You are on page 1of 6

BATAYAN SA PAGKATUTO 2

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Butil ng Karunungan

“ Wikang Filipino:Wikang Panlahat para sa matatag na Lipunang Pilipino”

_ Anonymous_

Inaasahang Pagkatuto
Sa katapusan ng aralin na ito, kayo ay inaasahang:
A. Natatalakay at natutukoy ang tumgkulin ng wika.
B. Napapahalagahan ang mga inilahad na mga tungkulin ng wika.
C. Nakakabuo at nakakapagbahagi ng sariling pagninilay-nilay
tungkol sa inilahad na aralin.

TALAKAYIN NATIN TO!

ARALIN 2: TUNGKULIN NG WIKA

Ayon kay Halliday (1973) na inilahad niya saExplorations in the


Functions of Language (1973).
Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na
ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang
komunikasyon.Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-
akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.

1. Pang-instrumental
Tungkulin ng wika na matugunan ang mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-usap sa iba lalo na kung may mga katanungan na
kailangan sagutin.
Halimbawa:
 Pasalita:pag-uutos
 Pasulat:liham pang-aplay
2. Panregulatori
Tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao. Saklaw ng
tungkuling ito ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo kung saan
matatagpuan ang isang partikular na lugar, direksyon sa pag-inom ng
gamot, direksyon sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng
anumang bagay.
Halimbawa:
 Pasalita:pagbibigay ng direksyon
 Pasulat:panuto

3. Pang-interaksyon
Ang tungkuling ito ay makikita sa paraan ng pakikipagtalakayan ng
tao sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pakikipagtalo tungkol sa isang
partikular na isyu, pagsasalaysay ng malungkot o masayang pangyayari sa
isang kaibigan o kapalagayang loob, paggawa ng liham pangkaibigan at iba
pa.
Halimbawa:
 Pasalita:pangangamusta
 Pasulat:liham pang-kaibigan

4. Pampersonal
Naipapahayag sa tungkuling ito ang sariling pala-palagay o kuru-
kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasamadito ang pagsulat ng talaarawan o
journal. Dito naipahahayag ang pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan.
Halimbawa:
 Pasalita:pormal o di-pormal na talakayan
 Pasulat:liham sa patnugot

5. Pang-imahinasyon
Tumutukoy ito sa malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang
pasulat o pasalita. Karaniwang mababasa ang imahinasyong nilikha ng
isang tao sa mga akdang pampanitikan gaya ng tula, maikling kwento, dula,
nobela at sanaysay.
Halimbawa:
 Pasalita:malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
 Pasulat:mga akdang pampanitikan

6. Pangheuristiko
Tumutukoy sa pagkuha o paghanap ng impormasyon na may kinalaman
sa paksang pinag-aaralan.
Halimbawa:
 Pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong na
kailangan sa paksang pinag-aaralan, pakikinig sa radyo, panonood
sa telebisyon, pagbabasa ng pahayagan at mga aklat. Nakakakuha
tayo ng mga impormasyon sa mga nabanggit na sanggunian.
 Pasalita:pagtatanong
 Pasulat:survey

7. Pang-impormatibo
-ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraan
pasulat at pasalita. Kabilang sa bahaging ito ang ulat, pamanahong papel,
tesis, panayam at pagtuturo.
Halimbawa:
 Pasalita:pag-uulat
 Pasulat:balita sa pahayagan

Iba Pang Tungkulin ng Wika


 Sa pamamagitan ng wika ang tao ay makabuluhang makapamuhay
sa lipunan.
 Nakikilala ang tao sa wikang kanyang sinasalita dahil ang wika ay
bahagi ng pagkatao.
 Ang wika ay kasangkapan sa pakikipag-ugnyang pandaigdig.
 Sa wika, inilalahad at ipinakikilala ng pangkat ang sariling identidad
na nagiging daan ng pagkakaisa, katatagan, pagpapahalaga at
pagmamalasakit ng bawat kasapi ng pangkat o grupo na kinaaniban
nito.

Bakit mahalaga
na malamn at
maisaisip ang
tungkulin ng
wika?
SUBUKIN NATIN!

Gawain : Pagtukoy.

PANUTO: Tukuyin kung anong tungkulin ng wika ang tinutukoy sa bawat


bilang.

1.Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraan pasulat


at pasalita.
2. Tumutukoy sa pagkuha o paghanap ng impormasyon na may
kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
3. Tumutukoy ito sa malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasulat
o pasalita.
4. .Naipapahayag sa tungkuling ito ang sariling pala-palagay o kuru-kuro

sa paksang pinag-uusapan.
5. Ang tungkuling ito ay makikita sa paraan ng pakikipagtalakayan ng tao
sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pakikipagtalo tungkol sa isang
partikular na isyu, pagsasalaysay ng malungkot o masayang pangyayari
sa isang kaibigan o kapalagayang loob, paggawa ng liham pangkaibigan
at iba pa.
6. Tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
7. Tungkulin nito na matugunan ang mga pangangailangan ng tao gaya
ng pakikipag-usap sa iba lalo na kung may mga katanungan na kailangan
sagutin.
GAWAIN:
Pagsubok sa kaalaman!

Panuto: Sa mga nabanggit na tungkulin ng wika magbigay ng apat


lamang at ang halimb awa nito. Kopyahin at isulat ang sagot sa
isang buong papel.

TUNGKUL
IN NG
WIKA

GAWAIN:

Pagbigay halimbawa!

Panuto: Bigyang halimbawa ang bawat nakatala na pitong (7) tungkulin ng wika.

1. Paninstrumental
2. Panregulatori
3. Pang-interaksyon
4. Pampersonal
5. Pang-imahinasyon
6. Pangheuristiko
7. Pang-impormatibo
GAWAIN:

Paglikha at pagbahagi ng sariling pag nilay-nilay!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Matapos mabasa ang nakatalang mga tungkulin ng wika kasabay ang katuturan at mga
halimbawa nito. Sa iyong palagay at sariling pagninilay-nilay, anong mahahalagang kaalaman ang
naidulot nito sa iyo bilang isang estudyante?
2. Maliban sa mga nabanggit na tungkulin ng wika kung ikay mabbigyan ng pagkakataong
makapagbahagi ng sariling pagbibigay ng isa pang bkaragdagang tungkulin ng wika ano iyon?
Ipaliwanag.

You might also like