You are on page 1of 25

YUNIT VI.

MGA TIYAK NA SITWASYONG


PANGKOMUNIKASYON
1 2
URI NG KOMUNIKASYON
1. BERBAL NA KOMUNIKASYON

Berbal ang komunikasyon kung


ginagamitan ng wika o salita at mga
titik na sumisimbolo sa kahulugan ng
mga mensahe.
2. DI- BERBAL NA KOMUNIKASYON

Di- Berbal ang komunikasyon kapag


ginagamitan ng mga kilos o galaw ng
katawan upang maiparating ang
mensahe at hindi sa pamamagitan ng
salita o wika.
PAMANTAYAN SA PAGTATAYA
NG KAKAYAHANG PANG
KOMUNIKATIBO
(CANARY & CODY, 2000)
1. PAKIKIBAGAY (ADAPTABILITY)

Ang isang tao ay may kakayahang mabago ang


pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang
pakikipag-ugnayan.
2. PAGLAHOK SA PAG-UUSAP
(CONVERSATIONAL INVOLVEMENT)

May kakayahan ang isang taong gamitin ang


kaalaman tungkol sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba.
3. PAMAMAHALA SA PAG-UUSAP
(CONVERSATIONAL MANAGEMENT)

Tumutukoy naman ang kakayahang ito na


mapamahalaan ng isang tao ang pag-uusap.
Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung
paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4. Pagkapukaw-damdamin
(EMPATHY)

Pagpapakita itong kakayahang mailagay ang


damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng
posibleng
mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa
kalagayan ng isang tao o samahan
5. BISA (EFFECTIVENESS)

Tumutukoy ito sa isa o dalawang mahahalagang


pamantayan upang mataya ang kakayahang pang
komunikatibo – ang pagtiyak kung kung epektibo
ang pakikipag-usap.
6. Kaangkupan
(APPROPRIATENESS)

Isa pang mahalagang pamantayan upang mataya


ang kakayahang pangkomunikatibo ay ang
kaangkupan ng paggamit ng wika.
Paano mo gagamitin sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino at kultura ang berbal at di-berbal na
komunikasyon?

Para sa iyo, maaari bang pagsabayin ang paggamit ng


berbal at di-berbal na komunikasyon sa
pakikipagtalastasan? Kung oo magbigay ng mga
sitwasyon , kung hindi bakit?
Maaari nating sabihin na walang uusbong na ano
mang uri ng sibilisasyon kung walang
komunikasyon at hindi natin mapagyayaman ang
mga bagay-bagay tulad ng agham, matematika,
medisina, humanidades, arkitektura, at iba pa.
Maaari ring magkaroon ng hindi pagkakaintindihan
ang lipunan at bansa kung walang komunikasyong
magaganap sa pagitan ng lider at kanyang mga
kinatawan. Sa mas praktikal na antas, napapagtibay
ng komunikasyon ang relasyon ng bawat isa.
KOMUNIKASYON BILANG PANGHUBOG
NG OPINYON NG MADLA

KOMUNIKASYON BILANG PANLINANG


NG UGNAYAN

KOMUNIKASYON BILANG PAGHAHATID


NG IMPORMASYON AT PAGPAPALAGANAP
NG KULTURA
Mga Antas ng Komunikasyon
Uri ng Komunikasyon

• Intrapersonal na Komunikasyon
• Interpersonal na Komunikasyon
• Pangkatang Komunikasyon
• Pampublikong Komunikasyon
• Pangmadlang Komunikasyon
Intrapersonal na Komunikasyon

• Ito ang uri ng komunikasyon na


nagaganap sa loob lamang ng
isipan ng isang tao, na nagdidikta
ng kaniyang magiging tugon sa
mga pangyayari sa paligid.
Interpersonal na Komunikasyon
• Ito ang uri ng komunikasyon na
ginagamit upang bumuo, magpanatili,
at tumapos na ng ugnayan. Madalas
itong matunghayan sa pagitan ng
mag-asawa, dalawang miyembro ng
pamilya, magkaibigan, amo at
empleyado, at iba pa.
PANGKATANG KOMUNIKASYON
Ito ang uri ng komunikasyon na nagaganap sa
pagitan ng tatlo o mas marami pang taong may
iisang layunin.

 ROUNDTABLE
 SMALL GROUP DISCUSSION
PAMPUBLIKONG KOMUNIKASYON

Ito ang uri ng komunikasyon na nakapokus sa


tagapagdala ng mensahe kaysa
tumatanggap-na malimit ay higit sa apat. Sa
lahat ng uri ng komunikasyon, ito rin ang
pinakamalayunin sapagkat mas madalas
itong pormal.
PAMPUBLIKONG KOMUNIKASYON

LEKTYUR AT
SEMINAR

WORSYAP

KUMBENSYON, KONGRESO, at
KUMPERENSYA
PANGMADLANG KOMUNIKASYON

Tinatawag namang pangmadlang komunikasyon ang


paghahatid ng mensahe sa mas malawak na awdyens
sa lalong madaling pamamaraan at gumagamit ng
mass media.
 Programa sa Radyo at
 Video Conferencing
Telebisyon
 Komunikasyon gamit ang
Social Media
MULTIKULTURAL NA
KOMUNIKASYON
• ito sa pag-aaral ng dibersidad at kultura na
nakaiimpluwensiya sa komunikasyon
gayundin sa mga isyung
pangkomunikasyon na may relasyon sa
iba’t ibang kultura, ethnisidad, lahi,
kasarian, relihiyon, edad, social class, at
disabilidad (kapansanan).

You might also like