You are on page 1of 3

1

KABANATA 2
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Modyul Blg. 3

Mga Paksa:
2.5. Kakayahang Komunikatibo
2.5.1. Kakayahang Linggwistik
2.5.2. Kakayahang sosyolinggwistik
2.5.3. Kakayahang Pragmatik
2.5.4. Kakayahang Diskorsal
2.5.5. Kakayahang Estratehiko

LAYUNIN
Matapos mong mapag-aralan ang yunit na ito, inaasahang maisasagawa mo ang
mga sumusunod:

1. Matalakay at masuri ang pagkakaiba-iba ng kakayahang komukatibo batay sa


pagkakagamit, katangian at kahingian nito at bilang mabisang bahagi ng
konstekstwalisadong komunikasiyon;
2. Maiugnay ang kahalagahan at ang kabuluhan ng kakayang komunikatibo sa pang-
araw-araw na pamumuhay, bilang bahagi ng tahanan, paaralan, lipunan at bansa;
3. Makasulat at makapagbahagi ng sanaysay, tula, kwento atbp na may kaugnay sa
tinalakay na aralin, partikular sa komunikasiyon na/o may kaugnayan sa
kasalukuyang mga pangyayari; at
4. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa
mga komunidad at buong bansa batay sa kakulangan ng paggamit ng
komunikasiyon o pakikipagdiskurso.

PUNLA NG BUHAY

Daloy ng Kaalaman
2.5. Kakayahang Komunikatibo

2.5.1. Kakayahang Linggwistik


Ang kakayahang Linggwitika ay tumutukoy sa abilidad na
isang tao na makabuo at makaunawa nang maayos at
makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga linggwista at
mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa
kakayahan sa tinatawag na kakayahamh komunikatobo, na
nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga
pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal
(Hymes, 1972)
Sa pananw ni linggwistang si Noam Chomsky (1965), ang
kakayahang linggwistiko ay isang ideyal na Sistema ng di-malay o shutterstock.com
likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa

KONTEKSTWALISIDONG KOMUNIKASYON SA
NEUST-CAS
FILIPINO
2

kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika

2.5.2. Kakayahang sosyolinggwistik

Ang sosyolinggwistiko ay tumutukoy sa kakayahang gamitin ang wika nang may


naaangkop na panlipunanng pagpapakahulugan para sa isang toyak na sitwasiyon
pangkomunikasiyon.
Kadalasan, para sa ma taong taal na tagapagsalita ng isang wika (hal. Ang mga
tao na Tagalog ang unang wika ay tinatawag na taas na tagapagsalita ng Tagalog)
nagiging neutral lamang o hindi na kailangan pag-isipan ang paggamit ng naangkop
na pahayag ayon sa sitwasiyon. Gayunpaman, para sa hindi taal na tagapagsalita,
dapat niyang matutunan kung papaano “lumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang
sosyolinggwistikong konteksto, ng may pagsasa-alang-alang sa mga salik gaya ng
estado ng kausao, layunin ng interaksiyon, at itinakdang kumbensiyon ng
interaksiyon” (Freeman at Freeman 2004).
Halimbawa:
 Magandang araw po! Kumusta po kayo? (pakikipah-ugnayan sa mga
nakatatanda at may awtoridad)
 Uy! Kumusta ka naman? (kakaiba sa paggamit natin ng impormal na wika
sa ating mga kaibigan at kapareho ng estado)

Karagdagan ang paglilinaw ng sosyolinggwistikang si Dell Hymes (1974) ang


nasabing mahalagang salik ng linggwistikong interaksiyon gamit ang kanyang
modelo na SPEAKING

2.5.3. Kakayahang Pragmatik

Isang sangay sa lingguwistika na tumutukoy sa ugnayan ng mga anyong


lingguwistiko at anyo nito.

Nakatuon ito sa komunikatibong aksyon sa loob ng kontekstong sosyo-kultural at


binigyang pansin ang kaangkupan ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon.

Ayon kay Badayos, ito ay kinapalolooban ng tatlong kakayahan: Una, gamit ng


iba’t ibang layunin gaya ng pagbati, pagbibigay impormasyon, paghiling at iba pa;
panglawa, pagbabago ng ginagamit na wika ayon sa pangangailangan o inaasahan ng
kasusap; pangatlo, paggamit ng tuntunin sa isang naratibong pahayag gaya ng
pagkukuwento, pagbabalita at iba pa.

Kakayahang pragmatik ang kakayahang maiparating ang isang tukoy na mensahe,


at ito ang pagtatagpo ng intension at pagpapakahulugan

2.5.4. Kakayahang Diskorsal

KakayahangDiskorsal ay tumutukoy sa mismong kakayahang na matiyak na tama


ang isa o higit pang kahulugan ng teksto at sitwasiyon na nakapaloob o nakaayon sa
konteksto, o magbigay nang wastong interpretasiyon sa mga napakinggang pahayag
upang makabuo ng makabuluhang kahulugan.

Sa kakayahang ito, mahalagang tandaan ang mga panuntunan sa Kumbensiyon ni


Grice, 1975 (Clack 2007)

KONTEKSTWALISIDONG KOMUNIKASYON SA
NEUST-CAS
FILIPINO
3

1. Prinsipyo ng kantidad – dami ng impormasiyong kailangang ibigay.


a. Ibigay ang inaasahang dami ng impormasiyong mula sa iyo.
b. Huwag lalampas sa dami ng impormasiyong inaasahan mula sa iyo.
2. Prinsipyo ng Kalidad – katotohanan na ibinibigay na imprmasiyon.
a. Huwag sabihin ang paniniwalaan kung hindi totoo.
b. Huwag mong banggitin ang mga bagay na wala kang sapat na katibayan.
3. Prinsipyo ng Relasiyon – halaga ng ibinibigay na impormasiyon.
a. Panatilihing mahalagang may kaugnayan ang mga impormasiyong ibinibigay.

Dalawang uri ng Kakayahang Diskorsal

1. Kakayahang Tekstuwal
Kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa sa iba’t ibang teksto gaya ng
mga kadang pampanitikan, transkripsiyon, gabay na instruksiyon at iba pang pasulat
na komunikasiyon.

2. Kakayahang Retorikal
Kahusayan ng indibidwal na makibahagi sa kumbensiyon. Kasama ang kakayahang
unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o opinion.

2.5.5. Kakayahang Estratehiko


Ang kakayahang istratehiko ay isang uri ng kakayahang pangkomunikatibo. Ito ay
naglalarawan sa pakikipagtalastasang pinag-iisipan at ginagamitan ng iba’t ibang paraan
ng epektibong komunikasiyon sa kapwa.
Ito ay naglalayong maiparating ang mensahe sa kapwa sa pamamagitan ng mga
paraang tiyak na mauunawaan ngunit hindi nalilimitahan sa berbal na paraan. Bahagi ng
kakayahang estratehiko ay ang paggamit ng mga di-berbal na paraan gaya ng mga
kumpas, senyas, pagturo, at iba pa.

Halimbawa:

 Paggamit ng nguso sa pagturo ng mga bagay na pinag-uusapan.


 Paggaamit ng ulo sa pagturo ng direksiyon.
 Pagkumoas ng kamay o ekspresiyon ng mukha upang ipahayag ang pagsang-ayon o
pagtutol.

KONTEKSTWALISIDONG KOMUNIKASYON SA
NEUST-CAS
FILIPINO

You might also like