You are on page 1of 20

11

www.shsph.blogspot.com

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino
Modyul 3: Konseptong Pangwika:
Kaalaman, Pananaw at Karanasan
www.shsph.blogspot.com
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 3: Konseptong Pangwika: Kaalaman, Pananaw at Karanasan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ligaya H. Garcia


Editor: Emma D. Gonzales; Daryl R. Orenciada;
Michelle Erika A. Clemente
Tagasuri: Nora J. Laguda; Sharon A. Vito;
Ana Maria B. Gojar; Imelda G. Narvadez;
Mary Ann Rimpola
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian
Navarro
www.shsph.blogspot.com
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
www.shsph.blogspot.com

Konseptong Pangwika: Kaalaman,


Pananaw at Karanasan

Panimula:
Magandang araw!
Kumusta ang mga naunang modyul? Naging madali ba para
sa’yo o medyo nahirapan ka? Huwag kang mahiyang ipahayag ang
iyong saloobin tungkol dito. Mabuti naman at marami kang natutuhan.
Ngayon naman ay dadako tayo sa ikatlong modyul para sa bagong
aralin.
Sabik ka na bang malaman kung ano ang pag-aaralan natin?
Sa gawaing ito, maipahahayag mo ang sariling kaalaman, pananaw at
karanasan gamit ang konseptong pangwika.
O, ano kayang-kaya ba? Halika! umpisahan na natin.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakapag-uugnay ang mga konseptong
pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan

Layunin

1
www.shsph.blogspot.com
Ito ang mga bagong salita na dapat mong
kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.
Talasalitaan

1. Fashion – Sunod sa uso (moda, anyo, ayos, kaugalian).


2. Pananaw – Paniniwala, pangitain, sariling pagkakaunawa, perspektiba.
3. KWF – Komisyon sa Wikang Filipino. Ahensyang nangangalaga sa wikang
pambansa.
4. CHED – Commision on Higher Education. Ahensyang nangangasiwa sa
kolehiyo.
5. Wika – Ginagamit na instrumento sa komunikasyon ng sinuman.

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,


subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Panuto: Basahin ang talata at subuking sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Huwag Maging Anino – Reaksyon sa CHED Memo No. 20, 2013

(1) Ayon sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, “Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Maliwanag ang
isinasaad ng Saligang Batas na kailangang payabungin ang Wikang Filipino sapagkat ito ang
ating pambansang wika. Ito ay bahagi ng pagkakakilanlan natin bilang Pilipino –
pagkakakilanlan na kaakibat ng ating kalayaan mula sa mga mananakop noong unang
panahon.

Ang ating tinatamasang kalayaan ay bunga ng dugo at pawis sa pakikibaka ng ating


mga bayani. Ito ay bahagi ng ating kasaysayan at kultura. Ano nga ba ang pinakamabisang
paraan ng pagpapayabong at pagpapayaman ng wikang Filipino? Walang iba kundi ang

2
www.shsph.blogspot.com
paggamit at pag-aaral ng mabisang paggamit nito. Sa pag-alis ng Filipino bilang
asignatura sa kolehiyo na kasama sa implementasyon ng K to 12 Curriculum, marami ang
nilalabag. Sinasalungat ng CHED Memo Blg. 20 ang Saligang Batas.

(2) Nakalulungkot isiping ang wikang Filipino na siya nating pambansang wika ay
itinuturing ng ibang Pilipino na wika lang ng masa, wika ng ordinaryong mamamayan.
Upang maging kabilang sa alta-sosyodad, kailangang iwaksi ang sariling wika kahit
magkandabalu-baluktot ang dila sa pagsasalita ng wikang banyaga para lang masabihang
maalam.

