You are on page 1of 3

Paket 06- Komunikasyon

Komunikasyon – ito ay hango sa salitang Latin na “ communicare”, na nangangahulugang “ Magbahagi “


o “ magbigay” ( Merriam Webster).

Ito ay pagpapalitan ng ideya o opinyon, paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng iba’t


ibang tsanel gaya ng telepono, telegrama, kompyuter, cellphone, radio, telebisyon at iba pa.

Ayon kay Aristotle, ang komunikasyon ay isang siklo na binubuo ng tatlong elemento – ang sender o
nagbibigay ng mensahe, ang mensahe, at ang resiber o tagatanggap ng mensahe.

Mga Elementong Bumubuo sa Proseso ng Komunikasyon

1. SENDER o PINAGMUMULAN NG MENSAHE – sa kanya nagmumula ang ideya,


kaalaman,saloobin o mensahe.
May mga dapat isaalang-alang ang sender:
a. Layunin – tumutukoysa dahilan kung bakit nakikipagtalastasan o nagbibigay ng
paahayag ang isang sender.( manlibang, mang-aliw, maglahad ng kaalaman, sumalungat,
magtanggol, atbp.)
b. Kaalaman – nagbibigay-pansin sa lawak ng kaalaman ng sender sa paksang kanyang
tinatalakay at kahusayan sa pagpapahayag ng paksa.
c. Pagtingin sa Sarili – pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Mahalagang paniwalaan at
panindigan niya angpaksang tinatalakay sapagkat nakakaimpluwensya ito ng Malaki sa
paraan ng pagtalakay ditto.
d. Kredibilidad – nauugnay ito sa kung ang nakikinig o nagbabasa ay naniniwala sa
katapatan at kahusayan ng ispiker o awtor, kung ito ba ay karapat-dapat paniwalaan
kaugnay ng kanyang pahayag.
2. MENSAHE – Ito ang ipinaaabot ng sender sa resiber. Maaaring ito ay ideya, kaalamaan saloobin,
impormasyon o anumang paksang napagtutuunan ng pansin at panahon.

Mga dapat isaalang-alang sa mensahe:


a. Nilalaman- may katotohanan ba? May sapat na ebidensya?ano ang paksa? Gaano kalawak?
b. Istruktura- maayos ba? Induktibo ba o deduktibo?
c. Istilo- pormal ba o impormal?literal o patalinhaga?personal ba o impersonal?
3. TSANEL o DALUYAN – ang paraan kung paano ipinaaabot ng sender ang kanyang mensahe –
berbal.biswal, awral.
4. RESIBER o TUMATANGGAP NG MENSAHE – Ang katalastas o kausap. Sa pagtanggap ng
mensahe, nagkakaroon siya ng Fidbak ( pagtugon sa reaksyon sa sinabi ng kausap)

Mga dapat isaalang-alang ng Resiber:


a. Layunin – bakit siya nakikinig o nagbabasa? ( Pansarili o personal, matuto,magpalawak ng
kaalaman, mabigyang- kasiyahan, atbp.)
b. Antas ng Kaalaman at Interes – ang resiber na nagtataglay na ng malawak na kaalaman
tungkol sa paksa ay maaaring magkaroon ng higit na interes kaysa sa isang walang kaalaman
tungkol dito.
c. Kaasalan o Kaugalian sa Pakikinig – iba-iba ang uri ng tagapakinig at maaring
maimpluwensyahan ng edad,panahon,lugaar,paran o istilo ng sender, antas ng
kabuhayan,antas ng edukasyon, kasarian atbp.

Mga Di-magagandang Asal sa Pakikinig:

1. On-off listening
2. Red flag listening
3. Open ears-closed mind listening
4. Glassy –eyed listening
5. Too-deep for me listening
6. Don’t- rock –the- boat listening

5. FIDBAK – tumutukoy ito sa pagtugon ng tagapakinig o mambabasa sa mensaheng kanyang


tinanggap- malinaw bas a resiber ang mensahe, kawili-wili, katanggap-tanggap o kapani-
paniwala ba? Ito ay maaring sa paraag berbal at di berbal.

