You are on page 1of 21

KAKAYANG PANGKOMUNIKATIBO

NG MGA PILPINO (DISKORSAL)


 Noong kapanahunan ni Aristotle,
pinaniniwalang nakatutok ang
larangan ng komunikasyon sa
iisang antas lamang, ang
pambulikong komunikasyon. Ito
marahil ang dahilan kaya nabuo
ang Retorika. Tungkol ito sa
epektibong mapanghikayat na
pagsasalita sa harap ng madla. Sa
kasalukuyang pag-aaral,
binigyang-halaga ang malawak na
gampanin ng isang tao sa
pakikipagtalastasan.
TATLONG ANTAS NG
KOMUNIKASYON
KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL
 Ito ay tumutukoy sa
komunikasyong
nagaganap sa isang
tao.

 Maaaring ito ay
kanyang naiisip bunga
ng kanyang
imahinasyon;
pakikipag-usap sa
sarili, at maging ang
pag-aalaala.
KOMUNIKASIYONG INTERPERSONAL

 Tumutukoy ito sa
pakikipagtalastasan sa
ibang tao, maaring sa
pagitan ng dalawang tao
o sa maliit na grupo.

 Kadalasang harap-
harapan ang pakikipag-
usap, na gumagamit ng
facial expression, at
gestures.
KOMUNIKASYON PAMPUBLIKO

 Kung dati rati ito ay


patungkol sa
pagtatalumpati o
pagsasalita sa harap ng
maraming tao, ngayon ay
saklaw na rin ng antas na
ito ang komunikasyong
pampolitika, panlipunang
pamimili at pagtitinda,
pagpapatatag ng samahan,
at estratehikong
pananaliksik.
 Itinuturing ding antas ng komunikasyon ang
sumusunod:

 Media at mga bagong teknolohikang


pangkomunikasyon
 Komunikasyong organisasyonal
 Komunikasyong interkultural
ANIM NA PAMANTAYAN SA
PAGTATAYA NG KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
 Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng
serye ng mga salita o pangungusap na
bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

 Ang isang tao may kakayahang


pangkomunikatibo ay nakapagbibigay rin
ng wastong interpretasyon ng napakinggan
o nabasang pangungusap o pahayag upang
makabuo ng isang makabuluhang
kahulugan.
 Tandaan, may dalawang bagay na
isinasaalang-alang upang malinang ang
kakayahang diskorsal- ang cohesion o
pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-
ugnay.
 Ugaliing gumamit ng mga panandang
kohesyong gramatikal at panandang
pandiskurso upang matiyak ang kaisahan
at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan.
Masasabi nating may kakayahang diskorsal
ang isang taong nagpapahayag nang may
kaisahan at magkakaugnay.
 Kailan ba sinasabing ang isang tao ay may
kakayahang pangkomunikatibo? Paano ba
natin masusukat ang mga kakayahang ito?
 Ang totoo niyan, magkakaugnay ang mga
salik ng kakayahang pangkomunikatibo at
hindi masusukat kung hiwa-hiwalay. Hindi
maaring sabihing si Pedro ay may
kakayahang pragmatik ngunit walang
kakayahang lingguwistiko. Ang
kakayahang pangkomunikatibo ay
sinusukat nang sama-sama at hindi isa-isa.
 Sinusukat ito sa pamamagitan ng pagtukoy
kung naisakatuparan ang layunin ng
pakikipagtalastasan. Dapat tandaang ang
isang taong may kakayahan sa wika ay
dapat magtaglay hindi lamang ng
kaalaman tungkol dito kundi kahusayan,
kasanayan at galing sa paggamit ng wikang
angkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo (Bagari et al. 2007).
 Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng
anim na pamantayan sa pagtataya ng
kakayahang pangkomunikatibo.
1. PAKIKIBAGAY (ADAPTABILITY)

 Ang isang taong may  Makikita ang kakayahang


kakayahang ito sa sumusunod:
pangkomunikatibo ay  a. pagsali sa iba't ibang
may kakayahang inter-aksiyong sosyal
magbago ang pag-  b. pagpapakita ng pagiging
uugali at layunin kalmado sa
upang pakikisalamuha sa iba
maisakatuparan ang  c. kakayahang ipahayag
ang kaalaman sa
pakikipag-ugnayan. pamamagitan ng wika
 d. Kakayahang magpatawa
habang nakikisalamuha sa
iba
2. PAGLAHOK SA PAG-UUSAP
(CONVERSATIONAL INVOLVEMENT)
 Makikita ito kung taglay
 May kakayahan ang ng isang komunikeytor
isang taong gamitin ang ang sumusunod:
kaalaman tungkol sa  a. Kakayahang
anumang paksa sa tumugon
pakikisalamuha sa iba.  b. Kakayahang
makaramdam kung ano
ang tingin sa kanya ng
ibang tao.
 c. Kakayahang makinig
at magpokus sa kausap
3. PAMAMAHALA SA PAG-UUSAP
(CONVERSATIONAL MANAGEMENT)
 Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang tao
pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito
ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga
paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4.Pagkapukaw-damdamin
(EMPATHY)
 Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang
damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip
ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay
nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
5. BISA (EFFECTIVENESS)

 Tumutukoy ito sa isa o dalawang mahahalagang


pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo ang pagtiyak kung epektibo
ang pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip
kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at
nauunawaan.
6. KAANGKUPAN
(APPROPRIATENESS)
 Maliban sa bisa, isa pang mahahalagang
pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng
paggamit ng wika. kung ang isang tao ay may
kakayahang pangkomunikatibo, naiaangkop niya
ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na
pinang-yayarihan ng pag-uusap, o sa taong
kausap.

You might also like