You are on page 1of 17

KOMUNIKASYON

“Ang pinakamahalaga sa komunikasyon ay ang marinig kung


ano ang nasasaloob mo”.
Peter Drucker
ANO ANG KOMUNIKASYON?
-proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pakikipagpalitan ng
ideya, impormasyon, karanasan, damdamin at karanasan sa kapwa.
“Ang komunikasyon ay pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at
pakikibagay sa kanyang kapaligiran. Ang pagsasalita, pakikinig at
pang-unawa ay bahagi ng komunikasyon upang mangyari ang
pagpapalitan ng ideya, impormasyon ng iba.”
“Isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy at nagbabago at
nagpapalitan ng sagot mula sa mga simbolong v berbal.”
-F.E. DANCE 1967-
“Isang proseso na nagbibigay –laya sa mga tao na magpalitan ng
impormasyon sa pamamagitan ng ilang pamamaraan.Ito ay
nangangailangan na ang magkabilang panig ay nagkakaunawaan sa
pamamagitan ng isang kodang ginagamit o kaya’ y lingguahe na
pareho nilang ginagamit.”
-WEBSTER-
SA KABILANG DAKO, SI GERALD GOLDHABER ANG NAGWIKANG ANG KOMUNIKASYON
AY:

Buhay na dugo ng organisasyon


Ang langis na nagpapatakbo sa fanksyon ng organisasyon
Ang sinulid na nagbubuhol sa sistema ng organisasyon
Ang puwersa ng nanaig sa organisasyon
Ang semento ng organisasyon
MENSAHE TSANEL

