You are on page 1of 9

SIBUGAY TECHNICAL INSTITUTE INCORPORATED

Lower Taway, Ipil, Zamboanga Sibugay


www.sibugaytech.edu.ph
alface01@yahoo.com

School President: 0917-1271826/0917-127190 Academic Dean: 09064393454


Registrar: 09353420564 Guidance Coach: 09497510953
DSA: 0935119087

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG FILIPINO

MODYUL NG MAG-AARAL
UNIT TEST -FINAL
GURO CONTACT NO.
LIZA MAE B. VERGARA 09678023423

______________________
Pangalan ng Mag-aaral/Kurso at Seksyon
Pangkalahatang Kalalabasang Pangkaalaman:
Sa pagtatapos ng semester, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa


lipunang Pilipino;
B. Naipahahayag ang kaalaman at sariling opinyon sa bawat paksa;
C. Nasusuri ang kalakasan, gamit, mga kaganapang pinagdadaanan ng Wikang Pambansa
ng Pilipinas; at
D. Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad

SAKLAW NG UNIT

MODYUL 1-4

Modyul 1- Unang Linggo


Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ni Magdalena
Jocson

Aralin 1- Mga Konseptong Pangwika (Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo,


Wikang Opisyal)

Pagganyak na Gawain

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang tsek (4) sa kolum ng mapipiling sagot.

TANONG OO HINDI

a. Alam ko ba ang kahalagahan ng wika sa araw-araw na takbo ng aking


buhay?
b. Dapat bang may wikang pambansa ang mamamayan?
c. Isa lang baa ng wikang dapat kong salitain?
d. Daan bas a pag-unlad ang pagkakaroon ng maraming wika?
e. Hindi ba kailangan ang wika sa pakikipagkomunikasyon?
f. Tatak ba ng isang lahi ng wika?
A. Pagtatalakay

Komunikasyon- pagpapahayag, paglalahad o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan:


isang pakikipag-ugnayan, pakikibagay niya sa kaniyang kapuwa at kapaligiran ayon kay
Webster at ng iba pang dalubhasa.

Wika- namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapuwa tao, ibang tao, paligid,
mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, political, ekonomik at kultura.

- daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan sa iba


- isang sistema ng tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao
- ginagamit sa pakikipagkomunikasyon

Wikang Pambansa- wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa


pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop

- tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may kani-


kanilang katutubong wikang ginagamit

Wikang Panturo- wikang napili bilang wikang pambansa, ginagamit sa pagtuturo hanggang sa
unibersidad

Wikang Opisyal- prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, at sa politika, sa


komersiyo at industriya

Mahalagang alamin ang mga konseptong pangwika upang mas makapagsusulat ng mabuting
akda na magagamit sa iba’t ibang larangan. Ang isang halimbawa ng akda na talagang
pinakaginagamit sa iba’t ibang larangan ay sanaysay.

Sanaysay- isang uri ng tuluyan na nagpapahayag ng mga opinyon o kuro-kuro tungkol sa isang
mahalagang isyu o paksa

Uri ng Sanaysay

 Maanyo o Pormal na Sanaysay


 Di-maanyo o Di-Pormal
Gamit ng Wika Ayon sa Antas

May- iba’t ibang antas ang wika na ginagamit sa pagsulat ng sanaysay.


5. Masining o Pampanitikan- Pinakamataas na antas ng
wika. Halimbawa: salamisim, kadaupang-palad, at iba pa

4. Teknikal- Gamit sa iba’t ibang disiplina/sitwasyong pang-akademiko.


Halimbawa: Accountancy, Internet, Computer, at iba pa

3. Diyalektal/Lalawiganin- Mga salitang ginagamit mula sa lalawigan. Halimbawa: vakul


(Batanes), malong (Maranao), tupig (Pangasinan), at iba pa

2. Kolokyal- Karaniwang pakikipag-usap ng isang indibidwal. Halimbawa: edukasyon, control,


kaklase, at iba pa

1. Balbal- Pinakamababang antas ng wika. Halimbawa: dyowa, erpats, mudra, at iba pa

Batayan ng Pagkakasulat ng Sanaysay

 Nakita-Mga pangyayari sa paligid na nakita at iuugnay sa isang paksa o isyu na bibigyan


ng opinyon.
 Napanood- May layuning gawin ang kasanayang ito. Mula sa pinanood, maaaring
magbigay ng reaksiyon o opinyon sa mga pangyayari.
 Narinig- Maaaring batay sa anumang narinig, maging maingat lamang na huwag
madagdagan o mabawasan sapagkat baka malihis ang ideyang isusulat.
 Nabasa- Komprehensibong batayan na nakasalalay kung paano naunawaan ang akdang
binasa.
 Karanasan- Pinakaepektibong batayan sapagkat malapit sa damdamin, saloobin, at
naranasan ng susulat.

Gawain 1

Panuto: Mag-isip ng isang hindi malilimutang karanasan na iyong naranasan nang magsimula
ang pandemya. Isulat ito sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat lamang ito sa isang malinis
na papel.

