You are on page 1of 21

11

www.shsph.blogspot.com

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Modyul 2: Sitwasyong
Pangkomunikasyon
www.shsph.blogspot.com
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 2 : Sitwasyong Pangkomunikasyon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ligaya H. Garcia


Editor: Mary Ann Rimpola; Imelda G. Narvadez;
Ana Maria B. Gojar
Tagasuri: Nora J. Laguda; Sharon A. Vito
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Marianne Hapa;
Brian Navarro
www.shsph.blogspot.com
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
www.shsph.blogspot.com

Sitwasyong Pangkomunikasyon

Panimula:
Magandang araw!
Kumusta ka?
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin? Sa gawaing ito, makikilala mo ang mga
konseptong pangwika na ginagamit sa radyo, talumpati, panayam at telebisyon.
Malalaman mo rin ang iba’t ibang antas ng wika sa pakikipagkomunikasyon.
O, ano kayang-kaya ba? Halika! umpisahan na natin.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakapag-uugnay ang mga konseptong pangwika
sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong
pang komunikasyon sa radyo, talumpati, mga
panayam at telebisyon (Hal: Tonight with Arnold
Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie,Word of
the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com).

Layunin

1
www.shsph.blogspot.com
Ito ang mga bagong salita na dapat
mong kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.
Talasalitaan

Radyo - ay isang teknolohiya na


. Telebisyon -isang
pinapahintulutan ang
sistemang telekomunikasyon
pagpapadala ng mga hudyat
(signals) sa pamamagitan para sa pagpapahayag at
ng modulation ng electromagnet pagtanggap ng mga gumagalaw na
ic waves na may mga larawan at tunog sa kalayuan.
mga frequency na mas mababa
kaysa liwanag.

Talumpati - ay isang buod


ng kaisipan o opinyon ng isang tao
na pinababatid sa pamamagitan KWF – komisyon sa Wikang
ng pagsasalita sa entablado para sa Filipino. Ahensyang nangangasiwa
mga pangkat ng mga tao. sa pagpapaunlad ng wikang
pambansa.

Pakikipanayam -o pangagaglugad
Ortograpiya – masusi at maingat
ng isang impormasyon ay isang
na pag-aaral tungkol sa
paraaan ng pagkuha ng
pagbabaybay ng mga salita.
impormasyon o kabatiran nang
harap-harapan.

2
www.shsph.blogspot.com
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin
mo nga?

Panimulang Gawain
Panuto: Basahin ang panayam, isulat kung anong antas ng wika (Pambansa,
Pampanitikan, kolokyal at lalawiganin) nabibilang ang mga naka-itim na salita.

Tanong: Nasaan na po ang KWF sa pagpapaunlad ng wikang Filipino?

Sagot: Hindi naman kami ang magpapaunlad noon (1) eh. Ang bayan
ang gumagamit, ang nagpapaunlad, ng wikang Filipino. Ang ginagawa
lang namin ay (2)pangasiwaan ito. Kung may nakakalimutan – katulad
nga ng paglimot sa pagpapasok ng mga wikang katutubo – eh
kailangang gumawa kami ng (3) plano para magawa at mas maging
aktibo ang mga wikang katutubo.

Tanong: Paano po magagamit ng mas maraming Filipino ang


ortograpiyang pambansa?

Sagot: (4) Matagal na namang may ortograpiya, pero hindi puspusan


ang pagpapakalat. Pero ako, simula noong last year na ako ay (5)
maupo, iyon ang aming inayos, dahil mahalaga ang ortograpiyang
pambansa para sa isang istandardisadong paggamit ng wika. At ito
namang istandardisasyong ito ay kailangan para sa tinatawag na
intellectualization o cultivation ng national language. Hindi magaganap
iyong mas mataas na yugto kapag hindi naging istandardisado ang
wikang Filipino.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 16 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
www.shsph.blogspot.com

O, di ba kayang-kaya mong hanapin ang mga


sitwasyong kinahihiligan mo.
Halika, may inihanda pa akong aralin para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Ang wikang Filipino ay nangunguna sa komunikasyon sa halos lahat ng media
ngayon. Ito ay isa sa mga paraan upang magbigay impormasyon sa masa. Sa radyo,
ito’y nangungunang mass media na abot kaya ng mga pinoy.

Paano ginagamit ang Antas ng wika sa radyo?

