You are on page 1of 7

core

Sanayang
Papel
G11
Regional Office No. VIII - Eastern Visayas
Department of Education
Schools Division Office of Biliran
Larrazabal, Naval, Biliran
SENIOR HIGH SCHOOL

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
(Q1-Week 1)
Schedule: Wednesday, 8:00am to 12:00nn

Name: _____________________
Grade & Section: __________
Date: __________

NOT FOR SALE

1
Aralin:1.1 Mga Konseptong Pangwika : Katuturan ng Komunikasyon
11
Sa sanayang papel na ito, inaasahang sa katapusan ng araling
ito ay matatamo mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika


(F11PT-Ia-85)

Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang


iyong inisyal na kaalaman tungkol sa kasunod na paksa.
Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1. Sa Aking Palagay…


Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, magtala ng iyong sariling kaalaman o opinyon tungkol sa
salitang KOMUNIKASYON. Isulat mo ang iyong sagot sa ContextualizedHLP/ActivitySheet.

KOMUNIKASYON

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon, sa kasunod na bahagi ng


modyul ay ating matutuklasan ang kahulugan ng komunikasyon at iba pang konseptong kaugnay nito.

Kahulugan ng Komunikasyon
Alam mo bang…
Komunikasyon ang tawag sa isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyong kadalasang
ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.
 Ito ay hango sa salitang Latin na “communis” na ang ibig sabihin ay saklaw ang lahat
ng mga bumubuo sa lipunan. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao at grupong may
gantihang kilos at nakikibahagi sa isang panlahat na kultura. (Panopio at Rolda, 1992)
 Ang komunikasyon ay akto ng pagpapahayag ng idea sa pamamagitan ng pasalita o
pasulat na paraan (Webster)
 Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)
 Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o idea sa paraang pasalita o pasulat. (Tanawan, et
al., 2004)
 Bahagi ng komunikasyon ang mga makrong kasanayan. (Pagsasalita, Pakikinig,
Pagbasa, Pagsulat at Panonood)

Katangian ng Komunikasyon
1. Ang komunikasyon ay isang proseso – Ang proseso ng komunikasyon ay nagsisimula sa
pinanggalingan ng isang mensahe (source) tungo sa isang tsanel at sa patutunguhan ng mensahe.
Ang
tumanggap ng mensahe ay magbibigay ng kaniyang balik-tugon kung kaya nauulit ang proseso.
a. Encoding – Ano ang mensahe? Paano ipadadala? Ano-anong mga salita ang gagamitin?
Paano
isasaayos? Anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap?
2
b. Decoding – Ano ang kahulugan ng mensahe? Ano ang inaasahang reaksyon mula sa kaniya?
Paano niya tutugunan at sa paanong paraan niya ito tutugunan?
2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko – Nagbabago ang komunikasyon dahil sa
impluwensya
ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso.
3. Ang komunikasyon ay komplikado – Ito ay dahil sa persepsyon ng isa sa kaniyang sarili, sa
kausap,
iniisip niyang persepsyon ng kaniyang kausap sa kaniya at ang tunay na persepsyon ng kaniyang
kausap sa kaniya.
4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa komunikasyon – Ang
pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon – Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos,
galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe.
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon
a. Panlingguwistika – Pumapatungkol ito berbal (pasulat o pasalita) na pahiwatig gamit ang wika.
b. Relasyunal – Pumapatungkol ito sa di-berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.

