You are on page 1of 58

M G A

T I YA NA
KSI TWASYONG
PAN GKO M
ON
UN I KASY
Depinisyon ng tiyak na
sitwasyong
pangkomunikasyon

Ang tiyak na sitwasyong


pangkomunikasyon at tumutukoy sa mga
sitwasyon kung saan mayroong mga
nagaganap na komunikasyon. Ito ay
maaring simpleng pag uusap sa pagitan ng
dalawang tao, sa loob ng isang grupo o mas
madami pa. Ito ay mahalaga sapagkat ito ay
nag reresulta sa pag babalangkas ng mga
ideya at pag papalitan ng impormasyon.
M GA
URING
KOMUNIKASYON
MGA URI NG
KOMUNIKASY
ON
Berbal
Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong
gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o pasulat man.
Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-
usap sa kaanak, kaibigan, at kakilala, pakikipagtalakayan sa
klase, at paglahok sa mga usapan sa kumperensiya at seminar.
Pasulat naman itong napadadaloy sa mga sulatin sa klase,
paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na liham,
at iba pa.
MGA URI NG
KOMUNIKASY
ON
Di-berbal
Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang
daluyan o tsanel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog
kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na iniaangkop
sa mensahe

Halimbawa:
kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kilay, iba-ibang
uri ng pagtingin at pagtitig at iba pa.
MGA URI NG
KOMUNIKASYONG DI
B E RB A L
• Galaw ng katawan (Kinesics)
• Proksemika/Espasyo (Proxemics)
• Oras ( Chronemics)
• Pandama ( Haptics)
• Paralanguage
• Katahimikan
• Kapaligiran
Anim na Pamantayan sa Pagtataya
ng Kak ayahang Pangkomunikatibo
1. Pakikibagay o Adaptability
Ang isang tao ay may kakayahang mabago ang
pag uugali upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan. Makikita ito sa pag sali sa iba't ibang
Interaksyong sosyal. Pagpapakita ng pagiging
kalmado sa pakikisalamuha sa iba, kakayahang
ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika,
at kakayahang magpatawa habang
nakikisalamuha sa iba.
2. Paglahok sa Pag uusap o
Conversational Involvement.
May kakayahan ang isang taong gamitin
ang kaalaman sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba. Makikita ito sa
kanyang kakayahang tumugon,
kakayahang makaramdam kung ano ang
tingin sa kanya ng ibang tao, at
kakayahang makinig o mag pokus sa
3. Pamamahala sa pag-uusap o
Conversational Management
Tumutukoy naman ang kakayahang ito na
mapamahalaan ng isang tao ang pag-
uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng
usapan at kung paanong ang mga paksa
ay nagpapatuloy o nag-iiba.
4. Pagkapukaw damdamin o Empathy
Pagpapakita ito ng kakayahang mailagay
ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at
pag-iisip ng posibleng mangyari o
maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan
ng isang tao o samahan.
5. Bisa o Effectiveness
Tumutukoy ito sa isa o dalawang mahahalagang
pamantayan upang mataya ang kakayahang
pagkomunikatibo - ang pagtiyak kung epektibo
ang pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang
pang komunikatibo ay may kakayahang mag-isip
kung ang kaniyang pakikipag-usap ay epektibo
at nauunawaan.
6. Kaangkupan o Appropriateness
Maliban sa bisa may isa pang mahalagang
pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng paggamit
ng wika. Kung ang isang tao ay may kakayahang
