You are on page 1of 6

Mga Bahagi ng Pahayagan at Kahulugan Nito:

1)PANGMUKHANG PAHINA o COVER PAGE - naglalaman ito ng pangalan ng pahayagan at ang mga
pangunahin o mahahalagang balita.

2)BALITANG PANDAIGDIG - naglalaman ng mga balita mula sa iba't ibang bansa at panig ng daigdig.

3)BALITANG PANLALAWIGAN - naglalaman ng balita may patingkol sa sariling bansa o lugar.

4)PANGULONG TUDLING - naglalaman ng mga kuru-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang
napapanahong paksa o isyu.

5)BALITANG KOMERSYO - naglalaman ng mga balita tungkol sa kalakalan, industriya at komersyo.

6)ANUNSYO KLASIPIKADO - naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan
at iba pang kagamitang ipinagbibili.

7)OBITWARYO - nagsasabi ng mga taong namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan
ililibing ang namatay.

8)LIBANGAN - nagsasaad ng mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon at iba pang sining. Naririto
rin ang krosword, komiks at horoscope.

9)LIFESTYLE - naglalaman ng mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain,


paghahalaman at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.

10)Isports- nagsasaad at nagkekwento ito ng mga balitang may kinalaman sa isport, kumpetisyon, o
pampalakasan ng mga atleta.
2 uri ng Pahayagan

Broadsheet

*Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprinta sa malaking papel at


nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng
bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan. Ang target reader nito
ay ang mga taong may mga kaya sa buhay.

Tabloid

* Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay mas maliit at mas maunti ang
nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang pangunahing wika na ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas ay
Tagalog. Sa dyaryong ito, maari kang makabasa ng mga salitang balbal.

* Tungkulin ng Pahayagan*

Ang pahayagan ay may tatlong pangunahing tungkulin bilang isang uri ng pangmadlang komunikasyon:

1. Magpaalam - Tungkulin ng peryodiko ang ipahayag sa madla ang nararamdaman, nakikita at naiisip ng
tao. Ang paghahayag ng katotohan ay dapat umiral. Sa isang paghahayag ng balita ay hindi dapat
magkaroon ng bias o pabor sa isang panig lamang. Ang balita ay kailangang tapat at walang kinikilingan.
Kailangan na ito'y obhektibo (objective), naaayon sa panahon (timely) at may katuturan (significant).

2. Impluwensiya - Tungkulin ng peryodiko ang bigyan ng sapat na impormasyon ang mga mambabasa
upang sila'y makagawa ng sariling opinyon ukol sa mga isyu na kinakaharap ng lipunan. Ang pahayagan
rin ay dapat magig daan upang malayang makapagpahayag ng opinyon ang mga indibidwal.

3. Pagpapalaganap ng Komersyo at Industriya - Ang advertising ang nagsisilbing lifeblood ng mga


pahayagan. Ngunit kailangang mag-ingat ng tauhang editoryal ng isang pahayagan upang hindi maituring
na balita ang isang advertisement. Kinakailangan na may malinaw na pagkakaiba ang balita sa pag-aalok
ng isang produkto o serbisyo sa pahayagan.

 Ang pagsasalita ay kaunawaan kung natutuhan ng tao ang isang bagay.

 Ito ay ang kahusaan o kapangyarihan ng taong ipahayag ang mga opinyon o ideya sa
pamamagitan ng mga salita

 Ito ay ang kumunikasyon ng mga ideya,damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga


simbolong naririnig mula sa tagapasalita.

 Ito ay ang kakayahang maiparating sa harap ng mga tagapakinig ang mensaheng gustong
maiparating sa pomal man o hindi pormal na paraan.

Kahalagahan ng pagsasalita

1. Upang maipahayag ang ideya, saloobin, at opinyon ng isang tao.

2. Upang makisalamuha at makipag-unayan sa kapwa.

3. Upang magkaroon ng kredibilidad.


4. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili.

5. Upang magkaroon ng magandang destinasyon, positibong pagbabago sa buhay ng isang tao.

Katangian ng isang mahusay na tagapagsalita

1. Kagalang-galang ang peronaliad, responsable, wastong pananamit, may angkop na paanalita.

2. Dalubhasa o may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay.

3. May tiwala sa sarili.

4. Mnaigat siya sa pagbibigay ng konklusyon, paratang at pananaw.

5. Hindi mayabang.

6. Walang nakadidistrak na mannerisms.

7. May sense of humor

8. May kasanayan sa wikang gagamiting midyum sa pagpapahayag


Kailangan sa mabisang pagsasalita

1. Kaalaman- upang maging isang mabisang tagapagsalita, kailangang alam ng tagapagsaita ang
paksang tatalakayin.

2. Kasanayan- dapat na maangkin ng isang epektibong tagapagsalita ang mga sumusunod na


kasanayan:

a. nakapag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.

b. malinaw na pagbigkas ng mga salita

c. may sapat na kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang anyo ng verbal at di-vebal na komunikasyon.

d. may sapat na kasanayan sa pagpapahayag ayon sa apat na genre ng komunikasyon: Paglalarawan,


Paglalahad, Pagsasalaysay At Pangangatwiran.

kasanayan sa pagsasalita

1. Tindig

2. Kumpas

3. Ekspresyon ng mukha
4. bigkas

Iba’t ibang gawain sa pagsasalita:

Maaring ikaw ay:

a. nakikipag-usap

b. Nagkukuwento

c. Nakikipanayam

d. Nakikipagtalo o nakikipagdebate

e. nagtatalumapti

You might also like