You are on page 1of 28

Antas ng Komunikasyon

Intrapersonal - pakikipagusap sa sarili; pinakamababang antas; tumutukoy sa pakikipag-usap ng


indibidwal sa sarili-sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay
kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.

Interpersonal - pakikipagusap sa ibang tao; pakikipagtalastasan sa iba't-ibang indibidwal.

Pampubliko - pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang valedictory address

Pangmasa - panglahatan; halimbawa nito ay ang SONA

Pangorganisasyon - para sa mga grupo

Pangkultura - pakikipagusap tungkol sa kultura

Pangkaunlaran - ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.

KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

1.Ang komunikasyon ay nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang


kanyang nadarama.

2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa


perspektiba

3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo, dingding,


tubig o pulo man ang pagitan.

4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan.

5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang


buhay.

6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.

KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

-Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig sabihin ay
maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.

-Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan. At
ang prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa
komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t isa.
URI NG KOMUNIKASYON

1. Berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay


naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita.

2. Di berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay


naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.

ELEMENTO NG KOMUNIKASYON (K-M-T-I-T)

1. Kalahok/Partisipante. Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng


komunikasyon.

Sender/Source- tagapagdala ng mensahe

Receiver- Tagatanggap ng mensahe

2. Mensahe. Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng tagatanggap


ng mensahe. Maaari itong berbal at di- berbal na mensahe.

3. Tsanel. Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe mula sa


tagapaghatid ng mensahe.

Sensory Organs- pandinig, paningin, at pandama

Mediated Channel- pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet

4. Ingay o Interference. Ang isang o interference ay elemento ng komunikasyon na


nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa
tunog. Sakop nito ang pisikal/teknikal na sagabal, semantikong sagabal, pisyolohikal na
sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal na sagabal.

5. Tugon o Feedback. Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng


ipinadala ng sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal (pasalita/pasulat) at di-
berbal (simbolo).

Uri ng Feedback

Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.

Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika.

PROSESO NG KOMUNIKASYON

-Source(message) - Encoding(message) - Channel(message) - Decoding(message) -


Receiver(message) – Feedback-
Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano
isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.

Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya,
paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.

LEBEL NG KOMUNIKASYON (I-I-K-P-K)

Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang “LAWAK NG KOMUNIKASYON”. Ito ay


tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon o lawak na sakop
ng komunikasyon.

1. Intrapersonal na Komunikasyon. Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi


maikakailang ang ganitong lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay na likas sa isang
indibidwal ang maging rasyonal. (panaginip, meditasyon, kontemplasyon)

a. Internal na Diskurso

b. Isahang Pasulat na Komunikasyon

c. Isahang Pasalitang Komunikasyon

2. Interpersonal na Komunikasyon. Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng


mga ideya batay sa karanasan, trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon kina Knapp at
Daly (2000) ang mga sangkot dito may malinaw na relasyon sa isa’t isa. Sa lebel na ito
mahalaga ang pakikinig at pagtugon upang makabuo ng relasyon ayon kina Verderber.

3. Komunikasyong Panggrupo. Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng


komunikasyon na kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao. Kung saan ang proseso ng
komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na pamamaraan.

4. Pampublikong Komunikasyon. Lebel ng komunikasyon na pormal (planado ang


pagdiriwang) na maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng mahigit 20 tagapakinig. Sa lebel na ito
ay inaasahang handa ang tagapagsalita.

5. Komunikasyong Pangmadla. Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa


tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga
tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated communication. At itinuturing bilang
pinakapormal at pinakamagastos na lebel ng komunikayson.

DI-VERBAL
-Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag
ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita, titik o tunog.

-Ayon kay E. Saphir, ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na
hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.

IBA’T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON

1. Kinesika (Kinesics). Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang
paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa
pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating
iparating sa iba. (kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos,
kumpas ng kamay)

Ekspresyon ng Mukha- Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti,


malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o
nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag.

Galaw ng Mata- Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng
ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.

Kumpas- Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang


magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o
papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga pagpapakita ng
karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang
tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang
paghahatid ng mensahe.

Tindig o Postura- Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung


anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.

2. Proksemika (Proxemics) Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansya, isang


katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.

