You are on page 1of 22

11

www.shsph.blogspot.com

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Modyul 6: Gamit ng Wika sa
Telebisyon at Pelikula
www.shsph.blogspot.com
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 6: Gamit ng Wika sa Telebisyon at Pelikula

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Catherine N. Mirabel


Editor: Eric P. Gelilio Daryl R. Orenciada
Imelda G. Narvadez Mary Ann Rimpola
Tagasuri: Nora J. Laguda Sharon A. Vito
Ana Maria B. Gojar Emma D. Gonzales
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian Navarro
www.shsph.blogspot.com
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak
kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
www.shsph.blogspot.com

Gamit ng Wika sa Telebisyon at Pelikula

Panimula:

“Natatangi ang tao dahil nakakagamit siya ng salita,


kinakatawan ng salitang iyon kung paano
nakikita ng tao ang mundong ginagalawan at
nagsisilbi ring pangunahing kasangkapan
upang maipaintindi niya ang sarili sa iba.”
(Reyes, 2016)

Magandang araw!

Mahilig ka bang manood ng mga palabas sa telebisyon o pelikula?


May mga paborito ka bang linya mula sa mga sikat na artista? Tulad ng;

“Akala mo lang wala! Pero, meron! meron!”- Carlo Aquino


“Ang pera ko hindi basta basta nauubos, pero ang pasensya ko konting-konti na
lang! - Angelika Panganiban
“Walang himala, ang himala ay nasa isip lamang ng tao”- Nora Aunor

Naalala mo? Ilan lamang ‘yan... Handa ka na bang tuklasin ang gamit ng wika
sa mundo ng telebisyon at pelikula?

Kung ganoon … Tara!


______________________________________________________________

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang Nakatutukoy ang


iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be
Careful with My Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word
of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com). Na kakikitaan ng
kasakayang Nakapagpapaliwanag ng gamit ng wika sa lipunan
sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa. Gayundin,
nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan.

Layunin

1
www.shsph.blogspot.com

Ito ang mga bagong salita


na dapat mong kilalanin
para sa araling ito.

Talasalitaan

Basahin natin.

Diyalogo - Nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaroon ng ugnayan.


Tumutulong para maibahagi ang mga bagay bagay o kaalaman na gustong iparating
sa kapwa.

- Sa pamamagitan ng diyalogo ay madaling naipaparating sa kapwa ang


mga gusto ipahiwatig at mga nararamdaman.
- Karaniwang ginagamitan ng diyalogo ay ang iskrip sa paggawa ng isang
dula o pelikula.

Pelikula- Kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na


sinasakop ang mga gumagalaw na larawan, bilang isang anyo ng sining o bahagi ng
industriya ng libangan.
2
Scarborough/Panatag Shoal- Ang Kulumpol ng Panatag o Bajo de Masinloc
(Ingles: Scarborough Shoal; Tsino: 黃岩島 Huangyan Dao), mas tamang
sinasalarawan bilang isang pangkat ng mga pulo at bahura sa isang hugis atol sa halip
na kulumpol, ay matatagpuan sa Pampang ng Macclesfield at Luzon, Pilipinas sa
Dagat Timog Tsina, partikular ang Dagat Luzon. Katulad din ng karamihan ng anyong
lupa sa dagat, pinagtatalunan ang soberenya ng lugar na ito. Ito ay inaankin ng
Pilipinas, Tsina at Taiwan bilang kanilang territoryo.

Sugnay- Ang Sugnay ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri


na maaaring may buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di makapag-iisa). Ito
ay tinatawag na Clause sa wikang Ingles.

2
www.shsph.blogspot.com

Halika mag warm-up ka muna, sagutin


ang sumusunod na mga tanong.

