Professional Documents
Culture Documents
Panimula
Napakaraming kahulugan ng salitang komunikasyon. Isa itong akto ng
pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Isa
itong proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. Maliwanag na sa bawat sitwasyon ng
pakikipagtalastasan ay may tagapaghatid ng mensahe at may tagatanggap.
Sa paksang ito ay tatalakayin ang mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
konteksto ng Pilipinas.
Layunin
Lunsaran
Panoorin ang video ni Pope Francis sa TED Talk sa link na ito:
https://www.ted.com/talks/his_holiness_pope_francis_why_the_only_future_worth_
building_includes_everyone?language=en na tumatalakay sa kahalagahan ng
pagkakaisa upang makamit ang isang makabuluhang kinabukasan. Suriin at pagnilayan
ang ginagampanang tungkulin ng komunikasyon namay pokus sa pag-unawa, sa
pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, at pagpapaunlad ng ugnayan ng mga tao,
komunidad at bansa. Bigyang-pansin din ang gamit ng komunikasyon upang mabisang
makapagpahayag ng mahahalagang mensaheng may kakayahang magtulak sa mga tao na
kumilos para sa ikabubuti ng lahat. Sipatin din ang tungkulin ng midya at teknolohiya sa
pagpapalaganap ng mensahe sa ika-21 siglo. Maaari ding basahin ang transkrip sa link na
ito: https://www.newwaysministry.org/2017/04/29/pope-francis-the-only-future-worth-
building-includes-everyone
Nilalaman
Sa unang larawan, ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano
niya ipinahatid ang mensaheng ito? Sa ikalawang larawan, ano naman ang nais ipagawa
ng traffic enforcer sa motorista? Paano niya ipinahatid ang mensaheng ito? Sa aling
larawan may nangyayaring komunikasyon? Ipaliwanag ang sagot.
Larawan 1 Larawan 2
Noong 2013, nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Batas
Pambansa Bilang 10361 o mas kilala sa tawag na Kasamahay Law, na naglalayong
bigyang-proteksyon ang mga kasambahay. Kapansin-pansin na habang dinidinig ang
dating mungkahing batas sa Kongreso at Senado, malimit na laman ng balita sa radyo at
telebisyon ang mga pang-aabuso sa mga kasambahay - mula sa kawalan ng benepisyo at
mababang pasahod, hanggang sa pisikal, berbal, at emosyonal na pananakit ng mga amo.
Dahil dito, naging madali ang pagtanggap sa mungkahi at bumuhos ang simpaiiya ng
mga mamamayan sa may-akda ng nasabing batas.
Ngunit iba naman ang naging kaso noong 2013 nang tamaan ng napakalakas na
bagyo na pinangalanang Yolanda ang tacloban City, Leyte. Umabot sa 6,000 katao ang
tinatayang namatay, halos 2,000 ang patuloy na nawawala, at mahigit 28,000 ang sugatan
sa pananalasa ng nasabing bagyo (NOAH-UP). Bagama’t maagang nagpalabas ng mga
babala ang lokal na gobyerno at maging ang national government, hindi masyadong
naging matagumpay ang mga tao dahil umano sa hindi malinaw na pagpapaliwanag ng
kahulugan ng terminong storm surge. Sa madaling salita, hindi sapat ang komunikasyon;
mahalaga rin na isaalang-alang ang paraan kung paano ipinahahatid ang mensahe. Malaki
rin ang ginampanang tungkulin ng komunikasyon bilang tagapaghasik ng binhi ng
kultura. Bilang halimbawa ng komunikasyon, pinagtibay ng mga komersyal ang pag-iisip
ng mga Pilipino na mas maganda ang maputi kaysa tangkilikin ang pagkakayumanggi. At
dahil na rin sa lumalawig na access ng mga tao sa social media, na mabisang platform ng
komunikasyon, naging mas mabilis nang maipalaganap ang iba’t ibang kultura. Sa
katunayan, maraming kabataang Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa KPop at iba pang
aspekto ng kulturang Koreano dahil sa kanilang matinding exposure dito.