Ang itinuturing na wikang pang-mayaman, pang-sosyal at pang-edukado ay


Ingles kaya naman pilit na ipinatutupad sa mga pribadong paaralan ang “Speak English
Campaign” upang sa pagtuntong ng kolehiyo o sa paghahanap ng trabaho ay mahusay mag-
Ingles. Ano kaya ang mangyayari sa ganitong sitwasyon? Isang batang Pinoy, kinamulatan
ang salitang Ingles dahil propesyonal ang mga magulang, sa pagtuntong ng elementarya at
hayskul ilang minuto lang pwedeng gamitin ang wikang Filipino, pagdating sa kolehiyo, wala
nang asignaturang Filipino, paano niya maipapasok sa sistema niya ang pagpapahalaga
sa sariling wika? Malamang hindi niya papangarapin ang magtrabaho o tumira sa Pilipinas.
Sa ganitong sitwasyon, nakabuo ng isang Pinoy na hindi gustong maging Pinoy. Siya ba
ang may sala o ang sistema?

Halaw sa: https://kitzibatan.wordpress.com/2015/08/14/huwag-maging-anino-reaksyon-sa-ched-


memo-no-20-2013/ 12/01/2019

1. Ayon sa unang talata, ang wikang Filipino ay itinuturing na_____________ ng mga


Pilipino.
a. Unang wika

b. Pangalawang wika

c. Pambansang wika

d. Wikang inaaral ng ibang etnikong grupo

2. Bakit pinag-aaralan ang wikang Ingles sa ating bansa?

a. Dahil wika ito ng mga matatalino.

b. Isa ito sa opisyal na wika ng bansa bukod sa Filipino

c. Upang gawin tayong mga edukado

d. Para palakasin ang industriyalisasyon at globalisasyon.

3. Sa binasang talata, anong uri kaya ito ng babasahin?

a. Sanaysay na nagbibigay ng opinion o reaksyon tungkol sa pagtanggal ng Filipino sa


kolehiyo.

b. Kuwento tungkol sa Filipino at Ingles.

c. Pananaw tungkol sa wika

d. Karanasan bilang isang Pilipino

3
www.shsph.blogspot.com
4. Anong konseptong pangwika ang makikita sa talata?

a. Mariing paninindigan tungkol sa wika.

b. Tinalakay ang unang wika, pangalawang wika at kung paano pahalagahan ang
wikang pambansa.

c. Barayti ng wika

d. Antas ng wika

5. Sa anong bahagi ng talata makikita ang pananaw ng sumulat?

a. Una b. Ikalawa c. Gitna d. Hulihan

O, diba kayang-kaya mong sagutan ang unang gawain.


Halika, may inihanda pa akong aralin para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Basahin mo.
Iba Pang kaalaman Hinggil sa wika
Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang
wikang sinasalita sa Pilipinas.

Kaya ba tinawag na Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa


Pilipinas?

Tumpak! Dahil maraming wika ang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti
ang mga wikang ito. Nakapaloob sa palagay na ito ang iba’t ibang konsepto ng dayalektal
na baryasyon sa wika dahil sa magkakaibang katayuan sa lipunan, pook na tinitirihan, pag-
uugali at interes ng mga Pilipino. Samantala, kapag ang isang bansa ay tanging iisang wika
ang sinasalita ng mga mamamayan dito, ito ay tinatawag na Homogenous.

Ang salitang homogenous, ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ay nagmula sa


salitang Griyego na homogenes mula sa hom- na nangangahulugan ng uri o klase at genos
na nangangahulugan ng kaangkan o kalahi. Kung ilalapat sa wika, tumutukoy ito sa
pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika.

4
www.shsph.blogspot.com
Halimbawa:
At paano kung ang "self-expression" mo ay maging baduy? Na 'yan ang
siguradong mangyayari dahil 'yan naman talaga ang natural na kapalaran ng kahit
anong nauuso-nalalaos at pinandidirihan. Tanungin na lang ang lahat nang nagsuot ng
shoulder pads at lagpas-bewang na sinturon noong medieval '80s. (2) Tanungin na lang ang
lahat ng nagsuot ng oversized (at overpriced) Giordano na polo shirt. Tanungin na lang
ang lahat ng sumakay sa uso at nagsuot ng baggy-baston na acid-wash na maong nung
high school.
Halaw sa : https://www.spot.ph/this-is-a-crazy-planets/57276/sermon-sa-mga-fashyown?ref=section_feed_1

Dito ba pumapasok ang wikang Filipino?