Panimulang Pagsubok Wika ang tulay sa pakikipagkomunikasyon,


ito ang gamit ng tao upang maipahayag niya
ang kanyang naiisip at nararamdaman ayon sa mga sitwasyon
at lipunang kanyang kinabibilangan, pasalita man o pasulat.
A. Panuto: Basahin at Unawain.
Sa mga sitwasyong nakatala sa bawat bilang, tukuyin ang gamit ng wika sa
lipunan. (Instrumental, Regulatori, Interaksiyonal, Personal, Heuristiko, Impormatibo,
Imahinatibo). Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Namumulot ka ng mga plastic at bote para ibenta, saktong napadaan ka sa isang


bakery, gusto mong bilhan ng maliit na cake ang iyong ina sa kanyang kaarawan, kaya
lang kulang ang iyong pera. Nagdesisyon kang kausapin ang may-ari ng bakery
tungkol sa iyong kalagayan.

2. Isa kang kagawad sa inyong baranggay at may paparating na bagyo. Kailangan


mong magbigay ng paalala sa iyong mga ka-barangay ukol dito.

3. May bago kang kaklase at gusto mo siyang maging kaibigan.

4. Naguusap-usap kayong magkakaibigan hinggil sa sigalot ng China at Pilipinas ang


tungkol sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal at bilang student leader, hinihingan
ka nila ng opinyon ukol dito.

5. Nagpatawag ng press conference ang Malacañan


3 at isa ka sa naimbitahan bilang
mamamahayag ng isang sikat na TV Channel. Nakatakda kang magtanong sa
pangulo hinggil sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

B. Panuto: Bumuo ng sariling diyalogo sa mga sitwasyon sa naunang gawain (A.


Basahin at Unawain) gamitan ng mga angkop na panghalip o cohesive device
at salungguhitan ang mga ito.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 15 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
9-7 tamang Sagot – MAGALING
6-5 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
4-0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
www.shsph.blogspot.com
Ang husay mo!
Lodi ka talaga! Dahil sa naunang modyul naging
napakadali na lang sayong sagutan ang Panimulang
Pagsubok.
Naalala mo din ang tungkol sa Cohesive Device
Kaya’t tara! Magsimula kang higit pang matuto.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Ngayon naman ay alamin natin ang gamit ng wika sa mundo ng pelikula.


Basahin mo nang may pag-unawa ang buod ng pelikulang tumabo sa takilya at ang
katotohanan sa likod ng buhay ni Heneral Luna at pansinin ang mga salitang may
salungguhit.

HENERAL LUNA

Ang kwento ay sinimulan sa pakikipagpanayam ni Heneral Antonio Luna sa


isang kabataang mamamahayag, si Joven Hernando. Ipinaliwanag ni Joven na ang
nasabing panayam ay para sa isang peryudiko tulad ng La Independencia. Dahil nais
niyang tapusin ang mga nasimulan ng Heneral.

Pagkatapos nito ay ipinakita na nagkaroon ng pagpupulong ang gabinete ng


mga Pilipino. Ito ay dinaluhan ng ating unang pangulo na si Emilio Aguinaldo, unang
Prime Minister na si Apolinario Mabini, Pedro Paterno, Manuel Buencamino, iba pang
mga miyembro ng gabinete at siyempre, ni Heneral Luna. Nagkaroon ng pagtatalo
ang mga Pilipino kung
ano ang dapat na mangyari sa pagitan ng Pilipinas ng Amerika. Sinubukan ni Heneral
Luna na hikayatin ang mga Pilipino na maghanda ng mga puwersa para sa
pakikipagdigma. Dahil ayon sa kanya na mas magandang mamatay sa digmaan
kaysa pamunta sa pamumuno ng dayuhan. Agad itong hinadlangan ng marami
partikular na nina Paterno at Buencamino. Iminungkahi nila na maganda ang
adhikain ng Amerika at mas maganda kung tayo ay makikipagkasundo sa kanila.

Umalma ang Heneral sa pamamagitan ng pagsabi na walang puwang ang


mga bulag sa gabinete ng Pilipinas. Pahapyaw din na ipinakita ni Mabini ang
pagsang-ayon dito sa pamamagitan ng pagsasabi na dapat ipagdasal ang
kapayapaan ngunit dapat na paghandaan ang digmaan.

