You are on page 1of 18

11

Filipino
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
MODYUL 1.1: KONSEPTONG
PANGWIKA
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 1.1 : Konseptong Pangwika

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul


Manunulat: Ligaya H. Garcia

Editor: Michelle Erika A. Clemente Emma D. Gonzales


Daryl R. Orenciada
Tagasuri ng Nilalaman: Nora J. Laguda Sharon A. Vito
Ana Maria B. Gojar Imelda G. Narvadez
Mary Ann Rimpola
Gumuhit ng Larawan: Jotham D. Balonzo

Nagdisenyo ng Pahina: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian
Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang


bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul
na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito.
Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka
ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Konseptong Pangwika
(Wika: Kahulugan, Katangian, Kalahalagahan at
Barayti)

Panimula:
Magandang araw, kaibigan!

Masarap magpahayag ng nararamdaman gamit ang sariling wikang atin. Ano


nga ba ang wika? Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan,
kapuwa tao, paligid, mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, politika,
ekonomiya at kultura.
Sabay nating alamin ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng wika,
kasama ang pagkakaiba ng barayti ng wika. Alam kong matututuhan mo ito nang
maigi kapag nag-umpisa na tayong mag-aral.
Okey ba iyon sa’yo? Sige, simulan mo na ang pagbabasa. Sana marami kang
matutuhan.

Sa modyul na ito, inaasahan na Layunin


natutukoy mo ang mga kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong
pangwika.

1
May mga bagong salita tayong dapat matutuhan sa
araling ito.

Basahin natin sa kasunod na pahina.

Talasalitaan
Wika – isang Sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbolo.

– makaagham na pag-aaral ng mga morpema o pagbuo


Ponema – pinakamaliit na yunit ng ng salita.
makabuluhang tunog

Sintaksis – makaagham na pag-


Ponolohiya – makaagham na pag-
aaral ng mga ponema. aaral o pagbuo ng mga
pangungusap.

Morpema – makabuluhang
Diskurso – makahulugang palitan
pagsasama ng mga tunog/maliit na
ng mga pangungusap ng dalawa o
yunit ng salita.
higit pang tao.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo
nga?

Panimulang Gawain
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang kahulugan ng wika ayon sa iyong nalalaman.

WIKA

3
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 13 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, diba kayang-kaya mong isulat ang


kahulugan ng wika.
Halika, may inihanda pa akong aralin
para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Basahin mo.
Kahulugan ng Wika

Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba, ginagamit natin ang wika bilang daluyan ng


impormasyon. Kailangang magkatulad ang wikang ginagamit ng dalawang magkausap
upang hindi ito maghatid ng sigalot sa pang-unawa. Nababakas sa wika ang kulturang
kinabibilangan at kung paano ito pinahahalagahan ng gumagamit. Maraming manunulat ang
nagbigay ng iba’t ibang depinisyon tungkol sa wika. Ilan sa mga ito sina:

Henry Gleason – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog


na pinipili at at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Bernales et al. (2002) – ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-
berbal.

Ano kaya ang katangian ng wika?

1. Ang wika ay masistemang balangkas – Pangunahing katangian ng isang tunay na


agham ang pagiging sistematik. Dahil may katangiang makaagham ang isang wika,
naging batayan ito upang umiral ang larangan ng Linggwistiks, malaliman ngayong
tinatalakay ang isang wika mula sa ponolohiya, morpolohiya, hanggang sa sintaks.

4
2. Ang wika ay sinasalitang tunog – Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tunog.
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. Hindi lahat ng tunog ay
binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos – upang hindi magdulot ng kalituhan sa iyong
kausap, kailangang piliin ang tamang gamit ng mga salita.
4. Ang wika ay arbitraryo – pagkakaroon ng sariling istilo ng paggamit ng wika, maging
indibiduwal man o sa komunidad.
5. Ang wika ay patuloy na ginagamit – upang patuloy itong makilala at umunlad
kailangan siyang gamitin araw-araw.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura – ginagamit ang wika ayon sa lugar na
kinabibilangan nito.
7. Ang wika ay nagbabago – dahil sa modernisasyon, patuloy na nag-iiba,
nadadagdagan, o maaaring mawala ang isang wika.

Mahalaga nga kaya ang wika?

Tumpak Ganern! Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang


pagiging instrumento nito sa komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang
komunikasyon kapag walang wikang ginagamit.

Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng


kultura ng bawat grupo. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika.

Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay
malaya at may soberanya. Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin
ng sariling wikang lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan


at kaalaman. Bawat bansa ay may kani-kaniyang yaman ng mga karunungan at kaalaman.

Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

-Taylan, et al. 2017-

Ipagpatuloy mo ang pagbasa at


sagutin ang mga tanong.

5
Ano-ano kaya ang sinasabing barayti ng wika?

BARAYTI NG WIKA

1. Dayalek o Diyalekto – ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.


Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito ay makikilala hindi
lamang sa pagkakaroon ng set na mga distinct na bokabularyo kundi maging sa
punto o tono at sa estruktura ng pangungusap.
Hal. Maynila – Aba, Ang ganda! Bataan – Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang ganda eh! Rizal – Ka ganda, hane!

