You are on page 1of 61

ANG KOMUNIKASYON

KAHULUGAN NG
KOMUNIKASYON

• Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare


na ang ibig sabihin ay maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa
mensaheng kilos o pangyayari.

• Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng


pakikipag-ugnayan. At ang prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at
ang bawat elemento/sangkot sa komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t
isa.
URI NG KOMUNIKASYON
• 1. Berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang
impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring
pasulat o pasalita.
• 2. Di berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang
impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.
• 3. Komunikasyong Biswal. Ito ay isang uri ng komunikasyon kung saan ang
impormasyon ay naibabahagi o naihahahtid sa pamamagitan ng larawan, o simbolo
na maaring kumatawan sa salita.
•ELEMENTO NG
KOMUNIKASYON
1. KALAHOK/PARTISIPANTE.

• Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa


proseso ng komunikasyon.
Sender/Source- tagapagdala ng mensahe
Receiver- Tagatanggap ng mensahe
2. MENSAHE.

• Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng


tagatanggap ng mensahe.

• Maaari itong berbal , di- berbal o biswal na mensahe


3. TSANEL.
• Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe
mula sa tagapaghatid ng mensahe.
• Sensory Organs- pandinig, paningin, at pandama
• Mediated Channel- pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet
4. INGAY O INTERFERENCE.
• Ang isang o interference ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing
sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito
nakapaloob sa tunog.

• Sakop nito ang pisikal/teknikal na sagabal, semantikong sagabal,


pisyolohikal na sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal na sagabal.
5. TUGON O FEEDBACK.
• Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng ipinadala ng
sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay
maaari ring berbal (pasalita/pasulat) at di- berbal (simbolo).

Uri ng Feedback
• Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.
• Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika.
PROSESO NG KOMUNIKASYON

• Nagmumula ang mensahe sa nagpapadala. Daraan ito sa proseso ng pag-iisip ng ideya upang
magkaroon ng mensahe na maihahatid sa tumatanggap. Maaaring makaapekto sa nagpapadala
ang kasanayang pangkomunikasyon, ugali, kapaligiran at kultura.

• Ang tumatanggap ng mensahe ay kinakailangang tumugon dito. Layunin ng komunikasyon na


maihatid o mapaabot ang mensahe sa pinagtutungkulan nito.

• Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon o fidbak. Sa pagdadala


ng mensahe, maaaring gumamit ng kasangkapan sa paghahatid tulad ng wika , kilos at galaw.

• Ang proseso ay mauulit at ang tumanggap ay magiging tagapagpadala na ng mensahe.


• -
1. TAGAHATID

-ang tagahatid ng mensahe ang pinagmumulan ng mensahe o ang nagpapadala ng


mensahe (impormasyon)

-siya din ang nagpapasya kung ano ang layunin niya sa pakikipag-usap

-siya angbumubuo ng mensahe kaya tinatawag din na "enkoder"


-kung ikaw ang tagahatid o ang pinagmumulan ng mensahe dapat lang ay ma "aware"
ka kung sino ang kausap at kung ano ang inyong pinag-uusapan upang kayong dalawa
ay magkaintindihan
2. MENSAHE

-ito ang ipinapadala na impormasyon ng tagahatid sa tagatanggap
-maaring masaya, malungkot, impormatibo at iba pa na gustong ipahatid ng
tagahatid sa tagatanggap

-ikinokonsidera dito ang katayuan ng isang tao
3. TSANEL

-ang daluyan ng mensahe

-ikinokonsidera dito kung anong paraan ang gagamitin upang maihatid


ang mensahe

-maaring verbal o di-verbal


4. TAGATANGGAP

-ang pinadadalhan ng mensahe

-ang nag-iinterpret o ang nagbibigay kahulugan sa mga mensahe kaya


tinatawag na "dekoder"
5. GANTING MENSAHE
"FEEDBACK"

-proseso ng pagbabalikan ng mensahe, ang patuloy na paghahatid ng


mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon
6. SITWASYON NG KONTEKSTO

-ang pinakamahalagang elemento dahil naapektuhan nito ang iba pang
mga elemento kasama na ang buong proseso ng komunikasyon

-kinokonsider dito ang lugar na ginaganapan


7. SISTEMA

• Pagkakaroon ng ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng


proseso ng komunikasyon

-ito ang nagsasabi kung success ba ang o hindi ang inyong pag-
uusap.