Sa gitna ng pagtatalo nila ay dumating ang isang liham mula sa mga


puwersang Pilipino. Isinaad nito na waring nagpapahiwatig na ang mga Amerikano
ng giyera dahil pinaputukan ng mga ito ang mga Pilipino sa Sta. Mesa. Ito na ang
nagsilbing hudyat ng labanan.

4
www.shsph.blogspot.com
Naganap ang labanan ng mga Pilipino at Amerikano sa pamumuno ni Heneral
Luna at ni Arthur McArthur. Maraming mga Pilipino ang namatay at nasugatan sa
labanan dahil sa napakalakas ng puwersa ng mga Amerikano. Dahil dito, marami
ang pinanghinaan ng loob. Nang mapansin ito ng Heneral ay agad itong nanindigan
at sumugod ng mag-isa sa mga kalaban. Nakita ito ng mga Pilipino at dahil dito ay
muling nag-alab ang kanilang mga puso, ang pagmamahal sa bayan. Kinalimutan
nila ang kanilang mga sarili at walang takot na sumugod para sa kasarinlan. Dahil
dito ay umatras ang mga Amerikano sa nasabing labanan.
Mayroong naging plano ang Heneral, ito ay ang gumawa ng isang hukay mula
Caloocan hanggang Novaliches bilang bahagi ng taktika na kanyang binubuo. Hindi
lamang nila magawa ang nasabing plano dahil sa kakulangan nila sa mga
manggagawa. Nangalap ng mga tao si Heneral Luna sa loob ng tatlong araw. Nang
siya ay magbalik ay mayroon na siyang 4000 na libong manggagawa na may dalang
kaniya-kaniyang mga pala at asarol.

Sunod na pinakita ay ang pagpapatuloy ng panayam ng Heneral kay Joven.


Dito ay ikinuwento ng Heneral ang katapangan at nag-aalab na pagmamahal sa
bayan ng isang tinyenteng nakilala niya habang sila ay nakikipaglaban sa mga
Amerikano. Ipinakita na tinitigan ni Joven sa opisina ng Heneral ang mga bala ng
baril na waring nagsisimbolo ng katapangan at at pag-asa ng kasarinlan ng Pilipinas.

Pagkatapos ay umuwi ang Heneral sa kanyang tahanan at doon ay naabutan


niya si Isabel, ang kaniyang kasintahan na nagmula sa isang mayamang pamilya.
Bahagyang nang-away ang dalawa dahil sa lubos ang pag-aalala ni Isabel sa tuwing
nakikipagdigma ang Heneral. “Giyera ang iyong asawa, ako ang iyong querida”, wika
pa niya. Nagpasya si Isabel na wakasan na ang ugnayan nilang dalawa dahil mas
mahalaga umano ang resposibilidad nila sa digmaan kaysa sa kanilang damdamin
sa isa’t isa. Dito ipinakita na mas pinili nila ang kanilang pagmamahal sa bayan kaysa
sa pansariling kaligayahan. Sunod na nangyari ay nalaman ni Heneral Luna na
nagpunta si Heneral Mascardo sa isang pistahan sa Arayat.

Lubos niya itong kinagalit dahil ayon sa kanya ay wala na daw panahon sa pistahan
sa gitna ng giyera. Ito pinagmulang ng kanilang pag-aaway na siyang nauwi sa
paghaharap nila sa Gua Gua. Habang nasa Gua Gua si Luna ay sinugod ng mga
Amerikano ang Bagbag na siyang nagpabagsak sa bayan.

