You are on page 1of 56

FLMA 106 Berbal at Di-berbal na

Komunikasyon sa Filipino
Ano ang pag-aaralan sa asignaturang ito?

Nakatuon sa mga anyo ng berbal at di-berbal na komunikasyon sa


Filipino. Susuriin din ng kurso ang ugnayan ng mga anyong ito ng
komunikasyon sa kulturang Filipino partikular sa pakikipagkapwa
at pakikipag-ugnayan
Sinipi kay:
Prop. Reynele Bren G. Zafra, MA

Dinagdagan ng impormasyon ni:


Dona F. Canda
ANO-ANO ANG DAHILAN KUNG BAKIT
MINSAN AY DI NAGTATAGUMPAY ANG
KOMUNIKASYON?
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

1.Ang komunikasyon ay nagbibigay-pagkakataon na


ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang
nadarama.
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

2. Nagkakaroon ang tao


ng ganap na kabatiran
tungkol sa sariling pagkatao
batay sa
perspektiba ng kanyang
kapwa
.
KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON

3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong


magkakalayo kahit sa espasyo, dingding, tubig o
pulo man ang pagitan.

4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang


dalawang taong may hidwaan.
KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON

5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga


kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang
buhay.

6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng


kanyang WIKA.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang


Latin na communicare na ang ibig sabihin ay
maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan
sa mensaheng kilos o pangyayari.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

Ayon naman kay Berlo (1960), ang


komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag-
ugnayan. At ang prosesong ito ay bumubuo ng
interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa
komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t isa.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

Sa libro naman ni Hernandez (1989), itinuturing niya


ang komunikasyon bilang isang cooperative enterprise.

Sa isang cooperative enterprise may 2 o higit pang tao


na nagbibigayan at kung gayon, ang bawat isa sa
kanila ay nakapagdedebelop ng 2 kakayahan--- ang
makinig at magsalita nang mahusay.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

Ayon naman kay Stewart Tubbs (2010), ang


komunikasyon ay “bahaginan ng karanasan” sa
pagitan ng isa o higit pang mga tao.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

Sa aklat naman ni Roberto Ampil (2014), ang


komunikasyon ay binigyang kahulugan bilang
pinagsamang pagkaunawa ng mensahe, at
malaking bahagi ng pagtatagumpay nito ay
ang pagkakaroon ng komon na “wika” ng mga
kasapi sa komunikasyon at ang kanilang
kahusayan sa paggamit nito.
URI NG KOMUNIKASYON

1. Berbal na Komunikasyon.
Ito ay uri ng komunikasyon
kung saan ang impormasyon
ay naibabahagi o
naihahatid sa pamamagitan
ng mga salita. Maaaring
pasulat o pasalita.
URI NG KOMUNIKASYON

2. Di berbal na Komunikasyon.
Ito ay uri ng komunikasyon kung
saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa
pamamagitan ng kilos o galaw.
URI NG KOMUNIKASYON

3. Komunikasyong Biswal.
Ito ay
uri ng komunikasyon kung saan
ang impormasyon ay naibabahagi o
naihahatid sa pamamagitan ng
larawan, o simbolo na maaaring
kumatawan sa salita.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

1. Kalahok/Partisipante.

Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot


sa proseso ng komunikasyon. Ito ay
maaaring tagapagpadala ng
mensahe (sender/source) o
tagatanggap ng mensahe (receiver).
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

2. Mensahe.

Ito ay elemento
ng komunikasyon na siyang
bibigyang kahulugan ng
tagatanggap ng mensahe.
Maaari itong berbal at di-
berbal na mensahe.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

3. Tsanel.

Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing


daluyan ng mensahe mula sa tagapaghatid ng
mensahe. Maaari itong sensory organs at
mediated channels.
Ilan sa mga halimbawa ng sensoring daluyan ay ang
pandinig, paningin, at pandama.
Samantala, ang pahayagan, pelikula, radio, telebisyon
at Internet ay itunuturing bilang mediated na daluyan.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

