhin ang lakas ng tunog.
 Analog – uri ng waveform signal ng diretso o tuwid.
 Announcer – aong naririnig sa radyona may trabahong magbasang iskrip o mga anunsiyo.
 Backtiming – pagkakalkulang oras bago marinig ang boses sa isang kanta.
 Clutter – lubhang maraming bilang ng patalastas.
 Feedback – nakakairitang tunog na nilikha na pagtatangkang palakasin ang ispeker.
 Fm – paraan ng paglalagay ng datos sa isang alternatibong current.
 Frequency – teknikal na kahulugan nito ay ang elctromagnetic wave frequency.
 Interference – tunog na tila may naggigisa dahil sa pagbobroadcast ng dalawang istasyong radyo
sa iisang band.
 Mixing – pagtitimpla at pagtiyak ng tamang balans ng tunog.
 Open mic – mikroponong nakabukas sa particular na oras.
 Playlist – talaan ng mga kantang pagtutugtog ng isang istasyon sa isang takdang araw o linggo
 Queue – hanay ng mga patalastas
 Ratings – dami ng tagapakinig sa isang programa na ipinapakita sa anyo ng porsiyento ng mga
taong isinarbey.
 Share – bilang ng tao na nakikinig sa istasyon sa takdang panahon.
 Sign-on – oras na ang istasyon ng radyo ay nagsisimula na sa pagbroadcast nito.
 Komentaryong panradyo - ito ay pagpapahayag ng opinyon at saloobin kaugnay sa isang isyu.
 Ang komentaryong panradyo ayon kay elena bothin-levy ay ang pagbibigay ng opurtunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon.
 dokumentaryong panradyo - ito ay pagdodokumento ng mga suliranin sa lipunan gayong sa
radyo lamang ito napapakinggan ng mga tao.
 positibong pananaw/pahayag -ay nangangahulugang pagsang-ayon sa isang opinyon gaya ng
sang-ayon ako,sige ,lubos akong naniniwala,oo, .. , tama ang sinabi.
 negatibong pananaw/ pahayag o pagsalungat - nangangahulugang pagtanggi pagtutol o hindi
pagpayag sa isang ideya tulad ng ayaw ko…hindi ako sumasang-ayon…sumasalungat ako…hindi
totoong …mali ka…at iba pa
 katotohanang pagpapahayag – ang impormasyon ay balido dahil may pinagbatayan,ito ang
nagiging daan upang sila ay magkaroon ng kredibilidad sa pamamahayag.
 Katotohanan – pagpapahayag sa isang ideya o pangyayaring napatunayan at hindi na
mababago.
- mga pahayag na may kongkretong ebidensiya.
 Opinyon - kuro- kuro o palagay batay sa pananaw ng isang tao.
- isang pananaw na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
 Hinuha o inference- pahayag na inaakalang mangyayari batay sa isang sitwasyon o kondisyon.
- proseso ng pagkakaroon ng konklusyon tungkol sa isang bagay mula sa mga
kilalang katotohanan o ebidensiya.
 Personal na interpretasyon – ang pagkakaunawa o pagkakaintindi sa isang bagay, lengguwahe
at iba.
- batay sa sariling kaisipan o pananaw lamang.
BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGO AT PAG-
UNLAD NG KULTURANG PILIPINO
 broadcast media – ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapaigting ng
kamalayang panlipunan at pagpapalaganap ng kulturang popular ng mga mamamayan ng isang
bansa.
 Dokumentaryong Pantelebisyon- Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at
estratihikong proyekto na sumasailalim sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.

Mga konseptong may kaugnayang lohikal

1. Dahilan at Bunga/Resulta- Ngpapahayag ng mga sanhi o dahilan ang dahilan ng isang


pangyayari. Naglalahad naman ng bunga ang kinalabasan ang resulta nito.

(SANHI+BUNGA O RESULTA)

2. Paraan at Resulta- Napapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta.

(PARAAN+RESULTA) (RESULTA+PARAAN)

3. Kondisyon at Bunga o Kinalabsan - Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una,
tumbaliko salungat sa katotohanan ang kondisyon.

DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA
MGA SALITANG GINAGAMIT SA MUNDO NG PELIKULA

 PINILAKANG TABING - (Silver Screen) o sinehan


 SINE - lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong panoorin.
 CUT – salitang ginagamit ng director kung hindi masisiyahan sa pag-arte o may eksenang hindi
maayos ang pagkakagawa.
 LIGHTS, CAMERA, ACTION – hudyat na magsisimula na ang pag-arte o ang pagkuha ng eksena.
 TAKE TWO – tumutukoy sa kung ilang ulit kinukuhanan ang eksena.
 BIDA – tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang gagalaw sa pelikula .
 KONTRABIDA – katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang pelikula.
 OKEY, TAPING NA! – pormal na hudyat na ang taping ay magsisimula na
 BREAK! – saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha ng eksena.