Pumunta si Heneral Luna sa bagong opisina ni Aguinaldo sa Nueva Ecija


upang magbitiw sa hukbong sandatahan. Hindi ito tinanggap ni Aguinaldo at Mabini.
Hiniling ni Luna na pagpasyahan na ang nais niyang magtayo ng kuta sa norte at
pagkatapos nito ay lumisan na siya.
Nagsumbong ng kasinungalingan sina Paterno at Buencamino kay Aguinaldo
na nais daw umano ni Luna na maging isang diktador kapalit niya. Agad nitong
nalason ang utak ni Aquinaldo.

5
www.shsph.blogspot.com
Makatapos ay may natanggap si Heneral Luna na isang liham mula kay
Aguinaldo na nagpapapunta sa kanya sa Cabanatuan. Nagtungo siya rito ngunit di
niya alam na nakahanda na rito ang mga taong papatay sa kanya. Hindi man lamang
naghinala si Heneral Luna sa layunin ng liham dahil ipinakita sa kuwento na malaki
ang kanyang tiwala kay Aguinaldo. At dito ay naganap na nga kalunoslunos na parte
ng kasaysayan ng Pilipinas. Walang awang pinatay ng mga kapwa niya Pilipino si
Heneral Antonio Luna ngunit kailanman ay hindi nabigyan ng hustisya ang
madugong pangyayari.

Hindi inamin ni Aguinaldo maging ni Buencamino na sila ay may


kinalaman sa nangyari. Nananatili itong isang mantsa sa ating kasaysayan na
kailanman ay hindi mabubura. Kasabay ng pagkamatay ng nag-iisang tunay na
Heneral ng Pilipinas ay ang pagkaupos ng pag-asa sa kasarinlan ng bawat
Pilipino. Sinabi ng Heneral na; “Kung panaginip lamang ang umasa sa pag-
unlad, managinip tayo hanggang sa kamatayan.” Ang mga katagang ito ay
kanyang pinanghawakan hanggang sa kanyang huling hininga.

Mademoiselletricia. “Bayan o Sarili?” galing


sahttps://kimtriciaolan.tumblr.com/post/129839051323/bayan-o-sarili/amp

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

Sa iyong binasa, ano ang naging


pinakamatinding pagsubok para
kay Heneral Luna?
Paano inilahad sa
pelikula ang pagkatalo
ng mga Pilipino sa
giyera laban sa mga
Amerikano?

Matapos mabasa o
mapanood ang pelikulang
Heneral Luna, ano ang
naging reyalisasyon mo
bilang isang Pilipino?

6
www.shsph.blogspot.com

Ang pelikulang ito ay ayon sa kasaysayan ng ating bansa. Umikot ang istorya
sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at kung paano sila lumaban tungo sa
kalayaan. Ipinakita sa pelikulang ito ang paraan ng pamumuno ni Hen. Antonio Luna
sa mga Pilipinong sundalo laban sa pwersa ng mga Amerikano. Inilarawan din sa
pelikula ang mga suliraning kinaharap ni Luna kasabay ng kagustuhang makamit ang
kalayaan- tagumpay, kataksilan at kamatayan.
Sa huli, nasalamin sa pelikula ang kahalagahan ng disiplinang kailangan ng
isang bayan, at katangian ng mga tunay na bayaning handang ibuwis ang sarili para
sa bayan.

Galing Mo!!! Binabati kita sa iyong tiyaga, ang pelikula ay nagpaalala sa atin
sa kasaysayan, sa pagbuwis ng buhay ng mga “bayani” para sa kalayaan. Ngayon ay
handa ka ng sagutin ang mga pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.


Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.

TUKUYIN MO!
Panuto: Suriin mo
ang sumusunod na diyalogo mula sa pelikula, PAGSASANAY 1
tukuyin ang gamit ng wikang nasalamin
(Instrumental, Regulatori, Interaksiyonal,
Personal, Heuristiko, Impormatibo, at Imahinatibo)
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Luna: “Negosyo o kalayaan?”


