You are on page 1of 19

KOMUNIKASYON

⦿ -proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pakikipagpalitan ng ideya,


impormasyon, karanasan, damdamin at karanasan sa kapwa.
⦿ “Ang komunikasyon ay pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at pakikibagay sa
kanyang kapaligiran. Ang pagsasalita, pakikinig at pang-unawa ay bahagi ng
komunikasyon upang mangyari ang pagpapalitan ng ideya, impormasyon ng iba.”
⦿ “Isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy at nagbabago at nagpapalitan ng sagot mula
sa mga simbolong v berbal.”
-F.E. DANCE 1967-
⦿ “Isang proseso na nagbibigay –laya sa mga tao na magpalitan ng impormasyon sa
pamamagitan ng ilang pamamaraan.Ito ay nangangailangan na ang magkabilang
panig ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng isang kodang ginagamit o kaya’ y
lingguahe na pareho nilang ginagamit.”
⦿
-WEBSTER-
SA KABILANG DAKO, SI GERALD GOLDHABER ANG NAGWIKANG ANG
KOMUNIKASYON AY:
⦿ Buhay na dugo ng organisasyon
⦿ Ang langis na nagpapatakbo sa fanksyon ng organisasyon
⦿ Ang sinulid na nagbubuhol sa sistema ng organisasyon
⦿ Ang puwersa ng nanaig sa organisasyon
⦿ Ang semento ng organisasyon

MODELO AT ELEMENTO NG KOMUNIKASYON


⦿ TAGAHATID NG MENSAHE
⦿ -ang nagsisimula ng transaksyon ng komunikasyon at pinanggagalingan ng
mensaheng nais ipabatid. Nakaangkla ang mensahe ng tagapaghatid sa kanyang
katayuan sa lipunan.
⦿ MENSAHE
⦿ -naglalaman ng talino at damdamin ng tagahatid. Ito ay maaaring maging
berbal o hindi berbal. Maaari itong sa pamamagitan ng pagngiti at pagtango.
⦿ TSANEL
⦿ -tumutukoy sa daluyan ng mensahe. Ang limang uri ng pandama ay
maituturing na tsanel ng komunikasyon. Institusyonal naman kung ito ay sa
pamamagitan ng sulat o mga kagamitang elektroniks.
⦿ TAGATANGGAP NG MENSAHE
⦿ -nagbibigay kahulugan sa mensahe. Masasabing matagumpay ang
pakikipagtalastasan kung naunawaan ng tagatanggap ang nilalaman ng mensahe ng
tagahatid.
⦿ BALIK-TUGON
⦿ -matagumpay ang proseso ng komunikasyon kung nagkaroon ng balik-tugon ang
tagatanggap ng mensahe.

MGA URI NG KOMUNIKASYON


1.Komunikasyong Berbal. Ang ganitong uri ng komunikasyon ay nangangailangan ng
paggamit ng salita. Naipaapabatid natin an gating mga ideya o saloobin sa pamamagitan ng
wika.
2. Komunikasyong Di- Berbal. Ito ay hindi gumagamit ng wika bagkus ay mga paggalaw
ng katawan, ekspresyon ng mukha, galaw ng ulo o pagkuyom ng kamay.
⦿ Ayon kina Jurgen Ruesch, may tatlong uri ng komunikasyong di-berbal:
⦿ Sign Language- senyas o kumpas o simbolo na pamalit sa salita.
⦿ Action Language- ito ay pagkilos ng katawan na nagbibigay ng kahulugan.
⦿ Object Language- ang paraan ng paggamit ng mga material na bagay upang
kumatawan sa isang mensahe na nais ipabatid.
⦿ 3.Komunikasyong Ekstra Berbal. Ito ay uri ng pakikipagtalastasan na gumagamit
ng tono o timbre ng boses sa pagbigkasng salita o pagpapahayag ng damdamin.
Ang pagtaas o pagbaba ng tono ay maituturing na halimbawa nito.
⦿ 4.Komunikasyong Simbolik. Ito ay binubuo ng mga mensaheng nagbibigay ng mga
bagay na ginagamit upang mailarawan ang katangian o personalidad ng isang tao.