Mga Gawain
Lunsaran
Pag-uusapan ng guro at mag-aaral ang sitwasyon na nakatala sa ibaba.
Nilalaman
Intrapersonal na Komunikasyon
Bagama’t madalas na bigyang-kahulugan ang komunikasyon bilang pagpapalitan
ng mensahe sa pagitan ng dalawang tao, itinuturing ding halimbawa ng komunikasyon
ang intrapersonal na komunikasyon o pakikipag-ugnayan sa sarili sa pamamagitan ng
replektibong pag-iisip o internal vocalization (Dance & Larson, 1972). Ito’y isang
kognitibong proseso sa loob ng ating sarili - isang diyalogo o kumbersasyon na patuloy
na nagaganap sa ating sarili. Ito ang uri ng komunikasyon na nagaganap sa loob lamang
ng isipan ng isang tao, na nagdidkta ng kaniyang magiging tugon sa mga pangyayari sa
paligid. Pansarili ang ating komunikasyon dahil may mga ideya at
damdamin tayong pinagninilay-nilayan. Isang halimbawa ng
intrapersonal na komunikasyon ay ang pagpapasiya kung anong
reaksyon ang ipakikita ng isang tagapagsalita - maiinis at
mananatiling walang tinag - matapos kuwestiyunin ng mga kalahok
ang kaniyang datos na ipinahayag sa isang plenaryong
pagpupulong. Sa mas personal na antas, ginagamit ginagamit din
ang intrapersonal na komunikasyon upang kumbisihin ang sarili na
mas pagtuunan ng pansin ang mas magagandang pangyayari sa
buhay nang sa gayo’y lalong ganahan na magpatuloy. Mahalagang
matutuhan ang intrapersonal na komunikasyon upang lalong
maging malalim at epektibo ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
Interpersonal na Komunikasyon
Nagaganap naman ang interpersonal na komunikasyon sa pagitan ng dalawa o
higit pang tao o pangkat. Ginagamit ang ganitong uri ng komunikasyon upang bumuo,
magpanatili, at maging tumapos ng ng ugnayan. Upang
matamo ang mataas na kalidad sa pagtatrabaho at
pagtatagumpay sa operasyon ng isang tanggapan, ang
interpersonal na komunikasyon ay isang
napakahalagang kasangkapan. Madalas makikita ang
ganitong uri ng komunikasyon sa pagitan ng mag-
asawa, dalawang miyembro ng pamilya, magkaibigan,
amo at empleyado, at iba pa. Ilan pa sa mga halimbawa
ang interaksyon sa pagitan ng fitness coach at trainee,
duktot at kaniyang pasyente, at consultant at isang
opisyal ng gobyerno. At dahil ito ang pundasyon sa
matagumpay na miting, paglutas ng suliranin, resolusyon ng mga isyu, paghawak ng mga
tunggalian o di-pagkakaunawaan, interaksyon ng suplayer at kustomer, at ang pang-araw-
araw na ugnayan sa loob ng kumpanya o pangkat, kritikal ang epektibong komunikasyon.
Upang maging lubusang epektibo, nangangailangan din ito ng mataas na antas ng
kakayahan sa pakikinig at conflict management (Jones, 2008).
Pangkatang Komunikasyon
Itinuturing namang pangkatang komunikasyon ang
ugnayan sa pagitan tatlo o mahigit pang tao na
nagkakatipon-tipon sa isang layunin. Maaaring maganap
ang ganitong uri ng komunikasyon sa personal at maging sa
iba pang platform (gaya ng group chat sa social media at
video conferencing) katulad din ng iba pang uri ng
komunikasyon. Madalas na nagaganap ang pangkatang
komunikasyon sa mga mag-aaral bilang bahagi ng pagtupad
sa mga kahingian ng asignatura gaya ng kolaboratibong
pananaliksik na nangangailangan ng pagtalakay at
pagpapasiya. Kabilang din dito ang pagpupulong sa
barangay o sa munisipyo na naglalayong lutasin ang isang
suliranin (gaya ng trapiko), na sinisimulan sa pagbibigay ng
mungkahi at pagtatalaga ng mga taong gaganap sa mga
tiyak na gawain.
