You are on page 1of 5

Aralin 3: Komunikasyon

KOMUNIKASYON

Isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat.


Ang wika ang nagsisilbing kodigo ng komunikasyon upang maihatid ang mensahe sa
kinauukulan.

MGA BUMUBUO SA AKTO NG KOMUNIKASYON

1. Konteksto – Tumutukoy sa mga sitwasyong kinasasangkutan ng isang akto ng


komunikasyon. Mahalagang isaalang-alang ang konteksto sa akto ng
pakikipagkomonikasyon upang maintindihan ang mga pangyayari nito.
a) Pisikal
b) Sosyal
c) Historical
d) Sikolohihal
e) Kultural

2. Mga kalahok – Ito ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa akto o proseso ng


pakikipagkomunikasyon. Sa kanila nagmumula ang kaisipan at damdamin ng mga
kalahok. Maaring siya ang pinagmulan o tagahatid o tumatanggap ng mensahe.

3. Mensahe – Ito ang dahilan ng akto ng komunikasyon. Maaring tumutukoy ito sa


kaalaman, impormasyon o anumang paksang napagtutunan ng pansin at panahon.

4. Tsanel o Daluyan – Nagsisilbing saan o daluyan upang maipahayag ng tagahatid sa


tagatanggap ang mensahe. Tumutukoy rin ito sa paraan ng pagbibigay o paghahatid
ng mensahe sa tagapakinig o tagabasa.

5. Ingay o Sagabal – Ito ang nagpapabagal o nagdudulot ng kalituhan o kawalan ng


tagumpay sa akto ng pakikipagkomunikasyon.
a) Panloob na ingay
b) Panlabas na ingay

6. Fidbak o Tugon – Tumutukoy sa pagtugon ng tagapakinig o mambabasa sa


mensaheng natanggap.
a) Tuwiran
b) Di tuwiran
URI NG KOMUNIKASYON

1. Komunikasyong Berbal – Uri ng komunikasyong kinasasangkutan ng paggamit ng wika


o salita sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
Sa pagpapakahuugan ng mga salita sa komunikasyong berbal, isinasaalang-alang ang
mga sumusunod:
a) Denotasyon
b) Konotasyon

2. Komunikasyong di-Berbal – Sa halip na wika, ang komunikasyong ito ay gumagamit


ng kilos o galaw ng katawan o bahagi ng katawan upang maipahayag ang mensahe sa
kapwa tao.

Mga Anyo ng Komunikasyong Di-Berbal

a. Espasyo o Proxemics - May kaugnayan ito sa distansya o layo sa pagitan ng


nag-uusap gayundin naman sa pook kung saan nagaganap ang pagtatalastasan.
Ang espasyong nabubuo sa pagitan ng mga kalahok ay nagpapahiwatig ng
kahulugan.
• Intimate
• Personal
• Public

b. Simbolo o Iconics – Gumagamit ng mga larawan o sagisag sa


pakikipagtalastasan upang kumatawan sa isang kaisipan.

c. Oras o Chronemics – Nangangahulugang panahon o oras. Isinasaalang-alang


sa komunikasyon ang oras kung kalian ginaganap ang usapan.

d. Paggamit ng mata o Oculesics – May kahulugan ang pagtingin o paggamit ng


mata sa pakikipagkomunikasyon.

e. Pandama o Haptics – Ang paggamit ng pandama o paghawak “sense of touch”


ay nagpapahiwatig ng mensaheng nais ipahayag sa kausap.

f. Katawan o Kinesics - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng galaw, kilos ng katawan


tulad ng pag-iling, pagkaway, pagtango paglapit at paglayo sa kausap at iba pa sa
pagbibigay ng mensahe.

g. Paralanguage – May kaugnayan ito sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ang


paglakas at paghina, pagbagal, pagbilis ng tinig, pagbabago-bago ng intonasyon
o ton, pag-abala o saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na mabisang
ipahayag ang mensahe.

h. Colorics - Komunikasyong ginagamitan ng kulay sa pagpapahayag ng mensahe.


i. Olfactorics – Komunikasyong gumagamit ng pang-amoy sa pagpaparating ng
mensahe.

j. Pictics – Ito ay ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe.

k. Vocalics – Paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng mensahe.

MGA MODELO NG KOMUNIKASYON

Maraming iba’t ibang modelo ng komunikasyon ang maaring gamitin upang


epektibong maipahayag ang sarili sa pakikipagkomunikasyon. Ang mga ilan ditto ay ang
mga sumusunod.

MODELO NI SCHRAMM

Ang modelong ito ay nagpapakita ng two-way process ng komunikasyon. Sa


naturang modelo, ang decoder ay nagiging encoder sa pagkakataong nagkakaroon o
gumagawa siya ng tugon o fidbak.

MODELO NI BERLO
Pag-code Pag-dedecode

SOURCE MESSAGE CHANNEL RECEIVER

Kasanayang Kasanayang
Pangkomuni-
Nilalama Pangkomuni-
Pagtingin
kasyon n kasyon

Mga Atityud Elemento Pag-amoy Mga Atityud

Kaalaman Pagtrato Pagsalat Kaalaman

Sistemang Istruktura Pagdinig Sistemang


Sosyal Sosyal
Mapapansin sa modelo na may mga salik na nakaapekto sa bawat elemento ng
modelo. Depende ito sa paraan ng paggamit ng mga kasangkot, maaring negatibo o
positibo ang epekto nito sa mga elemento ng modelo ng komunikasyon.

MODELO NINA SHANNON AT WEAVER

Pinagmulan
ng Transmiter Tagatanggap
Tsanel Destinasyon
Impormasyon (encoder) (Decoder)

Tinanggap Mensahe
Mensahe Signal
na Signal

Pinagmulan ng
Ingay/Sagabal

MODELO NI SCHRAMM
Nagpapakita ito ng pagiging dinamiko ng komunikasyon, dahil dito ay tuloy-tuloy at
mabilis ang pagbabago. Ang “helix” ay nagrerepresenta ng paraan ng komunikasyong
nagsisimula sa isang indibidwal mula sa pagkasilang hanggang sa kasalukuyan.

MGA MAHAHALAGANG KAISIPAN HINGGIL SA KOMUNIKASYON


1. Isang prosesong closed circuit
2. Dinamiko / nagbabago
3. Komplikado
4. Paghahatid ng mensahe
5. Unibersal / panlahatan
6. Dalawang anyo ng mensahe

You might also like