You are on page 1of 5

Mga Kaugnay na Gawain

Panuto: Matapos na maunawaan ang paksa, muling balikan ang sipi ng aralin at suriing mabuti ang
mahahalagang impormasyon na nakalahad dito. Sa liwanag ng mga kaalamang natamo mo mula sa
aralin, isakatuparan ang sumusunod na mga gawain.

1. Ang gawaing ito ay may kaugnayan sa paksang “Ang Panlahat na Gamit ng Wika ayon sa mga
Linggwista”. Hanapin lamang ang mga nakatagong salita sa loob ng kahon at pagkatapos ay igrupo
ang mga nahanap na termino o sagot batay sa tinuran ng tatlong linggwista na tinukoy sa aralin.
Guhitan o kulayan (i-highlight) ang iyong mga sagot nang sa gayon ay mabilis itong makita at maging
sistematiko ang gagawing pagwawawasto ng guro.
ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA

Ayon kay Michael Alexander K. Halliday (7)


1. Interaksyonal - nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyon sa kapwa.
Halimbawa: Pasalita: pormulasyong panlipunan (Magandang Umaga! Maligayang Kaarawan! Ang
pakikiramay ko.), pangungumusta at pagpapalitan ng biro
Pasulat: liham pangkaibigan
2. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat indibidwal.
Halimbawa: Pasalita: pag-uutos
Pasulat: liham pangangalakal (liham na humihiling o umoorder ng aytem)
3. Regulatori - kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Halimbawa: Pasalita: pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala
Pasulat: resipe, panuto sa pag-eenrol, karatula sa daan
4. Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Halimbawa: Pasalita: pagtatapat ng damdamin sa isang tao gaya ng pag-ibig
Pasulat: editoryal, liham sa patnugot
5. Imahinatibo - nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa: Pasalita: pagsasalaysay, paglalarawan
Pasulat: akdang pampanitikan gaya ng tula, maikling kwento, nobela, atbp.
6. Heuristiko - naghahanap o nagsasaliksik ng impormasyon o datos na magpapayaman ng kaalaman.
Halimbawa: Pasalita: pagtatanong, pananaliksik o pakikipanayam
Pasulat: sarbey
7. Representasyonal - nagbibigay ng impormasyon.
Halimbawa: pagtuturo, pag-uulat sa telebisyon at sa loob ng klase

Ayon kay Roman Jakobson (6)


1. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) - ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang
sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maparating ang mensahe at impormasyon sa mga mag-aaral.
Halimbawa: Si Jose na kumukuha ng mga importanteng impormasyon para sa kanilang pag-uulat bukas.
2. Panghihikayat o Paghikayat (Conative) - ginagamit sa paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng
mga pag-uutos o pakiusap.
Halimbawa: Isang bata na nanghihikayat ng mga tao na bumili ng kanyang produkto.
3. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) - ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin, at emosyon.
Halimbawa: Isang babae na nagpapahayag ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagpasasalamat.
Paghanga: Woah! Napakagaling!
Pagkagulat: Ayy! Ganun pala!
Takot: Hwah!
Pag-asa: Sana! Mangyari sana!
Inis/Galit: Hayst! Nakakainis!
4. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (Phatic) - ginagamit sa pakikipagkapwa-tao o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa: Isang baguhan na nagpapakilala sa kanyang magiging kaklase.
5. Paggamit ng Kuro-Kuro (Metalingual) - ginagamit ang wika sa pamamagitan ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
Halimbawa: Dalawang magkaibang organisasyon na nagbabangayan kung ano ang mas magandang paraan para
makamit ang layunin.
6. Patalinhaga (Poetic) - ginagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay
at iba pa.
Halimbawa: Isang babae na gumagawa ng sulat para maipahayag ang kanyang damdamin sa lalaking matagal na niyang
gusto.
Ayon kay William Peter Robinson (6)

1. Estetiko - paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan.


2. Ludic - pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan, pagsubok sa mga posibilidad ng wika
habang natututuhan ito, at pagbibiro.

3. Pag-alalay sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao - paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin ang
pagkikita (nangyayari kapag ang dalawa o higit pang tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati), wika
bilang kagandahang-asal (kumusta ka?), pagbati, pasasalamat, at pagpapahayag ng kalungkutan o pakikiramay.
4. Pag-alalay sa iba - paggamit ng wika upang alalayan o impluwensyahan ang kilos o damdamin ng iba.
5. Pag-alalay sa sarili - kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa Sarili” nang tahimik o mag-isa, pagpaparating sa
iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon o pangangatwiran, at pagpapaliwanag.
6. Pagpapahayag ng Sarili - pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin - tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam,
paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin; di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog ng tinig (voice
quality).