Pampublikong Komunikasyon
Pinakakinatatakutang uri naman ang pampublikong komunikasyon. Mas
nakapokus ito sa mensahero o sa tagapagdala ng mensahe kaysa tagatanggap (na malilit
at mahigit sa apat). Ito rin ang pinakamalayunin sa lahat ng.uri ng komunikasyon at
madalas itong pormal. Sapagkat ginagamit ito sa akademiya, sa trabaho, maging sa
sibika, mahirap iwasan ang paraang ito ng
pakikipag-ugnay. Ilan sa mga halimbawa
para sa ganitong uri ng komunikasyon ang
pagbigkas ng talumpati sa harap ng klase
bilang performance task o kaya naman ay sa
isang patimpalak, pangangampanya para sa
isang bagong proyekto sa inyong barangay, at
marami pang iba. Dahil sa bilang ng ng mga
kalahok nito, mainam itong paraan ng
pagpapalaganap ng kaalaman at
impormasyon. Mas marami ang hindi sanay
makipag-ugnayan gamit ang modang ito
sapagkat nangangailangan ng masusing
paghahanda at tiyak na antas ng kahusayan upang magtagumpay at hindi laitin ng mga
tagapakinig.
Pangmadlang Komunikasyon
Tinatawag namang pangmadlang komunikasyon ang paghahatid ng mensahe sa
mas malawak na awdyens sa lalong madaling
pamamaran at gumagamit ng mass media (telebisyon,
radyo, magasin, limbagan, rekording, pelikula,
adbertaysing, public relations, at iba pang
teknolohiya. Dito, ang publiko ay may pagkakataong
maglimi sa mga napakikinggang balita, komentaryo,
pananaw ng nagbabalita o brodkaster. Kinukuro ng
tagapakinig kung may katotohanan ang binanggit o
ibinalita ng tagapagpahayag. Nalalantad at
nabubuksan ang mga bagay na maaaring
makonsumo, mapakinabangan o mabatid ito may ay
sabjek ng batikos, puna, kritisismo ng tagapakinig o
publiko na maaaring tanggapin o hindi ng
tagapakinig.
Pangkatang Komunikasyon
Karaniwan ang bilang ng mga kalahok sa isang roundtable ay medyo maliit - 10-
12 mga tao lamang. Gayunpaman, ang mas malaking na bilang ay mapamamahalaan
kung ang mga kalahok ay nahahati sa mas maliliit na grupo, tulad ng nakikita sa Halton
Citizens' Reference Panel na nagsasangkot ng mahigit sa 50 mga miyembro ng publiko,
nahati sa mga grupo ng pito o walo.
Ang isang paksa para sa isang roundtable ay karaniwang natutukoy nang maaga.
Ang pagpili ng paksa at saklaw ay maaaring nakalilito kaya dapat itong matukoy nang
malinaw, subalit pahintulutan ang pagkakataon para sa bukas at likas na talakayan - kung
hindi man ang pag-uusap ay maaaring matuyo sa panahon ng talakayan. Iminumungkahi
ng ilang mga alituntunin ang maagang pagbuo ng isang agenda, ang paghahati ng paksa
sa mas maliit na mga lugar para sa isang mas istrukturadong talakayan, o nakatuon sa
mga tiyak na layunin tulad ng sa San Francisco Urban-Rural Roundtable.