4. Ingay o Interference.
Ang isang interference ay elemento ng
komunikasyon na nagsisilbing sagabal
na proseso ng komunikasyon. Tandaan
na hindi lamang ito nakapaloob sa
tunog.
Sa katunayan, sakop nito ang
pisikal/teknikal na sagabal,
semantikong sagabal, pisyolohikal na
sagabal, at sikolohikal na sagabal.
MGA URI NG INGAY O INTEFERENCE
1. Pisikal/teknikal
- Ingay sa paligid, mga distraksyong biswal,
suliraning teknikal na kaugnay ng sound system

2. Semantiko
- Malalabong salita, pangungusap o simbolo

3. Pisyolohikal
- May kinalaman sa pisyolohikal na proseso na
nakasasagabal sa komunikasyon

4. Sikolohikal
- Katangiang nasa tao na nakaaapekto sa pang-
unawa sa mensahe ng komunikasyon
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

5. Tugon o Feedback.

Ito ay elemento ng komunikasyon na


nagsisilbing tugon sa mensaheng
ipinadala ng sender. Gaya ng
mensahe, ang tugon ay maaari ring
berbal (pasalita/pasulat) at di-
berbal (simbolo).
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

6. Konteksto (Context).
Ang konteksto bilang bahagi ng
komunikasyon ay tumutukoy sa sitwasyon
at pinangyayarihan ng proseso ng
komunikasyon. Ang konteksto ng
komunikasyon ay mahahati sa apat:
pisikal na konteksto,
sosyal na konteksto, historikal na
konteksto, at sikolohikal na konteksto.
a. Kontekstong Pisikal
– Tumutukoy sa kalagayan na pinangyarihan ng komunikasyon.
b. Kontekstong Sosyal
– Sa kontekstong sosyal ay tumutukoy sa mga pamantayan o
tuntunin na gumagabay sa komunikasyon

c. Kontekstong Kultural
– Ang kontekstong kultural ay tumutukoy sa lahi, kasarian,
nasyonalidad, sexual orientation, etnisidad
d. Kontekstong Sikolohikal
– Tumutukoy sa kasalukuyang kalagayan (mental at emosyonal)
ng indibidwal.
e. Kontekstong Relasyonal
- Tumutukoy sa relasyon ng mga nag-uusap
MGA MODELO NG KOMUNIKASYON
MGA MODELO NG KOMUNIKASYON
MGA MODELO NG KOMUNIKASYON
ANYO O LEBEL NG
KOMUNIKASYON
Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang “LAWAK
NG KOMUNIKASYON”. Ito ay tumutukoy sa dami ng
bilang ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon o
lawak na sakop ng komunikasyon. Ilan sa mga uri nito:
LEBEL NG KOMUNIKASYON

1. Intrapersonal na Komunikasyon.
Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi
maikakailang ang ganitong lebel ng komunikasyon ay
nagpapatunay na likas
sa isang indibidwal ang maging rasyonal.
Paano ginagawa ang intrapersonal
na komunikasyon?
Kahalagan ng Intrapersonal

1.Natatamo o napananatili ang self-adjustment


2.Nabubuo o napananatili ang self-concept
3.Napag-aaralan ang emosyon o nararamdaman
4.Napag-iisipan ang mga bagay o sitwasyon nang mabuti
5.Nare-rehearse o napapraktis ang plano o sasabihin
LEBEL NG KOMUNIKASYON

2. Interpersonal na
Komunikasyon.
Tumutukoy sa dalawang indibidwal na
nagpapalitan ng mga ideya
batay sa karanasan, trabaho, at
mga kaugnay nito. Kadalasan,
ayon kina Knapp at Daly (2000)
ang mga sangkot dito ay may
malinaw na relasyon sa isa’t isa.
Sa lebel na ito mahalaga ang
pakikinig at pagtugon upang
makabuo ng relasyon ayon kina
Verderber.
Kaibahan ng Interpersonal sa
Intrapersonal na Komunikasyon
1. Interaktibo
2. Naiimpluwensiyahan ng
social expectations
3. Mas goal oriented
4. Tumutugon sa
pangangailangan
5. Nakabubuo ng relasyon
sa iba
LEBEL NG KOMUNIKASYON