Tumpak! ginagamit ang pormal at di-pormal na antas ng wika sa radyo. Basahin


sa ibaba ang kahulugan ng antas ng wika.

________________________________________________________________________

Pormal – ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at


ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng nakapag-aral ng wika.

Halimbawa:
MANILA, Philippines — Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
Executive Order No. 114 na nagi-institutionalize ng Balik Probinsiya, Bagong
Pag-Asa Program.

Layunin ng programa na mabawasan ang mga mamamayang nagsisiksikan


sa Metro Manila.

Sa ilalim ng EO, itatayo ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council na


pamumunuan ng Executive Sectetary at tatayong vice chairperson ang Socio-
Economic Planning Secretary.

Layunin din ng kautusan na paunlarin ang mga lalawigan upang matigil na


ang paglipat ng mga taga-probinsiya sa Metro Manila.
4
www.shsph.blogspot.com

Ano naman ang dalawang uri ng Pormal na wika?

Tama, Pambansa – salitang ginagamit sa mga aklat pangwika, pampamahalaan at paaralan.


Pampanitikan – salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda na karaniwang
matatayog, masining at ginagamitan ng idyoma.

Halimbawa:

Una, gusto naming gunitain na isa sa mga layunin nang iproklama ang pagkakaroon
ng isang wikang pambansa batay sa katutubong wika ay 'yong lunggati, 'yong aspiration na
itong wika na ito ay maging sagisag para magbuklod ang mga Filipino (Michael
Buezahttps://www.rappler.com/video/66648-almario-pagpapaunlad-wikang-pambansa-
filipino)

Ano naman ang tinatawag na Impormal na wika?

_________________________________________________________________________

Ang Impormal na wika ay mga salitang karaniwan at madalas na gamitin sa


pakikipag-usap sa mga kaibigan o kakilala.

Nauuri ang impormal na wika sa :

❖ Lalawiganin – ginagamit sa partikular na pook o lalawigan, madalas ang


pagkakaroon ng punto sa pagsasalita ng mga taong kabilang sa lugar na
yaon.
Halimbawa:
Tanong: Ano po ang estado ng wikang Filipino?

Sagot: Kung ang pag-uusapan dito ay kung ito ba ay ginagamit ng mamamayan, natitiyak
ko na ginagamit na ito ng halos lahat ng tao sa Filipinas, magmula sa Batanes hanggang sa
Tawi-Tawi. Nalibot ko na 'yung lahat halos ng pook sa Filipinas, at hindi ako kailanman
gumamit ng Ingles.

❖ Kolokyal – pagpapaikli ng isang salita, katulad ng meron sa mayroon,


‘asan sa nasaan, ‘lika sa halika atbp.
5
www.shsph.blogspot.com
Halimbawa:
1. Kaya sabi nila, ang kanilang hiling, baka dapat – lalo ngayong nagkakaroon ng
mga kasunduang pangkapayapaan sa Mindanao – eh baka dapat Filipino ang
gamitin, sa halip na Ingles.
2. So, ang tawag sa lingustics nito ay lingua franca. Ibig sabihin, wika na ng bayan
ang wikang Filipino. Kahit na isang Ilokano o Bisaya ang nagkatagpo, mag-uusap
sila sa pamamagitan ng wikang Filipino.
3. Ika nga, sabi dito, you cannot flog a dead horse. Meaning, paano mo papakainin
‘yung kabayo kung patay na? So hindi ko kayo kabayo, just an analogy.

Mayroon kayang pagkakaiba ang dalawang ito sa Pabalbal


na antas ng wika?

_________________________________________________________________________________

Tinatawag na Balbal ang mga salitang nalilikha ng grupo ng tao upang maging wika
nila at sila lang ang nakakaintindi. Salitang kanto ang karamihan nito.

_________________________________________________________________________________

Halimbawa:
Mahigpit na pinaalalahanan ng gobyerno ang mga tao sa pagsunod sa “social
distancing” at pagsuot ng mask sa pampublikong lugar, ngunit tila “deadma” lang ang ilan
nating mga kababayan. Subalit ang iba ay kering-keri ang pagsusuot ng mask lalo pa’t feel
nila ang design nito. Nai-imbyerna naman ang ilang netizens kapag nai-post sa social media
ang hindi nila pagsusuot ng mask. Wiz daw makahinga ang ilan kaya hindi sila nagsusuot ng
mask.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

6
www.shsph.blogspot.com

Sa mga sitwasyong nabasa mo sa radyo, talumpati, panayam at


telebisyon, makikilala mo kaya ang mga konseptong pangwika? Maaari
mo bang banggitin?