Sa isang probe, ang Six Thinking Hats ni De Bono (1985), ang maliit na
pagpupulong na naglalayong magbigay ng solusyon ay maaaring gamitin. Ang
istratehiyang ito ay nagtatakda ng tiyak na tungkulin sa mga kabahagi ng gawain depende
sa smbrerong kanilang isinusuot upang mas maging maayos ang talakayan. Ang bawat
sombrero ay tumutukoy sa tungkulin ng may suot: puti ang nagbabahagi ng mga
impormasyon (facts) tungkol sa paksang tinatalakay; dilaw angnakapokus sa positibong
epekto ng mungkahi; itim ang nakapokus sa pagpapalutang ng mga panganib na dulot ng
mungkahi; pula ang nagpapahiwatig ng pakiramdam, bagama’t walang lohikal na
paliwanag tungkol sa mungkahi; berde ang nakapokus sa pagbibigay ng alternatibo at
bagong ideya; at asul ang tagapagdaloy ng pagpupulong. Mainam itong istratehiya upang
maging mas targeted ang mga tugon na nais makalap mula sa mga kalahok.
Pampublikong Komunikasyon
Lektyur at Seminar
Ang lektyur at seminar ay dalawa sa pinakagamit na termino ng mga tagapag-
ayos ng pagsasanay. Nakatuon ang mga ito sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok,
kadalasang 20 hanggang 70, na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na
paksa. Malimit itong inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga
nakikibahagi, at nagtatagal mula isang buong maghapon hanggang pitong araw, depende
sa layunin ng pagsasanay. Ang mga pagsasanay sa makabagong pamamaraan ng
pagtuturo sa silid-aralan, mga mandatory seminars sa mga bagong luklok na opisyal ng
barangay, pagsasanay sa mga bagong pamamaraan ng birth control na isinasagawa sa
mga barangay, at iba pa, ay ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar.
Ang lektyur at seminar ay mabibisang platform para ipakilala ang mga bagong
kaalaman, paraan upang i-update ang dati nang nalalaman ng mga prospektibong
kalahok. Iminumungkahi na magkaroon ng pagtataya sa pagtatapos ng gawain upang
matiyak kung natamo ang layunin ng lektyur at seminar. Hindi naman iminumungkahi
ang balangkas na ito kung may inaasahang bagong output mula sa mga dadalo.
Ang worksyap ay mainam gamitin subalit hindi limitado sa: (1) pagsisimula ng
isang bagay. Ang worksyap ay mainam gamitin bilang paraan ng pagtuturo sa isang
metodo o pamamaraan na bago pa lamang para sa nakararami. Nang ipakilala ang
sistemang K to 12 sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas kasabay ding umusbong ang
mga bagong asignaturang mainam ituro ng eksperto sa larangan. Bilang paghahanda, ang
mga dalubguro na magtuturo ng mga bagong asignatura ay sumailalim muna sa
pagsasanay at worksyap bago kinaharap ang aktwal na pagtuturo; (2) inisyal na
pagsasanay para sa mga staff o volunteer. Ang pamamaraan ito ay maganda upang
maipakilala sa epektibong pamamaraan ang mga pilosopiya, metodo, at tungkulin ng
iyong organisasyon bago sila pormal na makapasok sa nasabing organisasyon. Ang
pagbibigay ng worksyap sa bahaging ito ay pagbibigay din ng pagkakataon sa staff o
volunterer na pag-isipang mabuti kung handa ba siyang maging bahagi ng pinag-
uusapang organisasyon o samahan; (3) in-service. Sa pamamagitan ng worksyap ay
nababalika ng mga kalahok ang mga kasanayang kailangan pa ng ibayong rebyu at
pagsasanay; at (4) demonstrasyon o pakitang-turo ng bagong konsepto.
Kasama rin sa proseso ng pagbuo ng worksayap ang plano kung paano ang
implementasyon ng buong paghahanda. May mga pagkakataong naiiba ang aktwal na
implementasyon ng plano kung ihahambing sa orihinal na plano dahil sa mga
pangyayaring hindi inaasahan. Ang personalidad at karanasan ng tagapagsalita ay mga
salik na mahalaga upang solusyunan ang isyu na maaaring lumabas o lumutang sa
partikular na sitwasyon. May ilang gabay na maaaring makatulong sa implementasyon ng
plano katulad ng maayos na pangangasiwa o facilitation ng worksyap. Ang
pangangasiwa ay higit na makabubuting gamitin sa worksyap sa halip na magturo.