ANTAS NG KOMUNIKASYON
1Komunikasyong Intrapersonal-komunikasyong nagaganap sa ating sarili. Ito ay proseso
ng komunikasyon na ang indibidwal mismo ang naghahatid, tumatanggap at tumutugon sa
mensahe para sa kanyang sarili.
2. Interpersonal na Komunikasyon-proseso na kung saan ang indibidwal ang nasasangkot
sa pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
⦿ Komunikasyong Pampubliko o Pangmadla-paghahatid ng mensahe sa maas
malawak na awdyens sa pamamaraang ginagamitan ng telebisyon, radio, magasin,
at iba pang ginagamitan ng teknolohiya.
⦿ Multikultural na Komunikasyon-nakapokus ito sa pag-aaral ng iba’t ibang kultura
na nakaiimpluwensya sa komunikasyon na may relasyon sa iba’t ibang kultura,
kasarian, antas ng lipunan na kinabibilangan. Isinasaalang-alang dito ang
globalisasyon, lokalisasyon at iba pang kailangang tingnan.
AYON KAY DEL HYMES, ANG MGA AKRONIM NG MABISANG KOMUNIKASYON AY
ANG MGA SUMUSUNOD:

SPEAKING
1 . Setting -(Saan nag-uusap)
2. Participant-(Sino ang kausap, nag-uusap)
3. Ends (Ano ang layunin ng usapan) )
4. Act Sequence
5. Keys-(Pormal ba o impormal (Paano ang takbo ng usapan) ang usapan)
6.Instrumentalities(Ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?)
7. Norms-(Ano ang paksa ng usapan
8.Genre-(Ano ang uri ng pagpapahayag?Pagsasalaysay, Paglalarawan, Paglalahad o
pangangatwiran)

LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
⦿ Pagpapahayag- pagpapadama o pagbabahagi ng ating iniisip, saloobin o
paniniwala sa kapwa.
⦿ Makapanghikayat- mahalaga ang pamamaraang ito sa mga taong nasa
industriya, negosyo at pulitiko.
⦿ Makapaglibang- nakapagpapagaan ng kalooban at nagdudulot ng kasiyahan
ang pakikipagpalitan ng kuro-kuro sa kapwa lalo pa’t ang mga paksa ay
parehas na kinagigiliwan.
⦿ Magbigay Impormasyon- layuning maghatid o magpabatid ng impormasyon sa
kapwa maging ito ay mabuti o masama.
⦿ Makakuha ng Kaalaman- ito ay layunin ng komunikasyon na makakalap ng
impormasyon upang mabigyang kasagutan ang ating mga katanungan.
⦿ Pakikipagkaibigan- ang komunikasyon ay may layuning makabuo ng ugnayan
sa iba’t ibang tao at makahanap ng magiging kaibigan. Ito ay maaaring sa
pamamagitan ng e-mail, facebook at cellphone.

IBA’T IBANG URI NG DI – BERBAL


⦿ KINESICS O GALAW NG KATAWAN
⦿ Kasama rito ang mga pisikal na aksyon tulad ng pagbabago ng
ekspresyon ng mukha, pagkumpas at paggalaw ng iba pang bahagi ng
katawan.

OCULESICS
⦿ Ito ay aksyon ng mata tulad ng pagtititg, panlilisik at pakindat na nagdadala ng
kahulugan sa sinumang katapat/kausap.

PARALANGUAGE
⦿ Ang taas o baba, lakas o hina, bagal o bilis ng tinig ay nakakatulong sa
pagpapakahulugan ng pahayag.

HAPTICS
⦿ Ginagamit ang paghaplos, paghawak, pagkurot o pagsalat sa paghahatid ng
mensahe.

PROXEMICS
⦿ Ginagamit bilang batayan ng komunikasyon ang espasyo. May kahulugan ang
distansya (lapit o layo) ng tao o mga bagay sa isa’t isa.

Uri ng Proxemic Distance


⦿ 1.Espasyong Intimate upto 1-1/2ft
⦿ 2.Espasyong Publik- 12ft o ohigit pa
⦿ 3.Espasyong Sosyal-4-12ft.
⦿ Espasyong Personal 1 ½-4 ft

CHRONEMICS
⦿ May mensahe ring hatid ang paggamit ng oras o petsa, ang tagal ng
pagsasagawa ng isang gawain at pagtupad sa itinakdang oras ng pagkikita.
⦿ A.Teknikal o siyentipikong oras- ginagamit sa laboratoryo
⦿ B.Pormal na oras-tumutukoy sa kung paano binibigyan ng ng kahulugan ang
kultura,hal.sa kultura ng oras, hinahati it sa segundo, minuto oras, araw,
linggo, buawan at taon
⦿ C.Impromal na oras-medyo maluwag sapagkat hindi eksakto hal.
Magpakailanman, agad-agad,
⦿ D.Sikolohikal na Oras- tumutukoy sa kahalagahan ng oras sa nakaraan, sa
kasalukuyan at sa hinaharap.
PISIKAL O PERSONAL NA ANYO
⦿ May ipinababatid na mensahe ang pagpili at paraan ng pananamit at ayos ng
tao.
ICONICS
⦿ Ito ay kinabibilangan ng mga bagay, simbolo at larawan na may kahulugan sa
sinumang tumitingin at umuunawa.

