You are on page 1of 10

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/pangkat:

______________________________ ________________________

Guro: Petsa ng Pagpasa:


______________________________ ________________________

Magandang araw! Masarap magpahayag ng


nararamdamam gamit ang sariling wika. Ngunit, ano nga ba
ang wika? Sabay nating alamin ang kahulugan, katangian
at kahalagahan ng wika, kasama ang pagkakaiba ng
barayti nito. Okey ba iyon sa’yo? Sige, simulan na natin!

I. Susing Konsepto:

Wika- isang sistema ng


komunikasyon sa pagitan ng mga tao
sa pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo.

Ponema- pinakamaliit na yunit ng Morpolohiya- makaagham na


makabuluhang tunog. pag-aaral ng mga morpema o
pagbuo ng salita.

Ponolohiya- makaagham na pag- Sintaksis- makaagham na pag-


aaral ng mga ponema. aaral o pagbuo ng mga
pangungusap.

Morpema- makabuluhang Diskurso- makahulugang palitan


pagsasama ng mga tunog/maliit ng mga pangungusap ng dalawa o
na yunit ng salita. higit pang tao.

1
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
Kahulugan ng Wika

Sa pakikipag-ugnayan sa iba, ginagamit ang wika bilang daluyan ng


impormasyon. Kailangang magkatulad ang wikang
ginagamit ng dalawang magkausap upang hindi ito maghatid ng sigalot sa
pang-unawa.

Maraming manunulat ang nagbigay ng iba’t ibang depinisyon


tungkol sa wika. Ilan sa mga ito sina:

 Henry Gleason - ang wika ay masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

 Bernales et al. (2002) - ang wika ay proseso ng pagpapadala at


pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal.

Katangian ng Wika

1. Ang wika ay masistemang balangkas - Pangunahing katangian ng


isang tunay na agham ang pagiging sistematik. Dahil may katangiang makaagham
ang isang wika, naging batayan ito upang umiral
ang larangan ng Linggwistiks, malaliman ngayong tinatalakay ang isang wika mula
sa ponolohiya, morpolohiya, hanggang sa sintaks.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog - Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral


ng tunog. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan.

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos - Upang hindi magdulot ng kalituhan


sa iyong kausap, kailangang piliin ang tamang gamit ng mga salita.

2
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
4. Ang wika ay arbitraryo - Pagkakaroon ng sariling istilo ng
paggamit ng wika, maging indibiduwal man o sa komunidad.

5. Ang wika ay patuloy na ginagamit - Upang patuloy itong makilla at


umunlad kailangan siyang gamitin araw-araw.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura - Ginagamit ang wika ayon sa lugar


na kinabibilangan nito.

7. Ang wika ay nagbabago - Dahil sa modernisasyon, patuloy na nag-iiba,


nadadagdagan, o maaaring mawala ang isang wika.

Kahalagahan ng Wika

Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging


instrumento nito sa komunikasyon.

Mahalaga din ito sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap


ng kultura ng bawat grupo. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong
ng wika.

Malaya at may soberanya ang isang bansa kapag ito ay may sariling
ginagamit. Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin ng
sariling wikang lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

Wika ang nagsisilbing tagapang-ingat at tagapagpalaganap ng mga


karunungan at kaalaman.

Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para makapag-usap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kaniya-kaniyang wikang ginagamit.

-Taylan, et al. 2017

3
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
II. Kasanayang Pampagkatuto:

Sa gawaing pagkatutong ito, inaasahan na:


1. Natutukoy mo ang mga kahulugan at kabuluhan
ng mga konseptong pangwika F11PT-Ia-85

Sa pagkakataong ito, inaasahan ko ang iyong


buong puso at husay na pakikilahok sa lahat ng
mga gawain. Handa ka na ba? Tara!

III. Mga Gawain sa Pagkatuto:

Gawain CROSSWORD PUZZLE

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Sagutin ang crossword
puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa wika batay sa katangian nito. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

PAHALANG:

4
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
PABABA:

Kumusta ang unang gawain? Madali ba o mahirap? Tingnan ang sagot sa


pahina 9. Nakuha mo ba ang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay? Kung nakuha
mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY! Kung mababa sa 5, balikan at pag-aralang muli
ang hindi mo nakuha at pagkatapos, magpatuloy na sa gawain 2 at 3.

5
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
“HUWAG JUDGEMENTAL”
5
Gawain Panuto: Basahin ang pangungusap sa ibaba at isulat ang letra na
nasa loob ng kahon na nagtutukoy ng kahalagahan ng wika
sa bawat bilang.