pangkomunikatibo, naiaangkop niya ang kaniyang
wika sa sitwasyon, sa lugar ng pinangyayarihan ng
pag-uusap, o sa taong kausap
KAHALAGAHA N NG
KOMUNIKASYON
Ang kahalagahan ng komunikasyon ay araw araw
natin itong ginagamit. Napakalaki ng
ginagampanan nitong tungkulin upang mapadali
ang mga nais makamit ng mga tao sa isang tiyak
na konteksto. Kung wala ito hindi uusbong ang
anumang uri ng sibilisasyon. Hindi yayaman nang
gaya ng sa kasalukuyan ang nalalaman ng
nanggagaya sa kasalukuyan.
Komunikasyon bilang
panghubog ng
opinyon ng madla
● Sa pamamagitan ng
komunikasyon ay napapadali
ang paglaganap ng kaisipan
hinggil sa mga programa ng
gobyerno upang mapabilis ang
pagtanggap ng mga
mamamayan.
● Ang midya kagaya ng radyo at
telebisyon ang pangunahing
ginagamit ng sa gayon ay mabilis
ang paglaganap ng impormasyon
KOMUNIKASYO
N B IL ANG
PANLINANG
NG UGNAYAN
KOMUNIKASYON BILANG
PANLINANG NG UGNAYAN
● Gaya ng nabanggit sa yunit na ito, isang tungkulin din ng
komunikasyon ang luminang ng ugnayan at relasyon. Nagsisimula
ang pagkakaibigan sa interaksyon sa pagitan ng dalawang
nilalang na may pinagkasunduang bagay. Nagiging mas matibay
ang samahang ito sa pamamagitan ng palagiang pakikipag-usap sa
isa’t isa.
● Komunikasyon din ang nagpapatibay sa ugnayan ng mga
miyembro ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy nap
ag-uusap sa kung paano pamamahalaan ang mga mamamayan,
lugar at mga pinagkukunan, lalong napagbubuklod ang isang
lipunan.
Komunikasyon
bilang paghahatid
ng impormasyon at
pagpapalaganap ng
kultura
Ayon sa mga dalubhasa ito ay sa paraan o
pamamagitan ng pagsusuri sa mga
makabagong uri ng komunikasiyon tulad ng
social media na mabilisang pakikipag
komunikasyon sa malayo, at maaaring
matagpuan ang mga pagbabago sa kultura
at lingguwistika ng ating lipunan.
“Ang social media pangunahing ginagamit natin
[sa paghahatid] ng mensahe, [isa ito sa mga
pangunahing] proseso ng komunikasyon at hindi
ito mahihiwalay sa kultura ng lipunang
ginagalawan natin,” wika ni April Perez, propesor
sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, sa ikalawang
araw ng Pandaigdigang Kongreso sa Araling
Filipinas sa Wikang Filipino.
Ayon sa dalubhasa na si Ani De castro
hindi lamang wikang Filipino ang
ginagamit upang mapaigting ang
ugnayan sa mga mamamayan kundi
lahat ng wika sa Pilipinas upang
magkaroon ng koneksiyon sa iba’t
ibang sektor ng lipunan.
Mga antas ng
komunikasyo
n
Intrapersonal na Komunikasyon
- pakikipag-ugnayan sa sarili sa
pamamagitan ng replektibong pag-iisip o
internal vocalization (Dance & Larson, 1972).
- Ito’y isang kognitibong proseso sa loob ng
ating sarili - isang diyalogo o kumbersasyon
na patuloy na nagaganap sa ating sarili.
Intrapersonal na Komunikasyon

Halimbawa: ang pagpapasiya kung


anong reaksyon ang ipakikita ng
isang tagapagsalita – sa isang
pagpupulong
Interpersonal na Komunikasyon

-Nagaganap naman ang interpersonal na


komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang
tao o pangkat. Ginagamit ang ganitong uri ng
komunikasyon upang bumuo, magpanatili, at
maging tumapos ng ugnayan.
-Upang maging lubusang epektibo,
nangangailangan din ito ng mataas na antas ng
kakayahan sa pakikinig at conflict management
Interpersonal na Komunikasyon