3. Komunikasyong Panggrupo.

Ayon kina Beeve at Masterson


(2006), ito ay lebel ng komunikasyon na kinasasangkutan ng 3
hanggang 20 tao. Kung saan ang proseso ng komunikasyon ay
pwedeng gawin sa mediated o face to face na
pamamaraan. Sa lebel na ito mahalaga ang paglutas sa
suliranin.
LEBEL NG KOMUNIKASYON

4. Pampublikong
Komunikasyon
Lebel ng komunikasyon na
pormal (planado ang
pagdiriwang) na maituturing.
Ito ay kinasasangkutan ng
mahigit 20 tagapakinig. Sa
lebel na ito ay inaasahang
handa ang tagapagsalita.
LEBEL NG KOMUNIKASYON

5. Komunikasyong Pangmadla.
Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan
hindi malinaw sa tagapaghatid ng
mensahe kung anong uri o saang pangkat
kabilang ang kanyang mga
tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng
mediated communication. At itinuturing
bilang pinakamagastos na lebel ng
komunikayson.
LEBEL NG KOMUNIKASYON

Mass Communication represents the creation and sending of


a homogeneous message to a large heterogeneous audience
through the media.

Stanley Baran defines Mass Communication as the process of


creating shared meaning between the mass media and their
audience.

Also, John Bittner defines Mass Communication as messages


communicated through a mass medium to a large number of
people.
KATANGIAN NG
KOMUNIKASYONG PANGMADLA

1. Mass Medium
2. Presensya ng mga Gatekeeper
3. Naaantala ang Tugon
4. Limitado ang Sensoring Daluyan
5. Impersonal kaysa Personal
LEBEL NG KOMUNIKASYON

6. Komunikasyong Interkultural.
Ito ay tumutukoy sa
komunikasyon sa pagitan ng
mga taong nabibilang sa iba’t
ibang kultura, kabilang na din
ang iba’t ibang kultura na
matatagpuan sa isang bansa.
LEBEL NG KOMUNIKASYON

Sina Gudykunst at Kim (1992) ay nagbigay ng isang


halimbawa ng interkultural na komunikasyon:

Consider a visit to North America by strangers from a


culture with a communication rule requiring that direct
eye contact always be avoided. If the strangers do not
look them in the eye when talking, the North
Americans will assume that the strangers either have
something to hide or are not telling the truth (p.35)
LEBEL NG KOMUNIKASYON
Nagbigay naman si John Luckmann ng Auburn University at
Montgomery ng ganitong halimbawa ng Interkultural na
Komunikasyon sa usapin ng PANANAHIMIK:

Some cultures value silence whereas other cultural groups feel


that silence is a vacuum that must immediately be filled with
words. Among some native Americans, silence is essential
element of showing respect and understanding. In some Arab
cultures, silence may indicate concern for personal privacy. The
French, Spanish, and Soviet cultures interpret silence as a sign of
agreement.
LEBEL NG KOMUNIKASYON

Sa usapin naman ng komunikasyong di berbal:

In nearly all cultures, people use their mouths and eyebrows to


convey surprise, anger, pleasure, and fear, while they use hand
gestures to convey openness or intimidation.
Furthermore, some Asians and Native Americans believe that
prolonged eye contact is rude and an invasion of privacy.
Native Americans may divert their eyes to the floor when they
are paying attention or thinking. Muslim women may avoid eye
contact because they feel that is expresses hostility and
aggressiveness.
MGA SAGABAL SA
INTERKULTURAL NA KOMUNIKASYON