RETORIKA

LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a.naipaliliwanag ang kahulugan ng retorika;


b.nakabubuo ng patalastas sa pamamagitan ng masining na pagpapahayag;at
c.naipahahayag ang kahalagahan ng retorika sa pamamagitan ng masining na
pakikipagtalastasan sa araw-araw.
Aralin 3: Retorika
Ano ang Retorika?
Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng
paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita.
Ito ay nagmula sa salitang griyego na “rhetor” na kapwa nangunguhulugang isang
“guro” at “mananalumpati” o tagapagsalita sa isang pagpupulong.
Ito ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid
mahalag ito upang makpagpahayag ka ng iyong nararamdam sa mga bagay-bagay.

SAKLAW NG RETORIKA
1. Wika
2. Sining
3. Pilosopiya
4. Lipunan
5. Iba pang Larangan
❑ Kasaysayan
❑ Sosyolohiya
❑ Sikolohiya
❑ Relihiyon
❑ Heograpiya

RETORIKA BILANG ISANG SINING

⮚ PANTAONG SINING
wika ang midyum ng retorika at ekslusibong pag-aari ng tao
⮚ KOOPERATIBONG SINING
hindi ito maaring gawin nang nag-iisa
⮚ TEMPORAL NA SINING
ang retorika ay nakabatay sa panahon
⮚ LIMITADONG SINING
ang imahinasyon ay walang limitasyon sa retorika ngunit sa realidad ay limitado
lamang ito.
⮚ MAY KABIGUANG SINING
hindi lahat ng nagnanais matuto ng retorika ay nagiging bihasa nito
⮚ NAGSUSUSPLING NA SINING
Manunulat-ideya-akda-mambabasa-pagababasa-kaalaman

MGA GAMPANIN NG RETORIKA


1. Nagbibigay – daan sa komunikasyon
2. Nagpapalawak ng Pananaw
3. Nagbibibgay – ngalan
4. Nagbibigay - kapangyarihan

3 SANGKAP NG RETORIKA NG MABISANG PAGPAPAHAYG O RETORIKA


1. Ethos -karakter o kridibildad ng tao
-katayuan sa lipunan
2. Pathos -paggamit ng emosyon
3. Logos -paggamit ng katuwiran

KAHALAGAN NG RETORIKA
1. Kahalagahang Pangkomunikatibo
2. Kahalagahang Panrelihiyon
3. Kahalagahang Pampanitikan
4. Kahalagahang Pangmedia
5. Kahalagahang Pampulitika
6. Kahalagahang Pang-ekonomiya

KANON O BATAS NG RETORIKA


❖ IMBENSYON-tumutukoy sa malinaw na proseso ng pagahhanap ng
argumento
❖ INDUKTIBO-pagbuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa particular na
linya ng pangangatwiran
❖ DEDUKTIBO-tumutukoy sa pangangatwiran
❖ PAGSASAAYOS-proseso ng pag-oorganisa sa talumpati
❖ ISTILO-proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre
❖ MEMORYA-isinasaulo ang isang talumpati
❖ DELIBERSYON-aktuwal na pagbigkas

ARALIN 4:PAGLALAHAD
● Ito’y isang uri ng katha, maging pahayag o pasulat na nagbigay kabatiran kaalaman.
Ang pangunahing layunin sa nakikinig o bumabasa ang bagay nahindi maunawaan.
Kung ibig nating ipaliwanag ang katuturan o kahalagahan at paraan ng paggawa ng
isang bagay, palgalahad ang ating gagamitin.
● Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang linaw
ang isang konsepto o kaisipan, abay o panindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD

1. Kalinawan
⮚ Malinaw ang paliwang at angkop o tama ang mga salitang ginagamit.
2. Katiyakan
⮚ Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng
pagpapaliwanag.
3. Kaugnayan
⮚ Magkaugnay ang mga peangungusap o talata.
4. Diin
⮚ Binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.