Elemento at Proseso ng Komunikasyon


1. Tagapaghatid (Sender/Encoder) – Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan
ng
mensahe o ang mag-e-encode ng mensahe. Ang bisa ng pagpapadala ng mensahe ay
naiimpluwensyahan ng layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, persepyon at kredibilidad ng
nagpadala ng mensahe.
2. Mensahe – Ang mensahe ay naglalaman ng impormasyon, damdamin, opinyon at kaisipan ng
tagapaghatid. May dalawang uri ng mensahe; a. Mensaheng Pangnilalaman/Panlingguwistika b.
Mensaheng Relasyunal o Di-berbal.
3. Daluyan (Tsanel) – Ito ang midyum o daanan ng mensahe. May dalawang kategorya ng daluyan;
a. Daluyang Sensori – Tuwirang paggamit ng mga pandama gaya ng paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at pansalat/pakiramdam.
b. Daluyang Institusyunal – Mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile phone.
4. Tagatanggap (Reciever/Decoder) – Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong nagbibigay-
kahulugan o magde-decode sa mensaheng kaniyang natanggap.
5. Balik-tugon (Feedback) – Tumutukoy ito sa sagutang feedback ng encoder at decoder matapos
nilang
maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe. May tatlong uri ng tugon;
a. Tuwirang Tugon – Tuwiran ang isang tugon kapag ito’y ipinapadala at natanggap agad-
agaran
matapos ipadala at matanggap ang mensahe.
b. Di-tuwirang Tugon – Di-tuwiran kapag ito’y ipinahahayag sa pamamagitan ng anyong di-
berbal gaya ng pagngiti, pagtango o pagkaway ng kamay.
c. Naantalang Tugon – Ito’y mga tugong nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at
matanggap. Halimbawa nito ay ang pagtugon sa pamamagitan ng pagsulat.
6. Potensyal na Sagabal ng Komunikasyon (Noise) – Ito ang mga dahilan kung bakit minsan ay
hindi nagkakaroon ng pagkakaunawaan.
a. Semantikong Sagabal – Ang pagkakaroon ng isang salitang dalawa o higit pa ang kahulugan
halimbawa nito ay ang paggamit ng wika sa maling paraan.
b. Pisikal na Sagabal – Ang ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikal na
kaugnay ng sound system, hindi mahusay na pag-iilaw, hindi komportableng upuan at iba
pa.
c. Pisyolohikal na Sagabal – Hindi maayos na pagbigkas sa mga salita, hindi mabigkas ang
mga
salita, may kahinaan ang boses o may kapansanan.
d. Sikolohikal na Sagabal – Pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga
nakagawiang kulturang maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe.

Sagabal

3
Sender Mensahe Tsanel Mensahe Receiver
(Encoding) (Decoding)

Larawang Guhit 1: Elemento at Proseso ng Komunikasyon


Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Pag-iisip, pag-aalala, pagdama
o mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.
2. Interpersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o
mahigit pang mga tao o sa isang tao at isang maliit na pangkat. Ito ang humuhubog ng ating
ugnayan o relasyon sa ating kapwa.
3. Pampubliko – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isang
tagapagsalita at maraming tagapakinig. Halimbawa nito’y ang miting de avance ng mga
politiko, pagtatalumpati at iba pa.
4. Pangmasa o Pangmadla – Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng malawakang
midya tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan at iba pa.
5. Pang-organisasyon – Ito ay komunikasyong nangyayari sa loob ng isang organisasyon o
samahan. Organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain.
6. Pangkultural – Ito ay komunikasyong nagpapakilala, nagtatanghal o nagpapakita ng kultura
ng isang pangkat o bansa. Aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na
ito.
7. Pangkaunlaran – Ito ay komunikasyon naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa.
Pumapatungkol ito sa industriya, ekonomiya o anomang usaping pangkabuhayan.

Uri ng Komunikasyon
1. Komunikasyong Berbal – Komunikasyong nangangailangan ng paggamit ng wika pasalita
man o pasulat.
2. Komunikasyong Di-Berbal – Komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng mga mensaheng
walang tinataglay na salita.
a) Pasenyas – Kumpas na senyas o simbolo na pamalit sa salitang kumakatawan sa bilang
o numero at anomang mga bantas.
b) Paaksyon – Pagkilos at ekspresyon ng katawan maging ng mukha na mayroong mga
kahulugan.
c) Ginagamitan ng bagay – Paggamit ng mga materyal na bagay upang maglahad ng
mensahe sa tao o malaman ang ipinahihiwatig na simbolo ng mga bagay.

Modelo ng Komunikasyon
1. Modelo ni Berlo – Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelong ito.
Binibigyang-diin ang direksyon ng proseso mula sa pinanggalingan tungo sa tatanggap.
Ipinahihiwatig din dito na ang mensahe o ang pagpapadala at pagtanggap nito ay nakadepende
sa encoding at decoding nito.

Pinanggalingan Tagatanggap
(Source) Mensahe (Receiver)

Encoding Decoding

2. Modelo ni Aristotle – Unang naglatag ng karaniwang modelo ng komunikasyon na kung saan


ang tagapagsalita ay naghahatid ng mensahe sa tagatanggap. Ito ay kaugnay ng sub-prosesong
encoding. May aplikasyon ito sa anomang anyo ng diskurso, pasalita man o pasulat. Batay sa
modelong ito, ang anomang mensahe ay kailangang tuklasin, isaayos at bihisan bago maihatid.
Pagtuklas ng kaalamang lohikal,
emosyonal o etikal. (Discovery)
4
Pagsasaayos ng mga kaalaman sa paraang
estratehikal. (Arrangement)
Pagbibihis ng idea sa malinaw na salita.
(Clothing)
Paghahatid ng mensahe mula sa
pinanggalingan tungo sa tagatanggap.
(Delivery)
3. Modelo nina Claude Shannon at Warren Weaver – ang naging ugat ng lahat ng modelo ng
komunikasyon sa kasaysayan. Matematikal ang ginawang lapit sa paglalarawan ng
komunikasyon nina Shannon at Weaver. Ang bisa ng isang aktong komunikasyon ay
nakasalalay sa wastong kalkulasyon ng mga salik na nakaaapekto rito tulad ng transmitter,
channel, receiver at noise.