Halimbawa: ang interaksyon sa


pagitan ng fitness coach at
trainee, doktor at kaniyang
pasyente, at consultant at isang
opisyal ng gobyerno.
Pangkatang Komunikasyon
Ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas
marami pang taong may iisang layunin
maaring maganap ang pangkatang
komunikasyon sa personal o maging
sa iba pang platform gaya ng group
chat sa social media at video
Pangkatang Komunikasyon
HALIMBAWA:
pagpupulong sa barangay o sa
munisipyo na naglalayong solusyunan
ang isang problema gaya ng trapiko, na
sinusulong sinisimulan sa pagbibigay ng
mungkahi at pagpapatalaga ng mga
taong gaganap sa mga tiyak na gawain.
PAMPUBLIKONG
KOMUNIKASYON
mas pokus sa tagapagpadala ng menshe
kaysa tumatanggap na malimit ay higit sa
apat. Ito rin ang pinaka malayunin sapagkat
mas madalas itong pormal. Ginagamit ito sa
buhay akademya, buhay-trabaho at buhay-
sibika.
PAMPUBLIKONG
KOMUNIKASYON
HALIMBAWA:
pagharap sa klase upang bumigkas ng
talumpati bilang performans task
Pangangampanya para sa isang
panibagong proyekto sa inyong
komunidad gaya sa anti-human
trafficking campaign.
Pangmadlang Komunikasyon
-Gaya ng pampublikong komunikasyon, layon din
ng pangmadlang komunikasyon na makipa-
ugnayan at maghatid ng mensahe sa madla.
- Gayunpaman, naiiba ito sa nauna, kung ang
mensahe ay ipinadadala nang palathala (diyaryo o
magasin) o sa pamamagitan ng electronic media
gaya ng telebisyon at radyo
Multikultural na komunikasyon

- Ang multikultural ay tumutukoy sa isang lipunan na may


iba't ibang mga pangkat ng mga miyembro ng lipunan na
mayroong iba't ibang kultura at iba't ibang etniko. Ang mga
tao ay nakatira sa isa't isa, ngunit ang bawat pangkat ng
kultura ay hindi kinakailangan makipag ugnayan sa bawat
isa.
- hinggil sa o may kaugnayan sa pagkakaroon ng iba’t ibang
kultura o etnikong pangkat sa isang lipunan.
Multikultural na komunikasyon

- Ito ang komunikasyon na nasasangkutan ng mga


kultura ng iba't ibang ispiker. Batay nga kay
Fishman (1971), sa kanyang "Can language be
Planned" na kailanman ay hindi maipaghihiwalay
ang kultura at wika kaya't laging isaalang alang
ang kultura ng tagapagsalita.
Mga tiyak na
halimbawa ng
sitwasyong
pangkomunikasyon
Pangkatang Komunikasyon
Round Table at Small Group Discussion
Ang talakayang round table ay maliit na grupo,
madalas na sarado, mga pamamaraang sinadya
kung saan ang mga kalahok ay may pantay na
pagpapalitan ng mga ideya tungkol sa isang
ibinibigay ng paksa. Ito ay ang maliit na
talakayan kung saan ang ang lahat ay may
pantay na karapatang lumahok.
Pangkatang Komunikasyon
Ang pag-alam kung paano
mapadali ang isang round table
na talakayan ay susi sa paglikha
ng isang nakaaaliw at
matagumpay na sesyon.
Pangkatang Komunikasyon
Upang maging maayos ang pangangasiwa ng
nasabing gawain, iminumungkahi ang mga
sumusunod na mga padron: (1) paglalahad ng
layunin ng talakayan; (2) pagpapakilala ng mga
kalahok (pangalan at organisasyon); (3) pagtalakay
sa paksa; (4) pagbibigay ng opinyon, puna, at
mungkahi ng mga kalahok; (5) paglalagom ng mga
napag-usapan at napagkasunduan; at (6) pagtukoy
ng mga susunod na hakbang.
Pampublikong Komunikasyon Lektyur at
Seminar

-Ang lektyur at seminar ay mabibisang platform para


ipakilala ang mga bagong kaalaman, paraan upang i-
update ang dati nang nalalaman ng mga
prospektibong kalahok. Iminumungkahi na
magkaroon ng pagtataya sa pagtatapos ng gawain
upang matiyak kung natamo ang layunin ng lektyur
at seminar.
SEMINAR