IBA’T IBANG URI NG PAGLALAHAD

❖ Pagbibigay ng Kahulugan
- May mga kahulugang makikita sa diksyunaryo sa bawat salita. Ang mga
pansyentipiko at panteknikal na terminolohiya ay may tiyak na katuturan kaya
maiiwasan ang di pagkakaunawaan at pagkakaiban ng interpretasyon sa harap
ng batas.
- Ang pagpapakahulugan ay may dalawang dimension: denotasyon at
konotasyon
- DENOTASYON. Ito ay karaniwang kahulugan dala ng deksyunaryo o salitang
ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.

❖ Pagbibigay Katuturan
- Ang pagbibigay katuturan ay isang karaniwang pinagmulan ng paglalahad. Ang
katuturan ay pagtiyak ng abot at saklaw ng isang bagay sa pamamagitan ng
pagbibigay ng hangganan nito at mga napapaloob dito.
- Ang karaniwang pagbibigay katuturan sa diksyunaryo ay may tatlong bahagi:
1. Pananalita – salita o parirala na binibigyang ng katuturan
2. Kaurian – bagay o kaisipang kinabibilangan ng pananalita
3. Kaibahan – ang katangiang ikinaiiba ng bagay o kaisipang nililiwanag

❖ Pagbibigay ng Panuto
- Paglalahad na nagpapaliwang kung paano gawin ang isang bagay. Karaniwan
itong ginagamit sa mga pagsusulit, hakbang sa pagluluto, at hakbang sa pagbuo
ng isang bagay.

❖ Ulat
- Pagbibigay impormasyon sa isinasagawang pag-aaral, pagmamasid, pakikinig,
pananaliksik at pagbabasa.

IBA PANG URI NG PAGLALAHAD

Ayon sa internet ang mga sumusunod ay uri ng paglalahad:

1. Pagbibigay Katuturan
- Napapalinaw nito ang pag – uunawa sa kahalagahan ng isang bagau, tao,
pangyayari, dinarama o konsepto.

2. Pagsunod sa Panuto/Pamamaraan
- Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng paglaro ng isanguri
ng tao.

3. Pangulong Tudling/Editoryal
- Nagpapahayag ng opinion o palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin
tungkol sa napapanahong isyu.

4. Sanaysay
- Anyong panitikan na naglalahad ng kuro-koro, pananaw, paniniwala at damdamin
ng manunulat, hango sa kanyang karanasan at sa inaakalang palagay niya sa
katotohanan.

5. Balita
- Naglalaman ng mga pang araw- araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.

6. Pitak
- Karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

7. Tala
- Paglilista ng mga bagay – bagay na dapat gawin o tandaan.

8. Ulat
- Paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula
sa binasa, narinig, nakita o naranasan.
ARALIN 5: PAGSASALAYSAY
Ano ang Pagsasalaysay?
● Ang pagsasalaysay ay isang sining na labis na kinagigiliwang gamitin sa pang araw-
araw na pakikipagtalastasan.

● Layunin nitong ikwento ang kawil ng mga pangyayari.

● Ito ay maaaring nasa anyong pasulat o pasalita.

● Maaaring hango sa sariling karanasan, nakita o obserbasyon, napakinggan, nabasa


o likhang isip lamang ng may akda.

MGA KATANGIANG NAGTATAGLAY SA ISANG MAGANDANG SALAYSAY

1. Makatawag-pansing pamagat

❖ Ang isang mabisang pamagat ay kumikiliti at gumigising sa kawilihan ng mga


mambabasa o makikinig.

❖ Dapat itong maging kawili-wili at nagtataglay ng kapanabikan.

❖ Hanggat’t maari ay maikli lamang at hindi nagbubunyag o nagpapahiwatig ng takbo


ng mga pangyayari at wakas ng kwento.

❖ Dapat ay orihinal at hindi palasak.

2. Mahalaga at makabuluhang paksa

❖ Ang isang makabuluhang paksa ay tumatalakay sa mga bagay na may kinalaman sa


pang araw-araw na kabuhayan, kaugalian at paniniwala ng isa o pangkat ng tao.

❖ May mga paksang tinatawag na unibersal.

❖ Kung ang paksa ay luma na, maari itong magkaroon ng bagong kulay at buhay sa uri
at pamaraan o estilo ng may akda.

❖ Ang isang salaysay na nag-iiwan ng kakintalan sa tao ay may kawili-wiling,


makabuluhan at mahalagang paksa.

3. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga kawil ng pangyayari

❖ Ang pagkakabalangkas ng isang kwento ay siyang nagiging pangunahing batayan ng


isang mabisang pagsasalaysay

❖ Ito ay nakasalalay sa kamay ng may akda.

❖ Ang isang karaniwang balangkas ng kwento ay binubuo ng simula, katawan at


wakas.