2. Luna: “Bayan o sarili, pumili ka!”
3. Joven: “Ganyan naman po ang mga Pilipino, palaging inuuna ang pamilya.”
4. Luna: “May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano–ang ating sarili.”
7
www.shsph.blogspot.com
5. Luna: “Malaking trabaho ang ipagkaisa ang bansang watak-watak, Joven.”
6. Luna: “Kalaban ang kalaban. Kalaban ang kakampi, nakakapagod.”
7. Luna: “Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino
tungkol sa kahit na anong bagay.”
8. Paco: “Handang magtapon ng dugo ang totoong makabayan. Hindi pagdurusa ang
pagdaan sa napakatinding pasakit. Para kang tumanggap ng basbas, parang pag-
ibig.”
9. Luna: “Ang taong may damdamin ay hindi alipin.”
10. Isabel: “Wala na tayong panahon sa mga bagay na hindi natin kayang panindigan.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 15.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 5, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang


pagsasanay, heto pa ang isang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.
PAGSASANAY 2
SAY MO!
Panuto: Gawan ng sariling diyalogo ang
sumusunod na mga sitwasyon gawing basehan ang mga larawan at salungguhitan
ang mga salitang nagpapatunay sa gamit ng wika. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Hal.
1. Sa public market; Instrumental
Sagot:
Mamimili: “Ale, magkano po ang kilo ng Lapu-
Lapu?”
Aling nagtitinda: “P200.00 lang, dahil sa
buena mano ka, bibigyan kita discount”.
- Nagtatanong, Nakikitungo
https://www.nationalgeographic.com/animals/2020

8
www.shsph.blogspot.com
Umpisahan Mo Na…

Sitwasyon Gamit ng Wika Larawang Batayan


sa Lipunan

1. Batang nanlilimos
Instrumental

https://timesofindia.indiatimes.com/

2.Gurong nagbibigay
ng pagsusulit Regulatori

https://learnenglish.britishcouncil.org/

3. Tumatanggap ng Interaksiyonal
bisita

https://www.dreamstime.com/

4. Umpukan ng mga
tambay sa kanto Personal

https://tnt.abante.com.ph/

5. Pakikipanayam sa
isang doktor Heuristiko

https://www.shutterstock.com

9
www.shsph.blogspot.com

6. Pagbigkas ng tula
sa harap ng madla Imahinatibo

https://yespress.info/

7. Pagbibigay ng
direksiyon ng isang Regulatori
tour guide

https://www.alamy.com/ l

8. Batang
nagtatanong Heuristiko

https://www.shutterstock.com/s

9. Nagbibigay ng
utos Instrumental

https://www.alamy.com/

10. Police na Regulatori


nagbibigay paalala

https://tribune.net.ph/i

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

10
www.shsph.blogspot.com

Balikan ang pelikulang Heneral Luna, pansinin ang mga salitang may
salungguhit. Ano ang mga ito?
Tama! Ito ay mga cohesive device.
Ano ang cohesive device o kohesiyong gramatikal?

➢ Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at


sugnay.
➢ Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa
isang teksto o pahayag.
➢ Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit ng panghalip tulad ng siya,
niya, kanila, at iba pa.

Modyul 3 Pagpapahayag sa Iba’t Ibang Paraan. galing sa


file:///C:/Users/ASUS/Desktop/Module/MODYUL_3__PAGPAPAHAYAG_SA_IBA_T.PDF

Maikling Pagtalakay:
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal

1. Reperensiya (Reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring


tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Maaari ito maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang
panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag pinagpatuloy
ang pagbabasa sa teksto).

2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na


muling ulitin ang salita.

3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang


maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig
ng nawalang salita.

4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng


sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang
relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.

5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang


magkaroon ito ng kohesyon.

a. Reiterasyon- (1) Pag-uulit o repetisyon, (2) Pag-iisa-isa, (3) Pagbibigay-


kahulugan
b. Kolokasyon
Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG PILIPNO.
Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016.