MODELO AT ELEMENTO NG
KOMUNIKASYON
TAGAHATID TAGATANGGAP

BALIK-TUGON
TAGAHATID NG MENSAHE
-ang nagsisimula ng transaksyon ng komunikasyon at
pinanggagalingan ng mensaheng nais ipabatid. Nakaangkla ang mensahe
ng tagapaghatid sa kanyang katayuan sa lipunan.
MENSAHE
-naglalaman ng talino at damdamin ng tagahatid. Ito ay maaaring
maging berbal o hindi berbal. Maaari itong sa pamamagitan ng
pagngiti at pagtango.
TSANEL
-tumutukoy sa daluyan ng mensahe. Ang limang uri ng pandama ay
maituturing na tsanel ng komunikasyon. Institusyonal naman kung ito
ay sa pamamagitan ng sulat o mga kagamitang elektroniks.
TAGATANGGAP NG MENSAHE
-nagbibigay kahulugan sa mensahe. Masasabing matagumpay ang
pakikipagtalastasan kung naunawaan ng tagatanggap ang nilalaman
ng mensahe ng tagahatid.
BALIK-TUGON
-matagumpay ang proseso ng komunikasyon kung nagkaroon ng balik-
tugon ang tagatanggap ng mensahe.
MGA URI NG KOMUNIKASYON
1.Komunikasyong Berbal. Ang ganitong uri ng komunikasyon ay
nangangailangan ng paggamit ng salita. Naipaapabatid natin an
gating mga ideya o saloobin sa pamamagitan ng wika.
2. Komunikasyong Di- Berbal. Ito ay hindi gumagamit ng wika bagkus ay
mga paggalaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, galaw ng ulo o
pagkuyom ng kamay.
Ayon kina Jurgen Ruesch, may tatlong uri ng komunikasyong di-
berbal:
Sign Language- senyas o kumpas o simbolo na pamalit sa salita.
Action Language- ito ay pagkilos ng katawan na nagbibigay ng
kahulugan.
Object Language- ang paraan ng paggamit ng mga material na
bagay upang kumatawan sa isang mensahe na nais ipabatid.
3.Komunikasyong Ekstra Berbal. Ito ay uri ng pakikipagtalastasan na
gumagamit ng tono o timbre ng boses sa pagbigkasng salita o
pagpapahayag ng damdamin. Ang pagtaas o pagbaba ng tono ay
maituturing na halimbawa nito.
4.Komunikasyong Simbolik. Ito ay binubuo ng mga mensaheng nagbibigay
ng mga bagay na ginagamit upang mailarawan ang katangian o
personalidad ng isang tao.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
1Komunikasyong Intrapersonal-komunikasyong nagaganap sa ating sarili.
Ito ay proseso ng komunikasyon na ang indibidwal mismo ang
naghahatid, tumatanggap at tumutugon sa mensahe para sa
kanyang sarili.
2. Interpersonal na Komunikasyon-proseso na kung saan ang indibidwal
ang nasasangkot sa pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
Komunikasyong Pampubliko o Pangmadla-paghahatid ng mensahe sa
maas malawak na awdyens sa pamamaraang ginagamitan ng
telebisyon, radio, magasin, at iba pang ginagamitan ng teknolohiya.
Multikultural na Komunikasyon-nakapokus ito sa pag-aaral ng iba’t
ibang kultura na nakaiimpluwensya sa komunikasyon na may
relasyon sa iba’t ibang kultura, kasarian, antas ng lipunan na
kinabibilangan. Isinasaalang-alang dito ang globalisasyon, lokalisasyon
at iba pang kailangang tingnan.
AYON KAY DEL HYMES, ANG MGA AKRONIM NG MABISANG KOMUNIKASYON AY
ANG MGA SUMUSUNOD:
SPEAKING
1 . Setting -(Saan nag-uusap)
2. Participant-(Sino ang kausap, nag-uusap)
3. Ends (Ano ang layunin ng usapan) )
4. Act Sequence
5. Keys-(Pormal ba o impormal (Paano ang takbo ng usapan) ang usapan)
6.Instrumentalities(Ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?)
7. Norms-(Ano ang paksa ng usapan
8.Genre-(Ano ang uri ng pagpapahayag?Pagsasalaysay, Paglalarawan, Paglalahad o
pangangatwiran)
LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
Pagpapahayag- pagpapadama o pagbabahagi ng ating iniisip,
saloobin o paniniwala sa kapwa.
Makapanghikayat- mahalaga ang pamamaraang ito sa mga taong
nasa industriya, negosyo at pulitiko.
Makapaglibang- nakapagpapagaan ng kalooban at nagdudulot ng
kasiyahan ang pakikipagpalitan ng kuro-kuro sa kapwa lalo pa’t ang
mga paksa ay parehas na kinagigiliwan.
Magbigay Impormasyon- layuning maghatid o magpabatid ng
impormasyon sa kapwa maging ito ay mabuti o masama.
Makakuha ng Kaalaman- ito ay layunin ng komunikasyon na
makakalap ng impormasyon upang mabigyang kasagutan ang ating
mga katanungan.
Pakikipagkaibigan- ang komunikasyon ay may layuning makabuo ng
ugnayan sa iba’t ibang tao at makahanap ng magiging kaibigan. Ito
ay maaaring sa pamamagitan ng e-mail, facebook at cellphone.
IBA’T IBANG URI NG DI – BERBAL
KINESICS O GALAW NG KATAWAN
Kasama rito ang mga pisikal na aksyon tulad ng pagbabago ng
ekspresyon ng mukha, pagkumpas at paggalaw ng iba pang bahagi
ng katawan.
OCULESICS
Ito ay aksyon ng mata tulad ng pagtititg, panlilisik at pakindat na
nagdadala ng kahulugan sa sinumang katapat/kausap.
PARALANGUAGE
Ang taas o baba, lakas o hina, bagal o bilis ng tinig ay
nakakatulong sa pagpapakahulugan ng pahayag.
HAPTICS
Ginagamit ang paghaplos, paghawak, pagkurot o pagsalat sa
paghahatid ng mensahe.
PROXEMICS
Ginagamit bilang batayan ng komunikasyon ang espasyo. May
kahulugan ang distansya (lapit o layo) ng tao o mga bagay sa isa’t
isa.
Uri ng Proxemic Distance
1.Espasyong Intimate upto 1-1/2ft
2.Espasyong Publik- 12ft o ohigit pa
3.Espasyong Sosyal-4-12ft.
Espasyong Personal 1 ½-4 ft
CHRONEMICS
May mensahe ring hatid ang paggamit ng oras o petsa, ang tagal
ng pagsasagawa ng isang gawain at pagtupad sa itinakdang oras ng
pagkikita.
A.Teknikal o siyentipikong oras- ginagamit sa laboratoryo
B.Pormal na oras-tumutukoy sa kung paano binibigyan ng ng
kahulugan ang kultura,hal.sa kultura ng oras, hinahati it sa segundo,
minuto oras, araw, linggo, buawan at taon
C.Impromal na oras-medyo maluwag sapagkat hindi eksakto hal.
Magpakailanman, agad-agad,
D.Sikolohikal na Oras- tumutukoy sa kahalagahan ng oras sa
nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap.
PISIKAL O PERSONAL NA ANYO
May ipinababatid na mensahe ang pagpili at paraan ng pananamit
at ayos ng tao.
ICONICS
Ito ay kinabibilangan ng mga bagay, simbolo at larawan na may
kahulugan sa sinumang tumitingin at umuunawa.

You might also like