2. Magsaliksik o maghanap ng mga artikulo sa iba’t ibang pook-sapot o kaya nama’y manood ng mga
video na naitampok sa telebisyon at/o youtube na may kaugnayan sa epektong dulot ng pagbulusok
ng globalisayon sa pag-unlad o paglaho ng wika at ekonomiya ng ating bansa. I-print screen lamang
ang artikulo o video at ipaskil sa bahaging ito, o kaya nama’y sumulat ng maikling buod hinggil sa
video na iyong napanood at ilakip dito. Huwag kalimutang sipiin ang mga link na pinaghanguan ng
bawat artikulo at video. Ang kabuuang bilang ng aytem na kinakailangan para sa gawaing ito ay lima
(5).
1. Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon | Dr. Crisanta Flores -
YouTube

Ayon sa bidyo ang globalisasyon ay hindi na bago sa mga Pilipino dahil noon pa man ay mayroon ng
nagaganap na pakikipag-ugnayan sa ibang mga kalapit na bansa ang mga pilipino tulad na lamang ng
pakikipag barter ng mga pinoy sa mga tsino at iba pang mga lahi. Bunga nito ay ang pagkatuto ng mga
pinoy ng iba't-ibang lengwahe na ginagamit nila sa pakikipagkalakalan. Dahil din sa pakikipagkalakalan
nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na magtungo sa ibang bansa tulad ng mexico na dala-dala
ang ating kultura at wika kaya naman nagkaroon doon ng distrito na tinatawag na Filipinas Disctrict at
mga lugar na tinatawag na maganda at maligaya.

2. Malilit na bansa gaya ng Pilipinas, tila napag-iiwanan dahil sa globalization, ayon kay PDu30 -
YouTube

Ayon kay Pangulong Duterte napag-iiwanan ang maliliit na bansa gaya ng Pilipinas dahil sa
Globalisasyon. Ayon din sa kanya hindi palaging mabuti ang dulot nito lalo na sa mga bansa na kagaya ng
Pilipinas dahil ang malalaking bansa o mayayamang bansa lamang ang nakikinabang o lalong umuunlad
kumpara sa maliliit na bansa kung kaya iminungkahi nya na dapat magtulungan ang ASEAN lalo na dapat
tulungan ang mga maliliit na negosyo at negosyante na paunlarin ang mga ito.
3. Paggamit ng wikang Filipino, nakasaad sa iba't ibang kautusan at batas, pero tila hindi
nasusunod - YouTube

Isa sa negatibong dulot ng globalisasyon ay ipinapakita sa bidyo na ito. Dahil sa globalisasyon ay tila
nakakalimutan na gamitin ang sariling wika maski na sa mga bagay na dapat ay nakasalin sa wikang
Filipino, ang nasa bidyo ay tungkol sa paggamit ng ingles sa halos lahat ng opisyal na komunikasyon, na
dapat ay nasa wikang Filipino dahil may mga batas tayo na dapat sariling wika ang gagamitin sa mga
ganitong uri ng komunikasyon. Marahil ang dahilan ng bagay na ito ay ang internalisasyon at ang
pagiging moderno ng halos lahat ng bagay sa Pilipinas, mayroon ding mga ibang lahi na nasa Pilipinas
ngunit hindi ba dapat ay sila ang makibagay ay mag aral ng ating wika at kultura?

4. Brigada: Ano ang epekto ng pag-alis ng Filipino at Panitikan sa college curriculum? - YouTube

Sa aking palagay ang isyung ito ay konektado rin sa globalisasyon sapagkat ang pagkakaroon ng senior
high ay sinunod lamang din sa ibang bansa kung kaya naisipan nil ana alisin ang pagtuturo ng wikang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Marahil ay may maganda itong dulot ngunit ang negatibong epekto nito
ay mawawalan ng trabaho ang maraming mga guro at yaong mga hindi pa ganon kahusay sa ating wika
ay lubos na mahihirapan din.

5. Can Filipinos Speak Their Own Language? (Tagalog Challenge) | ASIAN BOSS - YouTube

Makikita sa bidyo na ito ang mga kapwa nating Pilipino na hindi ganon katatas magsalita ng Tagalog ang
kanilang wika ay normal na nahahaluan ng salitang ingles at karamihan ay hindi kayang magsalita ng
diretsong tagalog lamang. Kung sa positibong bahagi titignan maganda ang pagiging bilingual ngunit
nakakalungkot din isipin na kung alin pa ang pambansang wika ay ayun pa ang nakakalimutan at
napapalitan ng mga modernong salita.
Panuto: Gumuhit o lumikha ng isang (1) poster ukol sa iyong natutuhan mula sa tinalakay na aralin.
Para magabayan ka sa pagsasakatuparan ng gawaing ito, sundin at isakatuparan ang sumusunod na
mga hakbang.

Ang Wikang Filipino at ang Isyu ng Globalisasyon

You might also like