You are on page 1of 3

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Komunikasyon

- Ang komunikasyon ay galing sa salitang Latin na communicare (ibahagi) isang proseso


ng pagpapalitan ng impormasyon.
- Pagpapahayag, paghahatid, pagbibigay o pagtanggap ng mensahe sa mabisang
paraan.
- Ito ay binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at nakikinig.
- Ang masining at mabisang pakikipagtalastasan.
- Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolo
na maaaring berbal o di-berbal (Bernales, et.al).
- Ang komunikasyon ay binubuo ng tatlong siklo – ang sender o nagbibigay ng mensahe,
mensahe, at ang resiber o tagatanggap ng mensahe (Aristotle).

Uri ng Komunikasyon
Intrapersonal

- Komunikasyong Pansarili
- Ito ay nagaganap tuwing tayo ay nagkakaroon ng personal na pagninilay, pag-iisip, pag-
aalala, at ebalwasyon sa ating sarili.
Interpersonal

- Ito ay nagaganap sa pamamagitan ng dalawang tao, ng isang tao, at maliit na pangkat.


- Nakikipag-usap sa bawat isa at nagbabahagi ng impormasyon o damdamin.
Pampubliko

- Ito ay nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao


- Ito at may mas malawak na antas.
- Sa komunikasyong ito, inaasahang handa ang tagapagsalita.

Paraan ng Komunikasyon
Berbal na Komunikasyon

- Ito ay uri nng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid
sa pamamagitan ng mga salita.

Di-Berbal na Komunikasyon

- Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa


pamamagitan ng kilos o galaw.
Uri ng Di-Berbal na Komunikasyon
 Kinesics – galaw ng katawan
 Proxemics – distance/espasyo ang pinapahalagahan
 Chronemics – time/oras ang pinapahalagan
 Haptics – touch/haplos
 Objectives – bagay
 Vocalics – may tunog
 Colorics – kulay
 Iconics – simbolo
 Olfactorics – amoy
 Pictics – galaw ng mukha
 Oculesis – galaw ng mata
 Paralanguage – paraan ng pagbigkas ng isang salita

Mga Sagabal sa Komunikasyon


Semantikong Sagabal

- Isang salita na dalawa o higit pa ang kahulugan.


Pisikal na Sagabal

- Ingay sa paligid at distraksyong biswal.


Pisyolohikal na Sagabal

- Suliranin sa katawan ng nagpapadala o tatanggao ng mensahe.


Sikolohikal na Sagabal

- Pagkakaiba-iba ng kinalakhang paligid at nakagawiang kultura.

Elemento ng Komunikasyon
 Tagapagdala ng Mensahe
 Mensahe
 Tsanel
 Ingay
 Tagatanggap
 Tugon

Ilang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa sa komunikasyon


 Setting – Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?
 Participant – Sino sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?
 Ends – Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?
 Act sequence – Paano ang takbo ng usapan?
 Keys – Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?
 Instrumentalities – Anong tsanel ang ginagamit? Pasalita ba o pasulat?
 Norms – Ano ang paksa ng usapan?
 Genre – Ano ang diskursong ginagamit? Nagsasalaysay ba, nakikipagtalo o
ngangatwiran?

Mga Sanggunian
https://www.academia.edu/37154181/KAHALAGAHAN_NG_KOMUNIKASYON
https://tl.fondoperlaterra.org/interpersonal-communication-vs-intrapersonal-communication-150

You might also like