You are on page 1of 17

MGA TIYAK NA

SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON
Komunikasyon Bilang Panghubog ng
Opinyon ng Madla
Malaki ang ginampanang tungkulin ng
komunikasyon sa paghubog ng opinyon o
“concensus” ng mga tao.
Komunikasyon Bilang Panlinang ng
Ugnayan
Komunikasyon ang nagpapatibay sa ugnayan ng
mga miyembro ng isang komunidad.
Komunikasyon Bilang Paghahatid ng
Impormasyon at Pagpapalaganap ng
Kultura
Marahil isa sa pinakamahalagang tungkulin ng
komunikasyon ay ang gamit nito sa pagpapalaganap
ng impormasyon.
MGA ANTAS NG
KOMUNIKASYON
Intrapersonal na Komunikasyon
- Ito ang uri ng komunikasyon na nagaganap sa
loob lamang ng isipan ng isang tao, na
nagdidikta ng kaniyang magiging tugon sa
mga pangyayari sa paligid.
Interpersonal na Komunikasyon
-pakikipag-ugnayan ng mga tao sa kanilang
kapuwa.
-uri ng komunikasyon na ginagamit upang
bumuo, magpanatili, at maging tumapos ng
mga relasyon.
Pangkatang Komunikasyon
-ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas marami pang
taong may iisang layunin.
Pampublikong Komunikasyon
-ito ay mas nakapokus sa tagapagpadala ng
mensahe kaysa tumatanggap- na malimit ay
higit sa apat.
Pangmadlang Komunikasyon
-ang layunin nito ay maipakalat ang nasabing
nilalaman sa malaking tagasubaybay.
Mga Tiyak na Halimbawa ng
Sitwasyong Pangkomunikasyon
PANGKATANG KOMUNIKASYON
Roundtable at Small Group Discussion
-kalimitang kinasasangkutan ng tatlo hanggang
12 kalahok, upang makapagbahagi ng
kaalaman tungo sa paglutas ng isang isyu o
suliranin.
PAMPUBLIKONG KOMUNIKASYON
Lektyur at Seminar
-nakatuon ito sa maliliit na pagtitipon ng mga
kalahok, kadalasang 20 hanggang 70, na
naglalayong masinsinang matutuhan ang isang
tiyak na paksa.
Worksyap
-kadalasang nagtatagal nang anim hanggang
walong oras sa maghapon, o hanggang pitong
araw, inoorganisa ang worksyap na may tiyak na
produkto o output na inaasahan mula sa mga
kalahok.
Kombensyon
-inaasahang may humigit kumulang 2,000 kalahok ang
dadalo sa ganitong uri ng gawain.
Kongreso
-dinadaluhan ng 300 hanggang 2,000 kalahok, at madalas
na isinasagawa sa loob ng dalawa hanggang apat na araw.
Kumprehensiya
-naglalayon itong talakayin ang overview ng isang
disiplina o paksa, at pag-usapan ang mga problema at
suliranin hinggil dito.
PANGMADLANG KOMUNIKASYON
Programa sa Radyo at Telebisyon
-itinuturing pa ring mas mapagkakatiwalaang
batis ng impormasyon ang radyo at telebisyon.
Video Conferencing
-interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang
tao na nasa magkaibang lokasyon, sa
pamamagitan ng pagtatawagan na may
kasamang video.
Komunikasyon sa Social Media
-ilan sa mga ito ay facebook, twitter, instagram,
youtube, at iba pa na ginagamit ng mga tao
upang makapagpadala ng mensahe sa isa’t isa.

You might also like