___________________________________________________
Ang mga salitang i-incentivize, better compliance , nagko-contribute, tax,
ay mga salitang pormal. Ngunit kailangang gamitin natin ang wika na may pantay na
katangian. Hindi ‘yong pinaghalong Ingles at Pilipino. Dito pumapasok ang
Bilingguwalismo. Ang kakayahan ng tao na gamitin ang dalawang wika na may
pantay na galing.

Halimbawa:

Pangatlo po is dadaan po tayo sa data ng SSS and BIR kasi formal sector. Dapat ito
po 'yung gawin natin so that we can target better kasi alam natin kung sino sila at i-incentivize
po natin 'yung better compliance kasi 'yung mga nagko-contribute ng tax at ng SSS, 'yan po
ang unang tutulungan natin.

Ano kaya ang kaugnayan ng mga salitang ito sa pang-araw-araw


mo na pamumuhay?

Kailangang gamitin ang wika ayon sa tamang sitwasyon. Nakikita sa uri ng


wikang ginagamit mo ang katayuan mo sa lipunan. Kaya nga, kung gusto mong
igalang ka ng iba, dapat lumabas sa bibig mo ang mga salitang musika din sa
iyong pandinig.

Ipagpatuloy mo.

Mag FACT or BLUFF tayo para sa ilan pang karagdagang kaalamang dapat
mong matutunan sa konseptong pangwika

7
www.shsph.blogspot.com

Ang pagkakaroon ng antas ng Fact. Tulad ng tao, ang wika ay


wika ay isa pang mahalagang katangian Nahahati rin sa iba’t ibang
nito. Fact o Bluff? kategorya ayon sa kaantasan
nito.

Sa lahat ng antas ng wika, ang


balbal ang pinakadinamiko. Fact o
Fact. Ang usong salitang balbal ngayon
Bluff?
ay maaaring laos nabukas.

Salitang Pabalbal ang “mabulaklak


ang dila”. Fact o Bluff?

Bluff. Ito ay pampanitikang antas ng wika


Sapagkat nangangahulugan itong magaling
Magsalita.

Kaibigan – tagalog; Gayyem –


Ilokano; Higala – Cebuano; Amiga -
Bikolano . ang mga salitang ito ay isang
halimbawa ng kolokyal na antas ng wika.
Fact o Bluff?

Bluff. Lalawiganin o Panlalawigan ang


mga salitang ito sapagkat may
kani-kaniyang tawag sa bawat lugar ang kaibigan.

Bluff. Ang mga salitang ito ay


Ngetpa, olats, datung, jowa, haybol,
Pabalbal na ang ibig sabihin ay parak, ay mga salitang pambansa. Fact o
Pangit, talo, kasintahan, bahay at bluff?
Pulis.

8
www.shsph.blogspot.com
Yehey! Nauunawaan mo na ang kaugnayan ng sitwasyong pangwika sa radio, talumpati,
panayam at telebisyon, maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga
pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Panuto: Basahing mabuti ang mga salita sa ibaba. Ibigay


ang tamang katumbas na kahulugan sa bawat antas.
Gawing gabay ang ibinigay na halimbawa.
Pagsasanay 1

Salita Pambansa Pampanitikan Kolokyal Lalawiganin Balbal

1.Perfect Pekpekto Walang ‘di bulok Yari/ganap swabe


kapintasan

2.Ayaw

3.Gunitain

4.Bride

5.Bukas

9
www.shsph.blogspot.com

a. Walang kapintasan h. ayoko o. jowa


b. hindi ko gusto i. di ko feel p. babaing ikakasal
c. bulay-bulayin j. magnilay q. ‘yoko
d. nobya k. newly wed r. isipin
e. kasbum l. kinaumagahan s. kinabukasan
f. perpekto m. kasintahan t. waswit

g. swabe n. hindi bulok

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 16.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay Panuto: Basahing mabuti ang talata at tukuyin kung


2Kolokyal, anong antas ng wika (Pambansa, Pabalbal,
lalawiganin at Pampanitikan) nabibilang ang mga
salitang ginamit sa talumpati. Isulat ang sagot sa talahanayan sa
sumunod na pahina.