Transmitter Receiver
Source Channel Destination
(Encoder) (Decoder)

Noise
Source

Naunawaan mo bang maigi ang aralin? Batid kong oo, ngunit kung hindi, maaari mo ulit itong
balikan upang iyo pang mas maunawaan. Kung oo, halika na’t isagawa mo pa ang kasunod na
gawain upang mas mapayaman mo pa ang iyong kaalaman.

Gawain 2: Ipaliwanag Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo ang iyong sagot sa ContextualizedHLP/
ActivitySheet.

1. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa ating lipunan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag kung bakit nasabing isang proseso ang komunikasyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit nasabing ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko? Magbigay ng patunay nitong


maiuugnay sa tunay na buhay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bakit kaya hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Bakit nasabing komplikado ang komunikasyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Karanasan Ko, Iugnay Ko!


Panuto: Punan ng mga karanasang maiuugnay sa mga sagabal sa komunikasyon.

5
Mga sagabal ng Karanasang kaugnay sa mga Paraan upang maiwasan o maagapan
komunikasyon sagabal ng komunikasyon ang mga sagabal sa komunikasyon
1. Semantiko
2. Pisikal
3. Pisyolohikal
4. Sikolohikal

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa iyong


sagutang papel (ContextualizedHLP/ActivitySheet.) ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon kay ____, ang komunikasyon ay akto ng pagpapahayag ng idea sa pamamagitan ng


pasalita o pasulat na paraan.
A. Bernales et al C. Tanawan et al
B. Ponopio at Roda D. Webster

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa antas ng komunikasyon?


A. Intrapersonal C. Pambubliko
B. Interpersonal D. Pangkalawakan

3. Kaninong modelo ng komunikasyon ang binibigyang-diin ang direksyon ng proseso mula sa


pinanggalingan tungo sa tatanggap?
A. Modelo ni Aristotle C. Modelo ni Berlat
B. Modelo ni Berlo D. Modelo ni Claude Shannon at Warren Weaver

4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa katangian ng komunikasyon? Ang


komunikasyon ay _______.
A. Isang proseso C. Masalimuot
B. Berbal at di-berbal D. Pag-uusap ng mga tao

5. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng elemento o proseso ng


komunikasyon?
A. Sender, mensahe (encoding),tsanel, mensahe (decoding), receiver
B. Sender, mensahe (decoding),tsanel, mensahe (encoding), receiver
C. Sender, mensahe, sagabal, tsanel, receiver, feedback
D. Sender, mensahe, tsanel, receiver, sagabal, feedback

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon
City: Vibal Group, Inc. 2016 Websites:
https://www.scribd.com/doc/130276115/Ang-Rehistro-ng-Wika-pptx
https://quizizz.com/admin/quiz/5dcbea1288a941001df07439/register-ng-wika
DISCLAIMER
This Learning Activity Sheet (LAS) was developed by the Senior High School teachers and passed the Quality Assurance processes of
the Schools Division Office of Biliran with the paramount objective of preparing and addressing the new normal. The contents of the
LAS were based on the Department of Education’s Most Essential Learning Competencies (MELC) and SDO-Biliran’s Budget of Lessons
(BOL). The borrowed materials (i.e., stories, articles, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this LAS are owned by the
respective copyright holders. This is a supplementary material to be used by all Senior High School learners (Grade 11 and 12) of SDO-
Biliran.
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However,
prior approval of the Government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.
Thus, the teachers who wrote, created, compiled, and collected the information herein do not represent nor claim ownership over
them. We highly encourage comments, feedbacks, suggestions and recommendations.

FEDERICO V. ROLE
Caibiran National High School-SY 2021-2022

6
SUSI SA PAGWAWASTO:
GAWAIN 1: Sa aking palagay… Iba-iba ang sagot
GAWAIN 2: Ipaliwanag Mo! Iba-iba ang sagot
GAWAIN 3: Karansan Ko, Iugnay Ko! Iba-iba ang sagot
GAWAIN 4: Pagtataya
1. D 3. B 5. A
2. D 4. A

You might also like