Tinatawag na worksyap ang worksyap sapagkat ang bawat kalahok ay bibigyan ng
pagkakataong gumawa ng awtput sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagsalita.
Pagkakaroon ng konsistensi ng presentasyon at paksa ng worksyap. Hindi dapat lumayo
ang dalawang mahahalagang salik na ito sa isa’t isa. Direktang pagsangkot sa mga
kalahok. Tungkulin ng tagapangasiwa na gawing aktibo ang mga kalahok sa gawaing ito
sa pamamagitan ng maayos na disenyo ng worksyap at implementasyon nito. Ang huli ay
ang paglalagay ng baryasyon sa mga nakahanay na gawain para sa worksyap.
Pangmadlang Komunikasyon
Programa sa Radyo at Telebisyon
Bagama’t dahan-dahan nang pinapalitan ng social media platforms, itinuturing pa
ring mas mapagkakatiwalaang batis ng impormasyon ang radyo at telebisyon.
Pinatutunayan ito ng nananatiling pagpapataasan ng ratings ng dalawang nangungunang
networks - ang ABS-CBN at GMA7. Mayaman ang kasaysayan ng radyo, telebisyon, at
maging mga diyaryo ang ilan sa mga nangungunang kumondena sa diktaturyang Marcos
noong 1972. Isa-isang ipinasara at inatake ang mga istasyon ng radyo at telebisyon upang
supilin ang mga naghahayag ng katotohanan hinggil sa Batas Militar. Naging malaki ang
naiambag ng radyo at telebisyon sa paghubog ng kaisipan ng madla patungkol sa
maraming bagay. Nakapag-amabag din ito sa pagtataguyod ng kultura sa pamamagitan
ng musika at pagpapalitan ng mga kuro-kuro sa pagitan ng tagapanayam at mga eksperto
na iniimbitahan sa kanilang palatuntunan.
Video Conferencing
Naging mas progresibo ang teknolohiya, dahil sa globalisasyon, na nagbunga ng
iba’t ibang paraan upang makipag-ugnayan. Isa na rito ang video conferencing o
interaksyon sa pagitan ng dalawa o mahigit pang tao na nasa magkaibang lokasyon, sa
pamamagitan ng pagtatawagan na may kasamang video. Nangangailangan ito ng Internet
connection at computer, o di kaya’y tablet o smartphone. Epektibong midyum ito lalo na
para sa mga kumpanyang may mga satellite sa ibang bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng
mga kumpanya o maging ng mga kinatawan ng mga bansa upang magdaos ng mga
pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras, at iba pang pinagkukunan. Naging
daluyan na rin ng mga pagsasanay ang modang ito ng komunikasyon, partikular sa mga
open universities. Pinadadali nito ang dating mas mahirap na proseso ng pagkamit ng
digri o sertipiko sa mga programa. Malimit din itong ginagamit ng mga pamilyang may
kamag-anak sa ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang may OFW na tinatayang nasa 2.3
milyon na noong 2017 (Philippines Statistics Authority).
Parami rin nang parami ang mga taong gumagamit ng mga nasabing social media
sites “A profile of Internet users in the Philippines.” Sa katunayan, ayon sa Rappler, sa
taong 2015, tinatayang 47 milyong Pilipino ang aktibo sa Facebook pa lamang. Ayon sa
parehong ulat, itinuturing na pundamental na pangangailangan ng mga Pilipino ang
pagiging online. Ilan sa mga kapansin-pansing pamamaraan ng paggamit sa Facebook ay
propaganda o pagpapalaganap ng kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng pagpapabango
sa pangalan ng isang kandidato, pagsusulong ng interes ng nakararami sa pamamagitan
ng adbokasiya, pakikipagkaibigan, pagbuo ng mga grupo upang mas mapabilis ang
palitan ng impormasyon, panliligaw, pagbebenta ng produkto, at iba pa.