Gawain 2

Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga konseptong pangwika: wika, wikang pambansa,
wikang panturo, at wikang opisyal sa tulong ng mga sitwasyon.
SALITA SITWASYON (PAGPAPAKAHULUGAN)

a. Wika Halimbawa:

b. Wikang pambansa Halimbawa:

c. Wikang panturo Halimbawa:

d. Wikang opisyal Halimbawa:

Modyul 2-Unang Linggo


Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ni Magdalena
Jocson

Aralin 2- Mga Konseptong Pangwika (Bilingguwalismo at Multilingguwalismo)

Pagganyak na Gawain

Anong diyalekto ang ginagamit ninyo sa bahay? Magbigay ng isang halimbawa ng joke gamit
ang dayalektong ito. Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

A. Pagtatalakay
Bilingguwalismo- nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang paraan ng pagtuturo sa mga
asignaturang Agham at Matematika at wikang Filipino sa lahat ng iba pang asignatura sa
mababa at mataas na paaralan.

Multilingguwalismo- Paggamit ng maraming wika ang multingguwalismo. Nagiging laganap


na ang eksposyur ng isang indibidwal sa maraming wika. Sa paggamit ng maraming wika,
marahil may positibong epekto ito sa utak ng tao at isip. Nagkaroon ng isang bilang ang
internasyonal na pag-aaral sa paksa, at nagpapahiwatig na ang mga kakayahan upang gamitin
ang higit sa isang wika ay nagdudulot sa isang indibidwal ng isang munting bentahe.

Gawain 1

Panuto: Ihanda ang sarili para sa isang oral recitation.

Modyul 3- Ikalawang Linggo


Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ni Magdalena
Jocson

Aralin 3- Mga Konseptong Pangwika (Register/Barayti ng Wika, Homogenous,


Heterogenous)

Pagganyak na Gawain

Talakayin ang natutunan mo mula sa nakaraang paksa. Isulat lamang ang sagot sa kahon.
A. Pagtatalakay

Register- estilo sa pananalita; batay sa gamit

Barayti- isang maliit na grupo o pormal o makabuluhang katangian na nauugnay


sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal

Diyalekto- barayti na batay sa lugar, anahon, at katayuan sa buhay

Idyolek- punto o paraan ng pagsasalita ng tao

Homogenous- isa lang ang gamit ng wika

Heterogenous- iba-iba ang gamit ng wika, layunin at gumagamit

Gawain 1

Panuto: Unawaing maigi ang mga Konsetong Pangwika at ihanda ang sarili para sa
oral recitation.

Modyul 4- Ikalawang Linggo


Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ni
Magdalena Jocson

Aralin 4- Mga Konseptong Pangwika (Lingguwistiko Komunidad, Unang


Wika, Pangalawang Wika)

Pagganyak na Gawain

Awitin o basahin ang kasunod na awiting-bayan. Suriin ito. Bilang pagpapahalaga,


sagutin ang kasunod na mga tanong.

7
NARIAG A BULAN MALIWANAG NA BUWAN

O naraniag a bulan O maliwanag na buwan


Un-unnoyko indengam Mga hinaing ko’y pakinggan
Dayta naslag a silawmo Liwanag ng ilaw mo
Dika kad ipaidam. Huwag mo sanang ipagkait.

O naraniag a bulan O maliwanag na buwan


Sangsangit ko indengam Panaghoy ko ay pakinggan
Toy nasipnget a lubongko Daigdig kong kay dilim
Inka kad silawan Iyo ngang ilawan
Tapno diako mayaw-awan Nang di ako maligaw.

No inka nanglipaten Kung iyong limutin


Karim kaniak nagibusen Mamatamisin ko pa
Samsarim-itek ni patay Ang mamatay
O bulan ket aklunem O buwan iyo
Nangalaylay ti ayatko Nawang tanggapin
Inka kadin palasbangem Nalantang pag-ibig ng giliw ko
Iyo sanang buhayin
Uni-unnoyko, darasem nga ikeddeng
Mga hinaing ko’y subuking damdamin

Mga Tanong:

1. Anong wika nakasulat ang awiting “Naraniag a Bulan”?

2. Tungkol saan ang awit?

3. Madali mo ba itong naunawaan?

4. Mula sa awiting ito, ano ang kahalagahan ng wika ang iyong nakikita?

8
A. Pagtatalakay

Lingguwistikong Komunidad- may kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika.


Isinaalang-alang din ang tungkol sa idyolek, sosyolek, at diyalek ng angkat ng
taosa isang komunidad

Unang Wika- natutuhan ng isang tao mula nang kaniyang kapanganakan. Batayan
para sa pagkakalinlang sosyolingguwistika ng isang tao. Tinatawag din itong
katutubong wika. May simbolong L1

Pangalawang Wika- iba pang wikang pinag-aaralan o natutuhan maliban a sa


unang wika

Halimbawa: Kung ang unang wika ay Tagalog at kapag pinag-aralan ang Ilocano o
iba pang wika, ito ang kaniyang pangalawang wika. Ang kasalukuyang wikang
pambansa na Filipino ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino. Simbolo
nito ang L2.

~ Pagtatapos sa Saklaw ng Yunit ~

You might also like