4. Kawili-wiling simula at wakas


❖ Ang isang salaysay ay dapat na magkaroon ng kawili-wiling salita upang manatili ang
kapanabikan.

❖ Gayundin, ang wakas ay dapat na maging mabisa nang sa ganoon ay makaiwan ng


kakintalan sa isip ng mambabasa o tagapakinig.

❖ Upang makamtam ang mga ito, ang may akda ay dapat na maging malikhain at
malawak ang guni-guni sa paglikha ng bisa ng simula at wakas.

A. PAGPILI NG PAKSA
1. Likas na pagiging kawili-wili ng paksa.

Kabilang dito ang mayamang damdaming pantao, lumilikha ng kapanabikan, may


naiibang pagtutunggalian, may katangi-tanging tauhan o tagpuan at ang ukol sa
pangangailangan ng tao.

2. Magagamit o makukuhang materyales.

Nangangailangan ang karaniwang tao ng sapat na dami ng mga pangyayaring


magagamit upang makapagsimulang sumulat ng salaysay.

3. Pansariling Kakayahan.

Kailangang ang paksang susulatin ay naayon sa hilig o kahusayan ng manunulat.

4. Pagtatakda ng Panahon at Pook.

Hindi dapat na maging napakalawak ang panahong sakop ng salaysay. Hindi rin
dapat na maging napakarami ang pook na pinangyayarihan ng istorya.
5. Kabagayan.
Alamin ang panlasa ng editor at ang hilig ng mambabasa, isaisip ang napapanahon
ng paksa gayon din kung kanino isinusulat o inuukol ang salaysay.

B. PAGBUO NG PAKSA
Unawain at gamitin ang lahat ng katangian ng mabuting salaysay.
Mga Katangian ng Mabuting Salaysay:
1. Tunggalian. Ipinakikilala muna ng awtor ang suliraning paglalabanan at ang mga tauhan
o lakas na mangangalaban, pagkatapos kailangan niyang pasidhiin ang pagsasalungatan ng
mga tauhan.
Gagawing halos magkasinlakas ang mga naglalaban, lilikha ng mga sagabal na wari’y
pumapanig sa kontrabida at lilikha ng pagkabigo sa pangunahing tauhan kaya magbubunga
ito ng nagkakapalitang pangamba’t pagkabigo.
2. Kapanabikan. Ang dapat maging bunga ng tunggalian ay lumilikha ng kapanibikan.
Nagbibigay ito ng kawalang katiyakan na mangyayari sa pangunahing tauhan na ang buhay
at pakikipagtunggali ay sinusubaybayan ng mga mambabasa.

3. Kasukdulan. Ang tindi ng kapanabikan ay nasasalig sa tunggalian at ang magkakaugnay


na mga kapanabikan ay nagbubunga ng matinding damdamin ng pagkabahala na tinatawag
na kasukdulan.

4. Galaw. Tumutukoy sa bilis ng pagsulong ng salaysay. Mahalaga sa galaw ang wastong


paggamit ng mga pandiwang tiyak na nagsasaad ng kilos.
Halimbawa:
• Sa halip na sabihing “lumakad”, maaring tiyakin at sabihing “lumundag” , “tumalon”,
“sumugod” at “humigibis” kaya.
• Ang maikling pangungusap at diyalogo ay nagpapabilis sa galaw ng mga pangyayari
samantalang ang mahabang pangungusap at mga tuwirang paglalarawan ay nagpapabagal
kundiman ay nagpapatigil sa galaw.
• Tuntunin sa pagsulat ng sanaysay na ang mga pangyayari ay dapat na gumalaw
nang pabilis nang pabilis mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa marating ang
kasukdulan.

5. Pag-uugnay ng Sarili sa Tauhan. Nagiging mahalaga sa mambabasa ang salaysay


kung magagawa ng awtor na ang kanyang mga mambabasa ay mag-ugnay ng mga sarili sa
tauhan ng salaysay.
Mahalagang magawa ng awtor na buhay at natural ang paglalarawan at nagpapagalaw sa
kanyang mga tauhan.Sa bagay na ito, naipapayong higit sa awtor na gamitin ang di-tuwirang
paglalarawan ng mga tauhan, mga pangyayari at tagpuan. Hayaan niyang ang mga tauhan
ang maglarawan sa kanilang sarili at ang mga ito ang magpakita ng nagaganap na mga
pangyayari.
Halimbawa:
• Sa halip na sabihing “Maganda si Nora. Matangos ang kanyang ilong at binagayan
iyon ng makipot na bibig at maninipis na labi.” ay maaring ganito ang sabihin; “Humarap sa
salamin si Nora at napangiti ang maninipis niyang mga labi nang makita niya ang matangos
niyang ilong.”
• Hindi lamang nagawang ilarawan ni Nora kundi napakilos pa ito na siyang
maglarawan sa kanyang sarili.