•  
MGA HADLANG "BARRIERS"

1. tagahatid -maaring kinakain ang salita

2. mensahe- kulang ang impormasyon na ipinadala

3. tsanel- example. (kung cellphone ang gamit tapos di nakapag-reply dahil


wala ng load. maaring maputol ang komunikason dahil hindi na nakareply
ang isa)
MGA HADLANG "BARRIERS"

4. katayuan ng isang tao- mahalaga na malaman mo ang katayuan ng sang tao


upangmalaman mo kung ano ang iyong midyum na gagamitin sa pakikipag-usap

5. lugar- example (maaring sa palengke ay napaka-ingay at ang kaibigan mo ay may


sinasabi sa iyo ngunit hindi mo ito narinig kaya wala kang nasagot sa kanya. maaring
dahil dito ay hindi makapagpatuloy ang inyong pag-uusap)

6. edad- mahalaga na malaman upang maiangkop ang wikang gagamitin


LEBEL NG KOMUNIKASYON (I-I-K-P-K)

• Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang “LAWAK NG


KOMUNIKASYON”.

• Ito ay tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng


komunikasyon o lawak na sakop ng komunikasyon.
1. INTRAPERSONAL NA
KOMUNIKASYON.
• Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi maikakailang
ang ganitong lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay na likas sa isang
indibidwal ang maging rasyonal. (panaginip, meditasyon,
kontemplasyon)

• a. Internal na Diskurso
• b. Isahang Pasulat na Komunikasyon
• c. Isahang Pasalitang Komunikasyon
2. INTERPERSONAL NA
KOMUNIKASYON.
• Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga ideya batay
sa karanasan, trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon kina Knapp
at Daly (2000) ang mga sangkot dito may malinaw na relasyon sa isa’t
isa.

• Sa lebel na ito mahalaga ang pakikinig at pagtugon upang makabuo ng


relasyon ayon kina Verderber.
3. KOMUNIKASYONG
PANGGRUPO.
• Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng komunikasyon na
kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao Kung saan ang proseso ng
komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na
pamamaraan.
4. PAMPUBLIKONG
KOMUNIKASYON.
• Lebel ng komunikasyon na pormal (planado ang pagdiriwang) na
maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng mahigit 20 tagapakinig. Sa lebel
na ito ay inaasahang handa ang tagapagsalita.
5. KOMUNIKASYONG
PANGMADLA.
• Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa tagapaghatid
ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga
tagapakinig/manonood.

• Ito ay isang uri ng mediated communication. At itinuturing bilang


pinakapormal at pinakamagastos na lebel ng komunikayson.
6. KOMUNIKASYONG INTERKULTURAL

• Ito ay tumutukoy sa komunikasyon sa pagitan ng mga taong nabibilang


sa iba’tibang kultura, kabilang na din ang iba’t-ibang kultura na
matatagpuan sa isang bansa.
DI-VERBAL

• -Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag
ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita, titik o tunog.

• -Ayon kay E. Saphir, ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo
na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
IBA’T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA
KOMUNIKASYON
1. KINESIKA (KINESICS).
• Ito ang pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na
iba’t ibang bahagi ng ating katawan.

• Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay


naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba. (kilos ng
katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay)
KINESIKA
• Ekspresyon ng Mukha- Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka
ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung
naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang
ipinapahayag.

• Galaw ng Mata- Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng
ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
KINESIKA
• Kumpas- Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at
kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol,
magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-
alitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba.
Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at
nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.

• Tindig o Postura- Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha


kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
2. PROKSEMIKA (PROXEMICS)
• Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansya, isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
3. PANDAMA O PAGHAWAK
(HAPTICS)
• Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay
nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong
malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-
loob. Halimbawa: - Pagyakap - Paghaplos
4. PARALANGUAGE
• - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
• - Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga
salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot,
buntung- hininga, ungol at paghinto.
• - Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay
kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.
•
5. KATAHIMIKAN/HINDI PAG-
IMIK
•  Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita
na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-
imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.