Iyan ang problema. (1)So inaayos namin ‘yan. Gusto ko lahat mabigyan. Ayaw kong
may mamatay ni isang Pilipino na gutom. Kaya may another survey tayo madalian. Ang dapat
diyan barangay captain because that is your duty, inyong duty ‘yan and the mayors to
determine sino ‘yang hindi nasali sa listahan at mabigyan kaagad.

(2)You know it’s a --- may Comelec listahan. Kayong mga flying voters noon,
kung saan-saan kayo nagboto ayan. Hindi namin malaman ngayon kung nasaan kayo. ‘Pag

10
www.shsph.blogspot.com
tawag, wala naman kayo. So that is really a problem. It is a problema that confronts
government. Problema ninyo, problema namin.

But kung magdating na tayo sa (3)laro ng sisihan, the blame game, eh mag-unawa
sana ninyo kung ano ang talagang sitwasyon ‘yung totoong realidad ng buhay natin.

And sabi ko nga hindi sabihin na kung wala ka, wala ka ng --- (4)purnada ka na. It’s
not that. But kung wala ka, maghintay ka and we will come up --- alam ko sigurado. (5)Tutal
sabi nga hindi tayo maubusan ng pera. Mag-utang tayo nang mag-utang, mag-utang ---
kay mag-utang, ipagbili, mapagbili, ipagbili natin lahat hanggang maubos tapos punta na tayo
lahat sa Amerika.

Halaw sa:https://www.philstar.com/headlines/2020/04/14/2007237/full-text-dutertes-april-13-talk-people-covid-
19-pandemic

Pangungusap Antas ng Wika

1. So inaayos namin ‘yan

2. You know it’s a --- may Comelec listahan.


Kayong mga flying voters noon, kung saan-
saan kayo nagboto ayan.

3. laro ng sisihan,

4. Purnada ka na. It’s not that.

5. Tutal sabi nga hindi tayo maubusan ng pera.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

11
www.shsph.blogspot.com

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga


gawain upang masagutan ang sumusunod
na pagsasanay.
Panuto: Basahin ang seleksyon sa ibaba at suriin
kung anong antas ng wika nabibilang ang mga
Pagsasanay 3
salitang naka-itim. Punan ng sagot ang
talahanayan sa sumunod na pahina.

NGONGONG PAG-IBIG
ni: Nonoy Marcelo
Ang pinakahuli pong tadyak ng tadhana at
nagpasemplang sa ating bida, e naganap two years ago nang
iniwan siya ng kanyang waswit na si Moses for a 60-year
hostess (opo, sisenta nga ang basa n’yo) ng Paradise Club sa
Espaňa. Ito, ayon kay Menggay, ang kasalukuyang sugar
mommy ng kanyang absentee husband Moses.
Kung sa Bibliya man si Moses ang “sumagip sa mga
Hebrews mula sa kanilang pagkakapiit sa Ehipto,”…ang
Moses ko naman ang sumagip sa aking pagkakapreso sa
trabaho. Nagsilbi ako noon bilang katulong sa isang mayaman
ngunit malupit na mag-asawa. Dahil sa wala na sigurong
mapaglibangan ang mag-asawa, nakagiliwan na nilang
pagmumurahin at pagsasabunutan si Menggay sa bawat
wrong move ng kawawa. And so she was liberated by Moses
from tsimay to housewife…
‘Yon nga lang, walang kalam-alam ang pobre na ang
buhay na kanyang ipinagpalit ay higit pa palang hawla kaysa
nilisan niyang mala- Muntinlupang estate ng mag-asawang
baliw. Isang taon lang nagsama ng matamis ang mag-
asawang Sancho nang natipuhan nga si Moses ni sisenta-year
old hospitality girl. Nag alsa-balutan nga ito mula sa piling niya
at nang kanilang year-old first-born.
(Halaw sa KPwkp Bernales, et al. 2016)

source:imagepngkey.com

12
www.shsph.blogspot.com
Salita Antas ng Wika
tadyak ng tadhana
nagpasemplang
waswit
Bibliya
sumagip
pagkakapiit
tsimay

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo


ang iyong mga kasagutan sa pahina 16.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa


loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya
mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: subuking gumawa ng sariling talumpati gamit ang antas ng wika. Gawing gabay ang
ibinigay na halimbawa.