11
www.shsph.blogspot.com

Graphic Organizer
Panuto: Sa iyong naging sagot sa Pagsasanay 2, Pagsasanay
angkupan ng mga cohesive device. Tingnan ang laang
halimbawa.
Sitwasyon/paksa:
Gawin HaIimbawa. Sa public market
ito sa iyong kuwaderno.
Gamit ng Wika sa Heuristiko - Naghahanap ng mga impormasyon
Lipunan: o datos.
Pangungusap/ “Magkano po ang kilo ng bangus, lapu-lapu, at tilapia?”
Diyalogo: - Heuristiko - Nagtatanong
Cohesive Device: Kohesyong Leksikal - Reiterasyon - Pag- iisa- isa
- Bangus, lapu-lapu, tilapia

Sitwasyon/paksa: 1. Mga batang nanlilimos


Gamit ng Wika sa Personal- Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Lipunan:
Pangungusap/
Diyalogo:
Cohesive Device:

Sitwasyon/paksa: 2. Gurong nagbibigay ng pagsusulit


Gamit ng Wika sa Regulatori- Komokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Lipunan:
Pangungusap/
Diyalogo:
Cohesive Device:

Sitwasyon/paksa: 3. Tumatanggap ng bisita


Gamit ng Wika sa Interaksiyonal- Nagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong
Lipunan: sosyal.
Pangungusap/
Diyalogo:
Cohesive Device:

Sitwasyon/paksa: 4. Umpukan ng mga tambay sa kanto


Gamit ng Wika sa Personal - Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Lipunan:
Pangungusap/
Diyalogo:
Cohesive Device:

Sitwasyon/paksa: 5. Doktor na nagbibigay ng paalala


Gamit ng Wika sa Heuristiko- Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
Lipunan:
Pangungusap/
Diyalogo:
Cohesive Device:

12
www.shsph.blogspot.com
Bilib na talaga ako sa iyo!
Ang galing mo!
Ang tiyaga mo ang lahat ng mga pagsasanay!
Batay sa emoji sa ibaba, i-shade ang iyong
naramdaman matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa iyong mga


natutuhan sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam
kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito
na kailangan mong gawin.
Panuto: Sumulat ng talatang nagpapaliwanag sa
. kahalagahan ng gamit ng wika sa mundo ng
Panapos na Pagsubok telebisyon at pelikula, magbigay ng mga
halimbawa at gawing pantulong ang paggamit ng
mga cohesive device
Isulat Mo!
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________.
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Nilalaman 80%
- Pagtalakay tungkol sa gamit
ng wika sa lipunan at
pagbibigay ng mga halimbawa
Cohesive Devices 20%

Magaling!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong mga
sagot sa pahina 16.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.
 nagawa lahat  2 hindi nagawa
 1 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

13
Oo nga, talagang mahalaga
www.shsph.blogspot.com
Ang dami kong natutuhan. ang wika at ang gamit nito!
Naalala ko tuloy yung mga Kaya, parang gusto ko pa ng
pinanood kong pelikula at ang karagdagang gawain.
tungkol sa mga cohesive
device, mahalaga pala talaga ito Tara!
upang maiwasan natin ang pag-
uulit ng mga salita.

Karagdagang Gawain
ILAPAT ANG NATUTUHAN SA TUNAY NA BUHAY
Panuto: Pumili ng pelikulang Pilipino na panonoorin o
Suring Pelikula
napanood. Gumawa ng suring pelikula, mula rito ay magtala
ng sariling interpretasyong diyalogo ngunit base parin sa pelikula na may angkop na
cohesive device o mga panghalip. Sundin ng Pormat sa pagsulat. Gawin ito gamit ang
long size bond paper.

B. Gamit ng Diyalogo at
Suring Pelikula:
Wika sa Cohesive
Pormat
Lipunan Device sa
I. Pamagat pelikula
II. Mga Tauhan 1. Instrumental
III. Buod ng Pelikula 2. Regulatori
IV. Banghay ng mga Pangyayari 3. Interaksiyonal
(story grammar) 4. Personal
V. Paksa o Tema 5. Heuristiko
VI. Mga Aspektong Teknikal 6. Representatibo
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula 7. Imahinatibo

Rubric sa pagmamarka:
Nilalaman/ Pagkakasuri 50%
Gamit ng Wika at 20%
Cohesive Device 20%
Pagsunod sa Pormat 10%
KABUUANG MARKA 100%

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo!