• May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng
iba.
•  Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao
sa ibang tao.
6. KAPALIGIRAN
•  Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng
tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.
•  Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,
kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.
•  Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang
magaganap na pulong, kumperensya o seminar.
7. BAGAY (OBJECTICS)
• paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng
pagbibigay ng isang partikular na bagay nailalahad ang intensyon at
mensahe na nais iparating ng isang tao.
8. KULAY (CHROMATICS)
• maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon ang kulay ng
isang bagay na suot o ibinibigay ng nais magparating ng mensahe.
9. SIMBULO (ICONICS)
• mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp. na may
mensaheng nais iparating sa mga makakakita nito.
MODELO NG KOMUNIKASYON
MODELONG SMCR

Taong 1960 nang ipakilala ni David K. Berlo ang modelong ito.


Sa modelong ito ay tinatalakay ni Berlo ang iba’t ibang
elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon kung saan
bawat elemento ay taglay-taglay ang kaukulang attributes.
Linear ang paglalarawan ni Berlo sa proseso ng komunikasyon
batay sa modelong ito.
MODELONG SMCR
MODELO NI HAROLD LASSWELL
Ang modelong ito ay gawa ni Harold Lasswell. Sinasabi ng modelo ni
Lasswell na ang isang proseso ng komunikasyon ay maipapaliwanag nang
mabuti sa pamamagitan ng mga tanong na:

SAY’S IN WHICH TO WITH


WHO? WHAT? CHANNEL
WHOM? WHAT
?
EFFECT
?
MODELO NI WILBUR SCHRAMM
Sa modelong ito, ipinahihiwatig na bawat taong sangkot sa isang
sitwasyong pangkomunikasyon ay may kanya-kanyang field of
experience na maaaring makaapekto sa bisa ng proseso ng komunikasyon.
Binigyang diin ni Schramm ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
komon na karanasan sa pamamagitan ng madalas na komunikasyon.

“The more the sender and receiver share a common field of


experience, the more tendency for their communication to be
effective.”.
MODELO NI SCHRAMM
SHANNON-WEAVER
MATHEMATICAL MODEL
Matematikal naman ang ginagawang paglalarawan sa proseso ng
komunikasyon nina Claude Shannon at Warren Weaver. Ito ay ipinakilala
noong1949.Binubuo ito ng 6 na mahahalagang elemento upang
ipaliwanag ang proseso ng komunikasyon. Gaya ng INFORMATION
SOUCE, TRANSMITTER, CHANNEL, RECEIVER,
DESTINATION at NOISE.
Ipinahihiwatig nila sa modelong ito na ang bisa ng isang aktong
pangkomunikasyon ay nakasalalay sa wastong kalkyulasyon ng mga salik
na nakakaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver at noise.
SHANNON-
WEAVER
MATHEMATICAL
MODEL

In face-to-face conversation, I am
the information source, my mouth is
the transmitter, the signal is the
sound waves, and your ear is the
receiver; noise would include any
distraction you might experience as I
speak.
SHANNON-WEAVER
MATHEMATICAL MODEL

According to Shannon and Weaver's model a message begins at


an information source, which is relayed through a transmitter,
and then sent via a signal towards the receiver. But before it
reaches the receiver, the message must go through noise (sources
of interference). Finally, the receiver must convey the message to
its destination.
TEORYANG KULTIBASYON
Ang teoryang ito ay ipinakilala ni George Gerbner at Larry Gross. Nakapokus ito sa
negatibong epekto ng telebisyon sa mga manonood na babad sa ganitong uri ng media.
Sa katunayan, ipinapalagay na malaki ang nagiging impluwensya ng telebisyon upang
mahubog ang isipan ng bawat indibidwal sa kung ano nga ba ang tunay na mundo, Sa
madaling salita, kaagad tinatanggap ng mga manonood ang mga impormasyong
ibinibigay ng media tungkol sa mga negatibong nangyayari sa kanyang lipunan.

