You are on page 1of 5

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Paksa: Kakayahang Pangkomunikatibo at linggwistiko


Inihanda Ni: Bb.Cristine Paquibot Baitang: Ikalabing-isa
Semestre: Una Week: 10

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan - F11PT- Ia-85

AKTIBITI 1

Panimulang Gawain:

Gumawa ng isang pangungusap na maiuugnay sa mga larawan sa


ibaba.

Komunikasyon
 Akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pagsulat, pakilos, o
pasalita na paraan.
 Ito ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining
upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang
palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang inaakala niyang
mahalagang mapag-usapan (Verdeber,1987).

1
Kakayahang Komunikatibo
 Angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaksyon sosyal.
 Ito ay sumasaklaw sa kasanayan na nakatuon sa mga tuntunin at dapat iasal
sa paggamit ng wika.
DELL HATHAWAY HYMES( June 7, 1927) - isang lingguwista, sosyolingguwista,
anthropologist, and folklorist na nagtatag ng mga pundasyon ng pandisiplina para sa
ethnograpikong pag- aaralng paggamit ng wika.
 Ayon kay Dell Hathaway Hymes may Iba’t ibang aspeto na dapat nating
matutunan sa paggamit ng wika ito ay ang sumusunod:
-Tama ang ayos ng sabihin
-Dapat sabihin
-Dapat pag-usapan
-Kanino lamang pwedeng sabihin
-Saan sasabihin
-Paano sasabihin

 OTANES (2002)- Pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika ay ang makabuo ng


isang mamayanang marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.

 Higgs at Clifford (1992)- kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay


sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginamit
sa teksto.

Kakayahang Linggwistiko
Abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap.

 Ayon kay Chomsky ito ay natural na kaalaman ng tao sa sistema ng kaniyang


wika, dahilan kaya nagagamit niya ito ngang tama at mabisa.
 Ito rin ang pundasyon ng kanyang “generative grammar-generate” na
nangangahulugang “lumikha”, “bumuo” at sistema ng isang wika.

Teknikal na Aspeto sa paggamit ng wika


 Ponolohiya- pag-aaral ng tunog o pamilyaridad sa tunog ng wika. Ang ponema ay
isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa
pang salita ng particular na wika

2
 Morpolohiya- Napapabilang sa kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitang ng iba’t ibang proseso na ipinahintulot sa isang partikular na wika.
 Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan.

 Sintaktik- Kakayahan ng isang indibidwal na makabuo ng mga makabuluhang


pahayag mula sa pag-uugnay sa mga salita na nakabubuo ng mga parirala, sugnay,
at pangungusap.
 Ang sintaksis ay ang estruktura ng mga pangungusap na nagsisilbing patnubay sa
pagsasabi ng kawastuhan ng pangungusap.

AKTIBITI 2
Panuto: Sa pamamagitan ng Graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling
pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.

KOMUNIKATIBO

3
AKTIBITI 3
Panuto: Mula sa naging talakayan,ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano
nagkakaiba ang kakayahang linggwistiko at kakayahang komunikatibo. Isulat ang
paliwanag sa mga kahong nakalaan sa ibaba.

KAKAYAHANG KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO LINGGWISTIKO

Sanggunian:
 https://www.google.com/search?q=sitwasyong+pangwika
 Kahulugan at Katangian ng Wika, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. - Maestro Valle Rey
 https://www.slideshare.net/NicoleAngeliquePangilinan/mga-sitwasyong-pangwika-sa-pilipinas-grade-11

Edited by: Juvelyn A. Berdon

4
Pangalan:_____________________________ Kwarter:_______
Seksyon:______________ Linggo:__10___

I.Panuto: Suriin ang bawat pahayag sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.

_______________1. Siya ang nagtatag ng mga pundasyon ng pandisiplina para sa


ethnograpikong pag- aaralng paggamit ng wika.

______________2.Ito ang pag-aaral ng tunog o pamilyaridad sa tunog ng wika.

______________3.Ito ay isang estruktura ng mga pangungusap na nagsisilbing


patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng pangungusap.

______________4. Ayon kay _________ ito ay natural na kaalaman ng tao sa sistema


ng kaniyang wika, dahilan kaya nagagamit niya ito ngang tama at mabisa.
_____________5. Ito ay pag-aaral ng tunog o pamilyaridad sa tunog ng wika.
_____________6. Ito ay kakayahan na ang abilidad ng isang tao na makabuo at
makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
_____________7.Ito ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng
isang salita mula sa isa pang salita ng particular na wika.
____________8. Ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
____________9. Ayon kay _________pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika ay ang
makabuo ng isang mamayanang marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.
___________10. Akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pagsulat,
pakilos, o pasalita na paraan.

II. Sagutin ang tanong .(5 pts.)


1. Para sayo, mahalaga ba na atting malaman ang teknikal na paggamit ng wika?
Bakit?

You might also like