14
15
Panimulang Pagsubok
A.
1. Instrumental
2. Regulatori
3. Interaksiyonal
4. Personal
5. Heuristiko
B. (*iba-iba ang sagot, maaaring guro ang magwasto)
1. “Magandang araw po, nais ko po sanang bumili ng maliit na cake para po sa
aking ina, kaarawan po kasi niya ngayon, kaya lang ay hindi sapat ang aking pera.
Maaari po bang bigyan n’yo ako ng dikwento?”
2. “Inaabisuhan na mayroon na po tayong storm signal, tiyaking ligtas ang inyong
mga tahanan, at kung ang bahay ay nasa isang flood-prone area agad na magtungo
sa pinakamalapit na evacuation center.”
3. “Hello! Ikaw po yung bagong lipat? Tara sumama ka sakin, ipakikilala kita sating
adviser, si Gng. Santos.
4. “Ito ay may 124 nautical miles mula sa Zambales kaya malinaw na pag-aari ito
ng Pilipinas. Walang matibay na pinanghahawakan ang China na sakop nila ang
Scarborough o Panatag Shoal. Ang pinagbabasehan lamang nila ay historical claim
at ang ganitong basehan ay hindi pinaniniwalaan ng UNCLOS. Ang alam ko ay may
mapang ginawa ang United Armed Forces at doon ay kabilang ang Scarborough o
Panatag sa mga grupo ng isla ang pag-aari ng Pilipinas. Kaya’t kailangan nating
ipaglaban ang ating karapatan”
5. “Magandang Umaga po, Itatanong ko lang po kung napagbigay po sa inyong
kaalaman ang post sa Facebook ni Mike Alcazaren? May larawan ng cremation ng
kanyang ama sabi po niya, “We followed the law.” at ayon po sa kanya apat na
oras lang daw po silang nakapaglamay, anim daw po sa kanilang mga kapatid ang
hindi nasilip man lang ang kanilang ama.I quote po “Huwag mong kutyain ang
aming dinanas sa pagbibiro na mag-isa ka sa iyong kaarawan.”
Ano po ang reaksiyon ninyo ukol dito?”
Pagsasanay 1
1. Instrumental
2. Regulatori
3. -10 Personal
Susi sa Pagwawasto
www.shsph.blogspot.com
16
Pagsasanay 2 (*iba- iba ang sagot, basta’t tama ang diyalogo sa tungkulin o gamit
ng wika, maaaring guro ang magwasto)
1. Batang nanlilimos; Instrumental
Bata: “palimos po, maawa na po kayo, di pa po ako kumakain…palimos”
- Nakikiusap
2. Gurong nagbibigay ng paalala bago ang pagsusulit; Regulatori
Guro: “Ok, bago tayo magsimula, iset sa vibrate o silent mode ang inyong mga
cellphones, no cheating! Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. Do I make my
self clear?”
- Nagbibigay ng paalala at panuto
3. Tumatanggap ng bisita; Interaksiyonal
Lalaki: “Welcome! Sige pasok kayo”
- Pagpapatuloy sa bahay, pagtanggap ng bisita
4. Umpukan ng mga tambay sa kanto; Personal
Tambay1: “Alam mo sapalagay ko sa susunod na election mukang talo na ‘to si
Kap”
Tambay 2: “Puro naman post sa fb, wala rin naman talagang nagagawa!”
5. Pakikipanayam sa isang doktor; Heuristik
Reporter: “Ano-ano po ang sintomas ng COVID, at paano po ito maiiwasan at
malalabanan, may gamot na po ba para sa virus na ito?”
- Pagtatanong, paghahanap ng datos o impormasyon
6. Pagbigkas ng tula sa harap ng madla; Imahinatibo
Bata: “Akoy tutula mahabang mahaba, ako’y uupo tapos na po”
- Pagbigkas ng sariling likhang tula
7. Pagbibigay ng direksyon ng tour guide; Regulatori
Turista: Ms. kain muna kami, saan ang mga restaurants dito?