Isang pormal na akademikong instruksyon naman


ang seminar na maaaring ibigay ng unibersidad o
pamantasan, mga komersyal o propesyonal na
organisasyon. Tungkulin nitong lipunin ang isang
maliit na pangkat para sa mahalagang pag-uusap sa
isang paksa na kung saan ang bawat kalahok ay
inaasahang makilahok sa anumang paraan.
Worksyap
Ang worksyap ay kinabibilangan ng mga
elementong taglay ng isang pantas-aral o
seminar. Bagama’t ang malaking bahagi
nito ay nakapokus sa “hand-on-practice.”
Idinisenyo ito upang Aktwal na
magabayan ng mga tagapagsalita o
tagapangasiwa ang mga kalahok sa
Worksyap
Ang pagtuturo ng paggawa ng “handicrafts” sa
isang komunidad upang pasiglahin ang turismo,
pagsulat ng ortograpiya ng isang wikang rehiyonal.
Ang worksyap ay isang maikling programang pang-
akademik na idinisenyo upang turuan ang mga
kalahok ng praktikal na kasanayan, pamamaraan, o
ideya na maaari nilang gamitin sa kanilang trabaho
pang-araw-araw na pamumuhay.
Worksyap
Ang worksyap ay mainam gamitin subalit
hindi limitado.
1.Pagsisimula ng isang bagay.
2.Inisyal na pagsasanay para sa mga
staff o volunteer.
3.In Service
4.Demonstrasyon
Kumbensyon

Ito ay pinakamalaking uri ng pagtitipon sa


lahat. Ang mga kalahok na inaasahang
dadalo sa ganitong uri ng pagtitipon ay may
humigit-kumulang 2,000. Malimit na
organisasyonal o dili kaya'y politikal ang
layon ng isang kumbensyon at inaasahan
itong maisagawa sa loob ng dalawa
Kongreso
Ito ay dinadaluhan ng 300 hanggang
2,000 Kalahok at madalas na
isinasagawa sa loob ng dalawa
hanggang apat na araw. Binubuo ito
ng mga plenaryong sesyon at
magkakasabay na pulong (concurrent
Kumperensiya

Isa itong pormal na pagpupulong na kung


saan ang mga kalahok ay binibigyan ng
pagkakataong makapagbigay ng kani-
kanilang pagtalakay sa iba’t ibang paksa.
Layunin nitong talakayin ang overview ng
isang disiplina o paksa at pag-usapan ang
mga problema at suliranin hinggil dito.
Ang pagpaplano sa pagkakaroon ng
kumperensya ay isang gawaing hindi
madaling isakatuparan kung
isaalang-alang ang lawak ng sakop
ng pagtatalakay sa mga usaping
nakapaloob dito bagama’t maaaring
pagbatayan ng mga sumusunod sa
pagbuo nito.
1.Pagpapasysa tema.
2.Pagpapasya sa maaring makasama sa pagkata.
3.Ihanda ang plano para sa badget at mga
guguguhin nito
4. Paghahanap ng isponsor na makatutulong sa mga
gastusin ng gawain.
5.Pagpapasya para sa araw at lugar na pagdarausan,
kailangang tiyaking malayo ito sa ingay at sapat ang
bentilasyon upang masigurado ang atensyon ng
mga makikibahagi.
6.pagpapasya para sa mangangasiwa ng pagkain,
mainam na tukuyin ang preperensya ng
magsisipagdalo gaya ng sa pagkain at panalangin
kung may kalahok na bahagi ng isang tiyak na grupo
o relihiyon.
7.Pagpili ng tagapagsalita
8.Pagpapatala o promosyon at
9. Mahalagang isaalang-alang din ang kalusugan at
seguridad ng mga kalahok, tiyaking may
nakaantabay na medical team na sasaklolo kung
sakali mang may mangyari na medical emergency.
Pangmadlang Komunikasyon (Programa sa
Radyo at Telebisyon)
Isa sa mga tiyak na halimbawa ng sitwasyong
pangkomunikasyon ang pangmadlang komunikasyon.
Nakapaloob rito ang mga programa sa radyo at
telebisyon. At kahit patuloy na lumalaganap ang mga
plataporma ng social media, mas mapagkakatiwalaan pa
rin ang mga impormasyong makukuha sa mga ito. Malaki
ang naitulong ng radyo at telebisyon upang hubugin ang
pag-iisip ng publiko tungkol sa maraming bagay.
Video Conferencing
Ang video conferencing ay live, visual na koneksyon sa
pagitan ng dalawa o higit pang malalayong partido sa
internet na ginagaya ang isang harapang pulong.
Mahalaga ito dahil binibigyang-daan nito na sumali ang
mga tao na karaniwang hindi makakabuo ng isang
harapang koneksyon. At nang maging mas progresibo
ang teknolohiya dahil sa globalisasyon, nagbunga ang
iba’t ibang paraan upang makipag-ugnayan. Sa
pamamagitan ng video conferencing, may interaksyong
nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang tao na
Komunikasyon Gamit ang Social Media