2. Sosyolek – barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong


sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa pangkat panlipunan. Halimbawa nito
ay ang mga wika ng estudyante, wika ng matatanda, wika ng mga kababaihan, wika
ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
Hal. Sinetch itey, na sumikat dahil sa kanyang opinion tungkol sa batas sa
klasrum?
Pare, takbo! Nandiyan na ang mga parak.
Ipagpatuloy mo.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyonal na rehistro. Ilan sa halimbawa ay


hearing, settlement, file, case atbp. Ginagamit ang mga salitang ito sa abogasya.
Samantala, ang mga disiplinang Accountancy, Medisina, Edukasyon, Enhinyero ay may
kani-kaniyang rehistro ng wikang ginagamit.

Kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibiduwal na katangian ng


bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa
indibiduwal sa iba pang indibiduwal.

Ano naman ang idyolek na barayti ng wika? May


pagkakaiba kaya ito sa dalawang nabanggit sa itaas?

Bawat isa ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong


idyolek. Ito ang dayalek na personal sa isang ispiker. Kilala ang mga personalidad na sina
Kris Aquino, Ruffa Mae Quinto, Boy Abunda atbp. Dahil sa kwaliti ng kanilang boses at
katangiang pisikal na rin na nagtataglay ng baryasyon sa paggamit ng wika.

6
Magpatuloy ka.
Mag FACT or BLUFF tayo para sa ilan pang karagdagang kaalamang dapat mong
matutuhan sa konseptong pangwika.

Ang wika ay maaaring tumutukoy


sa kakayahan ng tao na mag-angkin at
gumamit ng komplikadong sistemang
pangkomunikasyon. Fact o Bluff?

Fact. Ang wika ay tumutukoy sa


Kognitibong pakulti na nagbibigay-
Kakayahan sa mga tao upang matuto
At gumamit ng mga Sistema ng

Komplikadong
komunikasyon. Ang wika ay tumutukoy sa mga tiyak na
lingguwistik na ang kabuuan ay
pinangalanan ng tiyak na katawagan tulad
ng Ingles, Pranses, Aleman, Mandarin,
Ang salitang Ingles na Nihonngo, Filipino atbp. Fact o Bluff?
language ay mula sa salitang latin
na lingua na ang ibig sabihin ay
wika. Fact o Bluff? Fact: ang humigit-kumulang sa 3,000
hanggang 6, 000 na mga wika na sinasalita
ng mga tao sa kasalukuyan ang pinakamahusay
na halimbawa ng wika.

Bluff. Ang ibig sahin ng lingua ay dila.


Ang metaporikal na relasyon ng wika
at dila ay umiiral sa maraming wika at
patunay ito sa historikal na pagkaprominente ng sinasalitang wika.

Lodi! Natutukoy mo na ang kahulugan at kabuluhan ng konseptong pangwika,


maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay

Anong mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

7
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.


Game ka na ba? Pagsasanay
Panuto: Tukuyin kung ang wika ay arbitaryo, may

balangkas, likha ng tunog, nakabatay sa kultura


at pinipili.

1.Ang wika ay binubuo ng mga ponema, morpema, sintaksis at diskurso.

2. Ito ang mga nalilikhang tunog ng ating aparato sa pagsasalita na


nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggalingang
lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng
tunog o artikulador.

3. Ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious o magkaminsan sa


conscious na pag-iisip, upang huwag magdulot ng kalituhan sa pagitan
mo at ng iyong kausap.

4. Bawat indibiduwal ay nagkakaroon ng ibang katangian na ikinaiiba niya sa


lahat, gayundin kung paano niya gamitin ang wika sa komunikasyon.

5.Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig sapagkat sa kulturang


kinabibilangan ng bawat isa. Walang magkatulad na wika sa
buong daigdig.

Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 13 .
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos,
magpatuloy na sa pagsasanay 2.

8
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa

ang isang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.


“HUWAG JUDGEMENTAL”.
Pagsasanay
Panuto: Basahin ang pangungusap sa ibaba at isulat ang titik
sa patlang na nagpapakilala na ang wika ay mahalaga. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
1. Impose Work from Home and Flexible
Work Schedule: Kung maaari, huwag
na
natin papasukin ang ating mga
empleyado sa opisina lalo na kung kaya
____ naman magampanan ang trabaho nila
mula sa bahay sa pamamagitan ng
teknolohiya.

Ang prayoridad natin ngayon ay ang


_____ kaligtasan ng lahat. Magtulungan po tayo
na maiwasang mahawaan ng sakit ang
ating kapwa.

Nagpasalamat naman si Go sa mga


_____ nagbigay ng Tulong at donasyon para
tugunan ang mga pangangailanagan ng
sektor ng medisina lalo na ng mga
biktima ng sakit.

Para naman sa pribagong sektor,


kailangan aniya ngayon ang
______ Magbayanihan.