MGA URI NG PAGSASALAYSAY


Ayon kina Alejandro Abadilla at mga kasama,
1. Salaysay na Nagpapaliwanag (Expository Narrative)
⮚ Layunin nitong makapagbigay at makapag-iwan sa mambabasa o tagapakinig ng
kailangang italang mga pangyayari.Ginagamit din ito sa paglalahad ng paraan ng
isang gawain o ng buhay sa loob ng tiyak na pook at panahon.

2.Salaysay ng mga Pangyayari (Narrative of Incidents)


⮚ Pagsasalaysay ng mga maliit na pangyayari sa buhay.

3. Salaysay na Pangkasaysayan (Historical narration)


⮚ Nakapagbibigay ng tanawin sa guni-guni.

⮚ Kailangang maging tama at tiyak ito.

⮚ Kailangang maging ngayon ang nakaraan, maging malapit ang malayo.

⮚ Makapagbigay-buhay at kaluluwa ang mga tauhan ng kasaysayan.

4. Kathang Pangkasaysayan (Historical Fiction)


⮚ Buong diing naglalarawan sa pamamagitan ng bisa ng madulang bahagi sa
pinagdatnang kasaysayan na kaugnay ng nakaraan.

⮚ Ang mga tauhan ay inilalarawang kaugnay ng mga makukulay na yugto ng


kasaysayan.

5. Saysayin at Alamat (Tale and Legend)


⮚ Ang saysayin ay anumang binibigkas o nakasulat na salaysay.

⮚ Katawa-tawa at naglalarawan ng mga bagay na kahanga-hanga’t puno ng


kababalaghan.

⮚ Naghahangad na makaaliw.

⮚ Ang alamat ay may kaugnayan sa mga salaysay na mahiwaga’t matatanda na.

⮚ Naglalarawan ng mga bagay na kahanga-hanga’t puno ng kababalaghan.

⮚ Naghahangad na makapagturo.

6. Pabula at Parabula (Fables and Parable)


⮚ Ang mga ito ay kata-kata lamang o bunga ng malikot na pag-iisip na madalas.

⮚ Nagtataglay ng mga sangkap na kababalaghan at ang hangad ay magturo ng aral


sa bumabasa.

⮚ Sa pabula, madalas na hayop ang nagsasalita at gumaganap na tauhan.

⮚ Ang aral o moral sa pabula ay payak at lantad at ang paraan ng pagsasalaysay ay


tuwiran.

⮚ Madalas ay walang tanawin o tagpuan at walang paglalarawan ng tauhan.


⮚ Ang pagkagiliw ng mga tao sa pabula ay dahil sa pagiging malapit nito sa sentido-
komon at sa karaniwang karanasan.

⮚ Ang parabula ay karaniwang mas mahaba kaysa pabula.

⮚ Karaniwang bagay ang ginagamit upang maipakilala ang masalimuot na liksiyong


moral.

⮚ Katulad nito’y mga ginamit ni Jesus Kanyang pagtuturo, na matutunghayan sa


bibliya.

7. Salaysay na Pantalambuhay (Biographical narrative)


⮚ Sa uring ito, unang dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagbibigay-buhay sa
paksa upang makapag-iwan ng malinaw na bakas.

⮚ Kailangang magkaroon ng matalas na pakiramdam ang manunulat, pandama at


kapangyarihang makapagbigay ng kahulugan sa mga pangyayariat karanasan sa
buhay ng paksa.

8. Salaysay ng Nakaraan (Reminiscent Narrative)


⮚ May mga taong mahilig magsulat ng bahagi ng kanilang buhay, hindi ng kasalukuyan
kundi ng nakaraan.

⮚ Marami ring mahilig makaalam ng mga bakit ng mga bagay ng ibang tao.

9. Salaysay ng Pakikipagsapalaran (Narrative of Adventure)


⮚ Pinakamatandang uri ng salaysay at umano’y pinakaunang ginamit ng tao sa
sansinukob lalo na ang mga taga- Egypt.

⮚ Pinakapalasak na salaysay at siyang kinagigiliwan na malaking bahagi ng


mambabasa hindi lamang sa Tagalog kundi sa iba pang mga wika.

⮚ Ang isang uri ay ang karanasan ng mga mandirigma sa mga lupang sinakop.

