You are on page 1of 29

BATAYANG KAALAMAN SA

KOMUNIKASYON
Kahulugan ng Komunikasyon
 Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”.

 Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng


karaniwang simbolo.

 Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng ng mga mensahe sa pamamagitan ng cues na maarin


verbal o di-verbal.

 Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa
nakikinabang nang walang lamangan.

 Ito ay pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang


pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
Kahalagahan ng Komunikasyon

Kahalagahang Panlipunan

 Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng taoay nakasalalay sa paraan ng kanyang


pakikipagunawaan. Pinatatag din ng pakikipag-unawaan ang kalagayan at binibigyang-
halaga ang pagkatao. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at
pakikisalamuha sa iba, nakagagawa siya ng desisyon tungkol sa anumang bagay: sa
kabuhayan, relihiyon, edukasyon at pulitika.

Kahalagahang Pangkabuhayan

 Anumang propesyon upang maging matagumpay, ay nangangailangan ng mabisang


pakikipagtalastasan.
Kahalagahan Pampulitika

 Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng pulitika sapagkat ito ang gamit ng tao
upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa bayan at maipaabot sa
kinauukulan. Kailangan din ito upang maliwanag na masulat at maipatupad ang mga
batas.
Mga Uri ng Komunikasyon
BERBAL na Komunikasyon
 Ito ay isang pormal o intelektuwalisadong kapamaraanang
sumasailalim sa estraktura ng wika. Tuntunin nito na
maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating sa
anyong pasulat o pasalita.
 Ito ay ginagamitan ng salita o wika at mga letrang sumisimbolo
sa kahulugan ng mensahe.
Halimbaw:
“Gising na! Baka mahuli ka sa klase.”
DI-BERBAL na Komunikasyon

Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan


ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe ng hindi
ginagamitan ng salita o titik.
Ayon kay E. Sapir: and di-berbal na komunikasyon ay
detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit
nauunawaan ng lahat.
Halimbawa:
kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kilay, pagtitig at iba
pa.
Mga Uri ng DI-BERBAL na Komunikasyon:
• Kinesics
• Proxemics
• Chronemics
• Haptics
• Paralanguage
• katahimikan
• Kapaligiran
• Iconics
• Colorics
• Objectics
1. Kenisics – pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.

a. Ekspresyon ng Mukha “nagpapakita ng emosyon”


Halimbawa: masaya kung siya ay nakangiti, malungkot naman kung umiiyak

b. Galaw ng mata
- Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nagiiba ang mensaheng
ipinahahayag batay sa tagal, diresksyon at kalidad ng kilos ng mata.

c. Kumpas “galaw ng kamay”


• Regulative – kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro
• Descriptive – kumpas na maaring naglalarawan sa isang bagay
d. Tindig o Postura
- Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong
klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
b. Galaw ng mata
a. Ekspresyon ng mukha

c. Kumpas

d. Tindig o Postura
2. Proxemics
- Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward
T. Hall (1963), isang antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay
nasa pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga
estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-uusap sa pagitan ng dalawang
magkaibigan.

Uri ng Proxemic Distance


1. Espasyong Intimate up to 1- ½ ft.
2. Espasyong Publik- 12 ft. o higit pa
3. Espasyong Sosyal- 4 -12 ft.
4. Espasyong Personal- 1- ½ - 4 ft.
3. Chronemics o Oras
Tatlong uri ng Kultura ng Oras
a. Teknikal o siyentipikong oras
Eksakto.

b. Pormal na Oras
Nagpapakita ng kahulugan ng kultura. Halimbawa, sa kultura ng ating oras, hinahati
ito sa segundo, minuto,
oras, araw, linggo, buwan at taon.

c. Impormal na Oras
Ay medyo maluwag sapagkat hindi ito eksakto.

d. Sikolohikal na Oras
tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sanakaraan, sa kasalukuyan at sa
hinaharap.
4. Haptics (Pandama o Paghawak)

- Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay


nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa
isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.

Halimbawa:
- Pagyakap
- Paghaplos
- Pisil
- Tapik
5. Paralanguage
- Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis
pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at
paghinto.
- Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop
sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.

Halimbawa:
bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses, kasama rin sa
bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto
6. Katahimikan / Hindi Pag-imik
- Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa
tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa
pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na
sasabihin pa ng tagapagsalita.

- May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang
kalooban ng iba.

- Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng


isang tao sa ibang tao.
7. Kapaligiran

- Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang


maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.

- Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at


iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.

- Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o dipormal ang magaganap na
pulong, kumperensya o seminar.
8. Iconics o Simbolo
- Mga simbolo sa paligid na may malinawna mensahe
Halimbawa: Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.

9. Colorics o Kulay
- Nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

Halimbawa:
kulay asul at pula sa bandila ng pilipinas

10. Objectics o Bagay


-Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mg
elektronikong ekwipment.
Mga Proseso at Sangkap ng Komunikasyon

 Tagahatid/enkoder
 Mensahe
 Mga Tsanel
 Tagatanggap/dekoder
 Ganting mensahe o feedback
 Mga hadlang/barriers
 Sitwasyon o Konteksto
 Sistema
Mga Proseso at Sangkap ng Komunikasyon
1. Tagahatid/ Enkoder
-nagpapadala o ang pinagmumulan ng mensahe
-bumubuo sa mensahe
-nagpapasya sa layunin
2. Mensahe
- ang ipinadadalang salita
3. Tsanel
-daluyan ng mensahe
-verbal o di verbal
4. Tagatanggap/dekoder
-tumatanggap sa mensahe
-nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan sa mensahe
5. Ganting Mensahe o feedback
-proseso sa pagbabalikan ng mensahe
-ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa bawat panig ng
kasangkop sa komunikasyon
6. Mga Hadlang o barriers
-tagahatid
-mensahe
-tsanel
7. Sitwasyon o Konteksto -katayuan
- pinakamahalang elemento -lugar
-edad

8. Sistema
- nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na nalikha sa
pamamagitan ng proseso ng komunikasyon.
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

S.P.E.A.K.I.N.G.
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

S - Setting

Saan nag-uusap? Isaalang-alang ang


pook, kung saan nag-uusap, maaring
malakas o mahina na boses na
gagamitin.
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

P - Participants

Sino ang nag-uusap?


Mahalagang bigyan pansin
kung sino ang mga nag-uusap.
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

E- Ends

Ano ang layunin sa pag-uusap?


Isaalang-alang ang paggamit ng
wika, ang tono ng wika at
ekspresyon ng mukha.
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

A – Act of Sequence

Paano ang takbo ng usapan?


Paano sisimulan ang
komunikasyon?
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

K - Keys

Pormal ba o impormal ba ang


usapan? Isaalang-alang kung sino
ang taong kausap.
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

I - Instrumentalities

Ano ang midyum ng usapan?Pasulat ba o


pasalita? Mahalagang malaman kung ano ang daanan o
tsanel ng komunikasyon na siyang may kontrol o
nagbibigay ng limitasyon ng mensahe o impormasyon sa
komunikasyon.
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

N – Norms

Ano ang paksa o tapik ng


usapan? Kilalanin natin
kung sino ang kausap.
Mga Bahagi ng Mabisang Komunikasyon

G - Genre

Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo?


Naglalarawan? Kailangan mabagid ng
kausap kung siya ay nagpapaliwanag,
nakikipagtalo o nagsasalaysay .

You might also like