You are on page 1of 5

Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Introduksiyon sa Komunaksyon: Antas, Prinsipyo, Modelo, Elemento,


at Proseso
Tinatawag ding pakikipagtalastasan and komunikasyon na
tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan
ng dalawa o higit pang tao.
Upang maging matagumpay, ang bawat partisipant ng prosesong
ito ay kailangang makapagpahatid ng impormasyon at maunawaan
ang isa't isa. Kung ang daloy ng komunikasyon ay masasagkaan sa
ano mang dahilan, o kaya'y kung hindi maipauunawa ng isa sa isa
ang kanyang nais sabihin, ang komunikasyon ay mabibigo.
Mga Antas ng Komunikasyon
1 Komunikasyong Intrapersonal
Tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
Sangkot dito ang pag-isip, pag-alala at pagdama, mga prosesong
nagaganap sa internal nating katauhan.
Kapag ika'y napapabulong sa iyong sarili, ika'y
nakikipagtalastasang intrapersonal.
2 Komunikasyong Interpersonal
Nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan ng isang tao at
malit na pangkat.
Malaking bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa ating lipunan
ang nasa uring ito.
Ang uri ng komunikasyong ito ang humuhubog ng ating ugnayan o
relasyon sa ating kapwa.
3 Komunikasyong Pampubliko
Nagaganap sa pagitan malaking pangkat ng mga tao. Ang isang
tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay
nakikipagtalastasang pampubliko.
Ang komunikasyon sa pamamagitan no mga midyang pangmasa
tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan at pelikula ay nasa ilalim din
ng uring ito.
Mga Prinsipyo ng Komunikasyon
1 Ang komunikasyon ay isang PROSESO
2 Ang proseso ng komunikasyon ay DINAMIKO
3 Ang komunikasyon ay KOMPLIKADO
4 MENSAHE, hindi kahulugan, and naipadadala/natatanggap sa
komunikasyon.
5 HINDI MAKAIIWAS ang mga tao sa komunikasyon.
6 May DALAWANG URI NG MENSAHE ang proseso ng komunikasyon.
Dalawang Uri ng Mensahe
Relasyunal - di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin
sa kausap.
Panlinggwistika - pasalita, gamit ang wika.
Proseso ng Komunikasyon

Pidbak

Daluyan/
Enkowder Mensahe Mensahe Dekowder
Tsanel

Mga
Pidbak
Sagabal

Enkowder - Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong


pinagmulan ng mensahe. Siya o sila angtumutukoy sa mensaheng
pinapadala.
Mensahe - Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon. Maaaring
naglalaman ng mga impormasyon, ideya o palagay ang mensahe, o
kaya!y pagpapahatid ng saloobin, damdamin o emosyon.
Daluyan/Tsanel - Ito ang midyum o daanan ng mensahe. May
dalawang kategorya ng mga daluyan ng mensahe. Anguna ay ang
daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at pandama. Angikalawa naman ayang daluyang
institusyunal.
Dekowder - Sa nabanggit na halimbawa, ang pinagsabihan ng
Magandang umaga ang siyang tagatanggap ngmensahe. Siya ang
magbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. Sa
madaling salita, siya angmagde-decode.
Pidbak - Tumutukoy ito sa sagutang feedback ng enkoder at
dekoder matapos nilangmaibigay at maunawaan ang mga hatid na
mensahe.
Mga Sagabal - Ito ang tinatawag sa Ingles na communication noise
o filter.awat proseso ng komunikasyon ay maaaring magkaroon ng
potensyal na sagabal. Ito ang mga bagay-bagay namaaaring
makasagabal sa mabisang komunikasyon o sa komunikasyon
mismo.
Komunikasyon: Mga Anyo at mga Konsiderasyon
Berbal na Komunikasyon
Gumagamit ng mga simbolong napapakinggan o nababasa.
Sakamaktuwid, pasalita at/o pasulat na pakikipagtalastasan ito.
Di-berbal na Komunikasyon
Gumagamit ng mga simbolong nakikita, nararamdaman,
naoobserbahan. Kasama rin dito ang mga bagay sa paligid na
maaaring makaapekto sa interpretasyon sa usapan.
Mga Halimbawa ng Di-berbal na Komunikasyon
Chronemics - ang panggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring
kaakibatan ng mensahe.
Proxemics - maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay
natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao.
Kinesics - Kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan,
tindig at kilos, kumpas ng kamay.
Haptics - paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe;
hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos, at hipo.
Iconics - Paggamit ng mga simbolo sa pagpapahatid ng mensahe.
Colorics - Mga kulay na nagpapahiwatig ng damdamin o
oryentasyon.
Paralanguage - Paraan ng pagbigkas sa isang salita
Oculesics - Aksyon ng mata tulad ng pagtitig, panlilisik at
pagkindat na nagdadala ng kahulugan sa sinumang
katapat/kausap.
Objectics - Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa
pakikipagtalastasan.
Olfactorics - Binibigyang-kahulugan ang amoy bilang isa sa mga di-
berbal na mensahe.
Pictics - Tumutukoy ito sa galaw ng mukha.
Vocalics - Tinutukoy nito ang tono ng tinig (pagtaas at pagbaba),
pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita.
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon: Dell Hymes
Setting - (Saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o
lugar saan naganap ang usapan ay dapatisaalang-alang. Ang paraan ng
pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng
pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan.
Participants - (Sino ang kausap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga
taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan,
damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay,
gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay
nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng
nagsasalita at ng kanyang kausap.
End - (Ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang
interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa
pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng
impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig,
pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin,
pangangarap o paglikha.
Act Sequence - (Paano ang takbo ng usapan?) Ito ang tumutukoy sa
pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari.
Keys - (Pormal ba o impormal ang kausap?) Kung pormal ang isang
okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang
iyong gagamitin?
Instrumentalities - (Ano ang midyum ng usapan, pasalita o pasulat?) Sa
madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng
komunikasyon. Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang
mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon,
magiging kontrolado natin ang hugis at lawak o limitasyon ng mensahe
sa komunikasyon.
Norms - (Ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din
ng isang tao ang paksa ng usapan.
Genre - (Ano ang uri ng pagpapahayag? pagsasalaysay, paglalarawan,
paglalahad o pangangatwiran?) Sa komponent na ito, isinaalang-alang
ang layunin ng participants. Kung ang nais niya ay ang magkwento ng
isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag.

You might also like