10. Salaysay ng Paglalakbay (Travel Narrative)


⮚ Ay halos kahawig sa salaysay ng pakikipagsapalaran dahil sa pagkakaparis ng uri
nilang hilig sa kalikasan.

⮚ Ang manunulat nito ay kinakailangang may karanasang sanhi ng pagkakapaglakbay.

⮚ Ang salaysay nina Marco Polo, Columbos at Magallanes aykinagigiliwan pa rin ng


mga mambabasa sa ngayon.

11. Kathang Salaysay (Sketch)


⮚ Hindi gaanong kinagigiliwan ng mga mambabasa sapagkat walang nangyayaring
pagbabago sa mga tauhan,kalagayan, pagkatipan at pandamdam.

⮚ Gayunpaman, ang katangian nito ay nasa di malilimutang larawan ng mga tauhan at


kapaligirang makulay.
⮚ Maaaring may mga pangyayari ngunit tiyak na hindi maayos at makatwiran ang
pagkakasunod-sunod.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA


1. Sariling karanasan –pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng
isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon at iba pa.
3. Nabasa o napanuod – mga palabas sa sine, telebisyon, dulang pantreatro at iba pa.
4. Likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang
salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
MAIKLING KWENTO
(SHORT STORY)
❑ Isang kathang pampanitikan na may sariling kaanyuan at kakayahan.
❑ Pangunahing layunin ay magbigay aliw sa pamamagitan ng isang
makapangyarihang paglalahad.

MGA KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO


1. Banghay – Ang maayos at wastong pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari.
2. Paningin – Nagsasaad kung saan dapat talakayin.
3. Suliranin (Problem) - Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang
kalutasan nito sa katapusang ng akda.
4. Paksang Diwa (Theme) – Ito ang pang – isipang iniikutan ng mga pangyayari sa
akda.
5. Himig (Mood) – Tumutukoy sa kulay ng damdamin
6. Salitaan (Dialogue) - ang usapan ng mga tauhan.
7. Kapanabikan (Climax) – Pinaka – nakakasabik na bahagi ng nararamdaman ng
mambabasa.
8. Pagtutunggali (Conflict) - Paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga
kasalungat na maaaring kapwa tauhan o damdamin ng rin niya.
9. Kakalasan (Disentangle) - Kinakalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
10. Galaw (Action) – tumutukoy sa paglakad o pag-unlad ng kwento sa pagkakalahad
ng suliranin hanggang sa malutas ito sa wakas ng katha.

URI NG MAIKLING KWENTO


1. Kwento ng madulang pangyayari ( Story of Dramatic Incident)
- Kapansin – pansin at makahulugan ang pangyayari.

2. Kwento ng pakikipag sapalarang maromansa (Story of Romantic Adventure)


- Ang pagkawili sa ganitong katha ay makikita sa balangkas at hindi sa mga
tauhan ng kwento.

3. Kwento ng Pag-ibig (Love Story)


- Pag-ibig ang nangingibabaw na katangian na gumising sa ating kawilihan.

4. Kwento ng Katatakutan ( Story of Terror)


- Ang gumaganyak ng kawilihan ang damdamin, sa halip na kilos. Sa ganitong uri
ng kwento, dapat matamo ang kaisahan ng panahon, kaisahan ng pook at
kaisahan ng kilos o takbo ng pangyayari.

5. Kwento ng Katatawanan ( Humors Story)


- Ang galaw ng mga pangyayari ay mabagal at may mga pagkakataong mayroong
paglihis ng balangkas.

6. Kwento ng Kababalaghan (Story of the Supernatural)


- Ang pangunahing tauhan ay inilalarawan bilang isang taong may sariling bait
kung kaya’t hindi basta-bastang mapapaniwala sa mga pangyayaring di-
karaniwan.
7. Kwento ng Katutubong Kulay ( Story of Local Color)
- Tagpuan ang binibigyang – diin sa uri ng kwento

8. Kwento ng Talino ( Story Ingenuity)


- Binibigyang – diin ang balangkas at hindi tauhan o tagpuan

9. Kwento ng Sikolohiko (Psychological Story)


- Ang mga tauhan ay inilalarawan sa mambabasa sa kanilang pag-iisip
- May layuning maipadama ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
kalagayan o pangayayari.

10. Apologo (Apologue)


- May layuning mangaral na dapat mangibabaw sa layuning magbigay aliw.