___1. Impose Work from Home


and Flexible Work Schedule: Kung
maaari, huwag na nating papasukin
ang ating mga empleyado sa opisina
lalo na kung kaya namang
gampanan ang trabaho nila mula sa
bahay sa pamamagitan ng
teknolohiya

__2. Ang prayoridad natin


ngayon ay ang kaligtasan ng
lahat. Magtulungan po tayo na
maiwasang mahawaan ng sakit
ang ating kapwa.

__3. Nagpapasalamat naman si


Go sa mga nagbigay ng tulong at
donasyon para tugunan ang mga
pangangailangan ng sector ng
__5. Dahil sa sitwasyon medisina lalo na ng mga biktima
ngayon, kailangan nating ng sakit.
magkaisa at gawin kaagad
ang lahat ng pwedeng
___4. Para naman sa
gawin para maprotektahan
pribadong sektor, kailangan
ang kapakanan ng mga
aniya ngayon ang
Pilipino.
magbayanihan.

6
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
A. Lingua Franca
B. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at
6
pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo.
C. Instrumento ng komunikasyon
D. Malaya
E. Tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at
kaalaman.

Halaw sa : https://radyo.inquirer.net/234575/sapat-na-pondo-para-respondehan-ang-
covid-19-tiniyak-ni-sen-bong-go-retrieved 5/4/2020

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat ng gawain. Iwasto


mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 9.

Gawain

ISULAT MO!

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng tamang paggamit ng wika sa


lipunan gamit ang konseptong pangwika. Sundin ang rubriks sa ibaba sa pagsulat nito.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang lahat ng pagsasanay. Saang


pagsasanay ka nahirapan? Gayunpaman, binabati kita sa iyong tagumpay.
7
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
IV. Rubrik sa Pagpupuntos:

Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay


PUNTOS PAMANTAYAN

Malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na sanaysay


20 pts.
at nagtataglay ng tamang konseptong pangwika.
Malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na sanaysay
15 pts.
ngunit kulang ang ginamit na konseptong pangwika.
Hindi gaanong malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat
10pts. na sanaysay ngunit tama ang ginamit na konseptong
pangwika.
Hindi malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na
5 pts.
sanaysay at kulang ang ginamit na konseptong pangwika.

Malaki ang ginagampanang bahagi ng wika sa pakikipagkapwa ng mga tao. 8


Sa loob ng kahon, isulat ang kahalagahan ng ating wika sa pakikipag-ugnayan sa
kapwa.

V. Repleksiyon:

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin, Masaya


ako at napagtagumpayan mo ang mga gawain. Ang
husay mo!

8
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
VI. Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1
1. nakabatay sa kultura
2. likha ng tunog
3. may balangkas
4. arbitraryo
5. pinipili

Gawain 2
1. c 9
2. b
3. a
4. d
5. e

Gawain 3
(Nakasalalay sa guro ang pagwawasto ng gawain)

VII. Mga Sanggunian: 8

Aklat
Dr. Marquez Jr. Servillano T. 2017. Pintig Senior High School Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. SIBS Publishing house, Inc. Quezon Ave.
Quezon City.
Baronda, Andrew John C. 2016 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino. JFS Publishing Services. Pasay City, Philippines.
Bernales, Rolando et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino. Mutya Publishing House Inc. Malabon City.
Taylan, Dolores H. et al 2017. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino. Rex Book Store, Inc. Sampaloc, Manila.
Jocson, Magdalena O. 2016 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang 9
Filipino. Vibal Group, Inc. Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.

Modyul
Kagawaran ng Edukasyon: Self Learning Modules (2020), Filipino SHS: Regional
Center Site, Rawis, Lungsod ng Legazpi.

9
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1
Website
https://www.philstar.com/headlines/2020/04/14/2007237/full-text-dutertes-april-13-
talk-people-covid-19-pandemic

https://radyo.inquirer.net/234575/sapat-na-pondo-para-respondehan-ang-covid-19-
tiniyak-ni-sen-bong-go- nakuha noong 5/4/2020

Inihanda ni:
MAY ANTONETTE D. HUELVA, Aroroy NHS

Editor:
ANNE MICHELLE B. TABON, Cataingan NHS
RUDYARD C. BALACANO, SDO Masbate

10
RO_Filipino_SHS_KOM_LP1

You might also like