Tama. Ito ang katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang
Pambansang Punong rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa archipelago na
ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga
panghihiram ng mga wika sa Pilipinas at mga ‘di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t
ibang baryabilidad ng wika para sa iba’t ibang sitwasyong sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at matalisik na pagpapahayag {KWFResolusyon Blg. 92-1)

Maaari mo bang ibahagi ang iyong kaalaman, pananaw at


karanasan gamit ang wikang Filipino? Paano?

Siyempre, maaaring sa pamamagitan ng sanaysay, editoryal, talumpati, tula at


maging sa pamamagitan ng modernong teknolohiya. Dahil sa teknolohiya ay nagiging
madali na sa atin ang ibahagi natin ang mahahalagang impormasyon, pananaw at karanasan
katulad ng blog, facebook, youtube atbp.

Ang blog ay isang uri ng website na regular na ina-update gamit ang bagong
nilalaman. Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng maikli, impormal na artikulo na
tinatawag na blog post. Ang mga post na ito ay karaniwang naglalaman ng ilang kombinasyon
ng teksto, mga larawan, video, at iba pang media. Sa kanyang Core, ang isang blog ay
lamang ng isang puwang sa web na maaari mong lumikha upang itala at ipahayag ang iyong
mga opinyon, karanasan, at interes.

Hal.
Mga minamahal kong fashionista,
Alam ko ang nasa isip ninyo ngayon. Hinuhusgahan niyo ang aking kasuotan. Ang
ilan sa inyo ay sumisimple ng tingin sa sapatos ko. Ang ilan sa inyo ay nagtataka kung

5
www.shsph.blogspot.com
bakit wala akong relo. Ang ilan naman marahil ay gustong malaman kung ano ang tatak ng
salamin ko.

Isang bagay lang ang sigurado ako: wala sa inyo ang hindi nag-effort sa
wardrobe. Lahat kayo, lalo na ikaw na nasa harap, sa second row, ‘yong naka-itim na
sleeveless na may salamin na ahit ‘yong gilid ng buhok-gaano niyo katagal pinlano 'yang
mga suot ninyo? Heto ang gusto kong malaman: ilang araw niyong pinagpaplanuhan ang
mga OOTD ninyo? Naka-kalendaryo na ba ’yang mga 'yan? Pino-problema niyo ba kung sino-
sino na ang mga nakakita ng mga damit niyo? O kung nagmumukha kayong mataba sa suot
ninyo by asking the existential question: "Does this make me fat?" Alam niyo naman ang
simpleng sagot diyan, 'di ba? It's fat that makes you fat. Magtataka ka pa kung bakit ka
lumolobo-tingnan mo nga ang mga Instagram posts mo: Puro pagkain. Sa mga nakaitim
dito, alam ko ang dahilan kung bakit. Bawas-bawas din ng pasta at cake 'pag may time.

Ano naman ang tinatawag na Wikang katutubo?

Ito ay tinatawag ding Unang wika – wikang natutuhan at ginamit ng isang tao mula
pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang naunawaan at nagagamit ng
isang tao ang nasabing wika. Kabilang dito ang mga pangunahing wika gaya ng Tagalog o
Waray o ang maliliit gaya ng Higaynon o Ivatan.

Tinatawag din itong Mother Tongue bilang wika ng isang etnolingguwistikong grupo
kung saan nabibilang ang isang indibiduwal, at hindi ang unang natutuhang wika. Halimbawa
kung ang isang bata ay Iloko at mula sa angkan ng mga taal na Iloko, ngunit simula
pagkapanganak ay tinuruan ng wikang Ingles, mananatiling Iloko ang kanyang katutubong
wika.

Paano malalaman kung ang isang tao ay katutubong


tagapagsalita ng isang wika?

Una, ito ay nalalaman niya sa murang edad pa lamang. Pangalawa, siya ay may likas
na’t may instinktibong kamalayan sa wika. Pangatlo, may kakayahan siyang makabuo ng
matatas at ispontanyong diskurso na gamit ng wika. Pang-apat, kinikilala ang sarili bilang
bahagi at kabahagi ng lingguwistikong komunidad. Panghuli, may puntong dayalektal
ang indibiduwal na taal sa katutubong wika.