PORMAT NG PANONOORING PELIKULA

 PAMAGAT
 BUOD NG PELIKULA
 MGA TAUHAN
 DIREKSYON/DIREKTOR
 MGA ASPEKTONG TEKNIKAL
 SINEMATOGRAPIYA
 MUSIKA
 Isyung mahihinuha sa pelikula na may kaugnayan sa kasalukuyan
 Sariling pananaw

Sa Pagsulat ng suring-pelikula, dapat isaalang-alang ang mga kahusayang gamatikal tulad ng


sumusunod:

 Tamang Pagbabantas - Ang paggamit ng tamang bantas sa pagsulat ng isang suring pelikula ay
kailangan upang maging epektibo ang pagsulat. Ang maling paggamit ng bantas ay nagbubunga
ng maling interpretasyon sa ipinapahiwatig na ideya.
 Tamang Baybay - Kailangang maipakita ang tamang baybay ng salita sa suring pelikula upang
hindi mapulaan ang isang manunuri na hindi maayos ang pagkakasulat ng kaniyang pagsusuri.
Makailang basahin ito upang makita ang kawastuhan sa baybay.
 Pagkakaugnay ng mga pangungusap, gayundin ang organisasyon ng mga ideya.

MGA TAMANG BANTAS

 Tuldok (.)-ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap.


 Pananong(?)-ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap pananong.
 Padamdam(!)-sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o
masidhing damdamin.

 Brillante mendoza - Isa sa pinakamahusay na director ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa


paglikha ng mga independent o Indie Films o yaong mga pelikulang Malaya sa kanilang tema at
pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga
isyung panlipunan
 Cinema verite - kung saan aktuwal na nagtatagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker
ang kaniyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan.

Mga Elemento ng Pelikula

 Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula.


Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
 Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonod ang tunay na
pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
 Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya
ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood.
 Pananaliksik o Riserts – Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo
dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng
palabras.
 Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
 Pagdidirehe – Mga pamaraan at diskarte ng director kung paano patatakbuhin ang kuwento sa
telebisyon o pelikula.
 Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga
eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayahin kung alin ang hindi
na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may lang
oras/panahon ang isang pelikula.

Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin

 “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)


 “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pagaalinlangan)
 “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon.” (pagtanggi)
 “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)
 “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” (pagsalungat)

Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama

 Pagbibigay-babala “Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigaybabala) “Huwag kang


magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”
 Panghihinayang “Sayang, tama sana ang aking kasagutan.” “Kung naipagtapat ko lamang sa
kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.
 Hindi Pagpayag “ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.” “ Bahala na kayo
sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”

Mga Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng Kampanyang Panlipunan


(Social Awareness Campaign)
 Social awareness campaign (kamalayang panlipunan) - ay ang pagpapahayag at pagbibigay ng
mahahalagang impormasyon , kaalaman o babala para sa lahat.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign

1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social awareness campaign
2. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa ,makarinig ,
makakita o makapanood ng kampanyang iyong gagawin.
3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong nais bigyang-
pansin upang magkaroon ng sapat na malawak na kaalaman hinggil dito.
4. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng iyong kampanya.
Maaring gumamit ng broadcast media ,print media, video technology, at iba pa. Sa kasalukyang
panahon tiyak na papatok sa masa lalo na sa kabataan kung gagamitin ito ng social network
media tulad ng Facebook,Twitter .Youtube at iba pa.
5. Magsagawa ng mahusay na pagpapaplano kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng
kampanya.

 Payak – may isang diwa at binubuo ng simuno (paksa o pinaguusapan sa pangungusap) at


panaguri (naglalarawan sa paksa o nagbibigay-impormasyon sa simuno).
 Tambalan – binubuo ng dalawang kaisipan na pinag-uugnay ng mga pangatnig na: at, o, ngunit,
habang, samantala, o pero.
 Hugnayan- binubuo ng sugnay na makapag-iisa at hindi makapag-iisa. Ginagamitan ito ng mga
pang-ugnay na kung, kapag, upang, dahil sa, sapagkat
 Langkapan – binubuo ng isa o higit pang sugnay na makapagiisa o sugnay na di makapag-iisa.

Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (paturol, pasalaysay, pautos, padamdam at patanong)

 Paturol/Pasalaysay – pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay. Nagtatapos ito sa


tuldok. (.)
 Pautos – panungusap na nag-uutos. Nagtatapos ito sa tuldok. (.)
 Padamdam – pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam. (!)
 Patanong – pangugusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot. Nagtatapos ito sa tandang
pananong. (?)

You might also like