Bukod pa sa mga nabanggit, nauuso rin ngayon ang mga dating application gaya
ng Tinder ant Grinder. Ang Tinder ay isang platform na nag-uugnay sa mga taong nais
makikilala ng ibang taong maaari nilang maka-date o maging kasintahan. Malimit itong
ginagamit ng mga straight o heterosexulas, dahil ang mga homosexual naman ay mas
pinipili ang Grinder. Ipinakikita ng app na ito ang mga miyembro na malapit sa iyong
lokasyon. Binibigyan ka nila ng pagkakataong ipakita ang iyong interes sa ibang
miyembro sa pamamagitan ng pag-swipe pakanan, at kawalan naman ng interes sa
pamamagitan ng pag-swipe pakaliwa. Mayroon din itong feature na gaya ng sa Facebook
at iba na magagamit upang makapagpadala ng mensahe sa iba.
Isinabatas bunsod ng mga nabanggit at ang iba pang mali at abusadong paggamit
sa social media ang Republic Act 10175 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Law of
2012. Naglalayon itong hadalangan at patawan ng kaso ang mga nais gumawa ng krimen
sa Internet. Patuloy rin ang ginagawang pagtuturo ng literasi sa midya sa mga paaralan at
unibersidad sa Pilipinas bilang tugon sa hamon ng nagbabagong panahon. Sa katunayan,
bahagi ng kurikulum sa Senior Hig School ang Media and Information Literacy.
Ang Panayam ay pormal na pakikipag-usap ng isang tao sa iba pang tao upang
makakuha ng mga kinakilangang impormasyon para sa ispesipikong layunin katulad ng
pangangalap ng balita at paghahanap ng posibleng empleyado sa isang kumpanya.
Mainam na gumamit ng interview protocol o talaan ng mga tanong na maaaring ipukol sa
isang indibidwal upang makakuha ng kinakailangan impormasyon.
Ang mga katanungan ay maaari ding bukas na malawak ang sakop sa punto na
higit nitong binibigyan ng kalayaan ang bawat isa na tumugon sa tiyak na impormasyon,
opinyon, at nararamdaman, at sarado kung ang dapat tumugon ay walang opsyon liban
sa oo o hindi na mga kasagutan.
Gawain 2:
Gumawa ng video ng pag-uulat tungkol sa isang napapanahong isyu. Ipasa ang
video sa google classroom.
Mga Sanggunian
Internet Sources
Bridgeman, P.A. (2010) Round Table Discussion: An Effective Public Engagement
Strategy. Paper presented at North American Association of Christians in Social Work
Convention, Raleigh-Durham, NC, November 2010.
http://www.nacsw.org/Publications/Proceedings2010/BridgemanPRoundTable.pdf
Cocoate (2011) How to plan, organize, perform, evaluate and document roundtables.
Cocoate.com. Available at: https://cocoate.com/sites/cocoate.com/files/guide.pdf
Felt, U. & Fochler, M. (2010) Machineries for making publics: Inscribing and describing
publics in public engagement. Department of Social Studies of Science, University of
Vienna.
https://www.jstor.org/stable/41821524?seq=1#metadata_info_tab_contents
How to facilitate roundtable discussions 5 tips to create meaningful conversations
https://medium.com/@shannonkelly_80469/
"Pope Francis: The Only Future Worth Building Includes ...." 29 Apr. 2017,
https://www.newwaysministry.org/2017/04/29/pope-francis-the-only-future-worth-
building-includes-everyone/.
Mga Aklat
Austero, Cecilio S., et al. 2012.Komunikasyong sa akademikong Filipino. Sta. Mesa
Manila: Rajah Publishing House.