Sa kabilang dako, ang ikalawang wika naman ay ang wikang natutuhan at ginagamit
ng isang tao labas pa sa kaniyang unang wika. Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika
para sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita.
Iba ang ikalawang wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang dayuhang wika
ay tumutukoy sa iisang wikang inaral lamang ngunit hindi ginagamit o sinasalita sa lokalidad
ng taong nag-aral nito.

6
www.shsph.blogspot.com

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

Maituturing ba na ikalawang wika ang wikang Ingles?

Tumpak! Sapagkat bukod sa isa ito sa mga opisyal na wika ng Pilipinas ay laganap
ang paggamit dito sa sistema ng edukasyon at iba pang larangan habang banyaga ang
wikang Aleman sapagkat hindi ito natural na ginagamit sa anumang larangan o lugar sa
Pilipinas, liban na lamang kung sadya itong pag-aaralan.

Kinilala si Krashen (1982) sa teorya ng Second Language Acquisition (SLA) na


nagpalawig sa pagkakaiba sa acquiring (likas o natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto)
ng wika.
Ang acquisition o pagtatamo ay isang natural na proseso habang ang learning o
pag-aaral ay kinasasangkutan ng malay o sadyang desisyon napag-aralan ang wika.

Dito ba pumapasok ang Lingguwistikong komunidad?

Tama! Ito ay isang termino na sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng


mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
Ayon kay Yule (2014), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang porma ng
panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang ipahiwatig o maging
palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak an grupong panlipunan.

Ipagpatuloy mo.

7
www.shsph.blogspot.com
Hindi, sapagkat ang isang Aleman
Lahat ba ng nagsasalita ng isang wika ay maaaring mag-aral ng wikang Tagalog
ay kasapi ng isang lingguwistikong ngunit hindi siya mabibilang sa
komunidad?
lingguwistikong komunidad ng mga taal
na tagalog sapagkat iba rin ang paraan
ng paggamit niya sa wikang ito.

Ano kaya ang dahilan na kahit


tayo ay nakatira lamang sa bansang
Pilipinas, marami tayong ginagamit
na wika?

Ang ating bansa ay binubuo ng


mga pulo, kaya’t magkakaiba ang tawag sa mga bagay na
sila mismo ang nagbigay ng pangalan dahil na rin sa kani-
kanilang kultura.

Ano-ano ang mga pangunahing


wikang umiiral sating kapuluan?

Ang Pilipinas ay isang bansang gumagamit


ng magkakaibang wika at wikain. Ito ay ang
sumusunod: Tagalog, Cebuano, Ilocano,
Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan
at Pangasinense.

Matatawag bang katutubong wika


ang Filipino?

Ano ang tuon ng wikang Resolusyon Blg. 96-1 ng KWF: Ang Filipino ay
Filipino ngayon? katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
Ang tuon ng wikang Filipino ngayon ay
intelektuwalisasyon o modernisasyon
upang ito’y magamit nang mabisa sa mga
pangangailangan at sa mga pagbabago sa
kasalukuyan at sa darating na milenyo.

8
www.shsph.blogspot.com
Yehey! Naiuugnay mo na ang konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at
karanasan maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.


___________________________________

Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap


Pagsasanay 1
ay nagpapakita ng Unang Wika, Pangalawang
Wika, Lingguwistikong Komunidad.

1. Ang mga taong nagsusulat ng mga blog ay tinatawag na mga blogger.


____________

2. Depende ito sa nais mong ibahagi, at kung paano mo gustong ibahagi ito. Maaari
mo kahit na malaman na gusto mo sa halip ibahagi sa isang microblogging
serbisyo tulad ng Tumblr o Twitter, o isang social network tulad ng Facebook.
_____________
3. Okay din ang self-expression mo, 'no? Designed in Milan, made in China,
overpriced in the Philippines. ____________

4. Wala kaming pakialam kung Thom Browne 'yan, pero 'pag naligaw ka sa Project 2
na naka-Amerikana habang naka-shorts ay siguradong gugulpihin ka ng mga
tambay. ______________

5. Kung ikaw ay tradisyonal na blog, ang Twitter ay maaaring maging isang


magandang paraan upang itaguyod ang iyong blog sa pamamagitan ng
pagkonekta sa iba pang mga blogger at pag-uugnay sa iyong sariling mga post
blog. ______________

9
www.shsph.blogspot.com
Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina15.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang


pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing
Pagsasanay magpapatibay ng iyong kaalaman.
2
Panuto:Tukuyin kung ang mga pangungusap na may bilang ay nagpapakita ng Homogenous
o Heterogenous.