ARALIN 6:PANGANGATWIRAN
Ano ang Pangangatwiran?
Ito ay isang pagpapahayag na Nagbibigay ng sapat na katibyan o patunay
upang ang isang panukala ay maging katanggap – tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito
na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o
paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.

❑ Ito ay isang pagpapaayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang


isang panukala ay maging katanggap – tanggap o kapani – paniwala. Layunin nito na
hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig
o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.
-Badayos-

❑ Sa pangangatwiran, ang katotohanan ay pinagtibay o pinatutunayan sa


pamamagitan ng mga katwiran o rason.
-Arogante-

❑ Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at


magandang pananalita ay makatutulong upang makahikayat na pakinggan,
tanggapin at paniwalaan ng nakiking ang nangangatwiran.

❑ Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong


dapat isaalang – alang o sundinupang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo
na sa formal sa pangangatwiran gaya ng debate.

❑ Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring


matamo ng sinuman subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN

1. Upang mabigyang – linw ang isang mahahalagang usaping o isyu.


2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao.
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin.
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa.

URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pangangatwirang Pabuod (Inductive Reasoning)


- Nagsimula sa maliliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o
paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ito sa
tatlong bahagi.
A. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad – Inilahad dito ang magkatulad
na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang
nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay masasabing
pansamantala lamang at maaaring mapasinulngaingan. Maaaring maging pareho
ang pinaghambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang
katangian.
B. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi –
Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang
pangyayari.
C. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay –
Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o
magpapatotoo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
Halimbawa ng Pabuod na Pangangatwiran

Gumagamit ng Pagtutulad

Halimbawa:

Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Kabanatuan, sila
ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabang.

Ang pagmamatuwid na si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang ama’t ina niya ay
mahusay ring mga guro.

Ang Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi

Halimbawa:

Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi
siya nagbalik-aral.

Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay

Halimbawa:

Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapin sa paang
tsinelaas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa
namatay na natagpuan sa di – kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng
napatay.

2. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)


- Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang
simulang panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang
tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang pangungunang
batayan, isang pangalawang batayan at isang kongklusyon. Isang payak na
balangkas ng pangangatwiran ang silohismo.
Mga halimbawa ng Pangangatwirang Pasaklaw

o Nagsisimula sa malaki patungo sa maliit na kaisipan o katotohanan


HALIMBAWA:

Ang lahat ng hayop ay nilikha ng Diyos. Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon ang
manok at nilikha ng Diyos.

ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN

1. Proposisyon
- Panukala (maaaring sang-ayon o di sang-ayon)
Halimbawa ng nangangatwiran
Isang paksa: Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kailangang ng magtatag ng batas
na kailangan sa isang pamilya ay dalawa (2) anak lamang.

3 URI NG PROPOSISYON

Pangyayari – Ito ay nagpapatunay o pagsasawalang – katotohanan ng isang bagay.

Kahalagahan – Ito ay pagtatanggol sa kahalagahan ng isang bagay o kaisipan.

Patakaran – Ito ay paghaharap ng isang pagkilos sa isang suliranin.

2. Pagtatalo
- Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa
pamamagitan ng pangangatwiran. Maaari itong nakasulat o binibgkas. Ang
kahalagahan ng debate, para mapag-usapan o pagtaluhan ang isang sitwasyon.

MGA HAKBANG SA PANGANGATWIRAN

1. Alamin ang iba’t ibang mga paksang dapat bigyan ng katwiran.


2. Dapat matutuhan ang pagsusuri sa mga pangungusap na siyang
pangangatwirannang sa gayon ay malaman at mapag-aralan ang pinakamagandang
argumento sa isang paksa o bagay.

3. Pag-aralan ng mabuti ang mga paraan ng pangangatwiran upang makapagsaliksik at


makatipon ng katwiran sa pgbuo ng mga katwiran sa pagbuo ng argumento.
4. Suriin at pag-aralan ang mga argumento at mga katibyan sa pamamagitan ng
pagsasangguni sa mga dalubhasa sa paksang tinatalakay.

DALAWANG SANGKAP SA PAGMAMATUWID (Alejandro, 1990)

1. Paggamit ng katwiran
2. Ang layuning mapaniwala o mapakilos ang iba alinsunod sa ibig mong
mangyari

SANGKAP SA MABUTING PANGANGATWIRAN


1. Pagkakaroon ng sapat na katunayan o katibayan.
2. Hindi maligoy at paikot-ikot.
3. May pagsang-ayon sa opinion o kuro-kuro ng mga eksperto sa bagay na
ipinagmamatuwid.
4. Kailangang maging tiyak ang pangangatawan.

You might also like