Dahil sa sitwasyon ngayon, kailangan


nating magkaisa at gawin kaagad ang lahat
_______ ng pwedeng gawin para maprotektahan ang
kapakanan ng mga Pilipino”

a. lingua franca
b. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,
pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng
bawat grupo c. instrumento sa komunikasyon
d.malaya
e.tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga
karunungan at kaalaman.
Halaw sa: https://radyo.inquirer.net/234575/sapat-na-pondo-para-respondehan-ang-covid-19-tiniyak- ni-sen-bong-go-
retrieved 5/4/2020

9
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.
Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Gayunpaman

binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang


mga gawain upang masagutan ang sumusunod
na pagsasanay.

Pagsasanay
IHAGIS MO!
Panuto: Suriin kung ang pangungusap sa ibaba ay
nagpapahiwatig ng barayti ng wika. i-shoot ang bilog sa loob ng lata.

SOSYOLEK DAYALEK IDYOLEK

2. You know it’s a --- may Comelec


listahan. Kayong mga flying voters noon, 1. And that I condition --- I placed a
kung saan-saan kayo nagboto ayan. condition there na kung nandiyan
na 'yung antibody available na sa
market dito and they’re being sold
in quantity --- in numbers ---
then I am inclined to maybe, at
that time, lift the lockdown.
3.Okay tayo diyan? Mayor?
Governors? Ako... I am your public
servant. Kayong mga mayor bata-bata
lang ninyo ako.

2. But itong antibody which is ---


3. So mga kababayan ko, ginawa - which has been manufactured
-- ginawa namin lahat ito. One is outside of the human body
that I really do not want to see a parang killer ito na ano --- just
single Filipino dying of --- lalo na like the antibiotic, talagang
‘yung mga bata.
bibirahin niya ‘yung bacteria.

Halaw sa:https://www.philstar.com/headlines/2020/04/14/2007237/full-text-dutertes-april-13-talk-people-covid-
19-pandemic

10
Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.
Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 13
Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng
iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo


sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-
kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Ilagay ang kung sang-ayon sa binasa at kung hindi sang-ayon.

1.Namamatay ang wika kapag namatay ang 2. May pasulat at pasalitang anyo ang wika.
taong gumagamit nito.

4. lahat ng wika sa mundo ay natatangi o


3. Ginagamit ang wika upang makuha espesyal ang katangian sa bawat isa.
natin ang ating gusto.

5. Ang mga senyas na ginagamit ng mga


hindi makapagsalita ay matatawag na wika.

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong mga
sagot sa pahina 13.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat 1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

11
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa
ng karagdagang gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng tamang paggamit ng wika sa
lipunan gamit ang konseptong pangwika.

Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay


Puntos Pamantayan

Malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na sanaysay at


25 pts. nagtataglay ng tamang konseptong pangwika.

Malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na sanaysay ngunit


20 pts. kulang ang ginamit na konseptong pangwika.

Hindi gaanong malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na


15 pts. sanaysay ngunit kulang ang ginamit na konseptong pangwika.

Hindi malinaw na nailahad ang mensahe ng isinulat na sanaysay


5 pts. at kulang ang ginamit na konseptong pangwika.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang lupet mo !

12
Susi sa Pagwawasto

mensahe na susi sa .pagkakaunawaan


dayalek .5
sosyolek .4
dayalek .3
sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng
.pakikipagtalastasan Ito ang midyum na ginagamit sosyolek .2
sa may mahalagang papel ang wika .5 idyolek .1
Mangahis
paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa .lipunan
3 Pagsasa
pilosopiya, kaalaman at karunugan, moralidad,
saloobin, o pangarap, damdamin, kaisipan
.4 wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati,
Alfonso Santiago
usap ang isang grupo ng mga tao
sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-
mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-
Pamela at Zafra .3 ang wika ay isang kalipunan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-.berbal
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng 2 Pagsasa
.2 ang wika ay proseso ng pagpapadala at
.5 nakabatay sa kultura .4 arbitraryo .3 pinipili
Bernales, .2 likha ng tunog
et .al
kabilang sa isang .kultura
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
sinasalitang tunog na pinipili at at isinaayos sa
ang.1 wika ay masistemang balangkas ng
Henry Gleason
Panimulang Pagsubok
may.1 balangkas

Pagsasanay 1

13
Sanggunian:
Aklat
Dr. Marquez Jr, Servillano T. 2017. Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. SIBS Publishing house, Inc. Quezon Ave. Quezon City.

Baronda, Andrew John C. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino. JFS Publishing Services. Pasay City, Philippines.

Bernales, Rolando et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Mutya Publishing House Inc. Malabon City.

Taylan, Dolores H, et al 2017. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Rex Book Store, Inc. Sampaloc, Manila.

Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Vibal Group, Inc. Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.

Website
https://www.philstar.com/headlines/2020/04/14/2007237/full-text-dutertes-april-13-
talk-people-covid-19-pandemic

https://radyo.inquirer.net/234575/sapat-na-pondo-para-respondehan-ang-covid-19-tiniyak-
ni-sen-bong-go- nakuha noong 5/4/2020

14
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like