MGA URI NG KOMUNIKASYON

May dalawang pangkalahatang paraan ng komuniksyon o kung paano ipinararating sa resiber


ang mensahe.

1. Berbal – Ito ang uri ng komunikasyong gumagamit ng wika o mga salita. Kabilang ditto ang
lahat ng uri ng sinasalita o yaong ginagamitan ng mga ponema ng wika at yaong mga
ginagamitan ng mga grapema( Letra, bilang, bantas)
2. Di- Berbal – Hindi ito gumagamit ng wika o mga salita.

MGA URI NG DI - BERBAL NA KOMUNIKASYON

a. PROXEMICS. Tumutukoy sa distansya o layo sa pagitan ng nag-uusap gayundin naman sa pook


kung saan nagaganap ang pagtatalastasan. Ang pagkakaroon ng tamang agwat sa pagitan ng
pag-uusap ay may kahulugan- intimate, personal, sosyal, pampbuliko. May mga bagay ring
dapat isaalang-alang upang malaman ang tamang agwat na dapat gamitin kung
nakikipagtalastasan tulad edad, kasarian, posisyon sa lipunan, personalidad at maging ng kultura
ng katalastas.
b. CHRONEMICS- Mula sa salitang Griyego, “chronos” na nangangahulugang panahon o oras. Sa
komunikasyon, isanasaalang-alang din ang oras kung kalian ginaganap ang usapan. Ang mga may
masasamang balak ay di maguusap-usap sa umaga kundi sa gitna ng kadiliman ng gabi upang
itago ang mga balakin.
c. OCULESICS. Tumutukoy sa paggamit ng mata sa pakikipagtalastasan. Naniniwala ang ilan na ang
taong may itinatagong lihim o nagsisinungaling kaya ay di makatingin nang diretso sa mata ng
kausap. Ang pagtingin ng diretso sa kausap ay maaaring mangahulugan ng katapatan at malinis
na layunin.
d. HAPTICS. Tumutukoy naman ito sa paghawak o paghaplos (touch) sa pakikipagtalastasan.
Maaaring mangahulugan ng pakikiramay, pakikigalak, at pakikiisa sa damdamin ng kausap. Sa
mga batang isinilang na kulang sa buwan, malaki ang nagagawa ng haplos,yakap at magiliw na
pagkayakap sa sanggol tunggo sa mabilis na pagdebelop ng kanyang pisikal at emosyunal na
katauhan.
e. KINESICS- paggamit ng galaw, kilos ng katawan tulad ng pag-iling, pagkaway, pagtango, paglapit
o paglayo sa kausap, at iba pa, sa pagbibigay ng mensahe.
f. OBJECTICS- Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang ditto ang
mga elektronikong ekwipment tulad ng celfon, mikropono, telepono, radio, at iba pa.
g. VOCALICS- Ang paglakas-paghina, pagbagal, pagbilis ng tinig, pagbabagu-bago ng intonasyon o
tono, pag-abala o saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na mabisang ipahayg ang mensahe.
h. ICONICS. Paggamit ng mga larawan o sagisag na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Halimbawa
nito ang Trafik lights at iba pang ginagamit na sagisag sa kalsada at iba pa.

EKSPRESYONG LOKAL

- Ito ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng
pilosopiya.
- Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o
pakikipag- usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi
maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.
- Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa: Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.)
Malay mo.
Sayang. (Sayang naman)
Hay naku.
Susmaryosep!
Anak ng ________

Pangkatang Gawain:

1. Mangalap ng mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang anyo ng Di-


Berbal na Komunikasyon. Ilahad ng maayos at malinaw ang ipinapakita
sa larawan.
2. Magtala ng limang Ekspresyong lokal.
3. Mangalap ng mga IMOJI;s ng iba’t ibang Ekspresyon. Isulat ang
kahulugan ng bawat IMOJI.

You might also like