3. Pandama o Paghawak (Haptics) Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon.


Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa
isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob. Halimbawa: - Pagyakap -
Paghaplos

4. Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita

- Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng
pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung- hininga, ungol at paghinto.

- Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa
pagbigkas ng mga salita o pangungusap.
5. Katahimikan/Hindi Pag-imik  Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang
sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe
na sasabihin pa ng tagapagsalita.

 May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng
iba.

 Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa
ibang tao.

6. Kapaligiran  Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang


maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.

 Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa


ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.

 Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong,
kumperensya o seminar.

7. Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon. Sa pamamagitan


ng pagbibigay ng isang partikular na bagay nailalahad ang intensyon at mensahe na nais
iparating ng isang tao.

8. Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon ang kulay ng


isang bagay na suot o ibinibigay ng nais magparating ng mensahe.

9. Simbulo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp. Na may
mensaheng nais iparating sa mga makakakita nito.

WIKANG PAMBANSA

Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang
bansa.

-Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang


wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa.

-1934-mainit na pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal ang


pagpili sa WP.
-Grupo ni Lope K. Santos – iminungkahi nila na ang WP ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral
na wika sa Pilipinas(sinusugan ni MLQ-pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas)

1935-ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na


nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyo 3 ng SB 1935

Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3

"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang


wikang pambansa na batay sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana
ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal".

-Batas Komonwelt Blg. 184-batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte (nagtatatag ng


Surian ng Wikang Pambansa)

“Pag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning mapaunlad at mapagtibay ng


isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas,
mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino”

Ang wikang pipiliin ay dapat:

1. Wika ng sentro ng pamahalaan

2. Wika ng sentro ng edukasyon

3. Wika ng sentro ng kalakalan

4. Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan

Walong Pangunahing Wika sa Bansa

Tagalog

Cebuano

Ilokano

Hiligaynon
Bikol

Samar-Leyte o Waray

Pampango o Kapampangan

Pangasinan o Pangalatok

Disyembre 30, 1937

Pinili at iprinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong


pambansang wika.(magkakabisa pagkaraan ng 2 taon)

1940(2 taon ang nakalipas)

Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa(tagalog) sa lahat ng pampubliko at pribadong


paaralan sa buong bansa.

Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?

-Isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging batayan ng ating wikang Pambansa.

-Tumutugma sa mga pamantayan sa pagpili natin ng wikang tagalog.

Hunyo 4, 1946

Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas.
Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570.

Agosto 13,1959

-Ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang KAUTUSANG


PANGKAGAWARAN BILANG 7(Tagalog-Pilipino).
1972

-Muling nagkaroon ng mainit na pagtatalo na nagbunsod sa probisyong pangwika sa Saligang


Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3 blg. 2

Saligang Batas ng 1973

-Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal
na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO.

1987

-Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang


Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng
paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.

Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika’’.

WIKANG OPISYAL

•Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.

•Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang


bansa sa daigdig.

•Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman
kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang
pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng
pagsaalang-alang ng ibat' ibang salik.

•Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa
opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?

•Batas Komonwelt blg. 570

Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946

•Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3)

“Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na
wika.”

Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7)

“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles…”

WIKANG PANTURO

•Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.

•Ito ang wika ng talakayang guro-mag-aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil
dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase.

•Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan.

Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga
paaralan.

Mother Tongue- Based Multi-Lingual Education

•Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal
na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.
•Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan:

A) Bilang hiwalay na asignatura

B) Bilang wikang panturo

Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din
sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at
kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural”

Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wika?

•Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988)

Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon.

•Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957)

idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang
Pambansang Buwan ng Wika

•Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996)

Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag


atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo at
pamantasan.

BARAYTI NG WIKA

•Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit


nito, maraming baryasyon na wika

•Homogeneous na Wika – nagsasabing ang wikang “pormal” ay iba sa “naimbentong” wika

Ano ito?
•Ito ay ipinaliliwanag ng teoryang sosyolinggwistik bilang batayan ng heterogenous na wika.

•Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng
kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

•May dalawang dimensyon ang baryabiliti nito: heograpikal at sosyal (Constantino, 2006)

Dayalek ay ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong
wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook,
malaki man o maliit.

Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din
itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro na tinatawag na jargon. Ang jargon
ay ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng Gawain

Idyolek

•Indibidwal na paraan/istilo ng paggamit ng wika

•Ang pidgin ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang
dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay
nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift

.PIDGIN

•Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
(nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito
bilang kanilang unang wika.