(1) Ang fashion ay isang malaking ilusyon. O kung sa Hinduism, "maya," na


maaaring ihambing sa isang kurtina na tumatakip sa katotohanan.

(2) Hindi ako nanghuhusga... Actually, well, hinuhusgahan ko kayo-kahit hindi


ako huwes. (3) Mas maganda siguro ay may gawin din tayong kapaki-pakinabang sa
lipunan bukod sa magdamit nang maganda.

Kung self-expression lang din naman ang pag-uusapan, (4) 'di ba't mas naa-
appreciate natin ang porma nila Jorge Luis Borges at Ernest Hemingway dahil sa
kanilang iniwang mga panulat? 'Di ba't mas may kabuluhang tingnan ang malaking
tiyan ni Pablo Picasso kesa sa mga muscles ni Jack Lalanne?

Naniniwala ako sa kahagahan ng kalusugan etc., pero mas naniniwala ako na hindi ito
pahabaan ng buhay kundi pagandahan ng kalidad ng paano ka namuhay-at hindi ito usapin
ng palakihan ng bank account, o pagandahan ng kotse at condo. (5)Ang buhay na may
saysay ay ang yung nagpabuti o nagpaganda sa buhay ng iba kahit sa maliit lang na
paraan.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

10
www.shsph.blogspot.com
Balikan ang mga natutuhan sa
naunang mga gawain upang masagutan
ang sumusunod na pagsasanay.
Pagsasanay
Panuto: Suriin ang tula kung ito ay nagpapahayag ng
kaalaman, pananaw at karanasan.

PATALIM
Cirilio F. Bautista
(1) Araw-araw
sinusubok naming mag-asawa ang talim
ng aming balaraw
Halimbawa
(2) Kung umiiyak
ang bunsong anak
at hindi kumikilos ang sintang mahal
sasaksakin ko siya sa likod
at patawang pagmamasdan
habang duguang
pasususuhin niya
ang bunso
Kung pundi ang bumbilya
sa aming kusina
at ako’y abala
sa paglikha ng tula
(3) hindi niya ako titigilan
ng saksak sa batok
hangga’t ang ilaw ay di napapalitan
Patas lang ang aming labanan
Lagot kung lagot walang dayaan
Kaya’t
(4) sa katapusan ng araw magbibilang kami ng
sugat
(5) at tila mga gulanit na kaluluwa
ay magtatawanan magsusuntukan pa
Ganito kaming lagi sapagkat
labis ang pag-ibig namin sa isa’t isa.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 15.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

11
www.shsph.blogspot.com
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa
loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya
mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

(1) Wala naman talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto ng mga Filipino kundi
nasa sariling wika. Pagpapatunay nga ng isang edukador na Canadian na si Phil Bartle, “Sa
pag-aaral ng basikong literasiya, ang wikang gagamitin ay base sa kung ano ang karaniwang
na iintindihan at alam ng pamayanan.

(2) Walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba. Kung babalikan din natin
ang kasaysayan ng Pilipinas, nang ipinag-utos ng mga Amerikano noong 1901 na gawing
opisyal na wikang panturo ang Ingles sa mga paaralan sa Pilipinas, makalipas lamang ang
dalawampu’t limang taon ay nabatid agad ng mga Amerikano

(3) Sa pamamagitan ng pag-aaral Monroe Educational Survey Commission na


hindi naging matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang wikang Ingles sa
kanilang pag-aaral. Dahil dito ipinag-utos din noong 1931 na wikang bernakular na ang
wikang gagamiting wikang panturo sa elementarya.