1. Kakulangan ng kaalaman sa kultura.

Angkakulangan sa kaalaman sa usaping pangkultura ay


ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit
madalas magkaroon ng di pagkakaunawaan ang
mga kasapi sa proseso ng komunikasyon. Kaya naman
mahalagang maunawaan ng bawat kasapi ang
kahalagahan ng pag-aaral ng kultura bilang bahagi
sa paghubog ng pagkatao ng bawat isa.
MGA SAGABAL SA
INTERKULTURAL NA KOMUNIKASYON

2. Takot at Walang Tiwala.

Bagama’t normal ang magkaroon ng pag-aalinlangang


makihalubilo sa mga bagong kakilala, masasabing ang
labis na takot at kawalan ng tiwala ang isa namang
malaking balakid upang matamo ng 2 taong
may magkaibang kultura ang matagumpay na
komunikasyon.
MGA SAGABAL SA
INTERKULTURAL NA
KOMUNIKASYON
3. Rasismo.

Ang diskriminasyon sa ibang kultura ay


isang malaking balakid sa pagtatamo ng
matagumpay na komunikasyon. Buhay na halimbawa
nito ang maling pagtingin at pagmamaliit sa mga
taong may maitim na balat, makapal na labi, at mga
kapintasang kaugnay nito.
MGA SAGABAL SA
INTERKULTURAL NA
KOMUNIKASYON
4. Etnosentrismo (Ethnocentrism).

Problematikong maituturing ang pagkakaroon ng


paniniwala ng isang indibidwal na mas mataas ang kanyang
kultura kaysa
sa iba.
MGA SAGABAL SA
INTERKULTURAL NA
KOMUNIKASYON
5. Stereotyping.

Ito ay isang uri ng de-kahong


paglalarawan sa isang kultura o lahi na ikinakapit natin
sa bawat taong bahagi ng nasabing kultura. At hindi
iniisip ang indibidwal na katangian ng bawat isa.
Upang maiwasan ang ganitong pananaw mahalaga
ang tinatawag na pag-iindeks.
MGA SAGABAL SA
INTERKULTURAL NA
KOMUNIKASYON
6. Pagkakaiba ng Wika.

Malaking sagabal na
maituturing ang hindi pagkakaunawaan tungkol
sa gamit ng wika. Problematikong maituturing ito
sapagkat nakasalaylay sa wika ang
pagkakaintindihan ng bawat bahagi ng
komunikasyon dahil ito ang nagsisilbing
instrumento upang maipahayag ang ating
kaalaman at emosyon.
MEDICAL EQUIVALENT
TERM BLACK TERM

Pain Miseries
Syphilis Bad blood
Anemia Low blood, tired
blood
Vomiting
Throw up
Constipation Locked bowels
Diarrhea Running off
Menstruation Red flag, curse
Urine Pass water, peepee
The key to successful intercultural
communication is to recognize the uniqueness
of every culture, every relationships, and every
individual including yourself.

Joan Luckmann, Transcultural Communication in Health (2005)


MGA DAPAT TAGLAYIN NG
EPEKTIBONG KOMUNIKEYTOR
AYON KAY GAMBLE
1. Kakayahang maunawaan ang sarili.
2. Sensitibo sa mga komunikasyong di berbal.
3. Nakakaunawa sa epekto ng damdamin ng
kanyang kausap.
4. May kakayahang makinig at unawain ang
mga tinatanggap na impormasyon.
MGA TUNTUNING DAPAT ISAALANG-ALANG
UPANG MATAMO ANG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON AYON KAY BRAUD (2001)

Tuntunin 1: Maging malinaw sa intensyon at


sasabihin
Tuntunin 2: Sabihin ang nais sabihin.
Tuntunin 3: Iwasan ang mga paggamit ng
akronim, jargon,at mga katulad nito.
Tuntunin 4: Magtagpo.
Communication traverses every facet of human life.
Without communication nothing can be done. In
other words, communication holds the foundation of
every human society. It is the process of exchanging,
transmitting, transferring, expressing or importing
ideas, sentiments, attitudes, feelings, meanings,
information or opinion between individuals, groups or
organizations. (Sambe 2005:2).

You might also like