Tour Guide: “Ah ok po, pagliko niyo po sa kanto, may mga restaurants na po,
marami po kayong pagpipilian may chinese, japanese at French restaurants po”
Turista: “Ah ok, sige, thank you”
- Pagbibigay ng direksiyon
www.shsph.blogspot.com
17
Pagsasanay 3 (*iba- iba ang sagot, maaaring guro ang magwasto)
Sitwasyon/paksa: 1. Mga batang nanlilimos
Gamit ng Wika sa Personal- Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o
Lipunan: opinyon.
Pangungusap/ Ang mga batang nanlilimos sa kalye ay kailangang
Diyalogo: matulungan ng pamahalaan, karapatan din naman ng mga
batang ito ang makapag-aral.
Cohesive Device: Kohesyong Leksikal - Reiterasyon – Pag-uulit o repetisyon
Sitwasyon/paksa: 2. Gurong nagbibigay ng pagsusulit/panuto
Gamit ng Wika sa Regulatori – Komokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Lipunan:
Pangungusap/ “Itago na ang mga notebook at mga cellphones magsisimula
Diyalogo: na tayo”
Regulatori- Nagbibigay ng paalaala
Cohesive Device: Pang-ugnay
Sitwasyon/paksa: 3. Tumatanggap ng bisita
Gamit ng Wika sa Interaksiyonal- Nagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong
Lipunan: sosyal.
Pangungusap/ Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging hospitable, inilalabas
Diyalogo: nila ang mga bagong pinggan, bagong kutsara’t tinidor para
lang sa mga bisita.
Cohesive Device: Reperensiya- Anapora
Sitwasyon/paksa: 4. Doktor na nagbibigay ng paalala
Gamit ng Wika sa Regulatori – Komokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Lipunan:
Pangungusap/ Pinaalalahanan niya ang publiko na manatili sa loob ng kani-
Diyalogo: kanilang mga tahanan, iginiit pa ni DOH Sec. Francisco
Doque na mag-ingat dahil sa tumataas na kaso ng
pandemyang COVID- 19.
8. Batang nagtatanong; Heuristiko
Bata: “Bakit po bilog ang buwan?”
- Pagtatanong
9. Nagbibigay ng utos; Instrumental
Electrician 1: “Ito ikabit mo ito dito”
- Nag-uutos
10. Police na nagbibigay paalala; Regulatori
Police Chef: “Oh ang sugar level imonitor ha, dapat lagi tayong alerto”
- Nagbibigay paalala
www.shsph.blogspot.com
www.shsph.blogspot.com
MGA SANGGUNIAN:

Aklat:

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016

Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG


PILIPNO. Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016.

Elektroniko:

“Bajo de Masinloc.” galing sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Bajo_de_Masinloc


Eniad, Erialk. YUNIT 1 ARALIN 3 Gamit ng Wika ayon kay M.A. Halliday. galing sa
https://www.academia.edu/34084357/YUNIT_1_ARALIN_3

Mademoiselletricia. “Bayan o Sarili?” galing


https://kimtriciaolan.tumblr.com/post/129839051323/bayan-o-sarili/amp

Modyul 3 Pagpapahayag sa Iba’t Ibang Paraan. galing sa


file:///C:/Users/ASUS/Desktop/Module/MODYUL_3__PAGPAPAHAYAG_SA_IBA_T.
PDF“Tagalog/Sugnay.” galing sa https://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Sugnay

Wikipedia. “Pelikula”. Oktubre 10, 2019 galing sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Pelikula

18
www.shsph.blogspot.com

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like