Mga kapwa ko mag-aaral,

Naloka ba kayo sa naganap na Enhanced Community Quarantine sa ating bansa?


Maaaring ang sagot ninyo ay korek ka jan, ‘te! Malamang ang ilan sainyo ay parang hilong
talilong kaiikot sa loob lamang ng bahay ninyo. Tumunganga buong maghapon, o di kaya’y
marahil ang ilan sainyo ay napabayaan na sa kusina, kaya lumulobo. At sigurado ako ang
iba ay natutulog sa pansitan! Kaya hindi alam ang nagaganap sa kanilang barangay.
Kalorky talaga!

13
www.shsph.blogspot.com
Nagamit mo kaya sa kapaki-pakinabang na gawain ang pag-stay mo sa iyong haybol?
Nakumpuni mo kaya ang mga sirang gamit ng inyong tahanan? Nakatulong ka kaya sa iyong
mudrakels at pudrakels? O baka naman mas nasisiyahan ka sa pag-aalaska sa iyong mga
kapatid. Okay lang na mag krayola ang mga paslit na ito basta’t nag-uumapaw ang saya sa
puso mo.

Panahon na siguro upang baguhin natin ang mga immature nating ginagawa sa buhay.
Simulan natin na maging produktibo tayo sa bawat araw. Gawin natin ang mga bagay na
kapaki-pakinabang upang magalak naman ang ating mga pamilya. Siguro hindi pa naman
huli ang lahat para ipakita natin sa iba na tayong mga kabataan ay bahagi na ng lipunang
matiwasay, payapa, at nagkakaisa.

Dios Mabalos po. (ni: Ligaya H. Garcia)

Pamantayan sa Pagsulat:

a. Naangkop sa paksa – 10 pts.


b. Gumamit ng antas ng wika – 15 pts.
c. Malinaw at wasto ang mga pangungusap – 5pts
Kabuuan 30pts

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 16.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

14
www.shsph.blogspot.com

Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!


Karagdagang Gawain

Panuto: Subuking kapanayamin ang kapitan ng inyong barangay tungkol sa Social


Amelioration Program ng gobyerno. Hingin ang reaksyon niya tungkol dito. Itala ang
ginamit na antas ng wika sa kanyang mga kasagutan. Isulat ito sa malinis na papel.
Sundin ang tamang gabay sa pakikipanayam.

Tanong:

1. Ano po ang masasabi ninyo sa Social Amelioration Program ng ating gobyerno?


2. Kumusta naman po ang pamamahagi ninyo ng ayuda sa ating mga kabaranggay?
3. May magandang naidulot po ba ito sa ating mga kabaranggay? Bakit po?
4. Ano naman po ang hindi magandang naidulot ng ganitong programa?
5. Sa kabuuan po, ano po ang nais ninyong sabihin sa ating mga kabaranggay?

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

15
16
Pagsasanay 3 Panimulang Pagsubok
1. tadyak ng tadhana- 1. kolokyal
pampanitikan 2. pampanitikan
2. nagpasemplang- 3. lalawiganin
4. pambansa
pambansa
5. lalawiganin
3. waswit-pabalbal
4. bibiliya-pambansa Pagsasanay 1
5. sumagip-pambansa
1.nasagutan na
6. pagkapiit-panitikan
7. katulong-pambansa 2.b,h,q,i
8. kawawa-pambansa
3.r,j,c
9. tsimay-pabalbal
pobre-pambansa 4.p,m,d,o
nilisan-pambansa
5.L,s,e
10. baliw-pambansa
Pagsasanay 2
Panapos na Pagsubok
1. Kolokyal
Ang sagot ay ayon sa nagawa 2. Lalawiganin
ng mag-aaral at susukatin ng 3. Pampanitikan
ibinigay na pamantayan. 4. Pabalbal
5. Pambansa
Susi sa Pagwawasto
www.shsph.blogspot.com
www.shsph.blogspot.com
Sanggunian:
Dr. Marquez Jr, Servillano T. 2017. Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. SIBS Publishing house, Inc. Quezon Ave. Quezon City.

Baronda, Andrew John C. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino. JFS Publishing Services. Pasay City, Philippines.

Bernales, Rolando et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Mutya Publishing House Inc. Malabon City.

17
www.shsph.blogspot.com

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like