You are on page 1of 7

DI-BERBAL NA

KOMUNIKASYON
Di-Berbal na Komunikasyon
• Ayon kay Rodrigo (2007), Ito ang komunikasyon
na hindi naipapahayag sa pamamagitan ng wika
o salita ngunit naipapahayag ang damdamin o
nais sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng
mukha, simbolo at iba pa, gaya ng mga ss.
1. KINESICS o galaw ng katawan
• Kasama rito ang mga pisikal na aksyon tulad ng
pagbabago ng anyo ng mukha, pagkumpas at
paggalaw ng iba pang bahagi ng katawan.
• Hal.
pagtango, pagtaas ng kilay , pag-iling ,
pagsimangot , pagkaway ng kamay , pagtalikod , atbp.
2. OCULESICS
• Ito ay aksyon ng mata ng pagtitig, panlilisik at
pagkindat na nagdadala ng kahulugan sa sinumang
kausap/katapat.

3. HAPTICS
• Ginagamit ang paghaplos, paghawak, pagkurot o
pagsalat sa paghahatid ng mensahe depende sa
intension o damdamin ng gumagawa.
4. PROXEMICS
• Ginagamit bilang batayan ng komunikasyon ang espasyo. May
kahulugan ang distansya (lapit o layo) ng tao o mga bagay sa
isa’t isa.

5. CHRONEMICS
• May mensahe ring hatid ang paggamit ng oras at petsa, ang
tagal ng pagsasagawa ng isang Gawain at pagtupad sa
itinakdang oras ng pagtatagpo/ pagkikita.
6. VOCALICS
• Ginagamit ang tinig/ boses sa paghahatid ng mensahe. Ang
tono, taas-baba, punto at lakas ng tinig ay nagbibigay ng mga
senyales – na maaaring matanggap o mainis ang kausap.
Maaring sabihing galit o wala sa kondisyon ang nagsasalita
kapag pasinghal, palahaw, mataas na tinig.

7. ICONICS
• Ito ay kinabibilangan ng mga bagay, simbolo, at larawan na may
kahulugan sa sinomang tumitingin at umuunawa.
8. PISIKAL O PERSONAL NA ANYO
• May ipinababatid na mensahe ang paggamit at
paraan ng pananamit at ayos ng tao.

9. PARALANGUAGE
• Ang taas o baba, lakas o hina, bagal o bilis ng tinig ay
nakatutulong sa pagpapakahulugan ng pahayag.

You might also like