Iba pang Barayti

•Ekolek – wika sa bahay

•Etnolek – wika ng mga etnolinggwistikong grupo


•Register – wikang ginagamit sa isang partikular na domeyn na may tiyak na
pagpapakahulugan

MGA GAMIT NG WIKA

Michael A. K. Halliday

•Siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera.

•Pinag-aralan niya ang wika at literaturang Tsino .

•Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng gramatika
na gamitin at kilala sa daigdig.

•May pitong tungkulin o gamit ang wika na kailangang pagtuunan ng pansin.

•Kailangang sanayin ang sarili sa mga ito sapagkat ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay
nangangailangan ng paggamit ng isa o higit pang tungkulin.

Instrumental

Tumutugon sa mga pangangailangan

Pasalita: pag-uutos

Pasulat: liham-pangangalakal (liham na humihiling o umoorder ng mga aytem)

Regulatori

Kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba

Pasalita: pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala


Pasulat: resipe, panuto sa pag-eenrol

Heuristiko

Naghahanap ng mga impormasyon o datos na magpapayaman ng kaalaman.

Pasalita: pagtatanong, pananaliksik, pakikipanayam

Pasulat: sarbey

Interaksiyonal

Nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyon sa kapwa

Pasalita: pormulasyong panlipunan (hal., Magandang umaga!, Maligayang kaarawan! Ang


pakikiramay ko.), pangungumusta, pagpapalitan ng biro

Pasulat: liham pangkaibigan

Personal

Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion(napapalakas ang personalidad at


pagkakakilanlan ng isang indibidwal).

Pasalita: pagtatapat ng damdamin sa isang tao, gaya ng pag-ibig

Pasulat: editoryal, liham sa patnugot

Imadyinatib

Nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.

Pasalita: pagsasalaysay, paglalarawan

Pasulat: akdang-pampanitikan, gaya ng tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa

Informativ
KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG WIKANG FILIPINO

Panahon ng mga Katutubo

1. Teorya ng Pandarayuhan (wave migration theory)

– pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer (Amerikanong antropologo, 1916)

•Naniwala siya na may tatlong pangkat na dumating sa bansang Pilipinas (Negrito, Indones at
Malay)

•Dr. Robert B. Fox – sa pangunguna niya, natagpuan ng kanyang pangkat (arkeologo) ng


Pambansang Museum ng Pilipinas ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa
yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.

Taong Tabon – tawag sa mga labing natagpuan

- tinatayang nanirahan ang mga unang tao sa yungib ng 50, 000 taon na ang nakararaan

•Chertz (isang uri ng quartz), mga buto ng ibon at paniki ay ilan lamang sa mga nahukay
kasama ng mga labi ng mga taong tabon

•Noong 1962, lumalabas na unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at


Indonesia at pinatunayan ni Landa Jocano sa kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng
Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National
Museum

•Ayon din sa kanilang ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong
Peking na kabilang sa Homo Sapien o modern man at ang Taong Java na kabilang sa Homo
Erectus
Dr. Armand Mijares – makalipas ang ilang taon natagpuan niya ang isang buto ng paa na
sinasabing mas matanda pa sa Taong Tabon sa kuweba ng Callao, Cagayan (Taong Callao na
nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalilipas)

2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Rehiyong Austronesyano

•Isa sa pinakabagong teorya, na pinaniniwalaang ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing


Austronesian (salitang Latin na Auster – south wind, Nesos - isla)

Dalawang Teorya (Ayon kay William Solheim II-Ama ng Arkeolohiya ng Timog Silangang Asya)

1. Ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao

Dalawang Teorya (Ayon kay Peter Bellwood ng Australia National University)

2. Ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong
5,000 BC

•Unang nakatuklas ng bangkang may katig

•Kinikilalang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng hagdan-


hagdang Palayan sa Banawe

•Naniniwala sa mga anito

•Paglilibing sa mga patay sa isang banga (Manunggul Cave sa Palawan)

Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat

•Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig
•Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o
bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa
itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok
sa ibaba nito ang inilalagay.

•Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa
hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng
huling tunog.

•Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng


pagtatapos nito.

Panahon ng Kastila

•Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.

•Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang
(5) patinig at labinlimang (15) katinig.

•a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

•Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila.

•Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon.

•Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino
ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
•Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang “barbariko, di-sibilisado at pagano” ang mga
katutubo noon kung kaya’t dapat nilang gawing sibilisado ang mga ito sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya

•Ang mga prayleng espanyol ang naging institusyon ng Pilipino

•Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na orden ng misyonerong espanyol na pagkaraan ay


naging lima: Agustino, Pransiskano, Dominiko, Rekolekto at Heswita

•Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.

1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol.

2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng


katutubong wika.

•Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga


kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika

•Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.

•Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya subalit hindi
naman ito nasunod.

•Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol

•Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino

•Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Espanyol


•Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang
Kastila sa lahat ng katutubo

•Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda
ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng
parusa para sa mga hindi susunod dito.

•Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na
gamitin ang wikang Espanyol sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng mga
Indio.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino

•300 taon ang pananakop ng mga Kastila, namulat sila sa kaapihang dinanas.

•Sa panahong ito, maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming NASYONALISMO
(damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang
wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon)

•Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.

•Nagkaroon ang mga propagandista ng kilusan noong 1872 na siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik.

•Sa panahong rebolusyon, sumisibol sa mga maghihimagsik ang kaisipang "Isang Bansa, Isang
Diwa" Laban sa mga espanyol. Pinili nila ang Tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula,
kuwento, liham at talumpati. Masidhing damdamin laban sa mga Espanyol ang pangunahing
paksa ang kanilang sinulat.

•Si Jose Rizal ay naniniwala na ang wika ay malaking bagay upang mapagbuklod ang kanyang
mga kababayan.
•Noli Me Tangere - ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas
sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na
nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko.

•La Solidaridad- opisyal na pahayagan noong Panahon ng Himagsikan.

•El Filibusterismo inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o
Gomez, Burgos, at Zamora.

•Konstitusyon ng Biak-na-bato noong 1899, ginawang opisyal na wika ang Tagalog, ngunit
walang isinasaad na ito ang ang magiging wikang pambansa ng republika.

ANDRES BONIFACIO ang nagtatag ng Katipunan, wikang Tagalog ang ginagamit nila sa mga
kautusan at pahayagan. Ito ang unang hakbang sa pagtataguyod ng wika.

EMILIO AGUINALDO - tinatag ang unang republika kung saan isinasaad sa konstitusyonal na
ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsiyonal. Sa mga nangangailangan lamang ng wikang
Tagalog ito gagamitin, ang pamamayani ng mga ilustrado sa asembleyang konstitusyonal ang
naging pangunahing dahilan nito.

Panahon ng mga Amerikano

•Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni


Almirante Dewey.

•Ingles ang naging wikang panturo noong panahong ito.

•Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon sa pagnanais na


maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan.
•Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni
Almirante Dewey.

•Ingles ang naging wikang panturo noong panahong ito.

•Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon sa pagnanais na


maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan.

•Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob Schurman ay naniniwalang kailangan ng Ingles sa


edukasyong primarya

•Nagtakda ang Komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso, 1901 na nagtatag ng mga
paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo

•Hindi naging madali para sa mga nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag-
aaral sa ikauunawa ng 3R’s(reading, writing, arethmetic)

•Hindi maiwasan ng mga guro ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag

•Naging dahilan ito upang ang Superintende Heneral ng mga paaralan ay magbigay ng
rekomendasyon sa Gobernador Militar na ipagamit ang bernakular bilang wikang pantulong.

•Pinagtibay ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga


librong pamprimarya (I-I, I-T, I-B at I-B)

•Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles na kilala sa tawag na
Thomasites.
•Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte ay nagpahayag ng kanyang
panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral.

•Sumang-ayon kay Bise Gobernador Heneral George Butte sila Jorge Bocobo at Maximo
Kalaw.

•Ayon sa Kawanihan ng Pambayang Paaralan, nararapat na Ingles ang ituro sa pambayang


paaralan.

Ilan sa mga kadahilanan ay:

1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay mag-reresulta sa suliraning administratibo.

2. Ang paggamit ng iba’t-ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng


rehiyolanismo sa halip na nasyonalismo.

3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular.

4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng


Ingles upang maging wikang pambansa.

5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.

6. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal

7. Ang ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.

8. Dahil nandito na ang wikang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.

•Ilan sa mga katwiran ng mga tagapagtaguyod ng bernakular ay ang mga sumusunod:

1. Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang nakaaabot ng hanggang ikalimang grado lamang.

2. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primary.

3. Nararapat lamang na Tagalog ang linangin sapagkat ito ang wikang komon sa Pilipinas.

4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin.

5. Ang paglinanang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng


nasyonalismo.

6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng


paggamit ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.

8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular,


kailangan lamang na iyo ay pasiglahin.

•Layuning maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa ang Kawanihan ng Pambayang


Pagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin. Ito ay ang mga ss:

1. Paghahanap ng gurong Amerikano lamang

2. Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang aralin

3. Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng


edukasyon

4. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan

5. Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles

6. Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan

7. Pag-alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan

•Nagsagawa ang mga Amerikano ng mga pag- aaral, ekspirimento at sarbey upang malaman
kung epektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles

•Henry Jones Ford - iniulat niya na "gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng
milyonmilyon para maisulong ang paggamit ng Ingles upang mabisang mapalitan nito ang
Espanyol at mga dayalek sa mga ordinaryong usapan, at ang Ingles ang sinasalita ay kay
hirap makilala na Ingles na

nga

•Propesor Nelson atat Dean Fansler (1923) maging ang mga kumukuha ng mataas na
edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles.

•Ayon sa surbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey Commision na
pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe, ang kakayahan makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay
mahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan paglabas ng paaralan.
•Ayon kay Najeeb Mitri Saleeby kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo sa wikang Ingles
ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang
wikang bernakular.

•Iginiit din ni Saleeby na makabubuti kung magkakaroon ng isang pambansang wikang hango
sa katutubong wika nang sa gayun ay maging malaya at mas epektibo ang paraan ng
edukasyon ng buong bansa.

•Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang pambansa.

•Ipinalabas noong 1973 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang
Pambansa

Panahon ng Hapones

•Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang
katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.

•Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.

•Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog
at wikang Hapon (Nihonggo)

•Upang maitaguyod din ang patakarang military ng mga Hapones pati na rin ang propagandang
pangkultura itinatag ang Philippine Executive Comission na pinamunuan ni Jorge Vargas.

•Nagpatupad ang komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na


Japanese Imperial Forces sa Pilipinas.
•Binuksan muli ang paaralang bayan sa lahat ng mga antas

•Itinuro ang wikang nihonggo sa lahat. Ngunit binigyan diin ang paggamit ng tagalog

•Ang GOBYERNO-MILITAR ang nagturo ng Nihonggo sa mga guro paaralang-bayan.

•Ang mga nagsipagtapos ay binibigyan ng katibayan •3 uri ng katibayan: Junior, Intermediate,


Senior

•Isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa paglilingkod sa Bagong Pilipinas

•Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad


ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones.

•Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito

•Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong


kapuluan.

•Katulong nila sa proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa.

•Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa at liberal na


aral sa tradisyon ng mga Amerikano

•Nagkaroon din ng debate sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa Tagalista.

•Nagkaroon din ng argumento ang mga Tagalog sa di Tagalog.


•Isa rin sa usapin sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga may kaalamang panlingguwistika.

•Si JOSE VILLA PANGANIBAN ay nagturo ng Tagalos sa mga hapones at hindi tagalog. “A
Short to the National Language” iba’t ibang pormularyo ang kanyang ginawa upang lubos na
matutunan ang wika.

Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan

•Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika.”

•Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa na
ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikang
pambansa.

•Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth Blg. 184 – opisyal na paglikha ng
Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936

•Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan


sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas

•Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite

•Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa

•Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – nag-
aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa

•Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika :


1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa ibang wika

2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito, kung
ano ang bigkas ay siyang sulat

3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas

4. Ang wikang Tagalo ay may hostorikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit sa
himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio

5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog

•Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakakilanlan,


hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”

•Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 – nagpapahintulot sa pagpapalimbag


at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa.

•Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pampubliko at pampribado


sa buong bansa

•Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa
mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940

•Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29
ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas
(Abril 2)

•Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955 na
nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang
pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19)

•Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang
Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan
•Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang
Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin

•Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na


nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng
pamahalaan noong Oktubre 24, 1967

•Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum
Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon
sa mga transaksyonng pamahalaan

•Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika

•Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 – “Ang Batasang Pambansa ay


magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”

•Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang antas

•Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25, 1986 at
nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino

•Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:

•Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino


•Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles

•Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol

•Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili

You might also like