(4) Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng
pagkaligaw nating mga Pilipino sa daan ng karunungan. Noon pa sinasabi at ipinaalala
ng isa pang Pambansang alagad ng sining para sa panitikan na si Virgilio Almario na
kailangang (5) kailangan natin ang Filipino sa edukasyon at opisyal na talastasan. Pero
ayaw nating harapin ang tawag ng tagumbayan

Halaw sa :”Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa” Romeo Palustre Peňa www.resesarchgate.net

1. Ano ang ibig ipahiwatig ng sumulat sa kanyang pahayag sa unang talata?


a. Wikang pambansa ang magdadala sa karunungan
b. Walang puwang ang wikang dayuhan sa Pilipinas.
c. Huwag pag-aralan ang ibang wika.
d. Wikang Filipino ang dapat nating tangkilikin.

12
www.shsph.blogspot.com

2. Walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba. Ito ay nangangahulugang?


a. Lahat ng wika ay pantay-pantay.
b. Espesyal ang wikang Filipino
c. Para lamang sa matatalino ang wikang Ingles.
d. Tanggapin natin na laos na ang wikang Filipino.

3. Sa pamamagitan ng pag-aaral Monroe Educational Survey Commission na hindi


naging matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang wikang Ingles sa
kanilang pag-aaral. Ano ang implikasyon nito?
a. Hindi kailanman mapapalitan ang wikang katutubo.
b. Nahihirapan ang mga Pilipino na unawain ang Ingles.
c. Noon pa man ayaw nan g ninuno natin na tanggapin ang ibang wika.
d. Makitid ang isipan ng mga Pilipino.

4. Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng
pagkaligaw nating mga Pilipino sa daan ng karunungan. Masasabi ba nating pananaw
ito?
a. Oo, sapagkat totoo naman.
b. Oo, dahil nagbubulag-bulagan tayo sa tunay na mga pangyayari.
c. Hindi, dahil walang katotohanan.
d. Hindi, sapagkat paninirang puri ito.

5. Kailangan natin ang Filipino sa edukasyon at opisyal na talastasan. Ano ang tinutukoy
nito?
a. Fipino ang opisyal na wika ng mga Pilipino.
b. Filipino lang ang gagamitin na wika sa Pilipinas.
c. Ibandila ang wikang Pilipino.
d. Mahalin ang wikang pambansa.

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 15.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

13
www.shsph.blogspot.com
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.
Karagdagang Gawain
Tara magtulungan tayo!

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa pangyayari sa inyong


komunidad sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Sikaping
maipahayag ang konseptong pangwika gamit ang sariling kaalaman, pananaw at
karanasan. Maaari ka ring gumawa ng sariling blog kung ikaw ay mayroong access
sa internet.

Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay

Puntos Pamantayan
Malinaw na nailahad ang paksa at naipahayag nang maayos ang
30 pts mga konseptong pangwika na ginamit sa talata.

Medyo malinaw na nailahad ang paksa at parang naipahayag nang


20 pts maayos ang mga konseptong pangwika na ginamit sa talata.

Hindi gaanong malinaw na nailahad ang paksa at kulang na


10 pts naipahayag nang maayos ang mga konseptong pangwika na ginamit
sa talata.
Hindi malinaw na nailahad ang paksa at hindi naipahayag nang
5 pts maayos ang mga konseptong pangwika na ginamit sa talata.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

14
15
Panimulang Pagsubok
1. c
2. b
3. a
4. b
5. b
Pagsasanay 1
1.pangalawang wika
2. lingguwistikong komunidad
3. pangalawang wika
4. unang wika
5. lingguwistikong komunidad
Pagsasanay 2
1. heterogenous
2. homogenous
3. heterogenous
4. homogenous
5. homogenous
Pagsasanay 3
1. karanasan
2. karanasan
3. kaalaman
4. karanasan
5. pananaw
Panapos na Pagsubok
1. d
2. a
3. b
4.a
5.a
Susi sa Pagwawasto
www.shsph.blogspot.com
www.shsph.blogspot.com
Sanggunian:

Dr. Marquez Jr, Servillano T. 2017. Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. SIBS Publishing house, Inc. Quezon Ave. Quezon City.

Baronda, Andrew John C. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino. JFS Publishing Services. Pasay City, Philippines.

Bernales, Rolando et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Mutya Publishing House Inc. Malabon City.

3
16
www.shsph.blogspot.com

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like