Light Viewers (2 oras pababa)


Medium Viewers (2-4 na oras)
Heavy Viewers (4 na oras pataas)
TEORYANG UNCERTAINTY
REDUCTION
Ipinapaliwanag ng Uncertatity Reducation Theory na taglay ng
bawat tao ang pagnanais na maibsan ang nararamdamang
uncertainty sa isang sitwasyon. Kaya naman iba’t ibang
pamamaraan ang kani-kanilang naiisip upang makakuha ng
impormasyon ukol sa isang tao nang sa ganoon ay unti-unting
mabawasan ang uncertainty sa isa’t isa. Ayon sa mga eksperto,
mahalaga ang pagbabawas ng uncertatainty upang mapaunlad
ang isang relasyon.
SPEAKING NI DELL HYMES
Ang sosyolohistang si Dell Hymes ay nagdebelop ng isang modelo sa pagsusuri ng diskurso
bilang isang serye ng sitwasyon at akto ng pagsasalita sa loob ng isang kontekstong kultural.
Ito ay ibinatay niya sa salitang SPEAKING.

S-etting at Scene
P-artisipante
E-nds
A-ct Sequence
K-eys
I-nstrumentalities
N-orms
G-enre
SPEAKING NI DELL HYMES

SETTING at SCENE (Saan Nag-uusap?) Ang setting ay


tumutukoy sa panahon at lugar ng akto ng pagsasalita.
Samakatuwid, ito ang pisikal na mga pinangyayarihan ng
talastasan. Isang halimbawa nito ang klasrum. Samantala, ang
scene ay psychological setting o cultural definition ng isang
senaryo, kabilang na ang mga katangian gaya ng lawak o saklaw
ng pormalidad at pagka-seryoso.
SPEAKING NI DELL HYMES

PARTISIPANTE (Sino ang Kausap?) Sila ang ispiker at


awdyens. Paglilinaw, gumawa ng distinksiyon ang mga
linggwista sa kategoryang ito.

ENDS (Ano ang Layunin?) Sakop nito ang layunin, hangarin at


kalalabasan ng proseso ng komunikasyon.
SPEAKING NI DELL HYMES

ACT SEQUENCE (Takbo ng Usapan). Ito ay anyo ng


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. May mga usapang
nagsisimula sa biruan, napupunta sa asaran, humahantong sa
pikunan at nauuwi sa awayan.

May usapang nagsimula sa kindatan, napunta sa pagpapakilala,


humantong sa kwentuhan, at nauwi sa ______________.
SPEAKING NI DELL HYMES

KEYS (Pormal o Impormal?) Nakakita ka na ba ng isang


taong nakashort sa isang kumperensiya o seminar sa isang
kilalang unibersidad? O di kaya ay isang taong naka-gown o
barong habang naglalaro ng basketball? Kung pormal ang
okasyon, paano ka makikipag-usap? Ano ang mga salitang
gagamitin mo?
SPEAKING NI DELL HYMES

INSTRUMENTALITIES (Ano ang Midyum ng Usapan?)


Tumutukoy sa tsanel o daluyang gagamitin ng mga kalahok sa
pakikipagtalastasan. Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan
ang isang telenobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text?
Susulat ka ba sa fire station upang sabihing may sunog na
nagaganap sa inyong lugar?
SPEAKING NI DELL HYMES

NORM (Ano ang Paksa ng Usapan?) Mahalagang malaman


ng isang indibidwal ang paksa ng usapan bago siya makisali sa
naturang talastasan. Tandaan, minsan mas makabubuting itikom
ang bibig kung hindi maka-relate sa usapan kaysa magsimula ka
pa ng kalituhan o kaguluhan.
SPEAKING NI DELL HYMES

GENRE (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo ba?


Nagmamatuwid? Naglalarawan?) Mahalagang malaman ng
isang tao ang genre na ginagamit ng kanyang kausap nang sa
gayo’y malaman din niya kung ano ang genre na kanyang
gagamitin.
MARAMING SALAMAT!

You might also like