Kasabay ng pagbabago o pag-unlad ng mundo ay ang


pagbabago sa metodo o pamamaraan ng pakikipag-
usap ng tao sa isa’t isa. Naging higit na madali sa
ngayon ang proseso ng paghahatid ng mensahe at
pagtanggap ng mensahe gamit ang telepono, e-mail,
text messaging. Ginagamit ng mga mag-aaral na
daluyan ng komunikasyon ang virtual na mundo
ngteknolohiya sa kanilang mga pagsusunog ng kilay at
pakikipagpalitan ng kuro.
Pasalitang pag-uulat sa maliit at
malaking pangkat
isang uri ng pagsasalaysay sa harap ng
mga tao o tagapakinig. Nagkakaiba
lamang ang mga ito sa liit o dami ng mga
tagapakinig. Subalit ang ibayong
paghahanda at kaalaman ng isang
tagapagsalita ay marapat na maipamalas
sa oras ng pag-uulat.
Mga Gabay sa Maayos ng Pag-uulat

• Kinakailangang may sapat at kakayahang makasagot sa


lahat ng kinakailangan ng mga tagapakinig batay sa paksa.
• Ang paksang iuulat ay dapat naaayon sa pagkakasunod-
sunod at naihahayag ng buong linaw sa mga tagapakinig.
• Hiniling din ang tamang lakas ng boses para sa gagawing
pag-uulat.
• Mahalagang angkop ang kasuotan na gagamitin sa gagawing
pag-uulat.
• Higit sa lahat ang tiwala at kompyansa sa sarili ay lubos na
hinihingi sa gagawing pagpapahayag ng ulat maliit o malaki
Ang Panayam ay pormal na pakikipag-usap ng
isang tao sa iba pang tao upang makakuha ng
mga kinakilangang impormasyon para sa
ispesipikong layunin katulad ng pangangalap
ng balita at paghahanap ng posibleng
empleyado sa isang kumpanya. Mainam na
gumamit ng interview protocol o talaan ng
mga tanong na maaaring ipukol sa isang
indibidwal upang makakuha ng kinakailangan
Ang katanungan ay maaaring ikategorya
sa: (1) pangunahing katanungan o ang
panimulang katanungan tungkol sa
pangunahing paksa ng panayam,
at (2) sekundaryang katanungan o ang
mga kasunod na katanungang nakabatay
sa mga naunang tanong.
Ang mga katanungan ay maaari ding bukas na
malawak ang sakop sa punto na higit nitong
binibigyan ng kalayaan ang bawat isa na
tumugon sa tiyak na impormasyon, opinyon,
at nararamdaman, at sarado kung ang dapat
tumugon ay walang opsyon liban sa oo o
hindi na mga kasagutan.
Bukod sa mga kategoryang nabanggit, ang
katanungan ay maaari ding walang
pinapanigan o yaong hindi nagdidikta ng
kasagutan sa mga tinatanong o nagtuturo o
yaong mga katanungang sinasabi sa mga
kakapanayamin kung ano ang nararapat
nilang kasagutan sa tanong.
SALAMA
T!

-MISS AYAP

You might also like